You are on page 1of 124

SAME- PROSTITUSYON

AT PAGAABUSO
SEX
MARRI
AGE
SAME-SEX
MARRIAGE
Aralin 1
SAME-SEX
MARRIAGE
Ang bandilang ito ay sagisag ng pakikipaglaban ng
LGBT community sa diskriminasyon.
SAME-SEX
MARRIAGE
Maituturing na bago sa lipunan ang LGBTQI Community (kilala na
rin sa tawag na People of Diverse Sexual Orientation and Gender
Identity) na kinabibilangan ng lesbians, gays, bisexuals,
transgenders, queers, at intersex. Gayunpaman, ang pagkatao ng
mga nabibilang sa komunidad na ito ay matagal nang nabuo at
patuloy na nakikipagsapalaran. Ang LGBTQI community ay
patuloy na nakikibaka laban sa diskriminasyon ng mga taong
konserbatibo, relihiyoso, at may saradong pag-iisip ukol sa
sekswalidad o gender ng isang tao.
MARRIAGE
Sa kabila nito, nananatiling matatag ang LGBT community
sa paglaban sa pang-aapi at diskriminasyon. Isang
pagpapatunay ng pagsisimula ng kanilang pag-unlad ay
ang pagiging mas bukas ng lipunan sa same-sex marriage.

Sa araling ito, ating tatalakayin ang konsepto ng same-sex


marriage at ang mga epekto nito sa mga bansang
nagpapatupad nito.
Ang pagnanais na magkaroon
ng relasyon hanggang sa
pagpapakasal sa taong may
kaparehong kasarian ay isang
kontrobersiyal na usaping
pangseksuwalidad. Maigting ang
pagtutol ng mga relihiyoso,
konserbatibo, moralista, at iba
Bunga ng mga protesta, pinahintulutan na
pang may saradong pananaw
ng same-sex marriage sa Alemanya noong ukol sa isyung ito, kaya patuloy
2017.
ang pagtuligsa at pagturing sa
mga sangkot bilang mga imoral.
Ilang siglo ring ipinagkait sa
maraming kasapi ng LGBTQI
ang kanilang ipinaglalabang
karapatan. Sa mga nakaraang
taon ay nagkakaroon na ng
lakas at boses ang komunidad
na ito upang ipaglaban ang
Bunga ng mga protesta, pinahintulutan na
ng same-sex marriage sa Alemanya noong
kanilang karapatang
2017. magmahal nang malaya.
• Ano ang konsepto ng same-
sex marriage? Gaano na
kalawak ang pagpapatupad
nito?
Ang same-sex marriage - ay ang legal na
pagpapakasal ng dalawang tao na may parehong
kasarian. Mainit na isyu sa kasalukuyan ang samesex
marriage, sapagkat marami ang hindi pa rin
tumatanggap dito.

Kadalasan, ginagamit na depensa ng mga laban sa same-sex


marriage ang relihiyon at agham. Ayon sa kanila, ang tao ay
nilikha ng Diyos bilang lalaki at babae lamang. Ginagamit ng
mga hindi sang-ayon sa samesex marriage ang agham sa
pamamagitan ng pagpapaliwanag na ang chromosomes ng tao
ay maaaring XY (lalaki) o XX (babae) lamang
Ayon naman sa mga kabilang sa LGBTQI
community, ang kasarian ng tao ay hindi
dapat maging hadlang upang matamasa
ang lahat ng kaniyang karapatan bilang
isang mamamayan. Ang diskriminasyon,
lalo na sa pagbabawal ng same-sex
marriage, ay isang paglabag sa kanilang
karapatang pantao.
Kasaysayan ng Same-Sex Marriage
Ang kasaysayan ng same-sex marriage ay maaaring
balikan noong Gitnang Panahon sa Europa, kung
saan sinasabi na maraming pares ng lalaking
nagmamahalan ang dumadalo sa isang sagradong
ritwal upang ipahayag ang kanilang matinding
pagmamahal sa bawat isa. Ayon kay Geoffrey
Chaucer, isang manunulat na mula sa Inglatera,
noong ika-14 na siglo, ang ganitong uri ng seremonya
ay dinadaluhan at sinasamahan ng mga hari,
aristrokrata, mongha, mangangalakal, at magsasaka.
Gayunpaman, sa konsepto ng mga Europeong lumahok sa
nasabing ritwal, hindi pa rin matukoy kung may romantikong
kahulugan ang “pagpapakasal” na kanilang ginawa. Sinasabi sa
kasaysayan na ang mga naturang ritwal ay isang pagpapakita
ng pagmamahal sa kapwa lalaki bilang matalik na kaibigan o
pinagkakatiwalaang tao. Idinidikit sa patriyarkal na pamumuno,
at hindi sa gay marriage, ang naturang pangyayari.

Sa kabila nito, nagkaroon pa rin ng mga tala sa


kasaysayan tungkol sa mga isyu ng samesex marriage at
same-sex affairs na naganap sa iba’t ibang bahagi ng
Europa sa pagitan ng ika-15 at ika-18 na siglo.
Isang halimbawa ng matatawag na same-sex marriage sa
Europa ay nangyari sa pagitan nina Carlo di Berardo
d’Antonio at Michele di Bruno. Sila ay nanumpa sa harap ng
altar habang may hawak na Bibliya. Noong madiskubre ng
pamahalaan ng Italya na sila ay nagsasama bilang mag-
asawa, inalayo at ipinatapon sa ibang lugar si Carlo di Berardo
d’Antonio

Nariyan din ang Ingles na si Mary East at ang kaniyang


nobya na kapwa nagpanggap na isang heterosexual na
mag-asawa sa pamamagitan ng cross-dressing upang
matakasan ang maiinit na mata ng mga awtoridad.
Sa pagitan ng mga taong 1970 at
1980 ay sinimulan nang isulong
ng nabubuong lipunan ng LGBT
sa Estados Unidos ang kanilang
karapatang maikasal. May iilan na
nakakuha ng lisensya upang
magawa ito, subalit nanatiling
mahirap at mahigpit ang
pagbabantay ng mga
Amerikanong tagapagbatas laban Pakikibaka ng LGBT community
para sa kanilang karapatan noong
sa nasabing uri ng pagpapakasal. 1970s
Sa pagsapit ng taong 1990,
nagsimula nang umusbong
at lumawak ang
pakikipaglaban ng mga
LGBT para sa karapatang
maikasal. Isinulong nila ang
paniniwala na lahat ng tao,
kahit na heterosekwal man o Pakikibaka ng LGBT community
homosekswal, ay dapat may para sa kanilang karapatan noong
1970s
parehas na karapatan.
Mga Bansang Nagpapatupad ng Same-Sex
Marriage Sa kabila ng patuloy na pagdedebate
tungkol sa same-sex marriage, nagdesisyon na ang
ilang bansa na ipagkaloob na ang karapatang ito.
Narito ang ilan:
Taon ng
Bansa pagpapahintulot Detalye
Sa kabila ng malakas na
pagtutol ng Simbahang
Katoliko sa bansa, halos
Malta 2017 ang buong pamunuan ng
Malta ay bumoto upang
pahintulutan ang same-sex
marriage.

