You are on page 1of 6

Tuguegarao Archdiocesan School System

LYCEUM OF TUAO
Centro 02, Tuao, Cagayan, 3528
Email address: lyceumoftuao1965@yahoo.com.ph
FILIPINO 10
(YUNIT 2: PANITIKAN NG BANSANG KANLURANIN)
PANGALAN NG GURO: BB. JOANNE C. BIERZO
CP NO: 09752434091
PAMAGAT NG MODYUL: MGA URI NG DULANG PANTANGHALAN AT ANG ANYO NITO
BILANG NG MODYUL: 6 (DALAWANG LINGGO)

LAYUNIN:
Pagkatapos ng dalawang linggo, ang mga mag-aaral ay inaasahang:
a. Naihahayag ang mahalagang kaisipan sa nabasang akda
b. natutukoy ang mahahalagang detalye sa nabasa o napakinggang akda
c. naihahambing ang kultura ng bansang pinagmulan ng akda sa alinmang bansa sa
daigdig

MGA URI NG DULANG PANTANGHALAN AYON SA ANYO

Ang dula ayon kay Aristotle ay isang sining ng panggagaya o pag-


iimita sa kalikasan ng buhay. Ipinapakita nito ang realidad sa buhay
ng tao gayundin ang kanyang mga iniisip, ikinikilos at isinasaad. Ito
ay isinusulat at itinatanghal upang magsilbing salamin ng buhay na
naglalayong makaaliw, makapagturo o makapagbigay ng mensahe. Ang dula ay isang
sining na nagpapaabot sa mga mambabasa ng damdamin at kaisipan nais nitong iparating
gamit ang masining na pagsasatao ng mga karakter ng dulang pantanghalan. Ito ay maari
ring mauri ayon sa paksa o nilalaman. Nagkakaroon din ito ng iba’t ibang anyo batay sa
damdaming nais palitawin ng may- akda nito.

Narito ang ilan sa mga uri ng dula ayon sa anyo:

1. KOMEDYA- katawa-tawa, magaang ang mga paks o tema, at ang mga tauhan ay
laging nagtatagumpay sa wakas.
2. TRAHEDYA- ang tema o paksa nito’y mabigat o nakasasama ng loob, nakaiiyak,
nakalulunos ang mga tauhang karaniwang nasasadlak sa kamalasan, mabibigat na
suliranin, kabiguan, kawalan at maging sa kamatayan. Ito’y karaniwang
nagwawakas ng malungkot.
3. MELODRAMA- ito ay sadyang nammiga ng luah sa manonood na para bang wala
nang masayang bahagi sa buhay kundi pawang problema at kaawa-awang
kalagayan na lamang ang nangyayari sa araw-araw. Ito ay karaniwang mapapanood
sa mga de-seryeng palabas sa telebisyon.
4. TRAGIKOMEDYA- sa anyong ito ng dula ay magkahalo ang katatawanan at
kasawian kung saan ang mga tauhang katawa-tawa tulad ng payaso para
magsilbing tagapagpatawa, subalit sa huli’y magiging malungkot dahil sa kasawian
o kabiguan ng mahalagang tauhan.
5. SAYNETE- itinuturing na isa sa mga dulang panlibangan ng mga huling taon ng
pananakop ng mga espanyol sa pilipinas. Ang paksa nito ay tungkol sa paglalahad
ng mga kaugalian ng isang lahi o katutubo, sa kanyang pamumuhay, pangingibig at
pakikipagkapwa. Isang halimbawa nito ay ang la india elegante y negrito amante ni
Francisco Baltazar na isa sa mga nakaaliw na libangang saynete nang panahon ng
Espanyol.
FILIPINO 10 PANITIKAN NG BANSANG KANLURANIN Page 1
Tuguegarao Archdiocesan School System
LYCEUM OF TUAO
Centro 02, Tuao, Cagayan, 3528
Email address: lyceumoftuao1965@yahoo.com.ph
6. PARSE- dulang puro tawanan at halos walang saysay ang kuwento, ang mga
aksiyon ay slapstick na walang ibang ginawa kundi magpaluan, maghampasan at
magbitiw ng mga kablabalan. Karaniwan itong napapanood sa mga comedy bar.
7. PARODIYA- anyo ng dulang mapanudyo, ginagaya ang mg kakatwang
ayos,kilos,pagsasalita at pag-uugali ng tao bilang isang anyo ng komentaryo o
pamumuna o kaya’y pambabatikos na katawa-tawa ngunit may tama sa damdamin
ng kinauukulan.
8. PROBERBYO- kapag ang isang dula ay may pamagatna hango sa mga bukambibig
na salawikain, ang kwento’y pinaiikot dito upang magsilbing huwaran ng tao sa
knayang buhay.

