You are on page 1of 65

MODULE 13

FILIPINO SA PILING LARANG: AKADEMIK

MRS. NOEMI D. CAMPIT


LAYUNIN NG ARALIN

LAYUNIN NG ARALIN

Nabibigyang-kahulugan ang
mga terminong akademiko na
may kaugnayan sa piniling
sulatin;
2
LAYUNIN NG ARALIN

LAYUNIN NG ARALIN

Nakasusunod sa istilo at
teknikal na
pangangailangan ng
akademikong sulatin; at
3
LAYUNIN NG ARALIN

LAYUNIN NG ARALIN

Nakasusulat ng posisyong
papel ayon sa isyung napili

4
<<<<>>>>

PATOK OF THE TOWN

Tukuyin ang paksa sa


tulong ng ilang pahiwatig.

5
TUKUYIN ANG PAKSA

#1 TANONG
Nabibili sa pinakamalapit na sari-sari store
Kung prepaid, nirerehistro sa promo upang
mapakinabangan
Pantawag, text, o wifi kahit saan

SAGOT: E-Load

6
TUKUYIN ANG PAKSA

#2 TANONG
Karaniwang laman ng ayudang relief pack
Sahog sa iba’t ibang klase ng gulay at lalo na sa miswa
May sauce na kulay pula kung saan naliligo ang isa
hanggang tatlong isda

SAGOT: Sardinas

7
TUKUYIN ANG PAKSA

#3 TANONG
Gamit upang droplets ay hindi tumalsik at hawaan ay
maiwasan
Unang napaulat na naubos noong sa Taal, Batangas ay
nag-lockdown
May surgical, N95, neoprene, at D.I.Y.

SAGOT: Facemask

8
TUKUYIN ANG PAKSA

#4 TANONG
Paggamit ng kompiyuter o gadyet at internet
Pagpapatuloy ng pag-aaral habang nasa bahay
Paggamit ng Google classroom ng guro at
mga mag-aaral

SAGOT: Online Class

9
TUKUYIN ANG PAKSA

#5 TANONG
May dalawang gulong
Hindi kailangan ng gasolina para tumakbo o
umandar
May pedal at pinapadyak

SAGOT: Biseklita

10
<<<<>>>>

WASTO o DI-WASTO

Tukuyin ang “Wasto” kung angkop


ang impormasyon tungkol sa
posisyong papel, “Di-wasto” naman
kung taliwas

11
TUKUYIN ANG PAKSA

#1 TANONG

Ang katuwiran ay dapat


laging batay sa opinyon.

SAGOT: Di-wasto (katotohanan)

12
TUKUYIN ANG PAKSA

#2 TANONG
Ang posisyong papel ay isang sulatin
na nagpapahayag ng masaklaw na
paninidigan ng isang tao o grupo
tungkol sa isang makabuluhan at
napapanahong isyu.
SAGOT: Di-wasto (tiyak)

13
TUKUYIN ANG PAKSA

#3 TANONG
Lalong nagiging kapani-paniwala ang
pangangatuwiran kung gumagamit ng
mga ebidensiya mula sa mga
mapagkakatiwalaang sanggunian.

SAGOT: Wasto

14
TUKUYIN ANG PAKSA

#2 TANONG

Ang pangatnig na “samakatwid”


ay pang-ugnay na gamit sa
pagsasaad ng patunay.

SAGOT: Di-wasto (pagbibigay-kongklusyon)

15
TUKUYIN ANG PAKSA

#5 TANONG

Subhetibo ang pagtukoy sa panig o


paksa sa pagsulat ng posisyong
papel subalit obhetibo ang
paninindigan at pangangatwiran
nito.
SAGOT: Wasto

16

POSISYONG
PAPEL
TANONG

Isyu Ngayon: Pagpaparusa sa mga


sibilyang lumabag sa mga panuntunan ng
Enhanced Community Quarantine (ECQ)
habang hindi kinakastigo ang mga opisyal
ng gobyerno na lumabag sa parehong
patakaran.
Sang-ayon o Salungat?: _________
Bakit?: _________
18
Ano nga ba ang
POSISYONG
PAPEL?
19
||||||||||||||||

POSISYONG PAPEL
Ito ay isang sulatin na nagpapahayag
ng tiyak na paninindigan ng isang
indibidwal o grupo tungkol sa
makabuluhan at napapanahong isyu.

