You are on page 1of 24

ST.

VINCENT
COLLEGE OF SCIENCE AND TECHNOLOGY
Cagamutan Norte, Leganes, Iloilo - 5003
Tel. # (033) 396-2291 ; Fax : (033) 5248081
Email Address : svcst_leganes@yahoo.com

COO – FORM 12

SUBJECT TITLE: KOMUNIKASYON SA AKADEMIKONG FILIPINO


INSTRUCTOR: MS. LOUVELLA S. SOMOSA, LPT
SUBJECT CODE: FIL 1
__________________________________________________________

FINAL MODULE
TOPIC 1: PAKIKINIG (KARUGTONG)
MGA LAYUNIN SA PAGKATUTO:
Sa pagtatapos ng aralin, inaasahan na ang mga mag-aaral ay:
1. matukoy ang mga kasanayang nakatutulong sa mabisang pakikinig;
2. makagawa ng paglalagom;
3. makapagtala ng mga detalye.
MGA NILALAMAN:
a. KASANAYANG NAKATUTULONG SA MABISANG PAKIKINIG
Ang balangkas ay isang nakasulat na plano ng mahahalagang bahagi ng isang sulatin na
nakaayos ayon sa pagkakasunod-sunod ng mga ito. Mahalagang bahagi lamang ang nakapaloob
dito upang magsilbing patnubay sa gagamitin ukol sa magiging nilalaman ng isang sulatin.
Mahalaga ang paggawa ng balangkas sa paghahanda ng ulat o anumang sulatin katulad ng
pag-uulat, pananaliksik, at pagsasaayos ng mga impormasyon. Matapos makuha ang mga
impormasyong kailangan sa iyong ulat ang susunod mong iisipini ay kung alin sa maraming
impormasyon mong nakuha ang iyong isasama sa ulat. Sa bahaging ito, mahalaga ang
paghahanda ng isang balangkas.

TATLONG URI NG BALANGKAS


1. balangkas sa talataan: Isa itong talataan ng mga pangungusap na may tambalang na ang
bawat isa’y naglalaman ng paksa o punong diwa.
2. balangkas sa pangungusap: Kinuha rito ang mahahalagang isipan at maayos ayos sa
nalalagyan sa akda.
3. balangkas sa paksa: Katulad din ito ng balangkas sa pangungusap na inihabanay ang mga
pangunahing kaisipan at nilalagyan din ng mga panndang tambilang o mga titik.

MGA DAPAT ISAALANG-ALANG SA PAGGAWA NG BALANGKAS


1. Basahin muna nang pahapyaw ang isang tekto bago magtala ng mga paksa o detalye.
2. Suriin ang pagkakaayos ng mga ideya sa binasang teksto. Ito ba ay nasa ayos na kronolohikal,
mula sa simple patungo sa kumplikadong mga ideya, sanhi at bunga, malawak na paksa patungo
sa mga tiyak na ideya, mga tiyak na ideya patungo sa malawak na paksa o lohikal na ayos at iba
pa.
3. Pag-aralan kung ano-ano ang mahahalaga o pangunahing ideya at ang mga pantulong na ideya.
4. Tiyakin kung anong uri ng balangkas ang angkop na gamitin sa paksa.
5. Gumamit ng wastong bantas.
6. Tandaan na ang balangkas ay maaaring baguhin o palitan kung kinakailangan.

Page 1 of 24
MGA TUNTUNIN SA PAGSULAT NG BALANGKAS
1. Piliin ang mga pangunahing paksa. Gamitin ang bilang Romano tulad ng I, II, III, o IV.
Ayusin ang mga bilang nang magkakapantay.
2. Isulat ang maliliit na paksa tungkol sa pangunahing paksa. Gamitin ang malalaking titik
tulad ng A, B, C, o D. Lagyan ng tuldok ang malaking titik at isulat nang may kaunting
pasok ang maliit na paksa.
3. Para sa mga detalye ng bawat maliit na paksa, gamitin ang mga bilang na 1,2,3,4 at iba pa.
4. Gamitin ang malaking titik sa simula ng pangunahing paksa, maliliit na paksa at mga
detalye.

MGA HALIMBAWA NG PORMAT NG BALANGKAS

b. PAGLALAGOM
Ang paglalagom ay ang pagsulat o pagsasalaysay muli sa isang akda o narinig na maikling paraan
na ginagamitan ng sariling pananalita. Ito ay maikli ngunit malaman at nagpapahayag ng pinakadiwa nito.
Ito ay hindi nagtataglay ng pansariling opinyon.

HAKBANG SA PAGLALAGOM
1. Pakinggan o basahin nang mabuti ang akda. Kunin ang pinakadiwa ng napakinggan o nabasa.
2. Habang nakikinig o nagbabasa ay itala ang mahahalagang bahagi at suriin ito.
3. Isulat ang natirang puntos sa sariling pangungusap. Huwag magsasama ng pansariling opinyon.
4. Palitan ang bahagi o pananalitang maaaring magpahaba o magpawalang linaw sa lagom.
5. Tingnan kung ayon sa orhinal ang pagkakasunod-sunod ng mga ideya.
6. Basahing muli upang lalo pang maiklian.

URI AT MGA HALIMBAWA NG PAGLALAGOM


1. HAWIG- tinatawag itong paraphrase sa Ingles. Galing ito sa salitang paraphrasis na ang ibig
sabihin ay dagdag o ibang paraan ng pagpapahayag. Katulad ito ng buod kung saan
ipinapahayag sa sariling pangungusap ang mga pangunahing ideya ngunit nagkakaiba ito sa
pinipiling pahayag.
1.1 HAWIG BUOD- nilalahad sa sariling pangungusap ang isang partikular o ispesipikong
ideya o impormasyon Inilalahad ang buong istorya, artikulo, at tula Inilalahad sa isang
bagong anyo o estilo.
- Pinipili rito ang pinakamahalagang ideya at sumusuportang ideya o datos.

