You are on page 1of 13

ESTRUKTURA AT PROSESO

NG MAPANURING PAGSULAT
Ang isang akademikong akda ay karaniwang may tatlong
pangunahing estruktura. May proseso ito upang matamo
ang epektibong pagsulat sa bawat bahagi.
INTRODUKSIYON
•Ang pinakatesis ng pag-aaral o
paksa. May gusto itong patunayan
at makatutulong kung sa bahaging
ito ay malinaw na ang nais
ipahayag ng paksang pangungusap.
Dito pinakikitid ang malawak na
paksa.
Mahalagang Puntos sa Pagsulat ng Introduksiyon:
a. Pagpapatunay bilang pokus o tesis ng pag-aaral
- mga iba’t ibang pagpapatunay kaugnay sa paksa ng sulatin.
1. Fact o Opinyon
2. Sanhi at Bunga
3. Halaga
4. Solusyon at Patakaran
b. Paksang pangungusap
- ang pagkaroon ng malakas na paksang pangungusap ang magpapalakas
sa mga argumento at batayan ng sulatin. Mahalagang ilahad ang
layunin, kahalagahan ng paksa, pamamaraan, at datos na ginamit
bilang overview.
c. Atensiyon sa Simula
- nararapat na gamitin ang mga estratihiyang ito sa introduksiyon upang
makuha ang atensyon ng mga mambabasa.
1. Tanong
2. Impormasyon, Pigura
3. Depinisyon
4. Sipi
KATAWAN
•Ang pinakamahabang bahagi ng sulatin.
Dito ipinapaliwanag ng manunulat ang
kahulugan ng pahayag na inilalahad sa
simula. Matatagpuan dito ang mga
sumusuportang impormasyon sa buong
buod ng teksto.
Mahalagang Puntos sa Pagsulat ng Katawan:
a. Pinauunlad at nagsusulat ng mga talata
1. Ang unang pangungusap ng talata ay kaugnay ng naunang talata.
2. Ang mga sumusuportang ideya ay magkakasama sa loob ng talata.
b. Malinaw at lohikal na talata upang suportahan ang tesis
c. Kaayusan ng talata
1. Kronohikal na ayos
2. Kahalagahan ng ideya
3. Hakbang-hakbang
4. Serye
d. Pagpapaunlad ng talata
- malakas na argumentong magpapatunay sa isinasaad ng talata ang
ebidensiyang batay sa pananaliksik.
1. Ebidensiya – mapagkakatiwalaan, may katotohanan, at wasto.
1a. Pangunahin – orihinal na mapagkukunan ng impormasyon.
1b. Di-pangunahin – tumatalakay sa impormasyong orihinal.
2. Argumento – magpapaliwanag kung bakit sumusuporta ang datos sa gustong
patunayan ng iyong sulatin.
2a. Datos 2d. Depinisyon
2b. Testimonya 2e. Pagkukumpara
2c. Depinisyon 2f. Sanhi at bunga
3. Pagbubuo – mga impormasyong nararapat na bigyang diin.
3a. Pagsisimula ng bagong talata
3b. Mga transisyon sa bawat talata
3c. Haba ng talata
e. Pagbuo ng Pangungusap
1. Iba-ibahin ang uri at anyo ng pangungusap upang bigyang-tuon ang ideya at
hindi maging kabagot-bagot. Maaari itong gawin sa pamamagitan ng:
1a. Pagsalit-salitin ang maikli at mahabang pangungusap.
1b. Maglagay ng biglang maigsing pangungusap.
1c. Iba-ibahin ang simula ng mga pangungusap.
2. Paggamit ng iba’t ibang uri ng pangungusap.
2a. Maraming maikli at putol-putol na pangungusap.
2b. Iwasang paulit-ulit ang pagtukoy sa paksa o tao.
2c. Iwasan ang pare-parehong pattern ng pangungusap.
f. Paggamit ng angkop na salita
1. Lebel ng pormalidad
2. Hindi dinadaglat ang mga salita.
3. Rumerespeto sa kalagayan ng kapwa.
4. Gumagamit ng mga salitang maiintindihan ng mambabasa.
5. Umiwas sa yupemismo o malalim na salita upang itago ang katotohanan.
KONKLUSIYON
•Inilalahad ang mga mahahalagang
elemento ng patunay batay sa naging
resulta ng isinasagawang pagtataya sa
buong sulatin na pinangangalawahan ng
balidasyon.
Sa pangkalahatang pagkakaugnay ng
introduksiyon, katawan, at kongklusiyon,
dapat na matiyak sa pagsulat ng
mapanuri at akademikong teksto ang
kaisahan, kabuuan, at kaugnayan ng mga
ideya.
Mapanuring Pag-iisip, Mapanuring Manunulat
1. Aktibong nag-iisip kaugnay ng kahalagahan at kabuluhan ng sinulat na batay sa
dating kaalaman at karanasan.
2. Gumamit ng datos o batayan na pahayag na mapagkakatiwalaan.
3. Nagtatanong kaugnay ng mga sitwasyon mula sa pag-analisa ng mga datos,
ebalwasyon nito, pagbubuod, at pag-uugnay nito sa paksa.
4. Malayang nag-iisip nang hindi hinahayaang maimpluwensiyahan ng iba’t ibang salik.
5. Sinusuri ang mga sitwasyon mula sa iba’t ibang lente o perspektiba; hindi lamang sa
takbo ng isip.
6. Sinusuportahan ang iba’t ibang perspektiba ng katuwiran at ebidensiya.
7. Tinatalakay ang mga ideya sa paraang organido, malinaw, at masusi.
8. Nirerespeto ang kalagayan ng kapuwa sa pamamagitan ng maingat na paggamit ng
wika.
SALAMAT SA INYONG PAKIKINIG

You might also like