20
||||||||||||||||

POSISYONG PAPEL
Ayon kay Grace Fleming (How to Write an
Argumentative Essay)
Ito ay pagsalig o pagsuporta sa katotohanan
ng isang kontrobersyal na isyu sa
pamamagitan ng pagbuo ng isang kaso o
usapin para sa iyong pananaw o posisyon

21
||||||||||||||||

POSISYONG PAPEL
Naglalaman din ito ng mga katuwiran o
ebidensiya para suportahan ang
paninindigan.
Bukod sa paninindigan at katuwiran ng
sumulat, mahalagang bahagi rin nito ang
posisyon at mga katuwiran ng kataliwas o
katunggaling panig.
22
||||||||||||||||

POSISYONG PAPEL
Karaniwang maikli lamang ang posisyong
papel, isa o dalawang pahina lamang,
upang mas madali itong mabasa at
maintindihan ng mga mambabasá at
mahikayat silang pumanig sa paninindigan
ng sumulat ng posisyong papel.

23
||||||||||||||||

POSISYONG PAPEL
Nangangailangan ng pangangatwiran na
maaaring maiugnay sa paglalahad ng
dahilan upang makabuo ng patunay,
nagtatakwil ng kamalian at pagbibigay
katarungan sa opinyon

24
||||||||||||||||

POSISYONG PAPEL
Mahalagang pagtuonan ang dalawang salitang paulit-ulit na
gagamitin sa araling ito: katuwiran at paninindigan. Mas
magandang gamitin ang katuwiran kaysa sa argumento; ang
paninindigan kaysa posisyon. Ang salitang katuwiran ay
maaaring galing sa salitang “tuwid” na nagpapahiwatig ng
pagiging tama, maayos, may direksiyon, o layon. Ang
paninindigan naman ay maaaring galing sa “ tindig” na
nagpapahiwatig naman ng pagtayo, pagtatanggol, paglaban, at
maaari ding pagiging tama.

25
||||||||||||||||

PROPOSISYON KATUWIRAN

Pahayag ng Dahilan o
Pagtanggi o ebidensiya mula
Pagsang-ayon sa nilatag na
argumento

26
||||||||||||||||

Bakit “MAKABULUHAN” ang pagsulat ng


POSISYONG PAPEL?
Sa panig ng may-akda, nakatutulong ang pagsulat ng posisyong
papel upang mapalalim ang pagkaunawa niya sa isang tiyak na
isyu. Pagkakataon ito para sa may-akda na magtipon ng datos,
organisahin ang mga ito, at bumuo ng isang malinaw na
paninindigan tungkol sa isang paksa o usapin. Sa pamamagitan
din ng posisyong papel, naipakikilala niya ang kaniyang
kredibilidad ng may kinalaman sa nasabing usapin.

27
||||||||||||||||

Bakit “MAKABULUHAN” ang pagsulat ng


POSISYONG PAPEL?
Para sa lipunan naman,

ang posisyong papel ay tumutulong para magkaroon ng malay ang


mga tao sa magkakaibang pananaw tungkol sa isang usaping
panlipunan. Nagagawa ito dahil ang posisyong papel ay
karaniwang ibinabahagi sa publiko sa pamamagitan ng
pagbibigay ng mga kopya o kaya’y sa paglalathala nito sa
pahayagan.

28
||||||||||||||||

POSISYONG PAPEL
Isyu Ngayon: Pagkakaroon ng Academic
Health Break sa mga Pampubliko at
Pribadong Paaralan.
Sang-ayon o Salungat?: _________
Bakit?: _________

29
<<<<>>>>

ARALIN 1
Paghahanay ng mga Katuwiran

30
Ipaliwanag. . .

Ang katuwiran ay nakasandig sa


katotohanan o ang mismong
katotohanang pinagtitibay ng mga
kongkretong ebidensiya.

31
PALIWANAG

Sa paghahanay ng katuwiran, mahalaga na una


munang saliksikin ang tungkol sa paksa o isyu
upang maunawaan ang kaligiran nito bago pa
man mangatuwiran na maaaring sang-ayon o
salungat, maglatag ng mga ebidensiya sa bawat
panig, at bumuo ng isang makatuturang
kongklusyon.

32
Ipaliwanag. . .

Ang katotohanan ay totoong datos at


impormasyon na ginagamit sa
pagpapaniwala, pangungumbinsi, o
panghihikayat sa iba sa paraang
obhetibo o hindi solong opinyon
lamang ng isang manunulat.

33
PALIWANAG

Sa paghaharap ng ebidensiya o patunay,


mahalaga ang saytasyon o ang matapat na
pagkilala sa pinagkunan ng impormasyon
sapagkat sa pagbanggit sa isang awtoridad,
eksperto, o mga naunang pag-aaral at
pagsisiyasat ay lalong nagkakaroon ng
merito ang isang katuwiran dahilan upang
paniwalaaan ang paninindigan ng
manunulat.
34
HALIMBAWA

Kaligiran ng Paksa: Ayon kay Sen. Pia S. Cayetano, hindi na


dapat pang i-dub sa wikang Filipino bagkos panatilihin ang
pagkakagawa sa wikang Ingles ng mga programang
pambatang ipinapalabas sa mga broadcast stations ng
gobyerno upang maagang maihantad ang mga bata sa
pagkatuto ng Ingles na diumano isang lalong pangangailangan
sa pakikipagsabayan sa “new normal.”
Naaangkop lamang ba ang pananaw ng senadora o
maituturing na pagtatwa sa kakayahan ng sariling wika na
luminang ng karunungan ng mga mag-aaral sa bagong
normal?