Page 2 of 24
- Ginagamit ang ang mga kataga at pandiwa na paraangg nag-uulat ng sinassabi ng
may akda ngunit nilalagyan ng panipi.
- Mahalaga ang pagtutok sa lohikal at kronolohikal na daloy ng mga ideya ng binuod na
teksto.
2. SINOPSIS
-Isa itong pagpapaikli ng mga pangunahing punto, kadalasan ng piksyon.
- Karaniwang di-lalampas sa dalawang pahina.
-Ito rin ang ginagamit sa mga panloob o panlabas ng pabalat ng isang nobela na tinatawag na
jacket blurb.
3. PRESI
-Ito ang pinakaikling buod ng mahahalagang punto, pahayag, ideya, impormasyon.
-Muling pagpapahayag ito ng ideya ng may akda sa sariling pangungusap ng bumasa, ngunit
maaaring madagdag ng komento na nasusuri sa akda.
-Galing sa salitang presi(precis) sa lumang Pranses na ibig sabihin ay pinaikli. - -Ito ang buod ng
buod.
-Higit itong maikli kaysa sa buod at halos ang pinaka tesis ng buong akda ang tinatalakay.
4. SINTESIS
-Mula sa Griyego na syntithenai ◦ - Syn = kasama, magkasama ◦ -tithenai = ilagay, sama-samang
ilagay.
-Sa larangan ng piliosopiya - ang sintesis ay bahagi ng metodong diyalektikal ni Georg Wilhelm
Friedrich Hegel kaugnay ng pagbuo ng katuwiran.
-Sa larangan ng pagsusulat - ang sintesis ay isang anyo ng pag- uulat ng mga impormasyon sa
maikling pamamaraan upang ang sari-saring datos mula sa iba’t-ibang pinanggalingan (tao, libro,
pananaliksik) ay mapagsama-sama at mapag-isa tungo sa isang malinaw na kabuuan o identidad.

c. PAGTATALA
Ang matalinong paraan ng pagkuha ng tala ay mahigpit na kailangan ng mga mag-aaral sa
kolehiyo at unibersidad pagkat ditto ang mga kurso ay inilalahad ng mga nagtuturo sa paraang
papanayam. Dahil sa hindi kaalamang kumuha ng mga tala sa mga panayam, marami sa mga
mag-aaral ang nahihirapan sa klase.

MGA DAPAT TANDAAN SA PAGTATALA NG TALUMPATI O PANAYAM


1. Dumalo na handa nag lahat ng kailangan na kagamitan.
2. Huwag magmamadali sa pagsulat ng naririnig.
3. Ihanay habang nakikinig, sang-ayon sa kung anong pamunong kaisipan lamang.

Makatutulong sa kukukuha ng tala sa panayam o talumpati ang paggamit ng sariling


pamamaraan ng pinaikling pagsulat, gay ng p-usap para sa pangungusap, bt para sa bakit, nt
para sa ngunit at iba pa.

Page 3 of 24
GAWAIN:
Panuto: Sagutin ang katanungan gamit ang ―Venn Diagram‖.
1. Ano ang pinagkaiba ng pagbabalangkas sa paglalagom at pagtatala.

END OF TOPIC 1
TOPIC 2: PAGBASA
MGA LAYUNIN SA PAGKATUTO:
Sa pagtatapos ng aralin, inaasahan na ang mga mag-aaral ay:
1. natutukoy ang layunin sa pagbabasa;
2. nagagamit ang iba’t ibang uri ng pagbabasa;
3. nagagamit ang komprehensyon sa pagbabasa.

NILALAMAN:
PAGBASA
a. KAHULUGAN
Ang pagbasa ay isang proseso o paraan ng pagkuha ng impormasyon o kahulugan sa mga
simbolong nakalimbag o nakasulat.

LAYUNIN NG PAGBABASA
1. MAALIW – pagbibigay-kasiyahan sa sarili.
hal.
pagbabasa ng Horoscope
2. MAKAKUHA NG IMPORMASYON - pangangalap ng kaalaman.
hal.
pagbabasa ng Instructions Manual para sa bagong biling laptop
3. MAGSURI—pag-aanalisa sa nabasa bago magbigay ng aksyon o desisyon.
hal.
pagbabasa sa isang kontrata

PARAAN NG PAGBABASA
1. MALAKAS O PABIGKAS
Dapat isaalang-alang ang:

Page 4 of 24
ST. VINCENT
COLLEGE OF SCIENCE AND TECHNOLOGY
Cagamutan Norte, Leganes, Iloilo - 5003
Tel. # (033) 396-2291 ; Fax : (033) 5248081
Email Address : svcst_leganes@yahoo.com

 pagbigkas ng mga salita  paghawak sa aklat o anumang


 tindig babasahin
 lakas ng tinig  kontak sa mga tagapakinig

2. TAHIMIK
Dapat isaalang-alang ang:
 tamang posisyon ng katawan
 pook kung saan magbabasa
 subvocalization

b. KATUTURAN AT KAHALAGAHAN
ANO BA ANG PAGBASA?
 Ang pagbasa ay nagtataglay ng maraming kahulugan, depende sa sitwasyon. Iba-iba ang
pagpapakahulugan nito batay sa mga manunulat at dalubhasa bagamat iisa ang kaisipang
nakapaloob dito. Narito ang ilan:

 Ang pagbasa ay pagkilala, pag-unawa, pagpapakahulugan at pagtataya ng mga ideya sa mga


nakalimbag na simbolo. Ito ay proseso ng pag-unawa sa mga kaisipang hatid ng awtor sa mga
mambabasa. Sa pamamagitan ng pagbasa, nahahasa ang iba’t ibang kasanayan ng isang
indibidwal. Ang pagbasa kung gayon ay napakahalaga sa isang indibidwal sapagkat ito ang tutugon
sa kanyang pagkatuto tungo sa mas malawak na kaalaman sa kanyang kapaligiran, sa bansa at
marami pang iba na nahuhubog ng kanyang pagkatao.

