You are on page 1of 2

Republika ng Pilipinas

ASIAN DEVELOPMENT FOUNDATION COLLEGE


Lungsod Tacloban

Pamagat ng Kurso : FIL 11_Komunikasyon sa Akademikong Filipino


Aralin 2 : Mga Konseptong Pangwika

Tungkulin ng Wika

May mahalagang tungkulin ang wika sa lipunan ayon kay M. A. K. Halliday (1973).

1. Instrumental- Ang wika ay ginagamit bilang instrumento sa pagtugon sa pangangailangan ng tao sa


lipunan. Naibibigay ang pangangailangan ng bawat isa sa tulong ng wikang kanyang ginamit.

Halimbawa: Pasalita- Pag-uutos, pagtatanong, pakikiusap


Pasulat- Liham Pangangalakal

2. Regulatori- Ang isang gas stove ay may regulator upang makontrol ang apoy nito. Gayundin ang wika,
kinokontrol nito ang kilos at pag-uugali ng bawat tao.

Halimbawa: Pasalita- Pagbibigay babala, pagpapaalala, pagbibigay panuto.


Pasulat- Resipe

3. Interaksyunal- Ang wika ay ginagamit sa pakikipag-ugnayan sa kapwa at pagapanatili sa relasyong sosyal.


Sa bawat araw ay nakikipaghalubilo tayo sa kapwa. Napapanatili natin ang magandang samahan sa tulong
ng wikang ginamit.

Halimbawa: Pasalita- Pangungumusta, pagbati, pagpapalitan ng biro


Paulat- Liham Pangkaibigan

4. Personal- Likas sa tao ang makaramdam ng saya, lungkot, galit, pagkabigla at iba pa. Sa pamamagitan
ng wika ay naipapahayag ang kanyang sariling opinyon at saloobin sa kapwa.

Halimbawa: Pasalita- Pagtatalumpati, pormal o di-pormal na talakayan


Pasulat- Editoryal, Sanaysay

5. Heuristiko- Ang tao’y mahilig mangalap ng impormasyon sa bagay-bagay na gusto nilang patunayan.

Halimbawa: Pasalita- pagtatanong, pananaliksik at pakikipanayam


Pasulat- sarbey

6. Pang-imahinasyon- Likas sa mga Pilipino ang pagkamalikhain. Sa pamamagitan ng wika ay napapagana


ang imahinasyon ng tao.

Halimbawa: Pasalita- Pagsasalaysay, paglalarawan


Pasulat- Akdang Pampanitikan

7. Impormatibo- Sa tulong wika ay naibibigay ang kaalaman o impormasyong hinahanap ng tao.


Halimbawa: Pasalita- Pag-uulat, pagtuturo
Pasulat- Pamanahong Papel

Antas ng Wika
Ang antas ng wikang Filipino ay makikita sa mga sumusunod:
▪ Balbal- Ito ang pinakamababang antas ng wika. Tinatawag din itong salitang pangkalye o pangkanto.
Ito rin ang wikang pinakamabilis magbago ang bokabularyo.
Halimbawa: parak - pulis
chaka - pangit ang mukha
juding - bakla
▪ Kolokyal- Ito ang mga salitang ginagamit sa pang-araw-araw na hinalaw sa pormal na mga salita.
Karaniwang pinaikli ito mula sa mga pormal na salita.

Halimbawa: halika - lika


naroon - naron
aray ko - rayko
▪ Lalawiganin- Ito ang mga salitang karaniwang salitaan ng mga tubong-lalawigan katulad ng mga taga-
Cebu, Batangas, Bicol, at iba pa. Mapapnsin ito sa accent o intonasyon, tono at paraan ng pagsasalita.

Tagalog Ilokano Cebuano Bikolano


Aalis Pumanaw Molakaw Mahali
Kanin Inapoy Kan-on Maluto
Kaibigan Gayyem Higala Amiga
Paa Saka Tiil Bitis

▪ Pambansa- Ito ang mga salitang ginagamit sa mga aklat, babasahin at sirkulasyong pangmadla. Ito rin
ang ginagamit sa paaralan at pamahalaan.

Halimbawa: pagsusuri, pulisya, aklat, ina, pulisya, hinaing

▪ Pampanitikan- Ito ang mga pinakamataas at pinakamayamang antas ng wika. Ginagamit ito sa mga
akdang pampanitikan katulad ng tula, kwento, sanaysay at iba pa. Masining at matalinhaga ang
pagpapahayag.

Halimbawa: matamis ang dila - manloloko


balat sibuyas - maramdamin
dinadagang dibdib - kinakabahan

You might also like