You are on page 1of 11

z

BARAYTI NG
WIKA
z

Filipino ang ating wikang Pambansa subalit


kung magiging mapanuri at makikinig ng Mabuti
sa mga taong nagsasalita nito, mapapansing
hindi iisa ang uri ng Filipinong umiiral sapagkat
lumilitaw ang barayti ng wika dala narin ng
pagkakaiba ng kapaligiran, panahon, lugar, at
kakanyahan ng taong nagsasalita.
z
MGA SALITANG IMPORMAL O DI-
PORMAL

Mga salitang karaniwang


ginagamit sa pakikipag-usap
sa mga kakilala o kaibigan
ito ay nauuri sa tatlo:
z
BALBAL (SLANG)

Ang tawag sa mga salitang karaniwang


ginagamit sa mga kalye kaya’t madalas na
tinatawag ding salitang kanto o salitang
kalye. Nabibilang ang mga salitang ito sa
di pormal na uri ng salita kayat
karaniwang hindi ginagamit sa mga
pormal na pagtitipon o pagsulat.
z

Ang salitang balbal ay nabuo sa pamamagitan ng iba’t-


ibang paraan tulad ng pagkuha sa dalawang huling
pantig ng salita tulad ng salitang Amerikano na nagging
kano,pagbaliktad ng mga titik ng isang salita tulad ng
tigas na nagging astig, pagkuha ng salitang ingles at
pagbibigay rito ng ibang kahulugan tulad ng toxic na
ang ibig sabihin ay sobrang busy o maraming trabaho,
at pagbibigay-kahulugan mula sa katunog na pangalan
tulad ng Carmi Martin na ang kahulugan ay karma.
z
Bagets –kabataan
Charing –biro
datung – pera
Ermat – nanay
Erpat – tatay
Lespo – pulis
Nenok – nakaw
Sikyo – guwardiya
Utol – kapatid
Yosi - sigarilyo
z
KOLOKYAL (COLLOQUIAL)

Isa pang uri ng mga salitang di pormal


na ginagamit sa pang-araw-araw na
pakikipag-usap. Madalas na ginagamitan
ng papaikli o pagkakaltas ng ilang titik
sa salita upang mapaikli ang salita o
kayay mapagsama ang dalawang salita.
z
Halimbawa:

Pa’no mula Kelan mula


sa paano sa kailan
P’re mula sa Meron mula
pare sa mayroon
Te’na mula sa Nasan mula
tara na sa nasaan
z

Bahagi parin ng barayting ito ang pagsasama ng


dalawang wika tulad ng Tagalog at Ingles o Tag-lish o
Tagalog –Espanyol.

HALIMBAWA:
A-atend ka ba sa birthday ni Lina? (Tag-lish)
Hindi, may gagawin kami sa eskuwelahan.
(Tag-Espanyol)
z
LALAWIGANIN (Provincialism)

Mga salitang karaniwang ginagamit sa


mga lalawigan o probinsya o kaya’y
particular na pook kung saan nagmula o
kilala ang ang wika. Kapansin-pansing
ang mga lalawiganing salita ay may taglay
na kakaibang tono o bigkas na maaaring
magbigay ng ibang kahulugan dito.
z
Halimbawa:

Ambot mula sa salitang Bisaya na ibig sabihin ay


“ewan”
Kaon mula sa salitang Bisaya na ibig sabihin ay “kain”
Biag mula sa salitang ilokano na ang ibig sabihin ay
“buhay”
Ngarud mula sa salitang ilokano na katumbas ng
katagang “nga”

You might also like