 Ang pagbasa ay isa sa mga kasanayang pangwika na tulay ng mga estudyante upang mapahusay
at malinang ang kasanayan sa mabisang pag-unawa sa teksto. Ito ay may malaking kaugnayan sa
iba pang makrong kasanayang pakikinig, pagsasalita, pagsulat, at panonood ng isang tao dahil
nagkakaroon ng kakayahang makabuo ng mga kaisipan at makapagpahayag ng damdamin at
maayos na makipagkomunikasyon sa lahat ng disiplina o larangan. Ang mga kaisipang nakukuha at
nabubuo sa pamamagitan ng pagbasa, pakikinig, pagsasalita at panonood ay maaaring sulatin
upang maibahagi sa iba.

 Batay sa maraming pananaliksik, ang pagbasa ay isang kompleks na gawaing pangwika at


pangkaisipan na kinapapalooban ng higit pa sa interaksyon ng mambabasa at ng teksto.
Ipinaliwanag ni Johnston (1990) na ito’y isang kompleks o masalimuot na gawaing
nangangailangan ng konsyus at di-konsyus na paggamit ng mga estratehiya o kasanayan gaya ng
paglutas ng suliranin upang makabuo ng kahulugang ninanais ipahatid ng awtor. Bilang isang
kompleks na prosesong pangkaisipan, ang mambabasa ay aktibong nagpaplano, nagdedesisyon at
nag-uugnay ng mga kasanayan at estratehiyang nakatutulong sa pag-unawa.

 Ang pagbasa ay isa ring kognitibong proseso ng pag-unawa sa mensaheng nakalimbag o ng


anumang wikang nakasulat. May kaugnayan ito sa pagsulat, sapagkat anomang binabasa natin ay
maaaring isulat at ang anomang naisusulat ng kamay ay nababasa ng mata na kakambal ng

Page 5 of 24
pagpapakahulugan gayundin sa pagkatuto sapagkat ang kakayahan sa pagbasa ay daan tungo sa
kaalaman.

 Ayon naman kay Baltazar(1977), ang pagbasa ay kasangkapan sa pagkatuto ng mga kabatiran
ukol sa iba’t ibang larangan ng pamumuhay. Sa katunayan, 90% sa napag-aralan ng tao ay mula
sa kanyang karanasan sa pagbasa.

 Ang isang estudyanteng palabasa ay mas may malaking posibilidad na maipasa niya ang mga
pagsusulit na ibibigay ng guro kumpara sa isang hindi palabasa sapagkat sa kanyang pagbabasa
mas nadaragdagan ang kanyang kaalaman, lumalawak ang talasalitaan at mga karanasan. Mas
nahahasa ang kaisipan ng estudyanteng palabasa na umunawa nang mas malalalim na ideya, mga
argumentong pangangatwiran at nababatid ang implikasyon ng kanyang binabasa. Sa ganitong
paraan, masasabing ang pagbasa ay isang masalimuot na proseso sapagkat nasasangkot dito ang
maraming kasanayan.

 Sa pamamagitan ng pagbabasa, nakatutuklas ng maraming kaalaman at karunungan tutugon sa


kanyang pangangailangang pangkabatiran sa iba’t ibang disiplina tulad ng agham, panitikan,
teknolohiya, at iba pa. Higit sa lahat, mahalaga ang pagbasa sa isang tao para hindi mapag-iwanan
ng nagbabagong panahon gawa ng mga makabagong teknolohiyang nagsusulputan ngayon.

MGA KAHALAGAHAN NG PAGBASA


1. PANGKASIYAHAN - sa halip na mabagot o tumunganga kung walang ginagawa,
makapupulot ng kasiyahan sa pagbabasa.
hal.
pagbabasa ng horoscope, komiks o pinakabagong tsismis sa showbiz
2. PANGKAALAMAN - maraming impormasyon ang maaaring mabatid tungkol sa mga
bagay-bagay sa mundo at kapaligiran sa pamamagitan ng pagbabasa.
hal.
pagbabasa ng user’s Guide o Instructions Manual para sa bagong
biling laptop
3. PANGMORAL – malalaman ang mga aral sa buhay sa pamamagitan ng pagbabasa na
maaaring mabago ang pananaw, magkaroon ng direksiyon , o harapin ang problema.
hal.
pagbabasa ng Bibliya o Koran o kaya’y akda ng mga bantog na
pilosopo
4. PANGKASAYSAYAN – mababatid ang mga pangyayari sa nakaraan na maaaring itong
magsilbing leksiyon sa kasalukuyan at mapaghandaan ang kinabukasan.
hal.
pagbabasa ng tungkol sa kasaysayan ng mga bansa o mga
dokumentong isinulat noong sinaunang panahon
5. PANGKAPAKINABANGAN - makatutuklas ng mga ideya o kaisipan sa paglikha ng mga
bagay-bagay na maging kapaki-pakinabang sa pang-araw-
araw na pamumuhay.
hal.
pagbabasa nga mga aklat na do-it-yourself para ang mga simpleng
bagay na sa halip na ipagawa sa iba ay ikaw na lang mismo ang
gagawa

Page 6 of 24
6. PAMPAGLALAKBAY-DIWA - sa pamamagitan ng pagbabasa, mararating ang malalayong
lugar, makasasalamuha ng iba’t ibang tao, at magkakaroon ng kaalaman sa mga banyagang
bagay o gawa sa tulong ng malarong imahinasyon.
hal.
pagbabasa tungkol sa ibang bansa o kaya’y ibang daigdig totoo man
o hindi

URI NG PAGBABASA
1. MABILISAN
MAY DALAWANG URI ANG MABILISAN NA PAGBASA
A. SKIMMING - madalian ang paraan ng pagbasa rito upang magkaroon ng impresyon sa akda kung
dapat ba itong basahin o hindi; hangad lamang nito na makakuha ng ideya sa nilalaman ng teksto.