Ang Germany ang naging


ika-15 bansa sa Europa na
Germany 2017 nagpahintulot ng same-sex
marriage.
Noong 2004, ang same-sex
marriage ay legal lamang sa
Estados estado ng Massachusetts.

Unidos 2015 Labing-isang taon ang


nakalipas, ginawang legal na ito
sa buong bansa.

Ang Colombia ang ikaapat


na Katolikong bansa sa
Timog Amerika na
nagpahintulot ng same-sex
Columbia 2016 marriage. Ayon sa kanilang
pamahalaan, ang lahat ng
tao ay may karapatang
bumuo ng isang pamilya.
Pinahintulutan ng New Zealand
ang same-sex marriage
matapos ang pagsasalegal ng
New
Zealand 2013 Civil Union for LGBTs noong
2005. Ang bansa ay
nagpahintulot din sa mga
ikinasal na LGBTQI na mag-
ampon.
Dahil sa pagbabago ng
konstitusyon ng bansa,
pinayagan ng South Africa ang
South same-sex marriage.

Africa 2006 Gayunpaman, ang gawaing ito


ay nananatiling malaking isyu at
itinuturing pa ring maling
gawain sa bansa.
Pinahintulutan ng Korte
Suprema ang
pagpapakasal ng mga
LBGTQI sa Mexico City
lamang. Ang samesex
marriage sa ibang
Mexico 2009 bahagi ng bansa ay
itinuturing pa ring labag
sa batas.
Sa kasalukuyan, may 26 na bansa sa
mundo ang nagpapahintulot ng same-
sex marriage, pinakamarami sa
Europa. Ang Taiwan ang unang
bansa sa Asya na nagpahintulot ng
samesex marriage.
Ang Same-Sex Marriage sa Pilipinas

Kagaya ng maraming bansa, maigting ang usapin


ng same-sex marriage sa Pilipinas. Bilang isang
bansa na maluwag sa pagpapahayag ng pagkatao
at pananaw, maraming Pilipino na kabilang sa
LGBTQI community ang aktibong lumalaban para
sa kanilang karapatan at patuloy na nagsusulong
ng mga programa upang lubusan pang makilala at
matanggap ng mga kapwa Pilipino ang kanilang
komunidad.
Ang Same-Sex Marriage sa Pilipinas

Simula nang umusbong ang


legalisasyon ng same-sex marriage
sa iba’t ibang bansa, lalo na sa
Estados Unidos, nag-alab muli ang
isyung ito sa bansa. Sinuri ng mga
mambabatas ang posibilidad ng
same-sex marriage, at kanilang
ipinangakong pag-aaralan ito nang Patuloy na nakikibaka ang mga Pilipinong
LGBTQI para sa pantay na karapatan.
mabuti
Ang Same-Sex Marriage sa Pilipinas

Subalit sa pahayag ni Pangulong


Duterte noong Marso 2017, sinabi
niya na hindi maaaring isabatas ang
same-sex marriage sa Pilipinas dahil
ito ay isang Katolikong bansa at may
sinusunod na civil code na nagsasabi
na ang pagpapakasal ay dapat
isagawa sa pagitan lamang ng Patuloy na nakikibaka ang mga Pilipinong
LGBTQI para sa pantay na karapatan.
ibabae at lalaki.
Ang Same-Sex Marriage sa Pilipinas

Hindi tinanggap ng mga


LGBTQI at Human Rights
Groups ang pahayag na ito.
Sa kasalukuyan, patuloy pa
rin ang kanilang pakikibaka
upang makamit ang hinihiling
na pantay na karapatan. Patuloy na nakikibaka ang mga Pilipinong
LGBTQI para sa pantay na karapatan.
Aralin 2

Epekto ng Same-Sex Marriage sa mga


Bansang Nagpapahintulot Dito
Aralin 2
Epekto ng Same-Sex Marriage sa mga
Bansang Nagpapahintulot Dito

Ang laban para sa same-sex marriage ay


sumasalamin sa hangarin ng LGBTQI
community para sa isang mas pantay na
lipunan. Naniniwala sila na hindi dapat hadlang
ang kasarian ng tao sa pagkamit ng mga
karapatang tinatamasa ng karamihan.
Sa araling ito, titingnan natin ang mga epekto ng
same-sex marriage sa iba’t ibang aspekto ng
lipunan. Sasagutin natin ang sumusunod na
tanong:
• Ano ang epekto ng same-sex
marriage sa lipunan? • Ano ang mga hadlang sa
pagpapatupad ng same-sex marriage?
• Para sa mga LGBTQI, bakit
mahalagang maipatupad ang
same-sex marriage?
Pag-aralan Natin

Ang usapin ng same-sex


marriage, sinasadya man o hindi,
ay may mga epekto sa mga
bansang nagpapahintulot dito—
positibo at negatibo.
Positibong Epekto ng Same-
Sex Marriage

Ang pagpapahintulot ng same-sex


marriage ay may iba’t ibang positibong
epekto sa mga bansa. Ating isa-isahin
ang mga ito.
Positibong Epekto ng Same-Sex
Marriage

Pagkakaroon ng bansang
may pagkakapantay-pantay

 Isang mahalagang epekto ng pagsasabatas ng same-sex


marriage ay ang pagbibigay ng pantay na turing at tingin sa
lahat ng tao, anuman ang kanilang kasarian. Para sa mga
bansang nagpapahintulot na ng same-sex marriage, isang
malaking hakbang ito upang maisulong ang pag-unlad ng
kanilang pambansang pagkakakilanlan at mabawasan ang
isyu ng homophobia sa kanilang bansa.
Positibong Epekto ng Same-Sex
Marriage

