You are on page 1of 3

PANIMULANG PAGTATAYA

FILIPINO 7
Pangalan: ____________________________________________________________Iskor: ________________
I.MARAMING PAMIMILIAN. Panuto: Piliin ang pinakaangkop na sagot sa bawat bilang. Isulat ang titik ng
tamang sagot bago ang bilang.
_____1. Tekstong naglalarawan sa pisikal na katangian ng isang bagay, lugar at tao.
a. naglalarawan b. naglalahad c. nagsasalaysay d. nangangatuwiran
_____2. Likhang gawaing ipinapakita o inilalarawan ang paksa sa pamamagitan ng masining na pagguhit.
a. mockumentary b. panayam c. collage d. poster
_____3. Ang salitang-ugat sa salitang kabayanihan ay _____________.
a. ani b. kaba c. bayan d. bayani
_____4. Alin sa sumusunod ang ekspresyon ng posibilidad?
a. sa b. nga c. tunay d. sapagkat
_____5. Siya ang nagwikang, “Ang tunay na bayani ay hindi nasusukat sa kanyang kalakasan kundi sa sukat ng kanyang
puso o pagmamahal.”
a. Bonifacio b. Hercules c. Rizal d. Agamemnon
_____6. May akda ng ABNKKBSNPLKo.
a. Bob Ong b. Eros Atalia c. Rio Alma d. Michael Coroza
_____7. Barkadahan ng kababaihang mahilig gumimik, sabay-sabay pero laging late pumapasok ng room pagkatapos ng
recess at lunch break.
a. anak ni Rizal b. spice girls c. geeks d. clowns
_____8. Uri ng panitikan na ang mga tauhan ay mga hayop.
a. parabula b. pabula c. alamat d. tula