B. SCANNING - tulad ng iskiming, mabilisan din ang pagbasa upang agad makuha ang sagot sa isang
tanong, matagpuan ang susing salita (keyword) o hinahanap na bilang, o makita ang partikular na
impormasyon; madaling itong magagawa kung malalaki ang letra ng pagkakalimbag; mahalaga ito kung
nagrerebyu dahil iyung may mga marka o salungguhit na lamang na salita ang kailangang
basahing muli .

2. MASINSINAN (INTENSIVE READING) – ang pagbabasa ay maingat (at mabagal) upang maisa-isa
ang mga detalye. Ang pagbabasa ng isang akda minsan ay umaabot ng mahabang panahon.

3. MALAWAKAN (EXTENSIVE READING) – ang pagbabasa nang maramihan upang maunawaan agad
ang mga pangyayari. Ang tagapagbasa ay nagbabasa ng maraming bagay o mga aklat sa loob ng maikling
panahon.
Ayon kay Gray, ang pagbasa ay isang proseso na may apat na hakbang na sinusunod. Ito
ay ang mga sumusunod:
1. PERSEPSIYON—ang kakayahang kilalanin ang mga nakalimbag na simbolo bilang mga salita ng
wika.
2. KOMPREHENSIYON — ang kakayahang maunawaan ang kahulugan o kaisipang nakapaloob
sa mga salitang nakalimbag.
3. REAKSIYON — ang kakayahang hatulan o husgahan ang kawastuan ng mga konsepto na nais
iparating ng awtor.
4. INTEGRASYON—ang kakayahang maiangkop sa sariling buhay ang anumang konseptong
naunawaan upang maging mahalagang bahagi ng sariling karanasan.

c. Ang Pag-unawa sa Pagbasa


ANG KOMPREHENSIYON
Ang pagbasa ng may komprehensiyon ay ang pag-uugnay ng mambabasa ng kanyang dating
kaalaman at karanasan sa bagong impormasyong kanyang makukuha mula sa tekstong binasa. Ang
pagbasa ay hindi pangmata lamang, kundi isang pagtuklas sa mga kahulugang nakapaloob dito.
Sinasabing kung walang pag-unawa ay wala ring pagbasang nagaganap.

Ang komprehensiyon o pag-unawa ay isang kakayahang makuha o maunawaan ang mensahe o


kahulugan sa akdang binabasa. Ito ay nakabatay sa kakayahan makilala ang gamit ng mga salita at
maugnay ang mga ito sa iba pang mga salita sa teksto.

Page 7 of 24
Halimbawa ay ang salitang “pula”. Ito ay may iba’t ibang gamit at kahulugan gaya ng:
o Pula ang kulay ng kanyang damit.‖ (kulay na red)
o ―Pinupulaan siya dahil sa kanyang masamang nagawa.‖ (puna)
o ―Isa siyang pulahang manunulat.‖ (makakaliwa, komunista)
o Mapula ang lupa namin kaya masagana ang ani.‖ (kulay brown, mabunga

KASANAYAN SA PAG-UNAWA
1. PAGKUHA NG PANGUNAHIN AT TIYAK NA DETALYE—maglista muna ng mga impormasyon,
salitang kailangan, ideya o kaalamang dapat isaliksik bago magbasa.

2. PAGHIHINUHA/PAGBUO NG PALAGAY—dito ay kinakailangang manghula o magbigay ng


prediksiyon ang mambabasa.

3. PAGLALAHAT/PAGLALAGOM—isinasaayos ang mga tanging importanteng impormasyon lamang


na nabasa sa teksto.

4. PAGWAWAKAS—ginagamit ito sa pagbubuod ng kuwento o sanaysay na binasa. Ang mambabasa


mismo ang siyang nagbibigay ng kaukulang wakas.

5. PAGKILATIS SA KATOTOHANAN AT OPINYON—maaaring ang nabasa ay isang katotohanan o


opinyon o kathang-isip lamang ng may-akda.
6. PAGTUKOY SA LAYUNIN NG TEKSTO—maaaring nang-aaliw, nagpapaliwanag, nanghihikayat o
nagbibigay lamang ng impormasyon ang akdang binasa.
7. PAGSUSURI SA MGA TEKNIK O ISTILO—inaalam dito ang iba’t ibang paraan ng manunulat sa
paghahatid ng mensahe o kaisipan.
8. PAGSUSURI SA MGA EBIDENSIYA AT PANGANGATWIRAN—mahalagang malaman ang
katunayan at katibayan ng isang pangyayari.
9. PAGGAMIT NG GRAPIKONG PANTULONG—gawing biswal ang pag-iisip sa pamamagitan ng
paggawa ng mga mapa, guhit, grap o tsart hinggil sa tekstong binasa.
10. PAGBABALANGKAS—isaayos ang mga ideya na nabasa ayon sa pagkakasunud-sunod.
11. PAGMAMARKA AT PAGTATALA—madaling balikan ang tekstong binasa kung markado o nakatala
ang mga importanteng ideya o salita.
12. PAGPAPALAWAK NG BOKABULARYO—maaaring gumamit ng diksiyunaryo o gumamit ng mga
pahiwatig na ideya upang maging pamilyar sa mga di-kilalang salita.