Pagbibigay-oportunidad sa sikolohikal, pisikal,


at panlipunang kahusayan ng mga LGBT QI
 Ang pagkakaroon ng same-sex
marriage ay nagbibigay ng
oportunidad para sa mga bansa na
palawakin pa, gawing mas
komprehensibo, at inclusive ang Marami rin ang sumusuporta at
kanikanilang programang nakakikilala sa magandang epekto
ng same-sex marriage (ni Beatrice
pangkalusugan at panlipunan sa Murch [CC BY SA 2.0])

bansa.
Positibong Epekto ng Same-Sex
Marriage

Pagtataguyod ng bansang may


pagpapahalaga sa pamilya

 Isa pang mahalagang epekto ng pagpapahintulot ng same-sex


marriage ay ang pagpapaunlad ng sistema ng pamilya ng
isang bansa. Ang bansang nagpapahintulot na ng same-sex
marriage ay may kakayahang baguhin at pagyamanin ang
pagtingin, kahulugan, at pagtataguyod ng pamilya upang
maging mas mapayaman ito
Positibong Epekto ng Same-Sex
Marriage
Pagpapalaganap ng ekonomiya ng
bansa
 Ang mga bansang sumusuporta na sa same-sex marriage ay
mas nagiging tanyag sa larangan ng ekonomiya, dahil sa mas
maraming oportunidad para sa pagnenegosyo na binubuksan
ng pagkakaroon ng iba’t ibang uri ng pamumuhay. Batay sa
mga pag-aaral, malaki ang iniangat ng ekonomiya ng mga
bansang legal na ang same-sex marriage. Mas maraming
ahensiya at kumpanya ang tumatangkilik sa mga nasabing
bansa dahil nabibigyan sila ng pagkakataong panatilihin ang
kanilang mga empleyado na kabilang sa LGBTQI community
Positibong Epekto ng Same-Sex
Marriage
Pagpapahayag sa bansa ng tunay na
konsepto ng paniniwala
 Sinasabing hindi dapat nahahaluan ng
paniniwalang espirituwal ang
pamamahalang pulitikal ng isang bansa.
Sa pagpapahintulot ng same-sex
marriage, nagagawa ng isang bansa na Isang pagkakataon ang
panatilihing magkahiwalay ang relihiyon usapin tungkol sa same-sex
marriage upang masuring
at pamahalaan, dahil ang pagpapakasal muli ng isang bansa ang
kaniyang paniniwala at
ay hindi pangunahing ibinabatay sa pagkakakilanlan.

relihiyon, kung hindi sa saligang batas.


Positibong Epekto ng Same-Sex
Marriage

Pagpapalakas ng pambansang
pagkakakilanlan at nasyonalismo

 Nakatutulong ang pagpapatupad ng same-sex marriage na


pagyamanin ang pambansang pagkakakilanlan, kaisipan, at
paniniwala ng mga mamamayan ng isang bansa. Sa tulong ng
pagpapatupad ng same-sex marriage, nabibigyang
oportunidad ang mga mamamayan na matunghayan ang
pagsusulong ng pantay na karapatan at maayos na
pamumuhay para sa lahat.
Mga Hamon sa Same-Sex
Marriage

Marami man ang positibong epekto ng


same-sex marriage, maraming hamon
pa ang kailangan harapin. Ating
alamin ang mga hindi magagandang
epekto ng same-sex marriage.
Mga Hamon sa Same-Sex Marriage

Diskriminasyon dahil sa hindi tuluyang


pagtanggap ng karamihan sa same-sex marriage

Maging legal man ang same-sex marriage ay


hindi pa rin maiaalis ang diskriminasyong
nararanasan ng LGBTQI community sa mga
taong hindi sumasang-ayon sa kanilang paraan
ng pamumuhay. Sa kasamaang palad, minsan
ay humahantong ang
Mga Hamon sa Same-Sex Marriage

diskriminasyong ito sa tahasang


pagbabalewala sa mga karapatan ng mga
LGBTQI. Isang halimbawa nito ang pagtanggi
ng isang negosyante sa Estados Unidos na
bigyan ng serbisyo ang isang same-sex na
mag-asawa dahil hindi siya sang-ayon sa
same-sex marriage.
Mga Hamon sa Same-Sex Marriage

Pagpapalit at pagsasaayos ng batas

Ang pagpapatupad ng same-sex marriage ay nakaaapekto rin sa


pagsasaayos ng batas. Dahil ang same-sex marriage ay isang
bagong batas lamang para sa mga bansang nagpapahintulot nito,
kinakailangang magkaroon ng malawakang ebalwasyon ng
kaniyang konstitusyon upang masigurong walang batas na
kumukontra sa isa’t isa at mapanatiling organisado, nakaayon, at
pantay ang mga ito. Ang naturang hakbang ay isang
matrabahong gawain na kailangang gugulan ng mahabang na
oras at atensiyon.
Mga Hamon sa Same-Sex Marriage

Kahalagahan ng Same-Sex Marriage

Sa kabila ng pagbatikos ng
marami sa mga grupo at
komunidad na lumalaban para
sa same-sex marriage, patuloy
pa ring ipinahahayag ng mga
LGBTQI ang kanilang paghiling Pagkakapantay-pantay o equality ang
isa sa mga isinusulong ng LGBTQI
sa pagsasakatuparan nito. Ating community
alamin ang kahalagahan at mga
implikasyon nito.
Mga Hamon sa Same-Sex Marriage

Ang pagsasakatuparan ng same-sex marriage ay


isang pagpapamalas ng pantay na karapatan

Ang mga LGBTQI ay mga tao ring dapat ay may


parehong karapatan sa mga heteroseksuwal. Ang
pagbabawal sa komunidad na magpakasal, kagaya
ng babae at lalaki, ay isang paglabag sa karapatang
pantao na nakapagpabababa ng estado ng mga
LGBTQI sa lipunan.
Mga Hamon sa Same-Sex Marriage

Ang same-sex marriage ay nagpapahayag o


nagpapakita ng pagrespeto sa batas

Ang batas ay laging nagsusulong ng kung


ano ang tama at pantay. Ang pagtatanggal
o pagkakait sa karapatan ng mga LGBTQI
na maikasal ay isang kawalan ng respeto
para sa kapangyarihan at katatagan ng
batas.
Mga Hamon sa Same-Sex Marriage

Isinusulong ng same-sex marriage ang


makabagong kaisipan.

