sa harapan ng maraming tagapakinig. - Komunikasyong pampubliko. LAYUNIN 1. Makapaghatid ng mahahalagang impormasyon 2. Makapukaw ng damdamin 3. Mahikayat ang tagapakinig 4. Mapaniwala sa isang pahayag 5. Makapagdulot ng kasiyahan sa nakikinig MGA DAPAT ISAALANG ALANG SA PAGTATALUMPATI 1. TINDIG – may maayos na pagtayo at pagkilos sa tanghalan. 2. TINIG – malinaw na pagbigkas ng mga salita na naririnig sa buong bulwagan. 3. MUKHA at TITIG – tumingin sa mata o mukha ng mga nakikinig. 4. KUMPAS – wastong gamit ng kamay sa bawat pahayag na binibitawan. MGA BAHAGI NG TALUMPATI
1. PANIMULA – inilalahad ang layunin ng talumpati,
kaagapay na ang estratehiya upang kunin ang atensyon ng madla 2. KATAWAN – pinagsunod-sunod sa bahaging ito ang mga makabuluhang puntos o patotoo. 3. KONGKLUSYON – Bahaging nagbubuod o nalalagom sa talumpati. URI NG PAGTATALUMPATI
1. BIGLAAN O DAGLIAN – walang paghahanda kung saan
ibinibigay lamang sa oras ng pagtatalumpati ang paksang tatalakayin. 2. MALUWAG – nabibigyan ng pagkakataong maghanda upang masagot ang paksang tatalakayin. 3. MAY PAGHAHANDA – higit na mahaba ang panahong inilalaan upang mapaghandaan ang talumpati.