GAWAIN:
Ipaliwanag ang mga sumusunod ng mga tanong/pahayag sa loob ng isa hanggang dalawang
pangungusap nang diretso at hindi maligoy (direct to the point). (5 puntos bawat isa).
1. Paano natin malalaman na may mataas na komprehensiyon sa pagbasa ang isang tao?
2. Ipaliwanag ang mga sumusunod na kahalagahan ng pagbasa at magbigay ng sariling halimbawa.
a. Pangkaalaman
b. Pangmoral
c. Pangkasaysayan
3. Ipaliwanag: Nakakalabas ka ng bansa sa pamamagitan ng pagbasa.

END OF TOPIC 2

Page 8 of 24
TOPIC 3: PAGBASA (KARUGTONG)
MGA LAYUNIN SA PAGKATUTO:
Sa pagtatapos ng aralin, inaasahan na ang mga mag-aaral ay:
1. Makakabatid ng mga katangiang taglay ng mga salita;
2. Makakabatid ang iba’t ibang uri ng pagbasa;
3. Mapagtanto ang mga dapat matutuhan para maging mabisa at masaklaw ang pagbabasa.

MGA NILALAMAN:
a. ANG KATANGIANG TAGLAY NG MGA SALITA
Ang salita ay kumakatawan sa konsepto o ideya. Habang tumatanda ang tao, ang konseptong
kinakatawan ng salita ay unti-unting nagiging dalisay at wasto. At habang patuloy na nagbabasa ang
isang tao. Lalo namang lumalawak ang kaniyang kaalaman tungkol sa kahulugan ng mga salita. Mahalaga
ang kasanayan sa pagbabasa kaya’t ito ay dapat na linangin sa isang indibidwal.

Gayunpaman, dapat mabatid ng mambabasa na ang mga salita ay mayroon ding taglay na mga
katangian tulad ng mga sumusunod:

1. Ang isang salita ay maaaring magkaroon ng maraming kahulugan. Dahil dito, mahalagang
makilala ng mga mambabasa kung paano ginamit ang mga salita sa pangungusap.
Hal.
a. May kargang palay ang kariton. (sakay o lulan)
b. apat ng karga ng buhangin at graba ang ipinadiliber ko. (dami ng bagay na
kinarga).
2. Ang mga salita ay maaaring gamitin sa paraang patayutay. Ang mga salitang ito ay
nagtataglay ng kahulugan kaiba sa literal na kahulugan. Dahil dito, kailangan ng mambabasa ang
kritkal na pag-iisip upang makuha ang kahulugan ng mga salitang ito at lalong maunawaan ang
tekstong binabasa.

Ibat ibang uri ng Tayutay na karaniwang ginagamit ng mga manunulat:


a. Simile o pagtutulad. Ito ay paghahambing ng dalawang bagay na magkaiba na ginagamitan ng
mga salitang parang, tulad, wangis, animo, anaki, kapara at iba pa.
Hal.
 Si Vicitacion ay kawangis ni Birhen Maria.
 Animoy mga leong nagwawala ang mga manlalaro ng volleyball.
 Talagang maririnig ko ang tinig mong sing lakas ng batingaw.
b. Pagwawangis o metapora. Itoy tahasang paghahambing ng dalawang bagay na di magkauri
ngunit hindi ginagamitan ng mga salita/pariralang pagtutulad na ginagamit sa simile.
Hal.
 Talagang ahas ka, Mando sigaw ni Ernel sa kaniyang matalik na kaibigan.
 Batas ang mga salitang ibinubulalas niya.
 Ang mga nangangalaga ng kalikasan ay mga anghel ng kagubatan.
c. Personipikasyon o pagbibigay-katauhan. Sa ganitong uri ng tayutay, ikinakapit sa mga
bagay na walang buhay ang mga katangian o kilos ng tao.
Hal.
 Umiiyak ang puso ko dahil sa iyong paglisan.
 Sumasayaw ang mga puno’t halaman sa saliw ng hangin.

Page 9 of 24
 Nagngingitngit sa galit ang bulkang Pinatubo nang ito’y sumabog.
d. Hyperbole o pagmamalabis. Ito ay tumutukoy sa pagpapahalaga nang lampas o kulang sa
katotohanan o sa normal na kalagayan upang mapaigting ang diwang nais iparating ng
manunulat.
Hal.
 Bumaha ng dugo sa Basilan nang magkasagupa ang mga Militar at Abu Sayaff.
 Susuot ka muna sa butas ng karayom bago ka pakapagtapos ng pag-aaral.
 Inabutan ako nang isang taon sa kakahintay sa iyo.
e. Pagpapalit-tawag o metanomiya. Ito ay isang tayutay na ang ngalan o katawagan ng isang
bagay na tinutukoy ay pinapalitan ng ibang ngalan o katawagan.
Hal.
 Batay sa tip ng isang mapagkawanggawa. Nalantad ang kalbaryo ng isang kaaw-awa, ang
mga mata ng sumugod na pulis ay namasa nakalulunos na kaalipustahan ng isang bata.
(pasakit o pahirap) --halaw sa Mga putol na taludtod para kay Dondon Mahinay
 Tumanggap siya ng mga palakpak (papuri) sa kanyang tagumpay.
f. Pagpapalit saklaw o sinekdoke. Sa tayutay na ito, pinagpapalit ang dalawang bagay sapagkat
mayroong pagkakaugnayan, tulad ng bahagi at kabuuan nito, isang bagay at ang sangkap nito, o
lalagyan ay inilagay dito.
Hal.
 Bakit mo hinahamak ang kamay na nagpapala sa iyo? (ang kamay na bahagi ng katawan
ng tao ay ipinalit sa tao).
 Anupat nagtanim ka ng trigo sa isang lupain at habang lumalago ito, tumutubo din ang
mga ligaw na damo na siyang umaagaw ng sustansya ng trigo. Kapag araw na ng anihan,
lahat ng tumubo sa lupa ay aanihin at paghihiwalayin ang ligaw na damo sa trigo, kung
saan ang trigo ay iimbakin at ang ligaw na damo ay susunugin.

