You are on page 1of 4

Maryknoll College of Panabo, Inc.

Purok Atis, National Highway, Brgy. Sto. Niño, Panabo City


PAASCU Accredited School Level 1
Junior High School Unit

Ikalawang Buwanang Pagsusulit


FILIPINO 10

Pangalan:______________________________________ Petsa: _______________


Baitang at seksyon:_______________________________ Puntos: ______________

I. Maramihang Pagpipilian
Panuto: Isulat ang titik ng tamang sagot sa nakalaang patlang bago ang bawat bilang.
____ 1. Sa akdang Si Pele: Ang Diyosa ng Apoy at Bulkan, sino ang pangunahing tauhang naging
tagapagligtas ng kanyang pamilya subalit nagdala rin ng maraming kapahamakan sa iba
dahil sa kanyang pagiging mainitin ang ulo at labis na pagseselos?
A. Haumea C. Namaka
B. Hi’iaka D. Pele
_____ 2. Sina Haumea at Kane Milohai ay mga magulang nina Pele, Namaka at Hi’iaka na diyos at
diyosa rin. Diyos at diyosa sila ng ano-anong bagay?
A. Buwan at araw C. Kragatan at kalangitan
B. Kalupaan at kalangitan D. Mga bituin at kailaliman ng lupa
_____ 3. Anong bagay ang naging kasangkapan ni Pele sa kanyang pakikipaglaban?
A. Apoy C. Ginto
B. Espada D. Tubig
_____ 4. Sino ang napakagandang dalaga na may likas na hikig sa pag-awit at pgsayaw at
itinuturing na diyosa ng hula at ng mga mananayaw?
A. Hi’iaka C. Namaka
B. Lehua D. Ohi’a
_____ 5. Mitolohiyang Griyego: Zues ; Mitolohiyang Pilipino: _________
A. Anito C. Kabunian
B. Bathala D. Malakas
_____ 6. Hawaii: Namaka ; Pilipinas: _________
A. Agawe C. Hanan
B. Apolaki D. Idionale
_____ 7. Inihayag ni Haring Duncan na ang gusto niyang maging tagpagmana ng trono ay ang
kanyang anak na si Malcolm. Ang pahayag ay nagpapakita ng anong uri ng pamahalaan sa
bansa?
A. Demokrasya C. Monarkiya
B. Diktadurya D. Parliamentarya
_____ 8. Ano ang bagong posisyon ni Macbeth sa kaharian pagkatapos manalo at magbalik galing
sa digmaan?
A. Heneral at Thane ng Cawdor C. Heneral ng Scotland
B. Heneral at Thane ng Glamis D. Hari ng Scotland
_____ 9. Sino ang pinili ni Haring Duncan upang maging tagapagmana ng kaharian?
A. Banquo C. Macduff
B. Macbeth D. Malcolm
_____ 10. Sino ang ipinain ni Lady Macbeth upang mapagbintangan sa pagpatay kay Haring
Duncan?
A. Ang dalawang guwardiya C. Sina Leonnox at Macduff
B. Si Banquo at ang anak niya D. Sina Malcolm at Donalbain
_____ 11. Anong tawag sa relasyon ng simuno o paksa at ng pandiwa?
A. Aspekto ng pandiwa C. Pokus ng pandiwa

MCPI-FILIPINO 10 Page 1 of 4
B. Kaganapan ng pandiwa D. Uri ng pandiwa
_____ 12. Ayon kay Aristotle, ito ay isang sining ng panggagaya o pag-iimita sa kalikasan ng
buhay. Ito ay isinusulat at itinatanghal upang magsilbing salamin sa buhay na
naglalayong makaaliw, makagturo, o makapagbigay ng mensahe. Anong uri ito ng
panitikan?
A. Dula C. Teatro
B. Salawikain D. Tula
_____ 13. Ano ang tawag sa tahasang pagpapakita ng labanan o pakikibaka ng tanging tauhan
maaaring sa kanyang sarili, sa kapwa, o sa kalikasan?
A. Kakalasan C. Saglit na kasiglahan
B. Kasukdulan D. Tunggalian
_____ 14. Anong tawag sa pinakamadulang bahagi ng dula kung saan iikot ang kahihinatnan ng
tanging tauhan, kung ito ay kasawian o tagumpay?
A. Kakalasan C. Saglit na kasiglahan
B. Kasukdulan D. Tunggalian
_____ 15. Anong bahagi ng wakas na dito mababatid ang resolusyon na maaaring masaya o
malungkot, pagkatalo o pagkapanalo?
A. Banghay C. Saglit na kasiglahan
B. Kakalasan D. Wakas
_____ 16. Ano ang tawag na maayos na daloy o pagkakasunod-sunod ng mga tagpo o eksena na
kung saan dito rin nakapaloob ang pinakamahalagang bahagi ng dula, ang diyalogo?
A. Banghay C. Simula
B. Gitna D. Yugto
_____ 17. Saang bahagi makikita ang kamalian o kawastuhan at pagkalag sa mga dapatkalagin?
A. Banghay C. Saglit na kasiglahan
B. Kakalasan D. Wakas

II. Panuto: Tukuying kung anong dulang pangtanghalan ang ipinapahayag sa bawat
pangungusap at hanapin ang sagot sa loob ng kahon. Isulat ang sagot sa nakalaang
patlang bago ang bawat bilang.

