You are on page 1of 2

BAGONG SILANG HIGH SCHOOL

Ikatlong Markahang Pagsusulit


Pangalan:___________________________ Taon/Seksyon:_______________
I. Panuto: Piliin ang titik ng tamang sagot.
_____1. Kuwentong nagpasalin-salin sa bibig ng mga ninuno na karaniwang tumatalakay sa kultura, tradisyon at kaugalian ng isang
bayan. Anong uri ng panitikan ang inilarawan?
a. Kuwentong-bayan b. tulang panudyo c. sanaysay d. alamat
_____2. Isang kathang naglalahad ng kuro-kuro o opinion hinggil sa isang paksa sa maayos at epektibong paraan.
a. Nobela b. maikling kuwento c. salaysay d. sanaysay
_____3. Mga pahulaan at palaisipang maaaring palarawan, pasagisag o makatotohanan.
a. Palaisipan b. tulang panudyo c. bugtong d. tugmang de gulong
_____4. Mga simpleng paalala na maaaring mabasa sa mga pampublikong sasakyan tulad ng dyip, bus atn traysikel.
a. Tulang panudyo b. tugmang de gulong c. salawikain d. kasabihan
_____5. Ito ay nagpapatalas ng isip at kadalasang nagbibigay ng kasanayang lohikal sa mga nagtatangkang sumagot.
a. Tulang panudyo b. bugtong c. tugmang de gulong d. palaisipan
_____6. Tumutukoy sa lakas ng pagbigkas sa isang pantig ng salitang binibigkas.
a. Diin b. tono c. haba d. antala
_____7. Ang pang-aalipusta ng mga dayuhan ay hindi na kayang tiisin ng mga Pilipino. Ano ang kasingkahulugan ng salitang may
salungguhit?
a. Pagdaing b. paghamak c. pagtulong d. pagtatakwil
_____8. Nakakatuwang panoorin ang batang kirimpot sumayaw. Ano ang kahulugan ng salitang may salungguhit?
a. Kumakaway b. kumekendeng c. kikay d. kumikembot
_____9. Nanibugho ang buwan kaya tinakpan niya ang sikat ng araw. Ano ang kasingkahulugan ng salitang may salungguhit?
a. Nagselos b. nagduda c. nagtaksil d. nagtaka
_____10. Ano ang kahulugan ng salitang may salungguhit sa pangungusap na “Nagsimulang nagpamalas ng pambihirang lakasat kisig
si Bernardo?”
a. Nagtago b. nagmayabang c. nagpakita d. nagpaunlak
_____11. Noong unang panahon, nilikha ng Diyos ang langit, dagat, lupa, araw, buwan at mga bituin. Alin ang salitang naghuhudyat
ng simula?
a. Noong unang panahon b. wala pa c. araw, buwan d. lupa at mga bituin
_____12. Sa wakas, pinangalanan ng Diyos na Alelayo ang lalaki at Aremanya ang babae. Alin ang salitang naghuhudyat ng
pagwawakas?
a. Babae b. sa wakas c. Aremanya d. pinangalanan
_____13. Kaysarap pagmasdan ng mga ( a. TAla b. taLA c. TALA d. tala ) na nilikha ni Lumawig. Alin
sa sumusunod na salita ang tumutukoy sa bituin ayon sa ponemang suprasegmental?
_____14. Tila naghaharap sa sigalot ang araw at ang buwan. Anong salitang nagpapahayag ng paghihinuha mula sa pahayag?
a. Tila b. sigalot c. nahaharap d. araw
_____15. Patuloy ang pag ikot ng mundong wari’y walang katapusan. Anong salita ang nagsasaad ng paghihinuha?
a. Patuloy b. wari’y c. walang d. pag-ikot
_____16. Anong kohesyong gramatikal ang makikita sa pangungusap na “Magmula noon ay kinakitaan na si Bernardo ng
pambihirang lakas at kisig kaya siya ay kinatutuwaan ng lahat.”
a. Katapora b. tayutay c. anapora d. idyoma
_____17. Anong kohesyong gramatikal ang makikita sa pangungusap na “Dahil siya ay ipinanganak nang kakaiba, nagagawa ni
Bernardo na dumapa at gumapang nang mag-isa.”
a. Katapora b. tayutay c. anapora d. idyoma
_____18. Alin sa mga sumusunod na pahayag ang nagsasaad ng pag-amin ng kasalanan?
a. Hindi ako, ang may kasalanan.
b. Hindi, ako ang may kasalanan.
c. Hindi ako ang may kasalanan.
d. Hindi ako ang may, kasalanan.
_____19. Alin ang mga salitang karaniwang makikita sa gitna ng isang tradisyonal na kuwento?
a. Sa isang nayon b. noong nakalipas na panahon c. bunga d. sa kabuuan
_____20. Ang sanaysay ay isang uri ng panitikan na nasa anyong tuluyan na nagpapahayag ng ____________.
a. Mga pangyayari sa buhay ng akda.
b. Mga kuro-kuro ng may-akda.
c. Damdamin ng may-akda sa anyong patula.
d. Mga impormasyon tungkol sa bansa.
_____21. Anong damdamin ang nangingibabaw sa pahayag na “Ang mag-asawa ay lagging nagdarasal na mabiyayaan ng anak?”
a. Maka-Diyos b. makabayan c. makatao d. makakalikasan
_____22. Anong damdamin ang nangingibabaw sa pahayag na “Inaarugaan nila ang mga bata na parang tunay na anak.”
a. Mapagmahal b. maalalahanin c. mapagtiis d. mapagkumbaba
_____23. Anong damdamin ang nangingibabaw sa pahayag na “Nagalit ang buwan, tinakpan niya ang sinag ng araw kaya naghari ang
kadiliman.”
a. Pagkamakasarili b. pagkamainggitin c. pagkamapanibugho d. pagkamatampuhin
_____24. sa pahayag na "Ang bubog kung tinatamaan ng nag-aapoy na sikat ng araw ay nagniningning ngunit sumusugat sa kamay
ng nagaganyak dumampo.” ay nagpapabatid ng ano?
a. Pagkataranta b. pagkabighani c. pagkagulat d. pagmamadali
_____25. Ano ang ipinahihiwatig ng mga pananalitang “Tayo’y mapangingiti at isasaloob. Saan kaya ninakaw?”
a. Paghahanap b. nagkatuwa c. pagkabigla d. pagdududa