Hango sa mga talinghaga patungkol sa kaligtasan sa bibliya (bagong tipan)


g. Apostrophe o pagtatawag. Itoy panawagan o pakiusap sa isang tao o inaaring tao na hindi
naman kaharap ng nagsasalita.
Hal.
 O, buwan, buwan tanglawaan mo ako!Pag-ibig, kailan ka dadapo sa aking pusong uhaw
sa iyo.Diyos ko!, iaadya niyo po ako sa lahat ng masama.
3. Ang salita ay ginagamit din sa idyomatikong pahayag. Ang mga idyomatikong pahayag ay
mga pariralang ang kahulugan ay hindi hango sa alinmang bahagi ng pananalita. Ang kahulugan
nito ay hindi bunga ng pagsasama ng kahulugan ng mga salitang bumubuo sa mga ito kundi isang
natatanging kahulugang naiiba sa mismong parirala. (Pineda, 1982).

Mga Halimbawa ng idyomatikong pahayag:


 Si junior ay sakit ng ulo ng kanyang mga magulang. (problema)
 Inilista na lamang sa tubig ni aling marta ang utang niya kay Aling Godyang. (utang na
wala ng bayaran).
 Tunay ngang Makapitlag-puso ang tanawing makikita mo sa lawa ng bulusan.
(nakakaliw)

Mga Salitang Ginagamit sa Idyomang Pahayag

Page 10 of 24
Ang idyoma ay isang pagpapahayag na ang kahulugan ay hindi komosisynal sa ibang salita,
hindi binubuo ng tumpak na kahulugan ang mga kani-kaniyang salita na nabuo. Ito ay di-tuwirang
pagbibigay kahulugan at pagpapakita ng kaisipan at kaugalian ng isang lugar.
Halimbawa:
 Butas ang bulsa (walang pera)
 Ilaw ng tahanan (ina)
 Bukas ang palad (mapagbigay)
 Nagbibilang ng poste (walang trabaho)
 Buwayang lubog (taksil sa kapwa)
 Pantay na ang mga paa (patay na)
 Mabigat ang dugo – kinaiinisan
 Magaan ang bibig - palabati; magiliw makipagkapuwaKalapating mababaa ang lipad
mababang uri ng babae (pakawalang anghel)
 May kurus ang dila nagkakatotoo ang bawat sabihin

Iba pang Idyoma


Bad hair day
Kahulugan: isa sa mga araw na walang nangyayaring maganda o mabuti.
Pinagmulan: nagmula sa 1992 na pelikula na buffy the Vampire slayer.
Ito ang eksaktong linya mula sa palabas: Buffy (kristy Swanson) para sa isang bampirang may
iisang braso na si Amilyn (Paul Reubens) : Im Fine but you are obviously having a Bad Hair Day
Pangungusap: We can see on her face that she is totally having a Bad Hair Day

Birds with the same feather flocks together.


Kahulugan: Pagsasama-sama ng mga may iisang hilig.
Pag-uumpukan ng mga magkakaugali.
Pinagmulan: Nakilala noong 1600 dahil kay Philemon Hollan, in translation of: Livys romance
Historie mula sa orihinal nitong porma na as commonly birds of feather will fly together.
Pangungusap: They are destined to meet, because birds of a feather flock together.

Break a Leg
Kahulugan: Pagsasbi ng goodluck sa mga artista bago magtanghal sa entablado.
Pinagmulan: Ang mga Teatro ay kilala sa kanilang pamahiin.
Ang salitang Break a Leg ay lumutang dahil sa paniniwala na dapat magsalita ng good luck sa isang
aktor dahil ang kabaliktaran ang maaaring mangyayari.
Pangungusap: Break a Leg guys, I hope you do it right.

4. May mga salitang ginagamitan din ng pag-uuyam na tinatawag na ironiya. Ang mga
salitang Ironiya ay ginagamit sa paglibak, pangungutya o pag-uuyam sa tao, bagay o
pangyayaring tinutukoy.
Mga halimbawa:
 Daming mukhang mahal ay mascara.
 Ang tunay na mukhang itinatagoy ganid pala:
 Buti pa ang hamak ang mukhang pagaspas at pangit sa iba.
 Kung sa dibdib may pusong maganda.

Page 11 of 24
 Marami sa mga nakaupo ay mapagbalat-kayo.
 Pilit na ikinukubli ang tunay na pagkatao.
 Animoy mas mataas pa sa pangkaraniwang mamamayan.
 Yun palay sila ang siyang latak ng Lipunan.

b. MGA URI NG PAGBASA


Pagbasa
Ang pagbasa ay isa sa apat na kasanayang pangwika. Ito ay pagkilala at pagkuha ng mga ideya at
kaisipan sa mga nakalimbag na simbolo. Ito ay proseso ng mga ideya at kaisipan sa mga nakalimbag na
simbolo. Ito ay proseso ng pag-unawa sa mga mensaheng nais ibahagi ng may akda sa babasa ng
kanyang isinulat. Ang gawaing ito ay isang pangkaisipang hakbang tungo sa pagkilala pagpapakahulugan
at pagtataya sa mga isinulat ng may akda.

Malaking kapakinabangan ang makukuha sa pagbabasa. Nagbibigay ito ng mga bagong kaalaman,
libangan, pagkatuto at mga karanasang maaaring mangyari sa tunay na buhay. Sa pagbabasa, hindi
sapat na may kakayahan sa mabilis na pagbasa, ang mahalaga ay ang pagtugon ng isipan sa binabasa
maging ang paksang binabasa ay pagkalibanga.