35
HALIMBAWA

Katuwiran A (Sang-ayon) Katuwiran B (Salungat)


1. Paglalahad ng Paksa 1. Paglalahad ng Paksa
*Ingles ang wika ng globalisasyon kaya *Ang pagsasalin ay isang mabisang paraan
nararapat lamang na sa murang edad ay upang matamo ang mithiing
nililinang na ito. Sa tulong ng mga intelektuwalisasyon ng wikang pambansa.
pambatang palabas na gumagamit ng Sa kasalukuyan, dubbing ang isa sa mga
Ingles ay maagang makapagtatamo ng popular na gawi upang maisa-Filipino ang
kasanayan sa naturang wika ang isang mga palabas na ginawa gamit ang
batang Filipino at kalaunan ay magagamit banyagang wika tulad ng Ingles. Sa tulong
sa pakikiangkop sa patuloy na lumalawak ng bersiyon sa wikang Filipino ay madaling
na mundo ng wikang Ingles. nauunawaan ng maraming batang Filipino
ang isang palabas na dayuhan ang
nilalaman. Kaya, maituturing na hindi
pagkilala sa kakayahan ng sariling wika
ang pagpapahinto sa pagda-dub ng mga
pambatang programa.

36
HALIMBAWA

Katuwiran A (Sang-ayon) Katuwiran B (Salungat)


2. Katuwirang Sumusuporta, 2. Katuwirang Sumasalungat,
Ebidensiya, at Saligan Ebidensiya, at Saligan
*Ingles ang pinakamaimpluwensiyang *Noong 1989 sa pag-aaral na isinagawa ng
wika ng akademya at ng mundo ng Ateneo de Manila University,
kalakalan, at pangunahing wikang napatunayang laganap na ang wikang
sinasalita sa buong mundo. Ingles din ang pambansa sa buong Filipinas sapagkat
nangungunang wika na ginagamit ng 53% 92% sa mga impormant ang nakauunawa
sa isang pag-aaral noong 2019 ng mga ng Tagalog, 82% ang nakapagsasalita, 88%
website at ng mga gumagamit ng internet ang nakababasa, at 81% ang nakasusulat.
na tinatayang 949 milyong katao. Sa survey naman ng Social Weather
(https://medium.com/swlh/10-most- Station (SWS) noong 1993, natuklasan na
important-business-languages-in-global- 18% lamang ng mga Filipino ang may
market-17b49b7cf2d2) ganap na kahusayan sa paggamit ng
wikang Ingles at karamihan pa sa kanila’y

37
HALIMBAWA

Katuwiran A (Sang-ayon) Katuwiran B (Salungat)


https://medium.com/swlh/10-most- isinilang at lumaki sa America at bumalik
important-business-languages-in-global- lamang dito sa Filipinas. Pinatunayan din
market-17b49b7cf2d2). ng survey sa Filipino na isinagawa ng KWF
*Ayon sa direktor ng Government- noong 2014 na ang Filipino ay gámit bílang
Academe-Industry Network, Inc. na si Rex lingua franca sa lahat ng dako ng Filipinas.
Wallen Tan (2020), manipulado ng *Konstitusyon 1987, Artikulo XIV,
internet ang kasalukuyang kalakaran sa Seksiyon 6 at 7
pagkatuto at maging sa komersiyo. Ang
mga natatanging institusyon sa buong
mundo gaya ng Harvard, Princeton,
Coursera, edX, pati na ang milyong
nagtuturo gamit ang Youtube ay
nagdudulot ng mga de-kalidad na
kagamitang pampagkatuto nang libre
online gamit ang wikang Ingles.

38
HALIMBAWA

Katuwiran A (Sang-ayon) Katuwiran B (Salungat)


3. Kongklusyon 3. Kongklusyon
*Ang mundo kahit noong bago pa sumapit *Matagal nang napatunayan sa mga
ang “new normal” ay sadyang pag-aaral (hal. Ducker at Tucher, 1997)
pinaghaharian na ng wikang Ingles. Kaya, ang kahalagahan ng paggamit ng
mahalaga itong katutuhan upang hindi wikang nauunawaan ng mga mag-aaral
tuluyang mapag-iwanan at magsilbing sa instruksiyon upang matiyak ang
tulay sa inaasam na kaunlaran. ganap na pagkatuto, at kailanman ay
hindi ito mababali ng anumang sistema
sa “new normal.”

