You are on page 1of 46

Immaculate Conception School of Malolos

METROPOLIS CAMPUS
Junior High School Department

FILIPINO 8
Modyul Blg. 3
Aralin 1.
ANG PAPEL
PANANALIKSIK
Pagpili
ng Paksa
3
PAGPILI NG PAKSA
⇨ Sa ating pagsulat ng iba’t ibang uri ng lathalain ay
nangangailangan ito na maging makabuluhan at
makapaghatid ng mahahalagang impormasyon.
⇨ Kagaya na lamang sa pakikipagtalastasan, ang pangunahing

layunin nito ay ang paraan ng palitan at pagbabahaginan ng


mahahalagang pagkuha at pagbibigay ng impormasyon ukol
sa isang partikular na paksa.
⇨ Nabibigyang-linaw at nareresolba ang anumang problema sa

pamamagitan ng pagkilatis, pagbabahaginan, at pagtanggap


ng impormasyon tugkol sa paksang pinag-uusapan.

4
PAGPILI NG PAKSA

⇨ Ang pagpili ng tatalakaying


paksa ay tumutugon sa
panawagang magbukas ng
isipan at sumalamin sa tao at
lugar na iyong kinabibilangan.
5
PAGPILI NG PAKSA
Layunin ng alinmang isinasagawang pananaliksik ang
sumusunod:

1. Makapagbigay at makatuklas ng mga bagong datos


at bagong kaalaman.
2. Magbigay-linaw sa isang isyu.
3. Siyasatin ang katotohanan ng isang tanggap o
ipinapalagay na makatotohanang pahayag.
4. Patunayang balido ang isang konsepto, pananaw, o
paniniwala.
6
PAGPILI NG PAKSA
⇨ Maihahalintulad natin ang ating pagsulat ng papel-
pananaliksik sa paggawa ng isang bahay o gusali.
Kailangang may maayos itong pagpaplano mula sa
paggawa ng pundasyon hanggang sa pinakamaliliit na
detalye nito.
⇨ Kailangan ding mahuhusay ang gagamiting materyales

upang matibay ang pagkakatayo nito. Dapat ding isipin


kung sino ang gagawa nito, saan ito gagawin, magkano
ang gugugulin, at kung sino ang makikinabang at
gagamit nito.
7
Paglilimita
ng Paksa
8
PAGLILIMITA NG PAKSA
⇨ Sa parteng ito, marapat na ikaw ay napapaisip
o nakapili na ng isang kapaki-pakinabang na
paksa na iyong gagamitin para sa iyong papel-
pananaliksik. Matapos mong piliin ang paksa
ay dadako na tayo sa ikalawang bahagi ng
iyong papel-pananaliksik, at ito ay ang
paglilimita ng paksa.

9
PAGLILIMITA NG PAKSA
⇨ Mahalaga na sa iyong paggawa ng
pananaliksik ay nakatuon ka lamang sa isang
paksa. Kung kaya, dapat mong piliin o
limitahan lamang ang sakop ng iyong napiling
paksa upang hindi mo na kailangang lumayo
pa at kumalap ng napakaraming datos at
impormasyon.

10
Mga Gabay at
Paraan Upang
Iyong Malimitahan
Ang Paksang Napili
11
PAKSA:

Ang Pagsusulong ng K
to 12 Curriculum sa
Pilipinas
1. PERSPEKTIBO
⇨ Tumutugon sa pananaw o kaalaman ng isang tao o
grupo ng tao na nakabatay sa paksa.

HALIMBAWA:

⇨ Paksa: Ang Pagsusulong ng K-12 Curriculum sa Pilipinas


⇨ Paglilimita ng Paksa: K-12: Persepsyon ng mga Pilipino

13
2. URI
⇨ Tumutukoy sa tao, grupo ng tao, sektor,
departamento, o sangay na patutungkulan ng
paksang iyong napili.