 MABISANG PAGBASA
Mabisang Pagbasa/Masinsinang Pagbasa

Ito’y ang maingat na pag-aaral at puspusang pag-unawa sa isang aralin na maaaring dalawa o
hanggang limang pahina ang haba. Maaaring ito’y bahagi ng tula, maikling kwento, sanaysay at iba pang
uri ng akda, at iniuukol ang pag-aaral sa kayarian at nilalaman ng akda.

Mga dapat tandaan tungo sa Mabisang Pagbasa


1. Pumili ng lugar na makakaramdam ng komportabilidad.
2. Tiyakin na walang hadlang ang lugar na pinili.
3. Iwasang magbasa sa lugar na sobrang komportable.
4. Alamin ang oras kung saan alerto ang isipan.
5. Tiyakin na laging may oras sa pagbabasa. Gawin itong habit kung maaari.

 MASAKLAW NA PAGBASA
Masaklaw na Pagbasa
 Ito ay nauukol sa malayang pagbabasa na anumang paksa o posisyon ng nagbabasa.
 Taliwas ito sa masusing pagbasa sa halip na pabaha-bahaging pagbasa ng isang teksto, ito ay
isang pag-aaral sa pangkalahatang nilalaman ng binasa.
 Mabilisang paraan ng pagbasa na ang layunin ay alamin ang kahulugan ng kabuuang teksto
ngunit nakatuon lamang ito sa pamagat o heading ng talata at simula ng pangungusap.
 Ginagawa ito sa labas ng klase at itinatakda ng guro nang mas maaga. Maaaring ito’y isang buong
maikling kwento, kabanata ng nobela o isang drama kaya at nakatuon ang pag-unawa ng bumabasa
sa mga tauhan at pangyayari sa halip na sa tamang detalye ng alin mang akda.

 MALAKAS NA PAGBASA
Pagbasa ng Malakas
 Isinaalang alang ang tagapakinig/owdiyens upang marinig ang binabasang teksto.

Page 12 of 24
Ilang mungkahi upang maging maayos ang pagbasa ng malakas:
 May mabuting kundisyon ng paningin.
 May sapat na lakas ng tinig.
 May wastong tindig.
 May malusog na pangangatawan.
 Mahusay na pandinig.
 Hawakan ang aklat na may sapat na layo buhat sa mukha.
 May tamang pagbigkas.
 Isinaalang-alang ang mga bantas upang mabatid kung saan ang diin, pagtaas o pagbaba
ng tinig at pahinto.
 Naiaayon ang interpretasyon ng mukha sa binabasa.
 Tumingin sa tagapakinig.

 PAGBASA NANG TAHIMIK


Pagbasa ng tahimik/tahimik na pagbasa
 Isinaalang-alang lamang ang sarili at layuning maunawaang mabuti ang binabasa.
 Mata lang ang ginagamit.

Ilang mungkahi upang mapabilis ang pagbabasa nang tahimik:


 May mabuting kundisyon ng paningin.
 May wastong liwanag.
 May tahimik na kapaligiran.
 May sapat na sirkulasyon ng hangin.
 Huwag paisa-isa ang pagbasa ng salita, basahin ang buong kaisipan.
 Kaliwa pakanan ang kilos ng mata.
 Isaalang-alang ang mga bantas na ginamit upang maunawaan ang detalye.
 Huwag ikibot ang labi kapag nagbabasa ng tahimik.
 Kung baguhan pa lamang ilagay ang tinuturong daliri sa labi.
 Magsanay sa pagbasa nang mabilis.

GAWAIN
Panuto: Ipaliwanag ang mga sumusunod na mga tanong/pahayag sa loob ng isa hanggang daalwang
pangungusap nang diretso at hindi maligoy (direct to the point). (5 puntos bawat isa).

1. Ipaliwanag ang kahalagahan ng tayutay.


2. Ano ang pagkakaiba ng mabisang pagbasa at masaklaw na pagbasa?
3. Ipaliwanag ang kaibahan ng malakas na pagbasa at pagbasa nang tahimik.
4. Sa palagay mo, bakit kaya may iba’t-ibang kahulugan ang mga salita?
5. Pumili sa pitong tayutay at gamitin ito sa pangungusap.

END OF TOPIC 3

Page 13 of 24
TOPIC 4: PAGSULAT
MGA LAYUNIN NG PAGKATUTO:
Sa pagtatapos ng aralin, inaasahan na ang mga mag-aaral ay:
1. Maibigay ang kahulugan ng pagsulat;
2. Matukoy ang pinagkaiba ng pinatnubayang pagsulat sa iba pang anyo ng pagsulat;
3. Makapagbigay ng halimbawa ng sulating nasa anyo ng malayang pagsulat;
4. Mapahalagahan ang makrong kasanayang pagsulat.

MGA NILALAMAN:
a. KAHULUGAN
Ang pagsulat ay isang paraan ng pagpapahayag ng pag-iisip at damdamin ng isang tao sa
pamamagitan ng paglilimbag ng mga sagisag o simbolo ng mga tunog ng salita. Ang pagsulat ang
katapusan ng mga kasanayang panwika.

KAHULUGAN NG PAGSULAT AYON SA IBAT-IBANG DALUBWIKA


Pagsulat. Ayon kay Bernales, et al., (2001), ang pag-sulat ay angpagsasalin sa papel o sa
anumang kasangkapang maaring magamit namapagsasalinan ng mga nabuong salita, simbulo at
ilustrasyon ng isang tao o mga tao sa layuning maipahayag ang kanyang/kanilang kaisipan.

