You are on page 1of 2

Ikalawang Markahang Pagsusulit

FILIPINO G- 8 60
(SY: 2018-2019)

GOD BLESS! ! !
Pangalan:______________________________ Taon at Pangkat:________________

Test I-Tama o Mali: Sagutin ng tama o mali ang pagsasanay sa ibaba upang malaman kung gaano kalawak ang iyong
kaalaman hinggil sa Panitikang Pilipino.

________1. Ang salawikain, bugtong at palaisipan ay ilan sa mga halimbawa ng karunungang bayan.
________2. Kuwentong-bayan ang tawag sa mga kuwentong patulang nagsasalayasay ng mga tradisyong Pilipino.
________3. Ang awit at korido ay mga panitikang lumalaganap sa panahon ng mga Hapones.
________4. Ang tibag, senakulo, moro-moro at komediya ay mga dulang pantanghalang pumapaksa sa buhay at
paniniwalang Katoliko.
________5. Bukod sa Balagtasan, ang mga pagtatalong patula tulad ng karagatan at duplo gayundin ang palaisipan ay ilan sa
mga halimbawa ng karunungang bayan.
________6. Ang “Pag-ibig sa Tinubuang Lupa” ay tulang isinulat ni Jose Rizal.
________7. Sina Emilio Jacinto, Apolinario Mabini, Marcelo H. Del Pilar at iba pa ay nagkaroon ng malaking ambag sa
Panitikang Pilipino lalo na noong panahon ng mga Espanyol.
________8. Sa panahon ng mga Hapones ay nakilala ang mga akdang haiku at tanaga.
________9. Pawang tungkol sa rehiyon ang mga dulang nalathala sa bansa lalo na sa panahon ng mga Hapones.
________10. Ang panulat ay nagging sandata ng mga Pilipino sa pakikipaglaban sa mga dayuhan lalo na noong panahon
ng himagsikan.

Test II- Pagtapat-tapatin: Piliin sa Hanay B ang kasingkahulugan ng salitang tinutukoy sa Hanay A. Titik lamang ang isulat
at ilagay ang iyong sagot sa patlang na inilaan bago ang bilang.
Kolum A Kolum B
_____11. Bagyo sa buhay a. palasyo
_____12. Inisip ng makapilo b. sandata
_____13. Hindi napaluluha c. sanggunian
_____14. Matalas ang isip d. nakaburol
_____15. Nakatunganga bukas e. bihag
_____16. Mukha ay nasa talampakan f. nakaramdam ng matinding pagkahiya
_____17. Di-matingkalang kapangyarihan g. di-masusukat ang lakas
_____18. Kabutihang-palad h. dahil sa magandang pangyayari
_____19. banal na kaluluwa i. mabuting kalooban
_____20. Binuo ang kanilang sarili k.nagkaisang magdesisyong magtanan o tumakas
_____21. kaharian l. problema
_____22. Pinaglamayang patay m. hindi nadidisiplina
_____23. konseho n. pinag-iisipang mabuti
_____24. kampilan o. walang magandang hinaharap
_____25. bilanggo p. matalino