HALIMBAWA:

⇨ Paksa: Ang Pagsusulong ng K-12 Curriculum sa Pilipinas


⇨ Paglilimita ng Paksa: Epekto ng K-12 sa Ekonomiya ng
Pilipinas

14
3. EDAD
⇨ Ang paglilimita sa paksa na ang pag-uusapan
lamang ay nakapaloob sa isa o sa pagitan ng
mga tao na may espesipik na gulang o edad
lamang.
HALIMBAWA:

⇨ Paksa: Ang Pagsusulong ng K-12 Curriculum sa Pilipinas


⇨ Paglilimita ng Paksa: Epekto ng K-12 sa mga Kabataang
nasa Edad 15 hanggang 20 taong gulang

15
4. KASARIAN
⇨ Ang paglilimita sa paksa na ang pag-uusapan
lamang ay nakapaloob sa isa o dalawang
kasarian ng tao.

HALIMBAWA:

⇨ Paksa: Ang Pagsusulong ng K-12 Curriculum sa Pilipinas


⇨ Paglilimita ng Paksa: Epekto sa mga Kababaihan ng
Pagsusulong ng K-12 sa Pilipinas

16
5. LUGAR
⇨ Nakapaloob dito ang partikular na lugar o
espasyo na kukuhanan o iikutan lamang ng
pananaliksik.

HALIMBAWA:

⇨ Paksa: Ang Pagsusulong ng K-12 Curriculum sa Pilipinas


⇨ Paglilimita ng Paksa: Pulso ng mga mag-aaral ng
Adriano High School sa Lungsod ng Maynila sa
Pagsusulong ng K-12
17
6. PANGKAT O GRUPO
⇨ Tumutukoy sa mga tao na nakapaloob o
napapabilang sa isang pangkat.

HALIMBAWA:

⇨ Paksa: Ang Pagsusulong ng K-12 Curriculum sa Pilipinas


⇨ Paglilimita ng Paksa: Persepsyon ng mga Magulang sa
Pagpapatupad ng K-12 sa Pilipinas

18
7. PANAHON
⇨ Tumutukoy sa oras na kukuhanan ng datos
kaugnay ng paksang tinatalakay.

HALIMBAWA:

⇨ Paksa: Ang Pagsusulong ng K-12 Curriculum sa Pilipinas


⇨ Paglilimita ng Paksa: Epekto ng K-12 sa mga Kabataan
matapos ang Unang Taon ng Pagpapatupad

19
Paghahanda sa
Pansamantalang
Bibliograpiya 20
PAGKUHA NG MGA TALA
MULA SA MGA SANGGUNIAN
21
PAGKUHA NG TALA MULA SA
MGA SANGGUNIAN
⇨ Sa iyong pagsulat ng iyong papel-pananaliksik, hindi
maiiwasan na kumuha ng mga pagbabatayan ng
iyong pag-aaral.
⇨ Nariyan ang iba’t ibang mga aklat, magasin,
siyentipikong pag-aaral, at iba pa na tunay na
makatutulong sa iyong ginagawang pag-aaral.
⇨ Subalit sa pagkuha ng mga impormasyong ito,
marami ang nasira ang reputasyon dahil sa hindi
pagkilala sa tunay na pinagmulan ng mga datos na
nakapaloob sa kanilang pananaliksik. 22
Iba’t Ibang Paraan Upang
Matagumpay na Kilalanin
ang Bawat Pinagmulan ng
mga Datos na Isasama sa
Pananaliksik.
23
1. TUWIRANG SIPI
Sa paggamit ng paraang ito upang kilalanin
ang naglimbag o nagsaad ng isang impormasyon,
kinakailangang basahing mabuti ang pahayag at
ipaloob ito sa panipi (“ ”). Nararapat na ilagay sa
unahan o hulihan ang pangalan ng awtor o
pamagat ng aklat na pinagkuhanan ng
impormasyon.
24
1. TUWIRANG SIPI
HALIMBAWA:
Ayon kay Reuel Molina Aguila, sa kanyang sanaysay na Noon Pa
Man, Nandyan Na: Ano’t Inietsa-Pwera Ang Maraming Wika ng
Pilipinas, “batid man o hindi ng mga mambabatas na lumikha
ng Konstitusyon ng 1987, ang probisyong ito ay isang
mapanghimagsik na tindig; isang paghahalaw sa isang post-kolonyal
na pagtingin; isang pagdecenter sa kahalili ng mananakop sa
katauhan ng punong lunsod sa Maynila at punong wikang Tagalog.”

