You are on page 1of 2

UEG NATIONAL HIGH SCHOOL

SECOND QUARTER SUMMATIVE TEST


EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 7
Pangalan: ____________________________________________________________Iskor: ________________
I.Maraming Pagpipilian: Panuto: Basahing mabuti ang bawat tanong at isulat ang titik ng tamang sagot sa sagutang
papel.
_____1. Ang tao ay may kapangyarihang mangatwiran. Anong gamit ng iip at kilos-loob ito?
a. Konsensiya b. Intelektuwal na katalinuhan c. katwiran d. Intelektuwal na memorya
_____2. Kamalayan ng tao na siya ay may katalinuhan o angking talino. Anong gamit ng iip at kilos-loob ito?
a. Konsensiya b. Intelektuwal na katalinuhan c. katwiran d. Intelektuwal na memorya
_____3. Pagkakilala ng tao sa tama o mali na naging gabay sa kanyang kilos. Anong gamit ng iip at kilos-loob ito?
a. Konsensiya b. Intelektuwal na katalinuhan c. katwiran d. Intelektuwal na memorya
_____4. Kakayahan ng taong madaling makapagmemorya. Anong gamit ng iip at kilos-loob ito?
a. Konsensiya b. Intelektuwal na katalinuhan c. katwiran d. Intelektuwal na memorya
_____5. Ito ay may kakayahang mag-isip, alamin ang diwa at buod ng isang bagay.
a. Isip b. kilos-loob c. diwa d. asal
_____6. Ito ay may kapangyarihang manghusga, mangatuwiran, magsuri, mag-alala at umunawa ng kahulugan ng
mga bagay.
a. Isip b. kilos-loob c. diwa d. asal
_____7. Ito ay umaasa sa isip, kaya’t sa paghuhusga ng isip ay sumusunod ang malayang pagnanais ng kilos-loob.
a. Isip b. kilos-loob c. diwa d. asal
_____8. Ayon kay SantoTomas de Aquino, ito ay isang makatwirang pagkagusto (rational appetency), sapagkat ito ay
pakultad (faculty) na naaakit sa mabuti at lumalayo sa masasama.
a. Isip b. kilos-loob c. diwa d. asal
_____9. Ito ay ang kapangyarihan na magpasya, pumili, at isakatuparan ang kanyang pinili.
a. Isip b. kilos-loob c. diwa d. asal
_____10. “Ikaw ay biniyayaan ng isip o ng talino na siyang may kakayahang manghusga, mangatwiran, sumuri,
umalala at unawain ang kahulugan ng mga bagay-bagay”. Saan bahagi ng banal na aklat nakasulat ito?
a. John 3:16 b. Joshua 24:15 c. Genesis 1:27 d. 1 Peter 5:7
_____11. Ito ay natatagpuan sa pamamagitan ng patuloy na pananaliksik gamit hindi lamang ang isip pati na ang mga
pandama ng tao tulad ng paningin, pandinig, pang-amoy, panlasa, at pandama.
a. katahimikan b. kaginhawaan c. katapatan d. katotohanan
_____12. Napulot ni Ysabel ang pitaka ni Karla, Ano kaya ang kanyang gagawin?
a. Hindi niya ibabalik ang pitaka dahil napulot naman niya ito.
b. Ibabalik niya ang pitaka kay Karla, dahil sa kanya naman talaga ito.
c. Gagastusin niya ang mga perang napulot.
d. Hahayaang nakakalat ang pitaka sa lansangan.
_____13. Mahirap lamang sina Nicole ngunit may pangarap siya sa buhay. Ano ang dapat niyang gawin?
a. Pagbubutihin niya ang kanyang pag-aaral para makapagtapos siya.
b. Papasok lang siya kung kailan niya gusto.
c. Gawing dahilan ang kahirapan para hindi na makapagpatuloy sa pag -aaral.
d. Magmumukmok nalang ako siya bahay.
_____14. Paano mo lilinangin ang iyong isip at kilos-loob?
a. Sa pamamagitan ng paggawa ng wasto na naaayon sa iyong kalooban.
b. Sa pamamagitan ng pagsunod sa gusto lamang.
c. Sa pamamagitan ng hindi pagtupad sa iyong kalooban.
d. Sa pamamagitan ng paggawa ng di kanais-nais.
_____15. Ang kakayahan ng tao na kumilala ng mabuti at masama.
a. Konsensiya b. Likas na Batas Moral c. Mayroong kaalaman d. Obhetibo