Ang lipunan at mga paniniwalang nakapalibot dito ay


patuloy na nagbabago. Ang kaisipan ng tao ay
hinahamong umakma sa kasalukuyang takbo ng
lipunan. Sa panahon na ang kapangyarihan at
kalakasan ng mga minorya, kababaihan, at mga
LGBTQI ay nakikilala, nagbubukas ito ang isang
mas diverse na lipunan
Karagdagang Kaalaman

Sa kasalukuyan, tutol pa rin ang


Simbahang Katoliko at ilang grupong
relihiyoso sa same-sex marriage. Subalit
hindi lahat ng simbahan ay ipinagbabawal
ang kasal sa pagitan ng dalawang taong
pareho ang kasarian. May mga simbahan
sa Pilipinas na nagpapahintulot at
nagsasagawa ng seremonya para mga
May mga simbahang nagkakasal sa
LGBTQI. Hindi man legal sa mata ng batas samesex couples.
ang kasalang nagaganap, nabibigyan
naman ng pagkakataon ang mga LGBTQI
couples na magkaroon ng seremonya na
kumikilala sa kanilang pag-iisang dibdib.
Pagyamanin Natin

Bumuo ng pangkat na may tatlong tao.


Magsaliksik tungkol sa LGBTQI rights at sa
kasaysayan ng pakikibaka para sa same-sex
marriage sa Pilipinas. Gumawa ng isang sining
na multimedia upang maipakita ang mga
usaping nakapalibot sa isyung ito at ang mga
pinagdadaanan ng mga sumusuporta sa same-
sex marriage.
Paglalagom
DAPAT TANDAAN

• Ang same-sex marriage ay ang legal na


pagpapakasal ng dalawang taong may
parehong kasarian. Mainit na isyu sa
kasalukuyan ang same-sex marriage
sapagkat marami ang hindi tumatanggap
sa gawaing ito.
DAPAT TANDAAN

• Sa kasalukuyan, may mahigit sa 26 na bansa na


ang nagpapahintulot ng same-sex marriage.
Mapapansing ang pag-usbong ng nasabing
gawain ay nagsimula lamang noong ika-21 na
siglo. Sa Europa, may pinakamaraming bansa
na nagpapahintulot ng same-sex marriage.
DAPAT TANDAAN

• Ang pagpapahintulot ng same-sex marriage


ay may iba’t ibang positibo at negatibong
epekto sa mga bansang nagpapatupad nito.
• Sa kabila ng pagbatikos ng mga grupo at
komunidad sa mga lumalaban para sa same-
sex marriage, patuloy pa ring ipinahahayag
ng mga LGBTQI ang kanilang paghiling sa
pagsasakatuparan ng same-sex marriage.
NEXT LESSON:
PROSTITUSYON AT
PAGAABUSO
NEXT LESSON: PROSTITUSYON AT PAGAABUSO

Sinasabi ng ilang tagapagtaguyod ng kasaysayan na


ang prostitusyon ang pinakamatandang propesyon sa
mundo. Ang bawat bansa sa buong mundo ay may iba’t
ibang pananaw at karanasan sa lumalawig na uri ng
prostitusyon. Isa lamang ito sa suliraning kinakaharap ng
bawat estado, komunidad, at pamilya na
nangangailangan ng malinaw na solusyon.
NEXT LESSON: PROSTITUSYON AT PAGAABUSO

Ang yunit na ito ay tatalakay sa kahulugan ng


prostitusyon at pang-aabuso. Sisiyasatin nito ang mga uri
ng prostitusyon at mga lugar na pinaggaganapan nito.
Aalamin sa yunit na ito ang mga dahilan ng prostitusyon
at pang-aabuso kasama ang mga epekto nito sa tao,
komunidad, at sa bansa. Sa dulo, maglalatag ng mga
mungkahi upang mabawasan kung hindi man ay
tuluyang malutas ang suliraning ito.
Mga Hamon sa Nagsasariling Bansa

Ang konsepto ng prostitusyon at pang-aabuso ay


may kinalaman sa hindi mabuting pagtrato sa
katawan ng tao. Sa araling ito, ating aalamin ang
kahulugan at uri ng prostitusyon at pang-aabuso.

Sa araling ito ay sasagutin natin ang sumusunod


na tanong
 Ano ang prostitusyon at pang-aabuso
 Paano masasabi na ang isang gawain
ay nakapaloob sa konseptong ito?
Pag-aralan Natin
 Kahulugan at Kasaysayan ng Prostitusyon
sa Bansa

Ayon sa Diksyunaryong Filipino, ang prostitusyon ay uri ng


hanapbuhay kung saan ang katawan ay isang kalakal
para sa pakikipagtalik. Ito ay kusa at may karampatang
salapi bilang kabayaran para sa serbisyo. Maihahanay ito
sa negosyong may gawaing seksuwal o sex industry.
Tinatawag naman na prostitute ang isang indibiduwal na
nagbebenta ng katawan o aliw.
Ayon sa United Nations Educational Scientific and Cultural
Organization o UNESCO, ang prostitusyon ay kumakatawan sa
ikatlong pinakamalaking negosyo sa buong mundo kasunod ng
pagbebenta ng droga. Sa Asya, aabot sa isang milyon ang mga
kabataang babae na ginagamit para sa negosyong ito. Ang ibang
bansa ay nagiging puntahan pa ng mga turista para sa mababang
bayad ng prostitute.

Pinaniniwalaan na ang prostitusyon sa Pilipinas ay nakilala noong


panahon ng mga Espanyol. Ang mga katutubong babae ay
nakaranas ng pang-aabuso sa kamay ng mga sundalong Espanyol at
maging sa mga prayle. Sa pagpasok ng ika-19 na siglo, naging ganap
nang hanapbuhay ang prostitusyon sa Maynila. Lalo pang lumawig
ang prostitusyon at pang-aabuso sa pananakop ng mga Hapones
noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig.
Alamin Natin
Tandaan at gawing gabay ang
kahulugan ng sumusunod na salita:

dumudungaw - tumutingin
kalakal – produkto o serbisyong may
kapalit na bayad
kliyente – kustomer
lumawig – lumawak o
lumaganap
malimit – madalas; karaniwan
menor de edad – taong wala pa sa
hustong gulang na 18; bata pa
pagkakait – hindi pagbibigay;
pagdaramot
pagmamanman -
pagsubaybay, pagsunod sa
isang tao para bantayan ang
kaniyang mga ginagawa
parokyano – kustomer
sosyolohista – taong
nag-aaral ng mga
pangyayari at
penomenon sa lipunan
Uri ng Prostitusyon at Prostitutes
Ang prostitusyon ay hindi lamang nalilimitahan sa
kababaihan at isang lugar. Ayon kay Ronald Weitzer,
isang sosyolohista, may iba’t ibang uri ng prostitutes at
prostitusyon batay sa lugar.

