You are on page 1of 17

Antas ng Wika

1. Pabalbal/Balbal
• May katumbas itong “slang” sa Ingles at itinuturing na
pinakamababang antas ng wika.
• Mga salitang Pangkalye o Panlansangan.
• Tinatawag din itong singaw ng panahon sapagkat bawat panahon
ay may nabubuong mga salita.
• Pinakamababang antas ng wika na karaniwang ginagamit sa
lansangan.
• Karaniwang ito ay nabubuo ng isang grupo tulad ng mga bakla na
nagsisilbing koda nila sa kanilang pakikipag-usap.
Mga Halimbawa:
• PARAK • pulis
• ESKAPO • takas sa bilangguan
• ISTOKWA • naglayas
• JUDING • bakla
• TIBOLI • tomboy
• BALBONIK • taong maraming balahibo sa
katawan
• BROKEBACK • lalaki sa lalaking relasyon
2. Kolokyal
• Mga salitang ginagamit sa pang-araw-araw na hinalaw sa pormal
na mga salita.
• Nagtataglay ng kagaspangan ang mga salitang ito subalit maaari
rin namang maging repinado batay sa kung sino ang nagsasalita
gayon din sa kanyang kinakausap.
• Ginagamit sa okasyong impormal at isaalangalang dito ang
salitang madaling maintindihan.
MGA HALIMB AWA:
• alala
• lika
• naron
• kanya-kanya
• antay
• lugal
3. Lalawiganin/Panlalawigan
• Karaniwang salitain o dayalekto ng mga katutubo sa lalawigan
gaya ng mga Cebuano, Batangeno, Bicolano, at iba pa na may
tatak-lalawiganin sa kanilang pagsasalita.
• Isang palatandaan ng lalawiganing tatak ay ang punto o accent.
• Salitang ginagamit ng mga tao sa isang partikular na pook.
• Mga salitang ginagamit sa isang lalawigan at hindi pamilyar na
gamitin sa ibang lugar.
Mga Halimbawa:
Kaibigan Halik
• Kaibigan-Tagalog • Halik-Tagalog
• Gayyem-Ilokano • Ungngo-Ilokano
• Higala-Cebuano • Halok-Cebuano
• Amiga-Bikolano • Hadok-Bikolano
4. Pambansa/Lingua Franca
• Ginagamit sa mga aklat, babasahin, at sirkulasyong pangmadla.
• Wikang ginagamit sa mga paaralan at sa pamahalaan
• Salitang higit na kilala o ginagamit sa pook na sentro ng sibilasyon
at kalakalan.
MGA HALIMB AWA:
• aklat
• ina
• ama
• dalaga
• masaya
5. Pampanitikan
• Pinakamayamang uri
• Kadalasa’y ginagamit ang salita sa ibang kahulugan
• Gumagamit ng idyoma, tayutay, at iba’t ibang tono, tema, at punto
• Isang eksperto na rin ang nagsabi na ang panitikan ay ang “kapatid
na babae ng kasaysayan,” ito ay dahil sa ang wikang pampanitikan
ay makasaysayan dahil sa kanyang kakayahang lumikha ng
piksyunal o kathang isip.
• Ito ay nagaganap sa tuwing ang wikang pampanitikan ay malayang
nagagamit sa pagkatha ng dula, katha, palabas, at iba pang likhang
pampanitikan.
MGA HALIMB AWA:
• Mabulaklak ang dila
• Di-maliparang uwak
• Kaututang dila
• Balat sibuyas
• Taingang kawali
• Nagbukas ng dibdib
MGA KARAGDAGANG HALIMB AWA
1. Pabalbal/Balbal
Salitang Pabalbal Kahulugan
• gurang • Matanda
• sikyo • Security guard
• tipar • Party
• isputing • Nakaputi
• yosi • Sigarilyo
• waswas • Asawa
2. Kolokyal/Pambansa
Salitang Kolokyal Kahulugan
• Sanaron • Saan naroon
• Kamo • Wika mo
• Ewan • Aywan
• Teyka/teke • Hinta ka
• Tena • Tara na
• Kako • Wika mo
3. Lalawiganin/Panlalawigan
Tagalog Ilokano Cebuano Bikolano
• Aalis • Pumanaw • Molakaw • Mahali
• Kanin • Inapoy • Kan-on • Maluto
• Alikabok • Tapok • Abug • Alpog
• Paa • Saka • Tiil • Bitis
4. Pambansa/Lingua Franca
Salitang Pambansa (Filipino)
• Kapatid
• Baliw
• Malaki
• Katulong (kasambahay)
5. Pampanitikan
Salitang Pampanitikan Kahulugan
• Mababaw ang luha • Madaling umiyak
• Magbanat ng buto • Magtrabaho
• Bukas palad • Handang tumulong
• Magmamahabang dulang • Mag-aasawa
• Kapit-tuko • Mahigpit ang kapit

You might also like