Proberbyo Komedya Trahedya Parse/Parsa

Melodrama Parodya Saynete Tragikomedya

_______________ 18. Ito ay isa sa mga dulang panlibangan. Ang paksa nito ay tungkol sa
paglalahad ng mga kaugalian ng isang lahi o katutubo, pangingibig, at
pakikipagkapwa.
_______________ 19.Sa anyong ito ng dula ay magkahalo ang katatawanan at ang kasawian kung
saan may tauhang katawa-tawa subalit sa huli’y nagiging malungkot dahil sa kasawian
o kabiguan.
_______________ 20. Katawa-tawa, magaan ang mga paksa o tema, at ang mga tauhan ay laging
nagtatagumpay sa wakas.
_______________ 21. Kapag ang isang dula ay may pamagat na hango sa mga bukambibig na
salawikain, ang kwento’y pinaiikot dito upang magsilbing huwaran ng tao sa kanyang
buhay.
_______________ 22. Ito ay sadyang namimiga ng luha sa manonood na para bang wala nang
masayang bahagi ng buhay kundi pawang puro problema at kaawa-awang kalagayan
na lamang ang nangyari sa araw-araw.
_______________ 23. Anyo ng dulang mapanudyo, ginagaya ang mga kakatwang ayos, kilos,
pagsasalita, at pag-uugali ng tao bilang isann anyo ng komentaryo o pamumuna no
kaya’y pambabatikos na katawa-tawa.

MCPI-FILIPINO 10 Page 2 of 4
_______________ 24. Dulang puro tawanan at halos walang saysay ang kwento. Ang mga aksiyon
ay slapstick na walang ibang ginawa kundi magpaluan at maghampasan.
_______________ 25. Ang mga tauhan ay karaniwang nasasadlak sa kamalasan, mabibigat na
suliranin, kabiguan, kawalan, at magimg sa kamatayan. Ito ay karaniwang
nagwawakas nang malungkot.
III.Panuto: Tukuyin ang POKUS NG PANDIWA ang mga sumusnod na mga pangungusap
kung TAGAGANAP, LAYON, TAGATANGGAP o GAMIT. Isulat ang sagot sa mga
nakalaang patlang bago ang bawat bilang.

______________ 26.Nanalo sa digmaan laban kay Namaka si Pele.


______________ 27. Iniligtas ni Pele mula kay Namaka ang kanyang pamilya.
______________ 28. Ang kutsilyo ay ipinanghiwa niya ng mga bawang at sibuyas.
______________ 29. Ipinagbili ni Gloria ng bagong laruan ang bunsong kapatid.
______________ 31. Ipinanghukay ni Sandro ng lupa ang pala.
______________ 31. Ipinampunas ni Marco sa pawis ang regalong bimpo ni Cassie.
______________ 32. Pinatay ni Macbeth ang mabuting haring si Haring Duncan.
______________ 33. Si Lady Macbeth ay nagpakamatay dahil sa sabutahing pagpatay sa hari.
______________ 34. Sina Jasmine at Kent ay ipinagluto ng masrap na pagkain ni nanay.
______________ 35. Isinayaw ni Hi’iaka ang sagradong sayaw na hula.
______________ 36. Ibinili ko ang nanay ng maraming pasalubong galing sa liwasan.
______________ 37. Kinuha ni Joy mula sa bag ni Jose ang kanyang gunting.
______________ 38. Masayang naliligo ang mga bata sa Ilog Pasig.
______________ 39. Sinunog niya ang liham na ipinadalang ng kanyang ina.
______________ 40. Ang pluma ay ipinansulat ko ng liham pangkaibigan.

IV. Panuto: Suriin at tukuyin ang tayutay na ginamit sa bawat pangungusap. Isulat ang sagot
sa nakalaaang patlang bago ang bawat bilang.

_______________ 41. Ang digmaan ay isang halimaw na lumalamon sa balang madaanan.


_______________ 42. Bumabaha ang luha ng mga pusong inulila ng mga nasawi sa digmaan.
_______________ 43. Ang sakit na dulot nito’y tila punyal na nakatarak sa dibdib.
_______________ 44. Maging ang kalangitan ay lumuha sa idinulot na matindining kabiguan.
_______________ 45. O Digmaan, huwag mong sirain ang kinabukasan ng isang bayan.
_______________ 46. Ayoko nang makita ang pagmumukha mo kahit kailan!
_______________ 47. Napakalinaw ng mata mo bakit hindi mo yan makikita.
_______________ 48.Ang mabait na tulad mo ay hulog ng langit.
_______________ 49. Ang malamig na simoy ng hangin ay yumakap sa akin.
_______________ 50. Sa sobrang talino ni Sandra ay wala nang nakakaintindi sa pinagsasasabi
niya.

MCPI-FILIPINO 10 Page 3 of 4
MCPI-FILIPINO 10 Page 4 of 4

You might also like