You are on page 1of 6

Sintaksis- pangkarunungan na pag-aaral ng pangungusap.

ay makaagham na pag-aaral ng mga


pangungusap

Diskurso- pagpalitan na ng mga pahayag an dalawa o higit pang imdibidwal.

Sambitla- Ito ay ang pinaikling saglit na sambit lamang.

Ponema- pinakamaliit na yunit ng tunog.

Morpema- piangsama-samang ponema na maghahantong sa pagkakabuo ng maliit na yunit ng salita

Ponolohiya- ay ang pag-aaral ng mga tunog.

morpolohiya ang makaagham na pag-aaral ng mga morpema

Archibald Hill- ang wika ay ang pangunahin at sistematikong paraan ng simbolikong gawaing pantao.
Ang mga ito ay binubuo ng tunog at isinaayos na siyang lumilikha ng isang komplikadong istruktura.
Mayroong kahulugang arbitraryo at kontrolodao ng lipunan ang simbolong ito.

Henry Gleason- ang wika ay kompleks na kinalalakipan ng maayos na sistema at binibigkas na mga
tunog . Ito ay kinakailangang isaayos at piliin sa paraang arbitraryo na ginagamit ng mga taong kabilang
sa isang pangkat na may parehong kultura.

Katangian ng wika

Ang wika ay masistemang balangkas-anumang wika sa mundo ay nakaayos ng sistematiko na may


sinusunod na isng tiyak na patern. Lahat ng wika ay nakaayon sa balangkas na ito dahil pundasypn ng
khat ng wika ang tunog.

Ang wika ay pinipili at isinasaayos- . Sa lahat ng pagkakataon na tayo'y nakikipag-usap o


nakikipagtalastasan ay pinipili at isinasaayos natin ang wikang gagamitin.

ang wika ay arbitraryo- walang kahit sinumang indibidwal ang magkapareho sa lahat ng aspeto. Ibig
sabihin na ang bawat isa ay may sariling pagkakilanlan at gayundin ang wika.

Ang wika ay ginagamit- Ang wika ay kasangkapan sa komunikasyon atkatulad ng iba pang kasangkapan,
kailangang patuloy itong ginagamit

Ang wika ay nagbabago. Dinamiko ang wika. Hindi ito maaaring tumanggingmagbago. Ang isang wikang
stagnantay maaari ring mamatay tulad ng hindipaggamit niyon.

Impormal Ang pangalawang kategorya sa antas ng wika ay impormal, karaniwan itong bukambibig ng
nakararami o ito'y gamitin sa araw-araw nating pakikipagugnayan sa ibang tao. Ang antas na ito ay may
tatlong uri: lalawiganin, kolokyal at balbal.

Creole. Ito'y unang naging pidgin at naging likas na wika sa kalaunan (nativitized). Nagkaroon ng
ganitong barayti ng wika dahil may mga pangkat naniniwalang sa kanila nagsimula o sumibol ang unang
wika.

Pambansa, ito'y karaniwang ginagamit ng mga awtor sa mga akdang kanilang sinusulat at sa mga
pambalarilang babasahinpara sa paaralan at pamahalaan. Ito rin ay itinuturo sa paaralan dahil madali at
madalas itong ginagamit lalong-lalo na sa pormal na na talakayan.
balbal ang tawag nito sa Ingles ay slang.. Ang mga salitang ito ay nagmula sa mga grupo na nakbuo ng
sariling . Sinasabi na ang antas na ito ay mababa, sapagkat mayroong mga ekspertong, nagmumungkahi
ng mga mas mababang antas, at ito ang tinatawag na bulgar

"barayti" ay nangangahulugang pagkakaiba ayon sa iba't ibang klase, kalidad o kalagayan at dibersidad.
Ang bawat lipunan ay may kanya-kanyang wika. Sa Pilipinas ay may iilang binansagang mga pangunahing
wika at ito ay ang 1.) Tagalog, 2) Iloko, 3)Pangasinan, 4) Pampanggo, 5) Waray 6)Hiligaynon 7) Cebuano
at 8) Bicolano. Ang mga wikang ito ay nagkakaroon ng pagkakaiba o barayti.

sosyolek. Ito ang tawag sa wikang gamitin ng isang tiyak na pangkat o grupo sa isang partikular na
lipunan. Nagkakaiba ang mga grupo batay sa kanilang kasarian, edad, trabaho, istatus ng buhay, antas
ng edukasyon at iba pa.

Krus o ekis- kapag ang katinig ay pabitin, nilalagyan ng tandang krus o ekis sa kanang paibaba
pagkatapos ng simbolo

Binibigkas na may patinig na ‘a’ sa dulo ang lahat ng mga katinig sa baybayin.
Ang baybayin ay ang tawag sa sinaunang alfabeto ng ating mga ninuno. Ito ay may labimpitong (17)
simbolo na kumakatawan sa mga titik. Ang labimpitong simbolong ito ay binubuo ng 14 na katinig at 3
patinig. Ang mga simbolong kumakatawan sa mga titik ay gaya ng mga sumusunod:

Mula sa 20 titik ng abakada ng wikang Tagalog, idinagdag ang 11 bagong letra – c, ch, f, j, ll, ň, q, rr, v, x,
at z kaya naging 31 ang titik ng alfabeto. Dahil sa dami ng mga titik, binansagan itong “pinagyamang
alfabeto”.