25
1. TUWIRANG SIPI
HALIMBAWA:
Dagdag pa niya, “Isa itong pagbabalik o higit pa, pagkilala at
paggalang sa pangunahing katangian ng bansa; yaon ay libong taon
nang naririyan ang 171 wika ng 171 etno-linggwistikong grupo na
nabuhay na nagsasarili at nag-uugnayan sa isa’t isa at sa mga
dayuhan kahit wala pa ang tinatawag ngayong Bansang Pilipinas; at
kahit wala pa ang kasalukuyang tumatatag na Wikang Pambansa.”

26
2. PRESI
Ang paraan namang ito ay hindi na ginagamitan ng
panipi, sapagkat may dalawang paraan upang
matagumpay na makilala ang awtor sa parte na ito.
Kinukuha lamang ang pinakakatas ng mensahe ng
pangungusap o talata habang pinapanatili ang kahulugan
ng napiling pangungusap o talata. Maaari ring gamitin ang
orihinal na salita ng sumulat o gamitin ang sariling salita
ng mananaliksik.
27
2. PRESI
HALIMBAWA:
⇨ Ayon kay Reuel Molina Aguila, sa kanyang sanaysay na Noon Pa
Man, Nandyan Na: Ano’t Inietsa-Pwera Ang Maraming Wika ng
Pilipinas, ang probisyon ukol sa wikang Filipino ng Konstitusyon ng
1987 ay ang pag-decenter nito sa Maynila at naging batayan nitong
wikang Tagalog. Ibig sabihin, ang Filipino bilang wikang pambansa
ay pagkilala at paggalang sa 171 wika ng 171 etno-linggwistikong
grupo kahit wala pa noon ang tinatawag ngayong bansang Pilipinas.

28
3. HAWIG O SARILING SALIN
Ang pagsasalin ng isang pahayag sa
sariling salita. Dapat isaalang-alang sa
paraan na ito na hindi dapat mabago ang
orihinal na ideya ng pahayag.

29
3. HAWIG O SARILING SALIN
HALIMBAWA:
Ayon kay Reuel Molina Aguila, sa kanyang sanaysay na Noon Pa Man,
Nandyan Na: Ano’t Inietsa-Pwera Ang Maraming Wika ng Pilipinas, alam
man o hindi ng mga lumikha ng Konstitusyong 1987, ang probisyon ukol sa
wikang Filipino ay rebolusyonaryo; nangangahulugan ito ng pag-decenter sa
punong lunsod na Maynila at punong wikang Tagalog.
Dagdag pa rito ang pagkilala at paggalang sa libong taon nang naririyan: ang
171 wika ng 171 etno-linggwistikong grupo na nabuhay kahit wala pa ang
tinatawag ngayong Pilipinas; lalo pa ang kasalukuyang Wikang Pambansa.

30
Pagsulat ng
Bibliograpiya
31
BIBLIOGRAPIYA
Ang bibliograpiya ay ang talaan ng mga
sanggunian na pinagkunan ng ideya, impormasyon, o
pahayag sa isang sulatin. Tinatawag din itong talaaklatan
o talasanggunian ng mga aklat, peryodikal, jornal,
magasin, pahayagan, mga di-limbag na batis gaya ng
mga pelikula, pahayag mula sa mga programa ng
telebisyon o radyo, CD or DVD, website sa internet, at iba
pang sanggunian na pinagmulan ng impormasyon sa
ginawang sulatin o pananaliksik.
32
Mga Hakbang sa Pagsulat
ng Bibliograpiya Batay sa
APA System
(Ikaanim na Edisyon)
33
1. Ito ay
isinusulat sa
hiwalay at
huling bahagi ng
papel.

34
2. Unang isusulat ang pangalan ng
may akda. Magsisimula sa apelyido
kasunod ang inisyal ng pangalan at
gitnang inisyal.
HALIMBAWA:
Aguilar, B.A. (mula sa pangalang Bianca Asuncion-Aguilar)

35
3. Kapag ang may-akda ay higit sa
lima, isulat ang unang may-akda at
isulat ang et.al upang malaman na
may iba pang may-akda.
HALIMBAWA:
Aguilar, B.A. et.al

36
4. Marapat na
isaayos ang
bibliograpiya ayon sa
pagkakasunod-sunod
ng apelyido ng mga
may-akda.

