You are on page 1of 11

ALAM MO BA?

Na ang TAGALOG at FILIPINO ay magkaiba?


Ang Filipino ay opisyal na wikang ginagamit
sa buong bansa, samantalang ang Tagalog ay
sinasalita lamang sa Gitnang Bahagi ng
Luzon.
Filipino
- Wikang pambansa
Mga Barayti ng Wika
Mga salitang Impormal o Di-Pormal
Kaantasan
Mga salitang Pormal
ng wika

Mga salitang Impormal o Di-Pormal


-mga salitang karaniwang ginagamit sa
pakikipag-usap sa mga kakilala o kaibigan.
Mga salitang Impormal o Di-
Pormal

Balbal Lalawiganin

Kolokyal
Balbal o Slang
-Ang tawag sa mga salitang karaniwang ginagamit sa mga
kalye kaya’t madalas na tinatawag ding salitang kanto o
salitang kalye.
Ang salitang balbal ay nabubuo sa pamamagitan ng iba’t
ibang paraan tulad ng pagkuha sa dalawang huling pantig ng
salita.
Hal. Amerikano = Kano

Pagbaliktad ng mga titik ng isang salita


Hal. Tigas = Astig , Meyor = Yorme
Iba pang halimbawa:

Bagets – Kabataan Lespu – pulis


Charing – biro Nenok – nakaw
Datung – pera Sikyo – guwardiya
Ermat – nanay Utol – kapatid
Erpat - tatay Yosi - sigarilyo
Kolokyal (colloquial)
-ginagamit sa pang araw-araw na pakikipag –usap.
Madalas na ginagamitan ng pagpapaikli o pagkakaltas
ng ilang titik sa salita upang mapaikli ang salita o
kaya’y mapagsama ang dalawang salita
Hal:
Pa’no mula sa paano kelan mula sa kailan
P’re mula sa pare meron mula sa mayroon
Te’na mula sa tara na nasan mula sa nasaan
Lalawiganin (Provincialism)
- Ginagamit sa mga lalawigan o probinsiya o kaya’y particular
na pook kung saan nagmula o kakilala ang wika. Kapansin-
pansing ang mga lalawiganing ay may taglay na kakaibang
tono o bigkas na maaaring magbigay ng ibang kahulugan
dito.
Hal:
Ambot (bisaya) “ewan”
Kaon (bisaya) “kain”
Biag (Ilocano) “buhay”
Ngarud (Ilocano) “nga”
Mga salitang Pormal
Ang mga salitang pormal ay mga salitang pamantayan
dahil ito ay pangkalahatang ginagamit, kinikilala at
tinatanggap bilang wika. Ang mga salitang ito ay kalimitang
ginagamit sa mga paaralan at iba pang mga
pangkapaligirang intelekwal.
Ang mga sumusunod ay halimbawa ng mga salitang
pomal gaya ng:
1.Kotse
2.Pulis
3.Piyesta
4.Tatay / Ama

You might also like