Professional Documents
Culture Documents
GAMIT SA
KOMUNIKAYONG
IMPORMAL
Wika ang tumutulong sa tao sa kaniyang pakikipagtalastasan sa iba. Dahil nagbabago
ang lipunan, karaniwang nagbabago at nag-iiba-iba rin ang gamit ng wika sa isang partikular na
panahon. Ayon kay Pamela Constantino (2016), kilalang propesor sa wika at panitikan,
ginagamit ang wika batay sa kinakailangang makuhang impormasyon. Ayon pa kay
Constantino, inaayon ng isang indibidwal ang kaniyang wikang ginagamit sa
pakikipagtalastasan batay sa kausap o kaharap.
Halimbawa:
• Ilocano - Agyamanak ngarud {Salamat}
• Bicolano - Saen ka nag-iistar? {Saan ka nakatira?}
• Bisaya – Iloy {Ina} Amay {Ama}
2. Kolokyal – Ito ang mga terminong ginagamit sa pang-araw-araw na tila may tono ng
kagaspangan ngunit tinatanggap na rin sa pakikipagtalastasan.
Halimbawa:
• utol – kapatid • saan ba? – san ba?
• aywan – ewan • mayroon – meron
3. Banyaga – Ito ang mga terminong mula sa wikang banyaga, lalo mula sa Ingles, na
tanggap gamitin sa araw-araw na impormal na komunikasyon. Karaniwan ang code-switching o
ang pagsasalita gamit ang dalawa o higit pang wika sa impormal na komunikasyon.
Halimbawa:
• Pa-identify naman, please.
• Finish na ba yung homework mo?
4. Balbal - Ito ang tawag sa mga wikang madalas gamitin sa mga lunan na hindi
akademiko gaya halimbawa sa labas ng paaralan, palengke, at iba pang katulad ng
mga ito. May mga pagkakataong ginagamit ang antas na ito sa mga tabloid. Ito rin
ang mga pangkaraniwang salitang pinapalitan ng katawagan sa mga impormal na
lunan; at maaari ring nabubuo ng isang partikular na grupo sa lipunan.
Halimbawa:
• Mga gay lingo tulad ng girlalu (katumbas ng salitang babae) at luz valdez
(katumbas para sa salitang talunan
• parak – pulis
• atab – bata
• ermat – nanay
• erpat – tatay