Mga Uri ng Prostitutes


Ang mga prostitute o iyong aktibong nakikibahagi sa
industriya ng prostitusyon ay maiuuri sa tatlo.
Uri ng Prostitusyon at Prostitutes
Ang prostitusyon ay hindi lamang nalilimitahan sa
kababaihan at isang lugar. Ayon kay Ronald Weitzer,
isang sosyolohista, may iba’t ibang uri ng prostitutes at
prostitusyon batay sa lugar.

Mga Uri ng Prostitutes


Ang mga prostitute o iyong aktibong nakikibahagi sa
industriya ng prostitusyon ay maiuuri sa tatlo.
1. Independent call girl/call boy/escort
Sila ang may hawak ng kanilang oras. Sila ang
nakikipagnegosasyon sa kanilang kliyente at makikipagkita
na lamang sa mga hotel. Kadalasang makikita sa internet
ang mga ito. Ang lahat ng kanilang kita ay sa kanila lamang
at may kataasan ang presyo
2. Escort na may ahensya
Sila ang may hawak ng kanilang oras. Sila ang
nakikipagnegosasyon sa kanilang kliyente at makikipagkita
na lamang sa mga hotel. Kadalasang makikita sa internet
ang mga ito. Ang lahat ng kanilang kita ay sa kanila lamang
at may kataasan ang presyo
2. Escort na may ahensya
Ang pinagkaiba lang nito sa independent call girl/ callboy/
escort ay may pangkat na may hawak sa kanila kung saan
kahati nila ito sa perang kikitain. Hindi na kailangan
maghanap pa ng kliyente ang prostitute sapagkat ang
ahensya na ang gagawa nito para sa kaniya
3. Window worker
Makikita sila sa bansang Amsterdam at iba
pang mga bansa sa Europa, kung saan ang
mga babaeng prostitutes ay makikita sa loob
ng mga naglalakihang bintana. Mula sa bintana
ay makikita sila at maaaring pagpilian ng mga
dumudungaw na kliyente.
3. Window worker
Makikita sila sa bansang Amsterdam at iba
pang mga bansa sa Europa, kung saan ang
mga babaeng prostitutes ay makikita sa loob
ng mga naglalakihang bintana. Mula sa bintana
ay makikita sila at maaaring pagpilian ng mga
dumudungaw na kliyente.
Mga Lugar ng Prostitusyon Ang prostitusyon
ay nangyayari naman sa iba’t ibang lugar.

1. Bahay aliwan o brothels


Ito ay mga lugar gaya ng mga sauna at massage
parlors kung saan nagaganap ang palitan ng
serbisyo at salapi kapalit ng pakikipagtalik sa
prostitute.
2. Bar at casino
Ito ang pinakamalimit na lugar ng
prostitusyon sa bansa kung saan ang
negosasyon ay nagaganap sa loob ng
pinapasukang bar at casino ngunit
ang pakikipagtalik ay mangyayari sa
ibang lugar..
3. Kalsada
Dito sa lugar na ito ng prostitusyon may
pinakamababang bayad para sa mga prostitute.
Nasa tabi lamang ito ng kalsada at mag-aantay
ng mga parokyano na hihinto. Kapag
nagkasundo na sa halaga ng ibabayad ay
sasama na ang prostitute sa parokyano kung
saan man nila napagkasunduan magpunta
Iba pang Paraan ng Prostitusyon
Ang prostitusyon sa kasalukuyan ay marami
nang paraan. Ilan sa mga ito ay ang:

Paraan ng Halimbawa
Prostitusyon
Pagsali at paggawa Noong 1970s, nauso ang paggawa ng mga tinatawag
na “bomba films” na naging dahilan upang
ng pornograpiya o mabaling sa seksuwal na pantasya ang isip ng mga
malalaswang Pilipino. Ito ngayon ay uri ng pornograpiya na hindi
palabas na pinahihintulan ng batas. Ang MTRCB ang
sumasala sa mga palabas bago pa man ito
mapanood ng mamamayan. Kasama sa paraang ito
ng prostitusyon ang paggawa ng seksuwal na
video.
Sex tourism Ito ay ang pagdayo ng mga dayuhan sa isang
bansa dahil sa ito ay kilalang lugar ng mga
murang prostitute. Ang mga bansang Dominican
Republic, Thailand, Cambodia, at Indonesia ang
ilan sa mga halimbawa nito. Karaniwang mga
batang babae ang naaabuso rito.
Cybersex Ito ay ginagamitan ng internet kung saan nasa
magkaibang lugar ang prostitute at ang kliyente
nito. Ang bayad ay ipinapadala na lamang at
karaniwang mga menor de edad ang naaabuso
rito sa pamamagitan ng paggawa ng mga
maseselang gawain sa harap ng webcam. Dito sa
bansa may ilang mga cyber sex den na ang
nasawata ng awtoridad at pinarusahan ang mga
may pakana ayon sa isinasaad ng umiiral na
batas.
Ayon sa Prostitution: Prices and Statistics of the Global Sex
Trade narito ang sampung mga bansa na may pinakamataas
na bilang ng mga prostitute.
BANSA BILANG
1.CHINA 5 MILYON
2. INDIA 3 MILYON
3. UNITES STATES 1 MILYON
4. PHILIPPINES 800,000
5. MEXICO 500,00
6. GERMANY 400,000
7. BRAZIL 250,000
Kahulugan ng Pang-aabuso

Ang pang-aabuso ay ang


pananakit at pagtrato nang
hindi tama ng isang
indibiduwal sa kaniyang
kapwa. Ito ay maaaring
pisikal, emosyonal, pinansyal,
seksuwal, at sikolohikal na
pangaabuso. Kalimitang
nakararanas ng pang-aabuso
ang kababaihan at kabataan.
Ayon sa statistics ng Philippine Commission on
Women, mula taong 1997 hanggang 2013 makikita ang
pagtaas ng bilang ng kababaihan na nakararanas
ng iba’t ibang uri ng pang-aabuso. Karamihan dito
ay sa kamay ng kanilang asawa, kinakasama,
kasintahan, at dating karelasyon
Iba’t ibang Uri ng Pang-aabuso