II. Tama O Mali. Panuto: Isulat ang TAMA kung ang pahayag ay wasto at MALI kapag ito ay hindi wasto. Isulat ang
tamang sagot sa sagutang papel.
_____16. Ang likas na Batas Moral ay natatangi sa tao dahil ang pagtungo sa kabutihan ay may kamalayan at
kalayaan.
_____17. Ang tao ay may kalayaan-ang kakayahang magtakda ng layunin para sa sariling buhay at gumawa upang
makamit ito
_____18. Masayang naghugas ng pinagkainan si Tina pagkatapos nilang kumain ng agahan.
_____19. Napasya si Mayo na siya na lamang ang maglalaba ng maduming damit dahil masama ang pakiramdam ng
Ina.
_____20. Nagwawalis ng bakuran si Anie tuwing umaga kahit hindi sinasabi ng kanyang Nanay.
_____21. Ang paghuhusga ng konsensya at tama kung lahat ng kaisipan at dahilan na kakailanganin sa paglalapat ng
obhektibong pamantayan ay naisasakatuparan ng walang pagkakamali.
_____22. Ang paghuhusga ng konsensya ay nagkakamali kapag ito ay nakabatay sa mga maling prinsipyo o nailapat
ang tamang prinsipyo sa maling paraan.
_____23. Ang tao mismo ang naghuhusga ng mabuti o masama sa kanyang gagawin gamit ang kanyang konsensya.
_____24. Pag-iingat at pagsasauli ng hiniram na gamit.
_____25. Pagbibigay ng donasyon o tulong sa mga nangangailangan.
_____26. Pakikinig sa mga payo at mga pangaral ng mgulang.
_____27. Ang kalayaan ay may kalakip na disiplina at responsibilidad.
_____28. Ang kabataan ay dapat pagbutihin ang pag-aaral upang maging produktibo ito na mamamayan.
_____29. Ang pangangalaga sa kalikasan ay pagmamahal sa ating kalayaan.
_____30. Ang isip ay ginagamit sa pang-unawa.

III. Paghahanay. Panuto: Hanapin sa hanay B ang mga tinutukoy sa hanay A. Isulat Ang titik ng tamang sagot sa
sagutang papel.
Hanay A Hanay B
_____31. Ito ay may kapangyarihang maghusga, mangatwiran, magsuri, mag- A. Gintong aral o Golden Rule
alaala at umunawa ng kahulugan ng mga bagay. B. Dignidad
_____32. Ito ay maliit na bahagi ng katawan na bumabalot sa buong pagkatao C. Unang Hari 3;14-28
ng tao. D. Lukas 15: 11-32
_____33. Katangian ng kilos-loob na naitakda ng tao ang kanyang kilos tungo E. Haring Solomon
sa kanyang maaring hantungan at ang paraan upang makamit ito. F. Malaya
_____34. Ito ay maituturing  isang katangian ng kilos-loob na itakda ng tao G. Tunay na kalayaan 
ang kanyang kilos tungo sa kanyang maaaring hantungan at ang H. Kalayaan
paraan upang makamit mga ito I. Puso
_____35. Nangangahulugang ang pagkakaroon ng kalayaan na gawin ang mga J. Isip
bagay na gusto mo. K. Diwa
_____36. Siya ay kilalang hari na tanyag sa buong Israel.
_____37. Dito mababasa ang parabulang “Ang Alibughang Anak”.
_____38. Dito mababasa ang parabulang “Ang Hatol Ni Solomon”.
_____39. Ito ay galing sa salitang Latin na “dignitas mula sa “dignus” na ang
ibig sabihin ay “karapat-dapat”.
_____40. Huwag mong gawin sa iba ang ayaw mong gawin sa iyo.

IV. Pag-Iisa-Isa. Panuto: Ibigay at isulat sa papel ang hinihingi sa bawat bilang.
41-45. Magbigay ng mga salitang maaring iugnay sa salitang Dignidad.

V. Pagpapaliwanag. Panuto: Ipaliwanag ang kasabihang “Huwag mong gawin sa iba ang ayaw mong gawin ng iba
saiyo.” (5 o limang puntos)
46-50.

Inihanda ni:
ANGELICA B. AMMUGAUAN
Teacher III

Noted:
FAUSTINO G. LAGUA JR.
Principal I

You might also like