You are on page 1of 3

Magandang araw mga mag-aaral ng Grade 7!

Para sa aralin nating ngayong araw ay messenger


chatroom ang magiging daan natin sa pagkatuto.

Gamitin ang (nakataas na kamay) na emoji kung nais sumagot at (like sign) kung wala ng tanong o
sumasang-ayon

Simulan na natin!

Magbalik-aral muna tayo sa nakaraang aralin, Ano ba ang kwentong bayan?

Ano ang mga salita o pahayag sa pagbibigay ng patunay?

Magaling! Ngayong nakapagbalik aral na tayo ay sagutan natin ang BALIK TANAW sa pahina 3

(Sagutan sa loob ng 10 minuto)

Ngayon ay basahin naman natin ang PAUNANG PAGSUBOK sa pahina 1 at sagutan ang mga tanong
pagkatapos. (15 minuto)

Magaling! Ngayong natapos mo na ang Paunang Pagsubok ay dadako na tayo sa ating aralin,

Noong nakaraang aralin ay natalakay natin ang Mga Uri ng Kwentong Bayan,

Ano-ano nga ang mga ito?

Mahusay! Ngayon naman ay pagtutuunan natin ng pansin ang isa sa mga uri ng Kwentong Bayan,

Ang PABULA, Anon na nga ulit ang Pabula?

Magaling! Ang Pabula ay kuwentong pumapaksa sa mga hayop na inihahambing sa mga tao dahil sa mga
pag-uugali at katangiang taglay ng bawat isa.

Basahin ang Pagpapakilala sa Aralin sa pahina 3

Ano-ano ang natutunan mo tungkol sa Pabula?

Noong Nakaraan ay pinag-aralan natin ang mga pahayag na nagbibigay ng patunay yulad ng
Totoong,talaga , Tunay at Sadyang

Ngayon naman ay ano baa ng Paghihinuha at mga ekspresyong ginagamit sa paghihinuha?


Ang Paghihinuha 
Kapag nagbibigay tayo ng ating hinuha sa mga bagay na maaring mangyari o
nangyari, gumagamit tayo ng mga ekspresyong nagpapahayag ng posibilidad dito ang
iba’t ibang ekspresyon tulad ng maaari, baka, siguro, posible, sa palagay ko,
marahil,at iba pa.
Maaring ang paglalahad ng opinyong ito ay batay lamang sa sariling hinuha,
paglilinaw na maaring makatotohanan o hindi makatotohanan ang opinyon. Ngunit
higit na mapagtitibay ang hinuhang ibibigay kung bibigyan ng pansin ang mga
pahiwatig na ginamit ng awtor. Ang mga pahiwatig na ito ang tutulong sa atin upang
makapagbigay ng naaangkop na hinuha.
Magkaiba ang paghihinuha sa paghuhula. Ang paghuhula ay isang wild guess
na maaaring nakabatay sa dating karanasan o nakaraang pangyayari. Samantalang
ang paghihinuha ay batay sa mga ebidensiya o mga implikasyong ipinapakita sa
isang kuwento, akda o pangyayari.

Pagkatapos nating mapanuod/mabasa ang Pabulang ANG ASO AT ANG LEON at malaman kung ano ang
Paghihihnuha ay sagutan natin ang mga katanungan sa pahina 5-6

GAWAIN 1.1 a GAWAIN 1.2

(20 minuto)

Narito ang mga dapat mong tandaan sa paraan ng pagbibigay ng hinuha sa


kalalabasan ng pangyayari:

1. Ito ay batay sa mga ebidensiya o mga implikasyong ipinapakita sa isang kuwento


akda o pangyayari.
2. Ito ay karaniwang tinatawag na “Reading between the lines” o inferencing.
3. Ito ay ang pagbibigay ng iyong sariling haka-haka o opinyon tungkol sa isang
bagay o sitwasyong naganap ito ay maaaring magmula sa iyong sariling paniniwala at
pagkakaintindi sa isang konteksto ng pangyayari.
4. Kapag nagbibigay tayo ng ating hinuha sa mga bagay na maaaring mangyari o
nangyari, gumagamit tayo ng mga ekspresyong nagpapahayag ng posibilidad. Ito ang
iba’t ibang ekspresyong tulad ng maari, baka, siguro, o posible at iba pa.

Sagutan ang PAG-ALAM SA NATUTUHAN


Pahina 7 (10minuto)

Panuorin din ang


‘‘LALAPINDIGOWA-I’’ Kung Bakit maliit ang beywang ng Putakti (Pabula ng Maranao)
https://www.bing.com/videos/search?
q=lalapindigowa&&view=detail&mid=DD7C38B830BF6EB491B6DD7C38B830BF6EB491B6&&
FORM=VRDGAR&ru=%2Fvideos%2Fsearch%3Fq%3Dlalapindigowa%26FORM%3DHDRSC3

Sagutan ang tanong sa pahina 8

Alam kong marami ka ng natutunan! Para sa Pangwakas na Pagsusulit ay Basahin moa ng pabula sa
pahina 8 tungkol kina Daga at Haring Tamaraw, pagkatapos ay sagutan ang mga katanungan sa ibaba.

Gamitin ang google forms na ibibigay ko.

Para sa Pagninilay,

Bumuo ng paghihinuha sa mga sumusunod na sitwasyon sa pahina 10

Tiyaking gagamit ng mga ekspresyon sa paghihinuha tulad ng

maaari,
baka,
siguro,
posible,
sa palagay ko,
marahil.

Magaling! Nararapat kang purihin sapagkat natapos mo ang lahat ng mga pagsubok na ibinigay. Kung
mayroon pang bahagi na hindi mo naunawaan huwag kang mag-atubili na magtanong sa iyong guro.

You might also like