Mga elemento ng dulang pantanghalan

Ang dulang pantanghalan, katulad ng maikling kwento at nobela ay nagtataglay rin ng mga
mahahalagang sangkap o elemento. Kung ang katawanng tao ay may bahagi, ang dulang
pantanghalan ay nagtataglay rin ng mahahalagang bahagi. Ito ay may simula,gitna at
katapusan.

SIMULA- matatagpuan ang dalawang mahalagang sangkap o elemento. Makikilala sa


bahaging ito ang mga tauhan at ang papel na ginagampanan na maaring bida at
kontrabida. Ipinapakilala rin dito ang tagpuan o ang pangyayarihan ng mga eksenang
naghahayag ng panahon, kung tag-init o tag-ulan, ng oras at ng lugar.

GITNA- makikita ang banghay o ang maayos na daloy o pagkakasunod-sunod ng mga


tagpo o eksena. Dito rin nakapaloob ang pinakamahalagang bahagi ng dula, walang iba
kundi ang diyalogo. Ang diyalogo ay ang usapan ng mga tauhan. Kagaya rin ng sa nobela,
sa gitna ng dula makikita ang sumusunod na katangian: ang saglit na
kasiglahan,tunggalian at kasukdulan. ang kasukdulan ang pinakamadulang bahagi ng
dula kung saan iikot ang kahihinatnan ng tanging tauhan, kung ito ay kasawian o
tagumpay.

WAKAS- dito matatagpuan ang kakalasan at ang wakas ng dula. Sa kakalasan unti-unting
bababa ang takbo ng istorya. Sa kakalasan makikita ang kamalian o kawastuhan at
pagkalag sa mga bahaging dapat kalagin. Sa pagwawakas naman mababatid ang
resolusyon na maaring masaya o malingkot, pagkatalo o pagkapanalo.

YUGTO- kungbaga sa nobela, ito ay ang kabanata. Ito ang malalaking hati ng dula. Ang
isang dula ay maaring magkaroon ng isang yugto lang, dalawa, tatlo apat o higit pa. sa
tanghalan, ang bawat yugto ay maaaring gamiting panahon upang ihanda ang susunod
pang mga yugto, upang ayusin ang tagpuan, upang makapagpahinga sumandali ang mga
gumaganap at mga manonood.

Kung ang yugto ay binubuo ng mga eksena, ang eksena naman ay binubuo ng mga tagpo.
Ang eksena ay maaaring magbadya ng pagbabago ng tagpuan ayon sa kung saan
gaganapin ang susunod na pangyayari. Ang tagpo rin ay ang paglabas at pagpagpasok ng
kung sinong tauhang gumanap o gaganap sa eksena.

Basahin natin ang isa sa mga dula na isinulat ni William Shakespeare. Ang dulang Macbeth.
Basahin ang buod nito.

FILIPINO 10 PANITIKAN NG BANSANG KANLURANIN Page 2


Tuguegarao Archdiocesan School System
LYCEUM OF TUAO
Centro 02, Tuao, Cagayan, 3528
Email address: lyceumoftuao1965@yahoo.com.ph
MACBETH (BUOD NG DULA)
Ni William Shakespeare
( Isang malayang Salin)

