You are on page 1of 5

SUMMATIVE TEST

FILIPINO 10
Quarter 1, S.Y. 2021 – 2022

Pangalan: __________________________ Pangkat: ________________

Panuto: Basahing mabuti ang bawat katanungan. Piliin ang titik ng tamang
kasagutan.

1. Ang tawag sa isang akdang pampanitikang tumutukoy sa kalipunan ng mga mito


mula sa isang pangkat ng tao sa isang lugar na naglalahad ng kasaysayan ng
mga diyos-diyosan noong unang panahon na sinasamba, dinarakila at
pinipintakasi ng mga sinaunang tao.
a. Mitolohiya b. Parabula c. Pabula d. Sanaysay
2. Sa pangungusap na “Ipinagluto ni Ana ng paboritong ulam si bunso.” ang
salitang ipinagluto ay nagsisilbing kilos ng anong gamit ng pandiwa?
a. Tagaganap b. Layon o Gol c. Tagatanggap d. Kagamitan
3. Alin sa sumusunod na pangungusap ang hindi nagpapakita ng Pokus
Kagamitan/Instrumental?
a. Ipinantali niya ang lubid sa puno upang hindi matumba sa paparating na
bagyo.
b. Ipinanlatag niya ang banig upang may maisapin sa kanilang piknik.
c. Ikinatuwa ni Yael ang pagbili ng rosas para sa kaniyang kasintahan.
d. Ipinansulat ni Gail ang lapis na galing kay Lorie.
4. “Walang aliping maaaring maglingkod ng sabay sa dalawang panginoon,
sapagkat kamumuhian niya ang isa at iibigin ang ikalawa.” Ano ang ibig sabihin
ng pahayag na ito?
a. Walang taong may dalawang panginoon dahil nag-iisa lang ang Panginoon.
b. Ang taong naghahangad ng higit sa isang Panginoon ay hindi
mapagkakatiwalaan.
c. Bawat alipin dapat ay magtaglay ng dalawang Panginoon na iibigin at
kamumuhian niya.
d. Walang Panginoon na dapat paglingkuran ng sabay.
5. “At kung hindi kayo mapagkatiwalaan sa kayaman ng iba, sino ang magbibigay
sa inyo ng talagang para sa inyo?” Aling damdamin ang angkop sa pahayag.
a. Pagkagalit b. Panghihinayang c. Lungkot d. Pagtataka
6. Mula sa akdang “Ang Prinsipe” ni Nicolo Machiavelli, sinasabing ang prinsipe ay
ang pinuno o lider ng Italya. Ang katotohanan ay ang isang tao na nagnanais na
kumilos nang may kabutihan sa lahat ng paraan na kinakailangang dumating sa
kalungkutan sa napakaraming hindi mabubuti. Samakatuwid, kung ang isang
prinsipe ay nais na panatilihin ang kanyang pamamahala dapat siya maging
handa na hindi maging banal, at gamitin ito o hindi ayon sa pangangailangan.
Mula rito, alin kaya sa mga sumusunod na pahayag ang damdaming namutawi
sa akda?
a. Kalungkutan at desperasyon
b. Pagkamamamayan
c. Pagmamahal sa bayan
d. Pagpapakumbaba
7. Batay sa iyong pagkakaunawa sa akdang “Ang Prinsipe”, alin sa sumusunod
ang hindi ideya na binibigyang-tuon ng may-akda tungkol sa isang pinuno?
a. Ipinapakita nito ang pagiging soro at leon ng isang prinsipe
b. tinukoy ang isang mahusay na pinuno bilang mapagpakumbaba, moral at
matapat
c. kailangangang panatilihin ng isang prinsipe ang kanilang salita at mamuhay
ng may integridad at hindi nanlilinlang.
d. Maging mabuti sa kapwa.
8. Laganap sa mundo ang sakit kaya naman pinapaalalahanan ang lahat na
magpalakas at ingatan ang kalusugan. Ang may salungguhit ay:
a. Nagpapahayag ng kaugnayang lohikal
b. Pagdaragdag at pag-iisa-isa ng impormasyon
c. Nagpapahayag ng mensahe
d. Nagpapahayag ng aksyon
9. Ginawang walumpung kabang trigo mula sa isandaang trigo dahil sa katalinuhan
ng katiwala, pinuri ng amo ang tusong katiwala. Ang may salungguhit na pang-
ugnay ay:
a. Nagpapahayag ng kaugnayang lohikal
b. Pagdaragdag at pag-iisa-isa ng impormasyon
c. Nagpapahayag ng mensahe
d. Nagpapahayag ng saloobin
10. Ingatan at mahalin an gating kalikasan sapagkat unti-unti nang nauubos ang
mga likas na yaman. Ang pang-ugnay na ginamit ay:
a. ating b. sapagkat c. unti-unti d. ang mga
11. Ang “Epiko ni Gilgamesh” ay isang patunay ng wagas at tunay na
pagkakaibigan. Mula rito, ang paksa ng epiko ay mga _______________ ng
pangunahing tauhan sa kanyang paglalakbay at pakikidigma.
a. Kabayanihan b. Kapalaluan c. Kasawian d. Kayamanan
12. Naging kasa-kasama ni Gilgamesh si Enkido sa kaniyang pakikipaglaban. Una,
pinatay nila si Humbaba, ang nagbabanay sa kagubatan ng Cedar. Pangalawa,
pinatag ang kagubatan. Ang salitang may salungguhit ay nagpapakita ng:
a. Resulta b. Paglalahad c. Pagsusunod-sunod d. aksyon
13. Ang nobelang “Madame Bovary” ay isang nobela ni Gustave Flaubert, na ang
hitsura noong 1856 ay nagdulot ng isang iskandalo sa pamayanang
pampanitikan. Tulad ni Emma Bovary, si Madame Delamar ay nag-aksaya sa
pera at maraming mga pakikipag-ugnayan sa buhay. Hindi nagtagal, nagsimula
siyang magkaroon ng malaking utang at nagpakamatay. Si Eugene ay labis na
nagmamahal sa isang makasariling babae at hindi mabubuhay nang wala siya
kung kaya’t nagpakamatay din. Sa huli, itinaas ni Eugene ang kanyang nag-iisang
anak na babae sa kahirapan. Sa anong elemento ng nobela kabilang ang nasa
pahayag?
a. Pananaw b. Damdamin c. Tema d. simbolismo
Para sa bilang 14
Nagsilang ng kambal na lalaki, sina Romulus at Remus. Ang masamang tiyuhin
ay nainggit kung kaya’t pinatay niya sina Rhea at Mars. Inutusan niya ang isang
alipin upang patayin ang kamabal.
- Romulus at Remus
Mitolohiya ng Roma