Test III-Pagpipili: Piliin ang titik ng tamang sagot na hinihingi sa bawat bilang. Isulat ang sagot sa patlang na inilaan bago
ang bilang.
_____ 26. Ang mga sumusunod ay mga kahalagahan ng pag-aaral ng panitikan maliban sa isa:
a. makilala natin ang mga kalinangang pampanitikan at malaman natin ang kasaysayan nito
b. makilala natin ang sariling kalinangan, ang minanang yaman ng isip at ang henyo ng ating lahi iba kayasa sa ibang lahi
c. maging katutubo sa atin ang magkaroon ng pagmamalasakit sa ating sariling panitikang Pilipino dahil tayo’y mga Pilipino.
d. matanto ang mga kapintasan sa ating panitikan at makapagsanay upang maiwasan at mapawi ang mga ito
_____27. Isabuhay ang kasabihang ito upang iwasan ang maging anak-dalita.
a. Pag nagtanim ng hangin, bagyo ang aanihin c. Nasa Diyos ang awa, nasa tao ang gawa
b. Sa anumang lalakarin, makapilo munang isipin d. Kung hindi uukol, hindi bubukol
_____28. Pag may isinuksok, may madudukot. Ano ang nais ipahiwatig nito?
a. Tiyak na may magagastos ang taong marunong mag-impok
b. Ang masarap na kanin ay mahirap kainin
c. Kapag maagang nagsimula tiyak na maaga ring matatapos.
d. Matutong umahon sa anumang pagsubok na iyong nilusong.
_____29. Ito ay nakaugalian nang kasabihan at nagsisilbing batas at tuntunin ng kagandahang-asal ng ating mga ninunong
naglalayong mangaral at umakay sa mga kabataan sa pagkakaroon ng kabutihang-asal..
a. Salawikain b. sawikain c. kasabihan d. bugtong
_____30. Ito ay nasa anyong tuluyan na kalimitang gumigising sa isipan ng mga tao upang bumuo ng isang kalutasan sa isang
suliranin.
a. Salawikain b. sawikain c. palaisipan d. bugtong
_____31. Ito ay pahulaan sa pamamagitan ng paglalarawan at binibigkas ng patula at may lima hanggang labindalawang
pantig. Ang mga Tagalog ang pinakamayaman dito.
a. Salawikain b. sawikain c. kasabihan d. bugtong.
_____32. Ito ay nagtataglay ng talinhaga sapagkat ito ay may nakatagong kahulugan.
a. Salawikain b. sawikain c. kasabihan d. bugtong
_____33. Ito ay pahayag na may sukat at tugma na kalimitang ginagamit na panungkulan o pangontra sa kulam, engkanto at
masasamang espriritu.
a. Palisipan b. bugtong c. kasabihan d. bulong
_____34. Ito ay isang paraan ng paglalahad at nkatutulong sa pagbibigay-linaw sa isang paksa sa pamamagitan ng paglalahad
ng pagkakatulad at pagkakaiba ng dalawang bagay na pinaghahambing.
a. Paghahambig b.pagtutulad c.pagtatambis d. Walang sagot
_____35. Ito ay kuwentong pasalinsalin sa bibig ng mga taong bayan na naglalaman ng pinagmulan ng isang pook, bagay,
halaman, hayop, pangalan o katawagan o iba pang bagay.
a. Alamat b. Epiko c. Bantugan d. Tinubuang lupa
_____36. Ito ay kuwentong naglalarawan ng mga kaugalian, pananampalataya, at mga suliraning panlipunan ng panahong
iyon kahit na ang mga kuwento ay mga kababalaghan at di-kapani-paniwalang mga pangyayari at marami sa mga ito ang
nagbibigay ng aral.
a. Alamat b. Kuwentong-bayan c. Epiko d. Bantugan
_____37. Ang salitang alamat o legend sa Ingles ay mula sa salitang Latin na Legendus na nangangahulugang?
a. muling mabasa b. Para mabasa c. Upang mabasa d. Upang basahin
_____38. Anong kalagayang panlipunan ang masasalamin sa alamat ng “Pinagmulan ng Marinduque”?
a. kahirapan b. pagpapatawad c. pagpapakumbaba d. estado sa buhay
_____39. Ano ang ipinahiwatig ng pag-ibig ni Mutya Marin?
a. Pag-ibig na dalisay b. Tunay na pag-big c. pag-ibig sa kasintahan d. pag-ibig sa ama
_____40. Ang mga sumusunod ay ang mga kilalang alamat maliban sa:
a. Alamat ng Bayabas c. Alamat ng Paruparo
b. Alamat ng Tandang d. Alamat ng bulkang Mayon
_____41. May ilang haba ng linya ang isang epiko?
a. 100-500 linya b. 1000-5000 linya c. 500-1000 linya d. 1000-55000 linya
_____42. Ano ang epiko ng mga Iloko?
a. Lam-ang b. Bantugan c. Indarapatra at Sulayman d. Walang sagot
_____43. Ito ay tawag sa salita o lipon ng mga salitang nagbibigay-turing sa pandiwa, pang-uri, o kapwa pang-aba.?
a. Pang-angkop b. Pangatnig c. Pandiwa d. Pang-abay
_____44. Panitikang tumatalakay sa kabayanihan at pakikipagtunggali ng isang tao o mga tao laban sa mga kaaway.
a. alamat b. epiko c. bugtong d. tula
_____45. Pang-abay na nagsasaad kung kailan ginanap, ginaganap o gaganapin ang sinasabi ng pandiwa sa pangungusap.
a. Pamanahon b. Panlunan c. Pamaraan d. Panggaano
_____46. Pang-abay na nagsasaad ng sukat o timbang.
a. a. Pamanahon b. Panlunan c. Pamaraan d. Panggaano
_____47. Pang-abay na tinatawag na pariralang sa.
a. Pamanahon b. Panlunan c. Pamaraan d. Panggaano
_____48. Dahil sa utos ni Haring Madali ay lumayo si Prinsipe Bantugan sa kaharian ng Bumbaran, Si Bantugan ay......
a. takot sa Hari kaya’t di niya ito kinausap dahil baka patawan pa siya ng panibagong parusa
b. tunay na gumagalang sa Hari kaya’t pinili na lamang niyang tumahimik at lumayo sa kabila ng kalungkutang
nadarama.
c. Walang kapangyarihan sa kanyang kaharian sa kabila ng kanyang pagiging prinsipe
d. Malilituhin kaya’t nahihirapang magdesisyon sa kanyang sarili
_____49. Ito ay nagpapaliwanag hindi lamang ng mga bahagi ng kabuoan ng isang bagay kundi pati na rin ang kaugnayan ng
mga bahaging ito sa ias’t isa.
a. Pagbibigay katuturan o Depenisyon c. pagtatalata
b. Paghahawig o pagtatambis d. pagsusuri
_____50. Isang maikling katha na binubuo ng mga pangungusap na magkaugnay, may balangkas, may layunin at may pag-
unlad ang kaisipang nakasaad sa pinakapaksang pangungusap na maaaring lantad o di lantad.
a. Talata b. Depenisyon c. Panimula d. Pagsusuri

Test IV: Salungguhitan ng isang beses ang sanhi at at dalawang beses naman ang bunga na ginamit sa pangungusap.

51-52. Minahal ng husto ni Adlaw si Bulan kaya’t pinakasalan niya ito.


53-54. Naging matamis ang pagsasama ng mag-asawa kaya’t biniyayaan sila ng maraming anak.
55-56. Naging mabigat para kay Adlaw ang pagkakaroon ng maraming anak kaya naman inisip niyang patayin ang
mga ito.
57-58. sapagkat ina ay hindi naatim ni Bulan, pumayag siya sa naging pasya ng asawa.
59-60. Nagkaroon tuloy ng buwan at bituin sa gabi nang magkahiwalay sina Adlaw at Bulan.

You might also like