Si Macbeth at ang kaibigan niyang si Banquo,kapwa mga heneral ng kaharian ng


Scotland na pinamumunuan ni Haring Duncan ay papauwi na mula sa matagumpay nilang
pakikidigma sa dalawang hukbong magkahiwalay na sumalakay sa kanilang kaharian.
Nakasalubong ng magkaibigan ang tatlong manghuhulang may nakatatakot na itsurang tila
mga bruhang hindi nagmula sa daigdig ng mga tao. Binati nila si Macbeth bilang Thane ng
Glamis(na siya niyang tunay na titulo) at Thane ng Cawdor(na kanyang pinagtakhan dahil
hindi naman siya Thane ng Cawdor). Sinabi rin nilang magiging hari siya baling araw. Kay
Banquo naman ay sinabi ng mga manghuhula na magmumula sa kanyang lahi ang magiging
tagapagmana ng korona. Nang maglaho ang mga manghuhula ay naiwan ang magkaibigang
hindi makapaniwala sa kanilang narinig. Maya-maya’y dumating ang mga tauhang
ipinadala ni Haring Duncan upang batiin at pasalamatan ang dalawa at upang sabihin ding
si Macbeth ay hinihirang bilang Thane ng Cawdor bilang kapalit ng dating Thane na
natraydor sa kaharian at naparusahan ng kamatayan. Dito napagtanto ng magakaibigan na
nangyari nga ang unang bahagi ng hula. Nang tanungin ni Macbeth si Banquo kung umaasa
ba siyang sa lahi niya magmumula ang magiging tagapagmana, ipinagkibit- balikat lang niya
ito at sinabing ang demonyo minsan ay nagsasaad ng kalahating katotohanan upang maakit
ang taong gumawa ng makasasama sa sarili. Hindi ito pinansin ni Macbeth na nag-iisip kung
magkakatotoo nga kayang siya’y magiging hari at kung basta nalang ba ito ibibigay sa kanya
o matutupad ito sa pamamagitan ng paggawa niya nang hindi mabuti.
Nang magkita sina Haring Duncan at ang adalawang heneral ay nagpasalamat nang labis ang
hari sa kanilang kabayanihanat saka inihayag na ang gusto niyang maging tagapagamana ng
trono ay ang kanyang anak na si Malcolm. Sinabi rin ng hari na gusto niyang maghapunan at
magpalipas ng gabi sa kastilyo si Macbeth. Sumulat si Macbeth sa kanyang asawang si Lady
Macbeth upang ipaalam ang planong pagdalaw ng hari gayundin ang mga sinabi sa kanya ng
tatalong manghuhula.
Nang mabasa ni Lady Macbeth ang liam ng asawa tungkol sa inihayag ng tatlong
manghuhula ay labis niyang inasam na mapunta ang trono sa kanyang asawa at ang naisip
niyang paraan ay ang pagpatay ni Macbeth sa hari habang ito ay nasa kastilyo. Pinag-isipan
ni Macbeth ang kagustuhan ng asawa subalit hindi niya maatim na gawin dahil napakabuti
ng hari at wala siyang dahilan para patayin ito maliban sa kanyang ambisyon subalit
ikinagalit ito nang labis ni Lady Macbeth. Pinagsabihan siyang duwag at kinuwestyon ang
kanyang pagkalalaki. Hinikayat siya nito sa pamamagitan ng isang plano; paiinumin niya ng
alakang dalawang bantay ng hari para makatulog. Pagkatapos ay sasaksakin ni Macbeth ang
natutulog na hari at ang dugo’y ipapahid sa dalawang guwardiya upang sila ang
mapagbintanga. Nakumbinsi si Macbeth at kinagabiha’y isinagawa niya ang karuma-dumal
na pagpatay sa mabuting hari.
Kinabukasan, nadiskubre ni Macduff, isa pang maginoong katiwalaan ng hari ang kanyang
bangkay. Ang krimen ay ibinintang ng mag-asawang Macbeth sa dalawang Guwardiya. Sinabi
ni Macbeth na napatay rin niya nag dalawa dahil sa matinding galit niya sa ginawa nilang
pagpaslang sa hari. Hidni makapaniwala si Macduff na kayang patayin ng mga gwardiya si
Haring Duncan at siya’y nagsimulang magsuspetsa. Sa pagkamatay ng hari, si Macbeth ang
hinirang na hari ng iba pang maharlika. Ang dalawang anak ng haring sina Malcolm at
Donalbain ay agad na tumakas dahil sa takot para sa kanilang kaligtasan. Alam nila kung
sino man ang pumatay sa kanilang ama ay gugustuhin ding isunod sila. Si Malcolm ay
nagtungo sa England at Dobaldain ay nagtungo sa Ireland. Bagamat naging hari na ay hindi
parin mawala sa isipan ni Macbeth ang sinabi ng tatlong manghuhula na ang magiging
tagapagmana ng kaharian ay magmumula sa lahi ni Banquon. Inimbita nilang mag-asawa si
Banquo sa pagtitiping gagawin sa kanilang palasyo kinagabihan. Ang hindi nila alam si
Banquo ay kumausap na pala ni Macbeth ng dalawang mamamatay-tao upang ipapatay siya