39
<<<<>>>>

ARALIN 2

MGA BAHAGI NG
POSISYONG PAPEL

40
Bahagi ng Posisyong Papel

1. PANIMULA
- Pamagat
- Pahayag na Tesis
- Pinag-uukulan
- Pinagmulan

41
Bahagi ng Posisyong Papel

2. COUNTER ARGUMENT
- Argumentong Taliwas sa Tesis

42
Bahagi ng Posisyong Papel

3. POSISYON O PANIG SA ISYU


- Katuwiran
- Proposisyon

43
Bahagi ng Posisyong Papel

4. KONKLUSYON
- Lagom ng Posisyon
- Rekomendasyon
- Petsa ng Paggawa
- Sanggunian
44
Bahagi ng Posisyong Papel

1. PANIMULA
- Pamagat
- Pahayag na Tesis
- Pinag-uukulan
- Pinagmulan

45
Pamagat
Posisyong Papel ng Kagawaran ng Filipinolohiya
ng PUP hinggil sa Pagtatanggal ng Filipino sa mga
Kolehiyo at Unibersidad
Posisyong Papel ng (Institusyong kinabibilangan) hinggil sa
(Paksa)

Posisyong Papel ng Kagawaran ng Filipinolohiya


ng PUP hinggil sa Pagtatanggal ng Filipino sa mga
Kolehiyo at Unibersidad
46
Pahayag na Tesis
Pinaninindigang panig o posisyon mula sa paksa,
maaaring ito ay nasa konsepto ng pagsang-ayon o
pagtanggi
- Inilalaan ang malalaking gamit ng letra sa lahat ng
salita
Halimbawa :
PANATILIHIN ANG ASIGNATURANG FILIPINO SA KOLEHIYO :
HUWAG PATAYIN ANG PAMBANSANG KARAPATAN NG
WIKANG FILIPINO, GURO NG FILIPINO, KABATAANG
FILIPINO AT MAMAYANG FILIPINO
47
Pinag-uukulan
- Batas, organisasyon, samahan, departamento,
konseho o grupo ng tao o anumang lunsaran na may
direktang koneksiyon sa isyung tinatalakay na
kailangang paglatagan ng panig.
Pagkakabuo :
Posisyong Papel na nauukol sa (Lunsaran ng pag-uukulan)

Posisyong Papel na nauukol sa CHED Memorandum Order


no.20 series of 2013

48
Pinagmulan

- Samahan, organisasyon o grupong kinabibilangan ng


bumuo o sumulat ng posisyong papel

Pagkakabuo :
Paninindigan ng (Institusyong kinabibilangan)

Paninindigan ng Kagawaran ng Filipinolohiya ng


Politeknikong Unibersidad ng Pilipinas

49
POSISYONG PAPEL

50
2. Paglalahad ng Counterargument
A) Ilahad ang mga argumentong tutol sa iyong tesis
B) Ilahad ang kinakailangang impormasyon para
mapasubalian ang binanggit na counterargument
C) Patunayang mali o walang katotohonan ang
counterargument
D) Magbigay patunay sa panunuligsa.

51
POSISYONG PAPEL

52
Paglalahad ng iyong posisyon o pangangatwriran
tungkol sa isyu.
• A. Ipahayag o ilahad ang unang punto ng iyong
posisyon o paliwanag.
- Ilahad ang iyong matalinong pananaw tungkol sa
unang punto
- Maglahad ng patunay at ebidensiyang hinango sa
mapagkakatiwalaang sanggunian
Paalala : Upang higit na maging matibay ang iyong
pangangatwiran o posisyon, sikaping maglahad ng tatlo (3) o higit
pang puntos tungkol sa isyu.

53
POSISYONG PAPEL

54
POSISYONG PAPEL

55
Kongklusyon :
• A. Ilahad muli ang iyong argumento
o tesis
B. Magbigay ng mga plano ng
Gawain o plan of action na
makatutulong sa pagpapabuti ng
kaso o isyu
56
POSISYONG PAPEL

57
POSISYONG PAPEL

58
<<<<>>>>

BUOD NG MGA

ARALIN
59
GABAY NA TANONG

Mula sa katatapos na aralin,


ipaliwanag kung ano ang
POSISYONG PAPEL.

60
||||||||||||||||

TANONG
Ano ang dalawang posibleng paraan
kung paano nabubuo ang paksa sa
posisyong papel?

61
||||||||||||||||

SAGOT
1. Puwedeng reaksiyon ito sa isang
mainit na usaping kasalukuyang
pinagtatalunan.

62
||||||||||||||||

SAGOT
2. Puwedeng tugon lamang ito sa
isang suliraning panlipunan.

63
||||||||||||||||

TANONG
Ano-ano ang mga bahagi ng
posisyong papel?

64
<<<<>>>>

GAWAIN/
PERFORMANCE TASK

65

You might also like