Ang pang-aabuso sa kapwa ay hindi lamang ang


pisikal na pananakit sa isang indibiduwal na walang
kalaban-laban. Katunayan, ang pang-aabuso ay
maaari ding mangyari sa pamamagitan ng salita o
kilos na may masamang epekto sa kapwa. Tingnan
ang iba pang uri ng pananakit sa sumusunod na
talahanayan:
Uri ng Pang-aabuso Paliwanag
Emosyonal at Ito ay ang pananakot sa isang tao at
Sikolohikal na Pang- pagsasabi ng hindi magandang
aabuso salita na maaaring makaapekto sa
kaniyang isip, damdamin, at
pagkatao. Kaakibat nito ang berbal
na pang-aabuso gaya ng paninigaw
at panlalait.
Seksuwal na Pang-aabuso Nasasakop nito ang panghihipo nang
walang pahintulot, pagtitig nang may
pagnanasa, pagmamanman sa galaw,
at panghahalay.
Pinansyal na Pang- Halimbawa nito ay ang
aabuso pagkakait ng pinansyal na
suporta para sa pagkain at
gastusin ng mga anak o pamilya
o kaya ay sapilitang pagkuha ng
perang hindi pag-aari.
Pisikal na Pang-aabuso Ito ay ang pananakit sa katawan
ng isang indibiduwal. Maaaring
ito ay pamamalo, panununtok,
at iba pa.
ARALIN 2
Mga Dahilan ng Prostitusyon at
Pang-aabuso

LAYUNIN NATIN
Pagkatapos ng araling ito, ang mga mag-aaral ay
inaasahang nauunawaan ang mga dahilan ng
lumalawak na prostitusyon at pang-aabuso
 Ayon sa antropolohistang si F. Landa
Jocano sa kaniyang Slum: A Way of Life,
iniugnay niya ang prostitusyon sa lugar na
kinalakihan, karanasang seksuwal,
pangangailang seksuwal at pinansyal ng
mga nasasangkot dito. Ang ugat o dahilan
ng prostitusyon ay sari-sari. Atin itong
uunawain sa araling ito
Pag-aralan Natin

Ugat ng Prostitusyon
Ang prostitusyon ay lumalaki at lumalalim na suliranin ng
maraming bansa sa buong mundo. Kaya marapat lamang
na ating maunawaan ito ng lubos, lalo na ang mga sanhi
nito upang malaman kung bakit nasasadlak ang
kababaihan, kalalakihan, at homosexuals sa
pangaabusong ito
Pag-aralan Natin

Kahirapan o Karalitaan
Ang kahirapan ng buhay o karalitaan ang nag-uudyok sa
ilan na pumasok sa prostitusyon. May ilang mga
magulang na ibinubugaw ang sariling mga anak para
maging prostitute. Ang ilan naman ay dahil sa kawalan ng
panustos sa edukasyon.
Alamin Natin
Tandaan at gawing gabay ang
kahulugan ng sumusunod na salita:
MGA SALITA KAHULUGAN
karalitaan pagiging mahirap
nasasadlak napupunta
pagkakaroon ng adiksyon
sa isang bagay na nagiging
pagkalulong bisyo na tulad ng bawal na
gamot, alak, at sugal
–panloloko; pagpapaniwala
sa isang bagay na walang
panlilinlang
katotohanan
panggastos; pambili ng
panustos mga pangunahing
pangangailangan
Kawalan ng
Edukasyon at Trabaho
Ang prostitusyon ay uri ng
hanapbuhay na hindi
nangangailangan ng diploma o
edukasyon. Ito marahil ang
madaling paraan para sa mga taong
nakararanas ng kahirapan,
kakulangan sa edukasyon, at
kawalan ng trabaho (unemployment)
upang magkaroon ng pantustos sa
mga pangangailan sa buhay.
Pananamantala
Sa Pilipinas, maraming kababaihan mula sa probinsya ang
nakararanas ng panlilinlang. Dito pumapasok ang mga recruiter
kung saan bibigyan nila ng pangako ang mga babae ng
magandang trabaho sa Maynila man o ibang bansa ngunit sa
prostitusyon pala sila mapupunta.

Marami pa rin ang nabibiktima


ng mga ilegal na recruiter sa
bansa.
Karanasang Seksuwal
Malaking bilang ng nasasadlak sa prostitusyon ay
nakaranas ng pang-aabusong seksuwal sa kanilang
kabataan. Ang iba ay hinahanap na lamang ng kanilang
katawan ang pakiramdam ng pakikipagtalik kaya
naisipan na rin nilang pagkakitaan ito.
Mga Dahilan ng Pang-aabuso
Ang pang-aabuso gaya ng prostitusyon ay
nangyayari bunga ng partikular na mga
dahilan. Nagagawa ito ng ilang indibiduwal
dahil sa sumusunod:
Human Trafficking
Ang pangangalakal ng tao sa
loob at labas ng bansa ay
isang dahilan upang maabuso
ang kababaihan o
kalalakihan. Karamihan sa
mga nabibiktima ng dahilang
ito ay nasasadlak sa
prostitusyon at pang-aalipin.
Sexism
Ang diskriminasyon sa kasarian ay
nagiging dahilan upang maabuso ang
isang tao. Nakaaapekto ang
paniniwalang kultural ukol sa kalakasan
at kahinaan ng isang indibiduwal dahil
sa kasarian nito. Malaking bahagdan ng
mga nabibiktima ng prostitusyon at
pang-aabuso ay kababaihan lalo na ang
mga menor de edad
Droga at iba pang bisyo
Ang pagkalulong ng isang tao sa droga
(drug abuse) at iba pang bisyo ay
nakaaapekto sa kaniyang matuwid na
pag-iisip. Maaari siyang makaranas ng
depresyon at mabilis na pagkagalit kahit
sa mababaw na dahilan lamang. Bunga
nito madalas silang nagiging bayolente
at nananakit ng iba kahit hindi naman
talaga nila intensyon.
Aralin 3

Epekto ng Prostitusyon at Pang-aabuso sa


Buhay ng Tao

LAYUNIN NATIN
Pagkatapos ng araling ito, ang mga mag-aaral ay
inaasahang naiuugnay ang epekto ng prostitusyon
at pang-aabuso sa pamumuhay ng tao.
Matapos mong maunawaan ang
kahulugan at dahilan ng paglaganap
ng prostitusyon at pang-aabuso, atin
namang suduriin at uunawain ang
epekto nito sa buhay ng biktima,
pamayanan, at ng bansa. Madalas
nating napapanood sa balita ang ilan
sa mga kasong ito ngunit ano nga ba
ang nagiging buhay nila matapos ang
di kaaya-ayang karanasan?
Pag-aralan Natin