_____9. Tekstong may layuning makabuo ng mahalagang ugnayang lohikal tulad ng sanhi at bunga ng mga pangyayari.
a. naglalahad b. naglalarawan c. nangangatuwiran d. nagsasalaysay
_____10. Ang may-akda ng Sandaang Damit.
a. Rio Alma b. Fanny A. Garcia c. Donato B. Sebastian d. Bob Ong
_____11.Upang higit nating matiyak na nuunawaan ang isang pabula, dapat alam natin ang ibinibigay nitong ________.
a. aral b. suliranin c. tunggalian d. kasabihan
_____12. Isang araw, nakiusap ang Inang pusa sa Inang daga para bantayan ang anak niyang kuting dahil ito ay may
sakit. Ang may salungguhit ay _______.
a. ekspresyong posibilidad c. pang-ugnay sa pagbibigay ng sanhi
b. pang-ugnay sa pagbibigay ng bunga d. retorikal na pang-ugnay
_____13. __________, ikaw ang naging kabuuan ng aking pagkabata. Ano ang maaaring ipuno sa patlang upang ito ay
mapatotohanan?
a. talagang b. tunay na c. sa totoo lang d. sa tingin ko
_____14. Ano ang denotasyong kahulugan ng balimbing?
a. taksil b. sakim c. prutas d. malambing
_____15. Ano ang konotasyong kahulugan ng ahas?
a. hayop b. gumagapang c. taksil d. matapang
_____16. Sino ang pangunahing tauhan sa kuwento ni Rene O. Villanueva na sinasabing batang papel?
a. Nemo b. Meno c. Adong d. Magayon
_____17. Ano ang hiniling ng panguhing tauhan sa kuwento?
a. maging mabuting bata b. maging batang maramdamin c. maging batang masayahin d. maging isang tao
_____18. Ang may-akda sa kuwentong “Mabangis na Lungsod” ay si ___________.
a. Efren Abueg b. Edgar Samar c. Jose Rizal d. Lamberto Antonio
_____19. Kinasusuklaman niya ang kasamaan ng ugali ni Bruno. Ang kahulugan ng kinasusuklaman ay ____.
a. masama b. kinamumuhian c. barya d. sumbrero
_____20. Isang landmark o icon ng Bikol at Pilipinas na may perpektong apa dahil sa simetrikong hugis nito.
a. Taal b. Mayon c. Apo d. Makiling
_____21. Sino ang babaeng iniibig nina Pagtuga at Ulap?
a. Makiling b. Waling-Waling c. Magayon d. Dawani
_____22. Ang diwatang umibig sa isang taga-lupa.
a. Makiling b. Waling-Waling c. Magayon d. Dawani
_____23. Sino ang may-akda sa tulang “Kay Mariang Makiling?”
a. Rene Villanueva b. Efren Abueg c. Damiana Eugenio d. Edgar Samar
_____24. Ang Duwende ay isang kuwentong-bayan mula sa _________.
a. Bikol b. Leyte c. Samar d. Capiz
_____25. Ito ay mga pangyayari sa araw-araw na pamumuhay, maaring lokal o sa ibayong dagat, showbiz, pampalakasan,
pampolitika, panlipunan at iba pa.
a. balita b. komiks c. sanaysay d. talambuhay
_____26. Ang mga alamat mula sa El Filibusterismo ay isinulat ni _______________.
a. Andres Bonifacio b. Antonio Luna c. Jose Rizal d. Apolinario Mabini
_____27. Sa bahaging ito makikita ang tauhan at tagpuan. Anong bahagi ng kuwento ito?
a. simula b. suliranin c. gitna d. wakas
_____28. Ano ang gustong gawin ng kalpintero sa hulihang bahagi ng tulang “Napagawi Ako sa Mababang Paaralan?”
a. maiukit ang pangalan b. ayusin ito c. magsusulat sa pader d. linisan ito
_____29. Ito ay isang salaysay tungkol sa buhay ng isang tao.
a. talambuhay b. talaarawan c. sanaysay d. tula
_____30. Ang kuwentong nagpasalin-salin sa dila ng ating mga ninuno at nag-iiwan ng aral sa mga mambabasa.
a. dula b. kwentong bayan c. nobela d. alamat
_____31. Sino ang sumulat sa komiks na pinamagatang “Pimple”, “Braces”, at “The Gwapigs?”
a. Pol Medina Jr. b. Juan Cruz Reyes c. Bienvenido Lumbera d. Conrado de Quiros
_____32. Ito ay mabisang anyo ng literatura dahil mas madaling maunawaan at tangkilikin ng masa.
a. sanayasay b. awit c. alamat d. komiks
_____33. Ang dayalogo ay maari ring sabihing __________.
a. usapan b. pakikipanayam c. pagbabalita d. pagsasadula
_____34. Ito ang paraang ginamit upang ihatid ang salaysay o kuwento sa komiks.
a. genre b. dayalogo c. mga salita at larawan d. grapikong midyum
_____35. Ito ang karaniwang paksa ng komiks.
a. kasaysayan b. katatawanan c. pang-araw-araw na buhay d. isyung panlipunan
_____36. Ang komiks ay maaaring daluyan ng ____________.
a. sariling ekspresyon b. solusyon sa suliranin c. kuwento ng bayan d. sariling opinyon
_____37. Ang paksa ng komiks na ito ay tungkol sa mukha ng mga Pilipino.
a. The Gwapigs b. Kenkoy c. Braces d. Pimples
_____38. Ito ay binubuo ng labingdalawang (12) pantig sa bawat linya at bawat saknong ng mga ito ay binubuo ng apat
na taludtod.
a. korido b. awit c. nobela d. tula
_____39. Ito ay binubuo ng 1,772 na saknong at tumatalakay sa pangyayaring hindi kapani-paniwala, ngunit
napapalooban ng mga aral sa totoong buhay.
a. Noli b. El Fili c. Florante at Laura d. Ibong Adarna
_____40. Sino ang tagapagbantay ni Prinsesa Juana?
a. higante b. serpente c. ermitanyo d. adarna
_______________________________________________________________________________________________
God Bless!!!
Inihanda ni:
ANGELICA M. BARANGAY Noted:
Guro INOFEMIA G. GUADO
Ulong Guro
PANIMULANGANG PAGSUSULIT
FILIPINO GRADE 7
SUSI SA PAGWAWASTO
1. A
2. D
3. D
4. C
5. B
6. A
7. B
8. B
9. A
10. B
11. A
12. C
13. B
14. A
15. A
16. A
17. C
18. A
19. B
20. B
21. C
22. A
23. D
24. A
25. A
26. C
27. A
28. A
29. A
30. B
31. A
32. D
33. A
34. C
35. B
36. A
37. D
38. A
39. D
40. A

You might also like