You are on page 1of 21

Pagsusulit Filipino 10

1. Tulang may labing- apat na taludtud hinggil sa


damdamin at kaisipan, may malinaw na batiran
ng likas na pagkatao.
2. Awit na pumupuri sa Diyos o Mahal na Birhen
at nagtataglay ng kaunting pilosopiya sa buhay.
3. Nagpapahayag ng isang papuri sa isang bagay o
tao, panaghoy, o iba pang masiglang damdamin.
4. Isang halimbawa nito ay ang kundiman o awit
tungkol sa pag-ibig na kalimitang ginagamit sa
pagpapahayag ng pag-ibig ng mga binata sa
sinusuyo nilang dalaga .
5. Nagpapahayag ng damdamin o guniguni
tungkol sa kamatayan o kaya’y tula ng pananangis
lalo na sa paggunita ng isang yumao.
6. Ito’y may layuning maglalarawan ng tunay na
buhay sa bukid.
7. Isang mahabang tulang naglalarawan ng mga
pakikipagsapalaran ng pangunahing tauhan at
punong-puno ng mga di pangkaraniwang
pangyayari.
8. Ang mga pangyayari sa tulang pasalaysay na ito
ay sadyang maaaring mangyari sa tunay na buhay.
Ang mga pangunahing tauhan ay pangkaraniwang
nilalang lamang.
9. Tulang inaawit na isinasaliw sa sayaw.
10. Ito’y tula ng kasaysayang wala gaanong banghay at
binubuo ng mga kabanatang tumutukoy sa mga
pakikipagsapalarang puno ng mga hiwaga at kababalaghan.
Ang mga pangunahing tauhan ay karaniwang nabibilang sa
lipi ng mga maharlika at nagiging isang BAYANI.
11. Isang tao lamang ang nagsasalita mula sa
simula hanggang sa katapusan ng dula.
12. Ito ay nasusulat sa paraan at paksang-diwang
kapwa katawa-tawa: may mga tauhang ang papel
na ginagampanan ay nakalilibang; at nagtataglay
ito ng isang masayang pagtatapos.
13. Tumatalakay ito sa pakikipagtunggali at
pagkasawi ng isang pangunahing tauhan laban sa
isang lakas na higit na makapangyarihan tulad ng
tadhana.
14. Naglalarawan ng isang kalagayang katawa-
tawa at kalunos-lunos.
15. Isang uri ng dula na ang layunin ay magpasiya
sa pamamagitan ng mga kawing-kawing na mga
pangyayaring lubhang nakakatawa.
16. Naglalarawan ng galaw na lubhang
madamdamin at nagtataglay ng nakakasindak na
pangyayaring higit sa karaniwang mga karanasan
ng normal na tao.
17. Taglay nito ang kawilihan sa mga kalagayan, kilos,
at, damdaming ipinapahayag sa pamamagitan ng
mga salita ng taong kinauukulan. Ang toun nito ay
mailantad ang damdaming nakapaloob sa mga
pangyayari.
18. Tagisan ng talino sa pamamagitan ng palitan
ng katwiran sa pampatula.
19. Unang Hari ng Balagtasan.
20. Isang paligsahan sa tula na nilalaro sa mga
luksang lamayan o pagtitipong parangal sa isang
patay o yumao. Ang paksa nito ay patungkol sa
singsing ng isang dalaga na di umano’y nahulog sa
gitna ng karagatan.

You might also like