You are on page 1of 11

 Ang El Filibusterismo

ay ang sequel ng
nobelang “Noli me
Tangere” na isinulat
din ni Dr. Jose Rizal.
Ito ay karugtong ng
Noli me Tangere na una niyang
isinulat.
 Ang “El Filibusterismo” ay
tinatawag ding “Ang
Pilibustero”, “Ang Paghahari
ng Kasakiman”, at “The
Subversive” sa salitang ingles.
 Ang El Filibusterismo ay
inalay ni Rizal sa tatlong
Paring martyr na kilala sa
bansag na Gomburza. Ang
mga paring sina
Mairano Gomez,
Jose Burgos, at
Jacinto Zamora na binitay sa
pamagitan ng garote
dahil sa maling paratang.
 Sinimulan ni Rizal ang kanyang akda noong
Oktubre 1887 habang nagpapraktis ng
medisina sa Calamba, Laguna.

 Sa London, noong 1888, gumawa siya ng


maraming pagbabago sa plot at pinagbuti
niya ang ilang mga kabanata. Ipinagpatuloy
niya ang pagsulat sa akda niyang it habang
naninirahan sa Paris, Madrid, at Brussel.
 Nakumpleto ni Rizal ang El Filibusterismo
noong Marso 29, 1891 sa Biarritz, France.

 Nailimbag ng maayos ang nobela noong


Setyembre 22, 1891
 Nakahanap si Rizal ng murang palimbagan sa
Ghent, Belgium. Ang palimbagang Meyer-van
Loo. Ipinadala niya ang nobela sa kanyang
kaibigan na si Jose Alejandrino. Sa
kasamaang palad, hindi natapos ang
paglilimbag ng aklat. Mahigit sa isandaang
pahina pa lamang ito nang maipahinto dahil
naubos na ang kanyang pambayad mula sa
salaping kanyang natipid at nang hindi
dumating ang hinihintay na salapi mula sa
kanyang pamilya sa Pilipinas.
 Dahil sa kabaitan ni Valentin Ventura,
tinulungan niya si Rizal na malimbag
ang kanyang akda. Siya ang
nagpahiram ng pera sa kanya. Kaya
ibinigay ni Rizal sa kanya ang orihinal
na kopya kasama ang isang
nilagdaang sipi bilang pasasalamat sa
kanya.
 Ipinadala ni Rizal sa Hong Kong ang karamihan
ng mga aklat at ibang bahagi ng mga ito ay sa
Pilipinas napunta pagkatapos niyang mabigyan
ng kopya ang mga kaibigang sina Juan Luna,
Marcelo H. del Pilar, Graciano Lopez Jaena, at Dr.
Ferdinand Blumentritt. Sa kasamaang palad,
nasamsam sa Hong Kong ang mga aklat na
ipinadala ni Rizal gayundin ang mga kopyang
ipinadala niya sa Pilipinas. Subalit may ilang
nakalusot ay nagbigay ng inspirasyon sa mga
naghihimagsik.
 Kung ang Noli ang gumising at nagpaalab sa
diwa at damdamin ng mga Pilipino ukol sa
karapatan, nakatulong naman nang malaki
ang El Filibusterismo kay Andres Bonifacio
upang maiwaksi ang mga balakid sa
nakasasagabal sa paghihimagsik noong
1896.
 Ang nobela ay pampulitika na nagpapadama,
nagpapahiwatig, at nagpapagising pang lalo
sa maalab na hangaring makapagtamo ng
tunay na kalayaan at karapatan ng bayan.

You might also like