Mula sa pahayag na nasa loob ng kahon, ibigay ang elemento ng mitolohiyang


nakapaloob dito.
a. Tunggalian b. Saglit na Kasiglahan c. Kasukdulan d. Kakalasan
Para sa bilang 15-17

Nang matuklasan ni Charles ang mga sulat ni Emma kina Leon at Rodolphe,
pinilit niya pa ring unawain at patawarin ang asawang namayapa. Pinili niyang
maging mapag-isa habang ang mga hindi nabentang ari-arian ay sinamsam ni
Lehurex upang maging kabayaran sa mga naging utang. Namatay si Charles at
naiwan ang kanilang anak na babae sa isang malayong kamag-anak.Sa
kanyang pagtanda ay naging trabahador siya sa pagawaan ng bulak.
- Madame Bovary
ni Gustave Flaubert

Ang pahayag na nasa itaas ay ang wakas ng nobela. Ipinakikita nito ang wagas na
pagmamahal ni Charles sa kaniyang asawa kahit ito’y nagkasala. Pinili niyang
patawarin at unawain ang kaniyang namayapang asawa. Sa bandang huli, nais
ipabatid ng manunulat ang pananaw sa loob ng akda. Anong panauhan nabibilang
ang akdang “Madame Bovary”?
a. Una b. Ikalawa c. Ikatlo d.
Ikaapat
16. Sa kabila ng trahedyang naganap, kinakitaan ba ng tunay na pag-ibig ang
nobela?
a. Oo, dahil pinilit unawain ni Charles ang kaniyang namayapang asawa.
b. Oo, dahil sa pag-ibig, kapag pumasok ito sa puso ay hahamakin ang lahat
masunod lamang ang minamahal
c. Hindi, dahil ang tunay na pagmamahal ay pagbibigayan.
d. Hindi, dahil sa huli, siya pa rin ang talo at naiwan.
17. Kung ikaw ang nasa kalagayan ni Charles, ano ang pinakamabuting dapat na
gawin kung malaman mong may lihim na relasyon ang iyong asawa?
a. Hahayaan ko na lamang siya at pipiliting maging masaya para sa kanila.
b. Aalamin ko ang dahilan ng pagtataksil ng aking asawa upang maayos ang
aming pagsasama.
c. Titiisin ko na lamang ito para sa aming anak.
d. Titiyakin ko na nasa mabuti siyang kalagayan bago ko siya palayain.
18. Kung ikaw ang tatanungin, ano ang katangian na dapat pinairal ng magkapatid na
Romulus at Remus?
a. Ang pagiging masunuring anak
b. Ang pagiging mabait na kapatid
c. Ang pagiging mabuting tao sa magulang
d. Ang pagiging mapagkumbaba at mapagpaubaya
19. “Ano ba itong naririnig ko tungkol sa iyo? Ihanda mo ang ulat ng iyong
pangangasiwa sapagkat tatanggalin na kita sa iyong tungkulin.” Anong damdamin
ang angkol sa pahayag upang masuri ang elemento nito.
a. Pagkaawa b. Pag-aalinlangan c. Pagmamalabis d.
Panghihinayang
20. Isa sa akdang tinalakay ay “Ang Prinsipe” ni Niccolo Machiavelli. Ipinahayag niya
rito ang ilang bagay na dapat taglayin ng isang mabuting lider ng bansa. At dahil
nalalapit na ang Halalan 2022 sa atin, bilang kabataan, mahalaga ang inyong
boses sa pamayanan. Kung ikaw ay bibigyan ng pagkakataon na bumoto, anong
katangian ang hindi mo nais mong makita sa susunod na lider ng ating bansa?
a. Isang lider na marunong rumespeto sa iba’t ibang paniniwalang panrelihiyon
sa mamamayang nasasakupan dahil mas magkakaroon ng kapayapaan kung
lahat ay marunong rumespeto sa paniniwala ng iba.
b. Isang lider na marunong tumupad ng mga pangakong kaniyang binibitiwan sa
kaniyang nasasakupan dahil ito ang isang daan upang magtagumpay ang
isang bayan.
c. Isang lider na may kakayahang magbigay ng solusyon at tumugon sa
kasalukyang mga isyu dahil maaaring gamitin ito sa panahon ng matinding
problema.
d. Isang lider na gagamitin ang buwis ng na natatanggap mula sa mamamayan
upang ipambayad sa mga pagkakautang ating bansa.

You might also like