You are on page 1of 3

MASINING NA EKSPRESYON NG IDEYA

 IDYOMA O PASAWIKAING PAHAYAG


Nagbibigay ng kulay ,bisa at makabuluhan ang mga pahayag. Ang kahuluagn
nito ay hindi matatanto sa mga salita na bumubuo dahil may sarili itong
kahulugan

MGA HALIMBAWA:
1. Anghel ng tahanan- batang tampulan nh kagalakan
2. Balitang kutsero- balitang hindi totoo
3. Gintong- asal- may mabuti at marangal na ugali
4. Kadaupang-palad- kaibigan;kabungguang balikat
5. Biyernes santo ang mukha-malungkot na malungkot

TAYUTAY

Tinatawag ding patalinhagang pagpapahayag.Sa pagtatayutay sadyang


lumalayo ang nagpapahayag sa karaniwang paraan ng pagsasalita upang magawang
higit na maganda at kaakit-akit ang kanyang sinasabi.

URI NG TAYUTAY

1. Simile o Pagtutulad
Paghahambing ng dalawang magkaiba o di magkauring bagay,tao,kaisipan,
pangyayari at iba pa. Ginagamit ang mga salitang parang, wangis,animo’y ,gya
ng, mistula at tulad
Hal:
Mistulang Paraiso ang lugar na ito

2. Metapora o Pagwawangis
Paghahambing din ito gaya ng pagtutulad ngunit di na ginagamitan ng mga
salitang pantulad o direkta sa nais na patungkulan
Hal:
Bagyo ang dumadaan kapag nagagalit ang guro

3. Apostrophe o Pagtawag
Anyo ng panawagan o pakiusap sa isang taong di kaharap,nasa malayo o kaya’y
patay na o kaisipan at mga bagay na binibigyan katauhan
Hal:
Tukso, iwan mo ako dahil gusto kong makalayo!

4. Pag-uyan o Ironya
Pagpapahayag ng pagpuri ay may pagbalik o panunudyo
Hal:
Mahusay siyang magdala ng bagay na wala naman sa panahon

5. Personipikasyon o Pagbibigay-katauhan
Ang mg awalang buhay ay pinagtataglay ng katangiang pantao sa pamaamgitan
ng mga salitang kilos
Hal:
Pinagpapawisan na ang mga bintana sa lamig ng gabi

6. Paglilipat-Wika(Transferred Epithets)
Katulad ng pagbibigay katauhan subalit hindi lamang pandiwa ang nagbibigay
buhay kundi ginagamitan rin ng pang-uri
Hal:
Maaga pa lamang ay bukas na ang maingay na palengke
7. Pagpapalit-tawag o Metonomiya
Pinapalitaan ang katawagan ng ibang katawagan na may kaugnayan sa salitang
pinapalitan
Hal:
Maraming buwaya ang nagbabago sa panahon ng pamumulitik
8. Pagpapalit saklaw o Senekdoke
Pagbanggit sa bahagi ng isang bagay o kaisipan para sa kabuuan o pagbanggit
ng kabuuan para sa bahagi lamang
Hal:
Nasasabik na ang ina na muling marinig ang mga yabag ng kanyang mahal na
anak
9. Pagmamalabis( Hyperbole)
Pinalalabis o pinakukulang sa tunay na kalagayan ng tao, bagay o pangyayari sa
tayutay na ito
Hal:
Sa katahimikan ay dinig ang pagbubulungan ng mga langgam
10. Paghihimig o Onomatopeya
Paggamit ng mga salitang tunog ng kanilang kahulugan
Hal:
Nasira ang aking mahimbing na pamamahinga sa malakas na
tahol ng aso

Sa madaling sabi ang mga tayutay at idyoma ay


nagpapakulay sa ating mga pahayag. Binibigyan nito ng buhay
ang pakikipag-usap sa kapwa. Ngunit samakabagong panahon
lahat ng ito ay unti unti ng nawawala dahil narin sa epekto ng
pag usbong ng teknolohiya.

You might also like