II.Panuto: Piliin ang titik ng tamang sagot sa bawat bugtong.


HANAY A HANAY B
26.Heto na ang magkapatid, nag-uunahang pumanhik. A. Sumbrero
27.Dalawang batong itim, malayo ang nararating. B. Gunting
28.Kay lapit-lapit na sa mata, di mo pa rin makita. C. Sandok
29.Baboy ko sa pulo, ang balahibo’y pako. D. Posporo
30.Nakayuko ang reyna di nalalaglag ang korona. E. Baril
31.Isang prinsesa nakaupo sa tasa. F. Ampalaya
32.Ate mo, ate ko, ate ng lahat ng tao. G. Kalabasa
33.Kung tawagin nila’y “santo” hindi naman milagroso. H. Sitaw
34.Bulaklak muna ang dapat gawin, bago mo ito kanin. I. Sili
35.Sinampal ko muna bago inalok. J. Sampalok
36.Baboy ko sa parang, namumula sa tapang. K. Saging
37.Nang munti pa ay paruparo, nang lumaki ay latigo. L. Santol
38.Ang anak ay nakaupo na, ang ina’y gumagapang pa. m. Atis
39.Nang sumipot sa maliwanag, kulubot na ang balat. N. Kasoy
40.Sa maling kalabit, may buhay na kapalit. O. Bayabas
41.Maliit na bahay, puno ng mga patay. P. Langka
42.May puno walang bunga, may dahon walang sanga. Q. Tenga
43.Hayan na si kaka bubuka-bukaka. R. Mga mata
44.Nagtago si Pedro nakalabas ang ulo S. Mga paa
45.Bumili ako ng alipin, mataas pa sa akin. T. Pako

III.Panuto: Tukuyin ang tamang sagot sa bawat palaisipan.

__________46. Ako ay nasa gitna ng dagat, nasa huli ng daigdig, at nasa unahan ng globo!

__________47. Sa umaga ay apat ang paa. Sa tanghali ay dalawa lang. Sa gabi ay tatlo. Ano ako?

__________48. Si Mario ay isa sa limang magkakapatid. Ang mga pangalan nila, umpisa sa panganay ay sina Enero, Pebrero, Marso,
Abril at ___________. Ano ang pangalan ng bunso sa magkakapatid?

__________49. Kung ang gumagapang sa aso ay pulgas, sa damo ay ahas, sa ulo ng tao ay kuto... ano naman ang gumagapang sa
kabayo?

__________50. May sampung na ibon ang nakadapo sa isang maliit na sanga ng puno. Limang maya, dalawang pipit at dalawang
kuwago at ang isa ay uwak. Binato ni Bato ang sanga. Tinamaan at nalaglag ang uwak. Ilang maya ang naiwan sa sanga?

You might also like