FILIPINO 10 PANITIKAN NG BANSANG KANLURANIN Page 3


Tuguegarao Archdiocesan School System
LYCEUM OF TUAO
Centro 02, Tuao, Cagayan, 3528
Email address: lyceumoftuao1965@yahoo.com.ph

At ang kanyang anak na si Fleance.

Kinagabihan, may ikatlong mamamaty-taong ipinadala upang makatulong sa dalawang


kinausap ni Macbeth. At nang patungo na nga sa palasyo ang mag-ama ay inabangan at
sinugod sila ng mga mamamatay-tao subalit si Banquo lang ang napatay at nakatakas si
Fleance. Sa pagtitipong inihanda ni Mcaberh para sa lahat ng maharlika sa Scotland ay
nagpakita sa kanya ang multo ni Banquo. Labis na natakot at nataranta si Macbeth na
ikinagilat ng kanyang mga panauhin. Sinikap ni Lady Macbeth na ayusin ang sitwasyon
subalit ang pangyayari’y nakasira hindi lamang sa marangyang pagtitipon kundi sa paningin
din ng mga maharlikang bisita para sa kanilang bagong hari.

Binalikan ni Macbeth ang tatlong manghuhula at kanilang inilahad ang sumusunod na hula
para sa kanya. Kailangan niyang mag-ingat kay Macduff; na hindi siya kailanman
mapapatay ng sinumang “iniluwal ng isang babae” at magiging ligtas siya hangga’t hindi niya
nakikita ang gubat ng Birnam Wood na papalapit sa kastilyo ng Dunsinane. Nakahinga ng
maliuwag si Macbeth at nakadama ng kapanatagan dahil sa pagkakaalam niya, ang lahat ng
tao na iniluluwal ng babae at ang kagubatan ng Burnam Wood ay hindi naman pwedeng
gumalaw at magpunta sa Dunsinane.ang hindi alam ni Macbeth ay tumakas na pala si
Macduff upang pumanig lay Malcolm. Sinubok muna ni Malcolm ang katapangan ni Macduff
bago niya ito tinanggap. Nang malaman ni Macbeth ang ginawang pagpanig ni Macduff ay
kaagad niyang ipinag-utos na kubkubin ang kastilyo nito at ipapatay ang asawang lady
Macduff at ang kanilang mga anak.

Galit nag alit at labis nanagdalamhati si Macduff nang makarating sa kanya ang ginawa ni
Macbeth sa kanyang pamilya at sumumpang ipaghihiganti ang nangayri sa kanila. Bumalik
sila ni Malcolm sa Scotland kasama ang sampung libong sumndalong ipinahiram ni haring
Edward para labanan ang hukbo ni Macbeth.suportado sila ng mga maharlikang scotrish na
tumutol na rin sa mapaniil na pamumuno at malupit na pagpatay ni Macbeth maging sa
mga inosente.

Sa kabilang dako, si Lady Macbeth ay unti-unti nang inuusig ng kanynag konsensya. Siya’y
naglalakad sa kanynag pagtulog at ipinagpipilitang may dugo sa kanynag mga kamay na
hindi na kayang hugasan ng tubig. Bago dumating ang mga kalaban ni Macbeth ay
nakarating sa kanya nag balitang ito subalit lalo pa niyang pinalakas ang pwersa sa
Dunsinane at inisip na dahil sa sinabi ng mga manghuhula ay hidi siya matatalo.
Gayunpama’y labis siyang natakot nang malamang ang hukbo nina Malcolm at Macduff ay
paparating na at may dalang pinutol na mga sanga mula sa kagubatan ng Burnam Wood
upang maikubli ag tunay nilang bilang. Nangyari na ang isa sa mga hula.