Epekto ng Prostitusyon
Ang paglaganap ng prostitusyon sa bansa at sa ibang
bahagi ng mundo ay nagdudulot ng malinaw na
epekto sa taong nasadlak dito pati na rin sa lipunang
kaniyang ginagalawan. Ang ilan sa mga epektong ito
ay ang sumusunod:
Pagbaba ng tingin sa sarili
Ang mga tinatawag na prostitute ay maaaring
makaranas na mababang tingin sa sarili dahil
sa uri ng kanilang trabaho. Malimit nilang
pahayag na sila ay mga biktima lamang ng
kahirapan at kung bibigyan ng pagkakataon o
oportunidad ay iiwanan nila ang prostitusyon
at magsisimula na lamang ng bagong buhay
na mas may dangal at dignidad.
Panghuhusga ng kapwa
Ang lipunang ginagalawan ng isang prostitute
ay may mga mapanuri at mapaghusgang mga
mata. Malimit maririnig ang mga salitang
“imoral, marumi, at kalapating mababa ang
lipad” bilang paglalarawan sa mga prostitutes.
Maaari itong maging dahilan ng pag-iwas ng
mga tao sa kanila dahil sa stigma o ang
negatibong pag-uuri sa kanila.
Alamin Natin
Tandaan at gawing gabay ang
kahulugan ng sumusunod na salita:
MGA KAHULUGAN
SALITA
depresyon pakiramdam ng labis na kalungkutan sa
hindi maipaliwanag o matukoy na
dahilan; pakiramdam na nag-iisa at
walang ibang kakampi o kasama
ginagalawan kinabibilangan
Alamin Natin
Tandaan at gawing gabay ang
kahulugan ng sumusunod na salita:

kalapating
katawagang ginagamit
bilang patungkol sa mga
mababa ang lipad prostitute o babaeng

nagkakalakal ng katawan
pakikitungo o pakikisama sa
pakikisalamuha
iba sa lipunan
Alamin Natin
Tandaan at gawing gabay ang
kahulugan ng sumusunod na salita:

kalapating
katawagang ginagamit
bilang patungkol sa mga
mababa ang lipad prostitute o babaeng

nagkakalakal ng katawan
pakikitungo o pakikisama sa
pakikisalamuha
iba sa lipunan
Paglabag sa karapatang pantao
Isa sa mga pangunahing karapatang pantao
ay ang mabuhay nang disente at ang
prostitusyon ay hindi mauuri dito sapagkat
nakawawala ito ng dignidad. Malimit na
nababastos ang mga prostitutes ng mga
kliyente nito dahil binibigyan ito ng laya ng
klase ng kanilang trabaho.
Negatibong impresyon ng bansa
sa mundo
Ang malawakang paglaganap ng prostitusyon
sa isang bansa ay nagiging dahilan upang
matawag ito na sex tourism. Negatibong
nakikilala ang bansa sa mababang presyo ng
prostitusyon. Ito ay hindi magandang imahen
para makaakit ng tunay na pag-unlad sa
turismo
Paglaganap ng sakit
Ang prostitusyon kung saan nasasangkot ang mga
kababaihan, kalalakihan, at homosexuals ay isa sa
mga tinuturong dahilan ng paglaganap ng mga sakit
mula sa pakikipagtalik gaya ng HIV/AIDS (Human
Immunodeficiency Virus/ Acquired Immune
Deficiency Syndrome), syphilis, herpes,
gonnorrhea, at iba pa. Ito ay dulot ng mapang-
abuso at hindi ligtas na pakikipagtalik.
Epekto ng Pang-aabuso
Ang pang-aabuso sa isang indibiduwal ay
maaaring magdulot ng hindi magandang
epekto sa biktima at sa lipunan. Ang mga
epektong ito ay maaaring hindi nakikita ng
mata ngunit labis na nakakasama sa isang
indibiduwal.
Pisikal na Epekto
Ang pisikal na pangangatawan ng isang tao na
nakaranas ng pang-aabuso ay maaaring makaramdam
ng matinding sakit at problema sa kalusugan. Ang isang
taong biktima ng pang-aabuso ay maaaring kakitaan ng
mga sugat at pasa sa katawan. Samantalang ang iba
naman ay labis na nabubugbog ang katawan o
nasusugatan kaya nagdudulot ng malubhang sakit, o
minsan ay pagkamatay.
Emosyonal na Epekto

Maaari ding makaranas ng emosyonal o sikolohikal na


epekto ang taong naabuso. Ang pang-aabuso ay
nagdudulot ng depresyon, stress, at suicidal tendency
sa isang biktima. Nangyayari ito dahil sa trauma na
kanilang naranasan at pag-iisip na wala nang
mangyayari sa kanilang buhay dahil nawalan na sila ng
pag-asa at positibong pananaw sa sarili.
Sosyal na Epekto
Ang mga nagiging biktima ng pang-aabuso ay
maaaring maging mailap sa mga tao at sa
lipunan. Dahil ito sa epektong sosyal ng
idinulot ng pang-aabuso sa kanila. Ang
kanilang pakikisalamuha sa mga tao ay
nagiging piling-pili. Maaari din silang
magkaroon ng risky behavior dahil sa kanilang
naranasan.
Ang ibang mga biktima naman ay
nababarkada sa mga taong may masasamang
impluwensya gaya ng pagdodroga o kaya ay
pagkakasangkot sa mga krimen. Kapag
naganap ito, sila naman ay nakakaapekto na
rin sa kaayusan ng lipunan na magdudulot
naman ng mas malaki pang problema
kalaunan.
ARALIN 3
Paglutas sa Suliranin ng
Prostitusyon at Pang-aabuso

LAYUNIN NATIN
Pagkatapos ng araling ito, ang mga mag-aaral ay
inaasahang nakapagmumungkahi ng solusyon upang
mapuksa ang lumalawig na suliranin ng prostitusyon at
pang-aabuso sa bansa
Ang pamahalaan at iba pang ahensiyang
pandaigdigan ay patuloy na naghahanap ng
solusyon para matapos o mabawasan ang suliranin
sa prostitusyon at pang-aabuso. Mayroong mga
solusyong nakahanda upang malutas ang mga
suliranin sa prostitusyon at pang-aabuso. Ang
kailangan lamang ay magkaroon ng sapat na
kaalaman,maging mapagmatyag at alerto ang bawat
mamamayan upang mabawasan kung hindi man ay
tuluyan mawala ang mga insidente ng suliraning ito.
Pag-aralan Natin