37
5. Isulat ang taon ng pagkakalimbag
ng pinagkuhanang aklat o pahayagan.

HALIMBAWA:
Aguilar, B.A. et.al. (2020).

38
6. Isulat na susunod ang pamagat ng aklat.
Siguraduhing tama ang pagsulat ng letra.
Isulat nang malaking letra ang
lahat ng mahahalagang salita sa pamagat.

HALIMBAWA:
Aguilar, B.A. et.al. (2020). Pagsulat ng isang Papel-Pananaliksik.

39
7. Isulat ang lungsod kung saan nailimbag
ang sanggunian o aklat.

HALIMBAWA:
Aguilar, B.A. et.al. (2020). Pagsulat ng isang Papel-Pananaliksik. Quezon City:

40
8. Isulat ang pangalan ng palimbagan.

HALIMBAWA:
Aguilar, B.A. et.al. (2020). Pagsulat ng isang Papel-Pananaliksik.
Quezon City: FJA Publishing, Inc.

41
9. Kung ito ay mula sa website, sundin ang
format na: Pangalan ng may-akda. (Petsang
Pagkakalathala). Pamagat ng artikulo.
Pamagat ng bolyum. Hango noong (Petsa)
mula sa (URL).
HALIMBAWA:
Feliciano, G.A. (2019). Hakbang sa Pagsulat ng Sanaysay. Hango
noong Enero 14, 2020 mula sa https://www.pagsulat-ng-sanaysay.html

42
BAITANG 8 – STA. INES
Mga Grupo sa Pananaliksik

1 ▪▪ ADRIANO, Venice Jelaine C.


BRION, Vivian Guinevere B.
2 ▪▪ CRUZ, Jenina Marie A.
ARELLANO, Beatriz Princess
3 ▪▪ SANTIAGO, Jela Ylaiza R.
BORLONGAN, Ana Alethea B.
Lorraine A.
▪ PONCE DE LEON, Francesca ▪ DELA CRUZ, Princess Valerie T.
Ysabelle S. ▪ PEREZ, Maria Isabelle M.
▪ GARCIA, Eryn Cassandra R.
▪ MENDOZA, Hayden Anjela M. ▪ GONZALES, Nariza Cassandra L.
▪ NISHIMURA, Eri A.
▪ MINES, Gabbie Marie P. ▪ MORFE, Kirsten Claire A.

4 ▪

ELPEDES, Jennela Mae C.
CRUZ, Katriel Carmelle R.
5 ▪

CAJUCOM, Ayezza Ajith C.
CRUZ, Shari Celestyne
▪ ROXAS, Cailey Rikyel R. ▪ PEREYRA, Marie Eugenie Y.
▪ FIDELINO, Sabriah Cassandra B. ▪ FAJARDO, Denise Angela R.

43
BAITANG 8 – STA. KATALINA
Mga Grupo sa Pananaliksik

1 ▪▪ BAGTAS, Samantha Faith D.


ESTRELLA, Precious Althea T.
2 ▪▪ ANDO, Hitomi Angela C.
POBLETE, Veronique Amariz M.
3 ▪ PAGUIRIGAN, Princess
Larraine DB.

▪ GALANG, Sophia Immacon S. ▪ FERNANDO, Angela Tricia C.


▪ SAN MATEO, Ruthweena Jeanne
Marie Z.
▪ BELEN, Allissah C. ▪ MIRANDA, Jorell Mae A.
▪ BATALLER, Nicole Mhay A.
▪ LUMAGUE, Jheninah Elyza P. ▪ PAGTALUNAN, Ashley Redj G.
▪ KONDO, Cristina B.

4 ▪ DELA CRUZ, Ma. Jaden Chloe


D. 5 ▪

SARMIENTO, Jenina Marie M.
CRUZ, Laney Odette E.
▪ CAPER, Ashley Samantha M.
▪ CELIS, Jerleen Marit Karyn A.
▪ CRUZ, Daniella Faith G.
▪ BUENAVENTURA, Zia Margaret
▪ EMPEÑO, Vianne Clyde J. V.

44
GAWAING ONLINE/ OFFLINE
GAWAIN A,
pp. 5-6
GAWAING ONLINE/ OFFLINE
GAWAIN B,
p. 6

You might also like