You are on page 1of 2

Panuto: Gumawa ng isang Reaksyong papel patungkol sa mga pagpapasyang naganap sa pamumuno

ni Macbeth at ang mga mahahalagang pangyayaring naganap dito. Siguraduhing hindi hihigit sa 500
salita at hindi bababa sa 100 salita ang iyong gagawing reaksyong papel.maging sensitibo sa iyong
gramatika..

Ang trahedyang kuwento, Macbeth, ay nag nagumpisa nung may dalawang heneral ng Scotland na
kakagaling lang sa digmaan na si Macbeth at Banquo. Ang pagdurusa nila ay nag umpisa nung makilala
nila ang tatlong manghuhula. Sinabi ng tatlong manghuhula na si Macbeth ang magiging hari, subalit
nasa lahi ni Banquo ang magiging tagapagmana ng korona.

Si Macbeth ay lubusang nagisip kung papaano sya magiging hari, kaya siya at ang asawa niya na si Lady
Macbeth ay nag-munakala na patayin ang pinuno na si Haring Duncan. Nakitil ang hari, tapos ang
naging hari naman si Macbeth katulad ng sabi ng tatlong manghuhula. Ang mga anak ng hari na si
Malcom at si Donalbain ay umalis ng kanilang kaharian sa takot. Si Malcom ay nagtungo sa England at
si Donalbain ay sa Ireland. Isa sa mga pinagkakatiwalaan ng hari na si Macduff ay nagkakalat ng
ditsong na si Macbeth at ang kanyang asawa ay ang pinaghihinalaan na pumatay kay Haring Duncan.

Nung malaman nito ni Macbeth ipinautos niya na patayin ang asawa ni Macduff na si Lady Macduff at
ang kanilang anak. Nung malaman nito ni Macduff siya’y nagtungo sa England para sabihin kay Malcom
na si Macbeth ang pumatay sa ama niya. Si Malcom ay naghiram ng sampung libong sandatahan para
ipalugso ang pamumuno ni Macbeth. Sa kabilang kamay, si Macbeth ay pinuntahan ang tatlong
manghuhula para malaman kung papaano nya iwasan ang pagkabigo nya. Sinabi nila sa kanya na di sya
mamatay pag ang tumok ng Birnam Wood ay wala sa harap ng kastilyo niya at wala rin makakapatay
sa kanya pag di iniluwal galing sa sinapupunan ng kanyang ina.

Subalit, ang hukbo ni Malcom ay nagdala ng sanga galing sa Birnam Wood. Ang suliranin ni Macbeth ay
wala nang solusyon, winalat ng hukbo ni Malcom ang kastilyo ni Macbeth. Si Macduff naman ay linaban
si Macbeth, subalit namatay si Macbeth dahil si Macduff ay pinanganak gamit ang paraan na tawag
Cesarean na kung saan binubuka ang pinaka sinapupunan ng babae para kunin ang bata. Si Malcom at
ang kanyang hukbo ay nagwagi at siya na ang naging bagong hari ng Scotland.

Mga gabay na tanong para sa reaksyong papel:

1.)Kung ikaw si Macbeth, magagawa mo bang isakripisyo ang iyong prinsipyo, kaibigan at pagkatao dahil
lamang sa dikta ng iyong asawa at ambisyon nito? Oo dahil kailangan mong maging matapang sa lahat
ng oras

2.)Ano para sa iyo ang mas matimbang, Prinsipyo at Paninindigan o Pangarap at Dignidad? PANGARAP,
PRINSIPYO, at DIGNIDAD

Karaniwang nasa tao, taglay ng bawat isa, pero gaano nga ba katatagan ang bawat isa sa atin na
panindigan ang mga ito.?

3.)Anong mga hakbang ang kailangan mong gawin upang maging isang dakilang pinuno? Ang isang
mabuting pinuno ay hindi lamang taong nag-uutos kung ano ang gagawin, kundi marunong ring
mamuno sa pamamagitan ng pag gawa para sa kanyang mga sinasakupan. Ang isang mabuting pinuno
ay nakapag bibigay ng gabay para sa ikabubuti ng kanilang mga tauhan.

You might also like