Maraming ahensiya ng pamahalaan at iba't


ibang ahesniya ang patuloy na naghahanap
ng paraan para mabigyan ng solusyon ang
suliranin sa prostitusyon at pang-aabuso.
Kaukulang Batas
Sa usapin ng pagbabatas, mayroon itong dalawang
magkasalungat na opinyon. Una ay ang pabor sa
legalisasyon nito kung saan may ilang mga bansa sa
Europa na legal ang prostitusyon. Sinasabing sa ganitong
paraan ay matututukan ng pamahalaan ang gawaing ito.
Makapaglalagay ito ng panuntunan na nararapat sundin
ng mga prostitutes at parokyano nito.
Pangalawa, ang mga tutol dito gaya ng
Pilipinas. Noong 2013, ang Pilipinas ay
nagpasa ng Anti Prostitution Act kung saan
ang mga prostitutes ay itinuturing na mga
biktima. Nagtakda ang batas na ito ng
kaukulang parusa sa mga bugaw at taong
nasa likod ng operasyon.
Sa suliranin naman ng pang-aabuso, ang
Republic Act 9262 o Anti-Violence Against
Women and Children Act ay naging batas noong
2004. Ito ang batas na nagsisilbing proteksyon
ng kababaihan at kabataan mula sa pang-
aabuso. Ilan pa sa mga batas na nagpoprotekta
sa mga tao laban sa pangaabuso ay ang Anti-
Sexual Harassment Act of 1995, Anti-Rape
Law of 1997, Anti-Trafficking in Persons Act
of 2003, at Magna Carta of Women.
Ahensya ng Pamahalaan
Ang Philippine Commission on
Women (PCW) ay ang bagong
pangalan ng National Commission
on the Role of Filipino Women
(NCRFW) na itinatag noong 1975.
Ito ang nagsisilbing pangunahing
komisyon na maaaring idulog ang
isyu na may kinalaman sa karapatan
ng kababaihan at mga kaso ng
pang-aabuso.
Samantala, ang DSWD (Department
of Social Welfare and Development)
ang pangunahing sangay ng
pamahalaan na nagbibigay tulong sa
mga nasadlak sa prostitusyon at
pang-aabuso. Ang tanggapang ito ng
pamahalaan ang umaasikaso sa
mga biktima mula sa pagrereklamo
sa awtoridad upang maparusahan
ang mga nagsadlak sa mga biktima
sa prostitusyon at pang-aabuso,
hanggang sa proseso ng recovery
para sa mga biktima.
Sapat na Edukasyon
Ang kurikulum ng bansa ay may kaakibat na mga
aralin upang mamulat ang mga kabataan sa
karapatan ng bawat isa. Sa ganitong paraan,
maiiwasan ng bawat isa ang maabuso at mang-
abuso. Ang pagkakaroon ng wasto at sapat na
kaalaman sa mga suliraning ito ang magiging
sandata ng mamamayan upang hindi maranasan
ang ganitong mga insidente.
Karagdagang Kaalaman

Maraming organisasyon na itinatag sa layuning tulungan ang mga


indibiduwal na biktima ng prostitusyon at pang-aabuso. Ang mga
samahang ito ay pangunahing nagbibigay ng pansamantalang
tirahan, medikal at pangkalusugang pangangailangan, at legal na
tulong sa kabataan, kababaihan, at iba pa na biktima ng
pananamantala.
Ang Women’s Crisis Center (WCC) ay itinatag noong 1989 para
tulungan ang kababaihang may personal na krisis sa Pilipinas.
Mayroon itong dalawang pangunahing gawain— Pagbibigay ng
Payo at Pagbubuo ng Support Group. Malaki ang naitulong ng
WCC sa kababaihang biktima ng prostetusyon, panloloko,
pananamantala, at pang-aabuso.
Ang opisina nito ay matatagpuan sa 7/F East Avenue
Medical Center, East Avenue, Quezon City. Kung
nangangailangan ng tulong, maaaring makipag-
ugnayan sa kanila sa pamamagitan ng sumusunod
na mga impormasyon:

Tel: 63-2-9225235
Hotline: 63-2-9267744
Fax: 63-2-9249315
Email: wccphil@pworld.net.ph
Paglalagom

Prostitusyon at Pang-aabuso
Mga Dahilan ng Epekto ng Prostitusyon Epekto ng Prostitusyon
And Prostitusyon at
Prostitusyon at Pang- at Pang-aabuso ng at Pang-aabuso ng
Pang-aabuso
aabuso Buhay Ng Tao Buhay Ng Tao
Kahuluhan at kasaysayan
ng prostitusyon ng Bansa Kaukulang batas
Mga Dahilan ng
Uri ng Prostitute at Lugar Epekto ng Prostitusyon
Prostitysyon
ng Prostitusyon

Iba pang paraan ng


prostitusyon
Ahensya ng Pamahalaan

Kahulugan ng pang-
aabuso Mga Dahilan ng Pang-
Epekto ng Pang-aabuso
aabuso
Iba’t Ibang Uri ng Pang- Edukasyon
aabuso
DAPAT TANDAAN

• Ang prostitusyon ay tumutukoy sa hanapbuhay na


gumagamit ng katawan at pakikipagtalik para sa salapi.

• Ang isang indibiduwal ay nakararanas ng pang-


aabuso kung siya ay nasasaktan ng kapwa sa pisikal,
emosyonal, sikolohikal, seksuwal at pinansyal na
aspekto
DAPAT TANDAAN

• Maraming dahilan bakit ang isang


prostitute ay nasasadlak sa trabahong
ito. Maaaring dahil sa kahirapan,
kawalan ng sapat na edukasyon,
karanasan, at pananamantalata ng iba.
Ang pangaabuso naman ay bunga ng
human trafficking, sexism, at mga
bisyo gaya ng droga.
DAPAT TANDAAN

• Ang prostitusyon ay nagdudulot ng maraming


epekto gaya ng pagbaba ng tingin sa sarili,
panghuhusga ng kapwa, paglabag sa
karapatang pantao, paglaganap ng sakit, at
pagkakaroon ng negatibong impresyon ng
bansa. Ang pang-aabuso naman ay nagdudulot ng
pisikal, emosyonal o sikolohikal, at sosyal na
epekto sa mga biktima nito.
DAPAT TANDAAN

• Mayroong mga solusyong nakahanda upang


malutas ang mga suliranin sa prostitusyon at
pang-aabuso. Kinabibilangan ito ng
pagkakaroon ng kaukulang batas, mga
ahensya ng pamahalaan, at sapat ng
edukasyon upang mabawasan kung hindi
man ay tuluyan mawala ang mga insidente ng
suliraning ito
THANK
YOU!!!!
GROUP 14:
Lance De Luna
Mariane
Tolentino
Nicole Lizardo

You might also like