Nakipaglaban nang buong giting si Macbeth subalit malakas ang hukbo mula sa England,
unti-unting natalo ang kanyang hukbo at nang magkaharap sila ni Macduff ay sinabi nitong
hindi siya iniluwa ng kanynag ina kundi mula sa sinapupunan ng kanyang ina, siya’y
tinanggal upang makalabas(ito ay ang kilala natin ngayong CS o panganganak sa
pamamagitan ng CEASARIAN SECTION). Kahit alam na niyang matatalo siya ay
ipinagpatuloy parin ni Macbeth ang pakikipag-laban hanggang sa mapatay siay ni Macduff.
Si Malcolm, anak ni Hararing Duncan ang itinanghal na hari ng Scotland.

FILIPINO 10 PANITIKAN NG BANSANG KANLURANIN Page 4


Tuguegarao Archdiocesan School System
LYCEUM OF TUAO
Centro 02, Tuao, Cagayan, 3528
Email address: lyceumoftuao1965@yahoo.com.ph
PAGSASANAY

A. BASAHIN AT UNAWAIN NG MABUTI ANG MGA PAHAYAG. ISULAT SA INYONG


SAGUTANG PAPEL ANG TITIK NG TAMANG SAGOT.

1. Ang orihinal na posisyon ni Macbeth sa kaharian ay________.


a. Heneral at Thane ng Cawdor c. Hari ng Scotland
b. Heneral at Thane ng Glamis d. kanang kamay ng hari
2. Ipinarating ni Macbeth sa kanyang asawa ang mga pangyayari sa pamamagitan
ng_______.
a. isang telegram c. pagpapasabi sa isang mensahero
b. isang tawag sa telepono d. isang liham
3. Ang mensaheng ibinigay ng tatlong bruhang manghuhula kay Banquo ay __________.
a. siya ang magiging Thane ng Glamis
b. siya ang magiging susunod na hari
c. sa kanyang lahi magmumula ang tagapagman ng korona
d. siya ang magiging kanang kamay ng hari
4. Ang pinili ni Haring Duncan upang maging tagpagmana ng kaharian ay _____________
a. si Macduff c. si Malcolm
b. si Macbeth d. si banquo
5. Ang ipinain ni Lady Macbeth upang mapagbintangan sa pagpatay kay haring Duncan ay
______________’
a. sina Malcom at Donalbein c. si Banquo at ang anak niya
b. ang dalawang gwardiya d. sina Lennox at Macduff

B. Ipinakita sa dula ang kasamaang dulot ng labis na paghahangad sa pag-aabot ng


ambisyon at kapangyarihan sa anumang paraan. Ipinakita rin ang pagkakaiba ng isang
mabuting pinuno sa malupit at mapaniil na pinuno. baon ang kaisipang ito, Ilahad ang sagot
mo sa sumusunod na mga tanong.

1. Ano-ano ang mga kaya mong gawin upang maabot ang ambisyon mo?
__________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________
2. Kakayanin mo bang tumapak ng iab, makamit mo lamang ang pinapangarap mo? Bakit
oo?bakit hindi?
__________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________
3. Nakilala mo si Haring si haring Duncan bilang isang mabuting hari. Pinalitan siya ni
Macbeth na naging mapaniil at malupit na hari, kasama pa ang reyna niyang uhaw rin sa
kapangayarihan. Paano nag-iiba ang buhay ng mga mamamayan nang magbago muli
mabuti patungong masama ang kanilang pinuno.
__________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________
4. Ayon kay balagtas “ang haring may hangad sa yaman at kapangyarihan ay maaring
hampas ng langit sa bayan”. Ano ang magagawa mo lalo nagyong malapit ka na sa edad na
pwede nang bumoto upang matiyak na hindi makauupo sa posisyon ang mga pinunong
masasama at walang hangad kundi magsamantala sa yaman ng bayan at sa hawak nilang
kapangyarihan?
__________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________

FILIPINO 10 PANITIKAN NG BANSANG KANLURANIN Page 5


Tuguegarao Archdiocesan School System
LYCEUM OF TUAO
Centro 02, Tuao, Cagayan, 3528
Email address: lyceumoftuao1965@yahoo.com.ph

REPLEKSYON

Bakit nakasasama ang labis na paghahangad ng kapangyarihan? Ano ang


maaring mangyari kung mapunta ang kapangyarihan sa isang taong
gahaman?

__________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________

FILIPINO 10 PANITIKAN NG BANSANG KANLURANIN Page 6

You might also like