Tinatayang mahigit sa apat naraan (400) dayalektong ginagamit sa Pilipinas ayon sa pag-aaral ni Renato
Constantino

Pampanitikan/Panretorika, ito ay ang pinakamataas na uri ng salita na kadalasang ginagamit sa mga


malikhaing sulatin, lalong lalo na sa mga akda na may kinalaman sa panitikan gaya ng tula, nobela,
maikling kwento, atbp.

NARITO ANG MGA HALIMBAWA NG IBA'T


IBANG ANTAS NG WIKA:
1. Halos magtatatlong taon na kaming magkakasama ng aking ermat, simula
ng iniwanan niya kami. (balbal)
2. Ipinangako ko sa aking kabiyak, na ako ay sa kanya lamang hangga’t
kami’y nabubuhay. (pampanitikan)
3. Nariyan na naman ang aking mister/misis, ni hindi pa ako
nakakapaghanda. (kolokyal)
4. Andiyan na naman ang asawa ko. (panlalawigan)
5. Matagal na kaming nagsasama ng aking asawa. (pambansa)  

Ang mga sumusunod ay ang pormal salita at


ang kolokyal na salita nito:
6. Kailan– Kelan.
7. Ganoon– Ganon.
8. Kumusta – Musta.
9. At saka – Tsaka.
10. Puwede – Pede.
Pambansa:
11. Pulis
12. pera
13. ama
14 .anak
15. ina
16. asawa
Pampanitikan:
17. Haligi ng tahanan.
18.  ilaw ng tahanan.
19. salapi.
20. alagad ng bata.
Explanation:

Ang lalawigan na salita ay tumutukoy naman


sa probinsiyang mga salita.
Lalawigan:

 kwarta
 inang

 bana

 Tolero

 Ang balbal ay ang tawag sa mga pang-kalyeng salita gaya ng:
 1.) istokwa o naglayas
 2.) parak o pulis
 3.) tiboli o tomboy
 4.) eskapo o takas
 5.) balbonik o maraming balahibo.

Katangian ng Wika
Idyolek
Ang idyolek ay tumutukoy sa natatanging paraan ng pagsasalita ng isang
indibidwal. Maaaring bigyan niya ito ng isang kakaibang pagbigkas o hindi
naman kaya ay paggamit ng salita na siyang nakatutulong upang malaman ng
mga tao na siya lamang ang natatanging nagsasalita nito sa paraang kanyang
napili. Madalas, kapag narinig natin ang mga salitang ito ay nalalaman na
agad natin kung sino ang nagsalita.
Ang ilan sa mga halimbawa ay ang mga sumusunod:

1. "Excuse me po" ni Mike Enriquez


2. "Magandang gabi, bayan" ni Kabayan Noli de Castro
3. "Alam niyo ba na..." ni Kim Atienza

Dayalek
Ang dayalek ay ang barayti o pag kakaiba iba ng wika. Mayroong dalawang
uri ng dayalek: ang rehiyonal na dayalek at ang dayalek sa loob ng
isang wika mismo. Ang halimbawa nito ay ang mga sumusunod:

1. Dayalek ng wikang Ingles - Iba ang Ingles ng mga Amerikano, sa Ingles


ng mga Pilipino, at Ingles ng mga taga Europa
2. Dayalek ng wikang Tagalog - Iba ang Tagalog ng mga taga Manila sa
Tagalog ng mga taga Laguna at sa Tagalog ng mga taga Batangas

Sosyolek
Sosyolek ang pagkakaiba sa paraan ng pagsasalita ng mga tao depende sa
kung saang sosyal na estado sila kabilang. Halimbawa ang mga sumusunod:

1. Gay Linggo - "Hay naku ka gurl, nakakajines ka"


2. Internet language - "Lmk, hm, lol"
3. Taglish - "Naisip ko kasi na what if magtravel na lang tayo?"

Etnolek
Ang etnolek ay tumutukoy sa pagkakaiba ng mga katutubong wika at ng mga
etnikong nagsasalita nito. Mayroong dalawang klase nito:

 Etnolek base sa syntax ng wika


 Multiethnolect

Halimbawa ng etnolek ang sumusunod:

1. Panghihiram ng salita - Ang paghiram natin ng salitang credit card mula


sa mga banyaga

Pidgin
Ito ay tumutukoy sa wika na nabubuo mula sa dalawang wika na walang
pagkakapareho. Halimbawa ang mga sumusunod na pidgin ng wikang Ingles:

1. Hawaiian Pidgin English


2. Japanese Bamboo English
3. Japanese Pidgin English
4. Korean Bamboo English

Creole
Ang creole ay natural na wika na nabubuo mula sa paghahalo ng dalawa o
higit pang wika
1. Halimbawa ang lingua franca

You might also like