You are on page 1of 16

SIMULAN

NATIN!

Filipino 10: Pinagyamang Pluma


Mga Paalala:
1. Panatilihing laging bukas ang mga camera habang nagaganap
ang klase.
2. Dapat naka-off ang mga microphone. Bubuksan lamang ito
kapag tinatanong ng guro.
3. Iwasan ang pagpunta sa palikuran. Dapat nagawa nang umihi
bago pa magsimula ang klase.
4. Iwasang kumain habang nagaganap ang talakayan.
5. Iwasan ang MULTI TASKING.
MGA
LAYUNIN
 Nakikilala ang mga
layunin ng talumpati
Balik-aral
 Anong uri ng pamahalaang umiral sa Kanlurang
bahagi ng Berlin? Sa Silangang bahagi?
 Ilang taong nasikil sa kalayaan ang mga tao sa
Silangang bahagi ng Berlin?
 Anong taon nagiba o bumagsak ang Berlin Wall?
TALUMPAT
I
Isang sining at makaagham na
pagpapahayag ng mahahalaga at
makakabuluhang kaisipan na
binibigkas sa harapan ng madlang
tagapakinig.
MGA LAYUNIN
NG TALUMPATI
Magbigay Kabatiran o
Kaalaman
Makapagpaliwanag at
Makapagturo
Mapanghikayat
Makapagpaganap o
Makapagpatupad
Magbigay-aliw o Manlibang
Magbigay ng Kaalaman
Layunin nitong mabigyan ng mga BAGONG
KAALAMAN o kabatirang makapagdaragdag sa mga dati
nang kaalaman ng mga tagapakinig.
Magturo at Magpaliwanag
Ang isang talumpati ay maaaring makapagturo o
makapagpaliwanag ng BAGONG PARAAN o PANINIWALANG
kaugnay ng isang ideya o kaisipan. Makatutulong ito sa mga
tagapakinig upang makita ang paksa sa ibang anggulo at maiangat
ang nalalaman ukol sa paksang tatalakayin.
Manghikayat
Ang isang mabisang talumpati ay maaaring
MAKAPANGHIKAYAT sa mga tagapakinig. Maaari nitong
mabago ang pananaw ng isang tagapakinig at maakit itong
sumang-ayon o tanggapin ang pinagtatalunang bagay o kalagayan.
Madalas itong nagagamit ng mga politiko sa pangangampanya.
Magpatupad o Magpalaganap
Ang isang talumpati ay maaaring MAKAPAGLAHAD ng
isang adhikain, proyekto, batas, o ordinansang kailangang
mapalaganap o maipatupad sa nakararami.
Manlibang
Ang talumpati, upang maging mabisa ay kailangang
magkaroon ng pang-akit at makapanlibang sa mga
tagapakinig. Magtatagumpay lang kung lubos itong
pinakinggan at kinagiliwan ng mga tagapakinig kaya’t
nararapat ang talumpati’y maging kawili-wili.
Mga Bagay na dapat TANDAAN
sa pagsulat ng Talumpati
1. PAGTUKOY SA URI NG TAGAPAKINIG
2. PAGKAKAROON NG MALAWAK NA KAALAMAN SA
PAKSA
3. PAGBUO NG ISANG MABISANG BALANGKAS
- Panimula (Pambungad ng Talumpati)
- Paglalahad (Katawan ng Talumpati)
- Impresyon (Pagwawakas ng Talumpati)
4. PAGSULAT NG TALUMPATI
Pamprosesong Tanong

1. Paano nakatutulong ang talumpati sa paghahatid ng


mga impormasyon sa kanyang mga tagapakinig?
Mahalagang KAisipan
Ang talumpati ay mahalaga sa ating buhay dahil ito ay isang
instrumento na kung saan nailalahad ng isang tao ang kanyang
paniniwala sa isang isyu. Ito rin ay isang madaling paraan upang ang
mga ideya at paniniwala ay naibabahagi sa iba. Dahil dito,
mapapalawak ang kaalaman ng mga manonood tungkol sa paksang
tinatalakay. Ito rin ay nagbibigay ng karagdagang suporta para
maibahagi ang kaalaman o ang dapat gawin para sa pagbabagong
kailangan natin lahat.

You might also like