Ang pagsulat ang bumubuhay at humuhubog sa kaganapan ng ating pagiging tao. (William Strunk,
E.B White)

Ang pag-iisip at pagsusulat ay kakambal ng utak, gayundin naman, ang kalidad ng pagsulat ay
hindi matatamo kung walang kalidad ng pag-iisip. (Kellogg)

Ang pagsulat ay kabuuan ng pangangailangan at kaligayahan. (Helen Keller)

Ito ay isang komprehensibong kakayahang naglalaman ng wastong gamit ng talasalitaan, pagbuo


ng kaisipan, at retorika. (Xing Jin)

PAGSULAT

MAMBABA
AWTOR SA
MENSAHE

OPINYON O
KAALAMAN

TITIK O MGA SIMBOLO

Page 14 of 24
PROSESO NG PAGSULAT
Ang proseso ng pagsulat ay mahahati sa iba’t- ibang yugto. Ang mga yugtong ito ay ang mga
sumusunod:
 Bago Sumulat
o Prewriting
 Habang Sumusulat
o Writing
 Pagkatapos Sumulat
o Revising
o Editing

Ang mga yugtong ito ay sunod-sunod ayon sa pagkakalahad, ngunit importanteng mabatid na ang
mga propesyunal na manunulat ay hindi nagtratrabaho nang hakbang–bawat-hakbang. Makabubuti, kung
gayon , na ipalagay na ang pagsulat ay isang prosesong rekarsib at ispayraling, kayat ang mga manunulat
ay bumabalik-balik sa mga yugtong ito nang paulit-ulit sa loob ng proseso ng pagsulat ng isang teksto.

o Bago Sumulat (Prewriting)


Lahat ng pagpaplanong aktibiti, pangangalap ng impormasyon, pag iisip ng mga ideya, pagtukoy
ng istratehiya ng pagsulat at pag-oorganisa ng mga materyales bago sumulat ng burador ay nakapaloob
sa yugtong ito.

o Habang Sumusulat (Writing)


Sa puntong ito, ang iyong mga ideya ay kailangang maisalin sa bersyong preliminari ng iyong
dokumento na maaari mong irebays nang paulit-ulit depende kung gaano mo kinakailangan. Sa pagsulat
ng burador, iminumungkahing sundin mo ang iyong balangkas nang bawat seksyon. Palawigin mo ang
iyong mga parirala sa pangungusap.

Sa pagsulat ng unang burador, importanteng hindi mawala ang momentum sa pagsulat. Kung
gayon, mas mabilis mong maisasalin sa papel ang mga salita ng mas mabuti. Dahil nais mong makasulat
nang mabilis sa yugtong ito, huwag mo muna alalahanin ang pagpili ng mga salita, istraktura ng
pangungusap, ispeling at pagbabantas. Pagtuunan na lamang ito ng pansin matapos maisulat ang buong
unang burador.

Maaaring akalain na matapos maisulat ang unang burador ay tapos na ang proseso ng pagsulat.
Ngunit maging mga batikang manunulat ay nagkakaisa sa pagsasabing maging sila’y nagkakamali rin sa

Page 15 of 24
pagpili ng mga salita, pag-oorganisa ng pangungusap, pagbabaybay o pagbabantas kahit paminsan
minsan. Paulit-ulit pa rin nilang binabasa ang kanilang unang burador, ineebalweyt ang kanilang akda at
hinahamon ang kanilang sarili na mapabuti pa ang presentasyon ng kanilang mga ideya. Dito pumapasok
ang yugtong rebisyon at editing.

o Pagkatapos Sumulat
(Revising)
Ito ay proseso ng pagbabasang muli sa burador nang makailang ulit para sa layuning pagpapabuti
at paghuhubog ng dokumento. Maaaring sinusuri ng isang manunulat dito ang istraktura ng mga
pangungusap at lohika ng presentasyon. Maaaring ang isang manunulat ay nagbabawas o nagdaragdag
dito ng ideya. Maaari ring may pinapalitan siyang pahayag na sa palagay niya’ y kailangan para sa
pagpapabuti ng dokumento.
(Editing)
Ito ang pagwawasto ng mga posibleng pagkakamali sa pagpili ng mga salita, ispeling, gramar,
gamit at pagbabantas. Ang editing ang pinakahuling yugto sa proseso ng pagsulat bago maiprodyus ang
pinal na dokumento.

b. PINATNUBAYANG PAGSULAT
Narito ang ilang paraang nagagamit sa pagsasanay sa pagsulat na pinatnubayan.
1. Pagsasagot sa mga tanong o sa paglilipat ng mga pangungusap na patanong sa
pangungusap na paturol.
Dalawang uri ng tanong ang karaniwang gamitin dito: ang tanong na sinasagot ng ―oo at hindi‖ at
ang tanong na nasasagot na ―dili kaya‖. Sa kolehiyo ang mga katanungan ibinibigay ay mga
tanong na humihingi ng mga sagot na nagsasalaysay.
Halimbawa:
a) Anong oras ka dumating kanina?
b) Ano-ano ang una mong ginawa?
c) Nayari mo ba ang iyong ginawa?

2. Pagsasaayos sa pagkakasunod-sunod ng mga pangungusap o isipan. Sadyang guguluhin ng


guro ang isang wastong ayos ng mga pangungusap sa isang talata. Nararapat isaayos na muli sa
wastong kaayusan o pagkakasunod-sunod ang mga pangungusap sa isang talata.
Halimbawa:
a) Nakakita naman ang mga ito.
b) Dalawang lalaki ang inatasang bumaba sa bundok at humanap ng albularyo.
c) Bago sila umakyat muli sa bundok, nagpakuha muna ang albularyo ng isang malaking tandang na
kulay pula.
d) Sinabi nila sa albularyo ang nangyari sa lalaki.
Ang dapat at tamang ayos ng mga pangungusap ay b, a, d, c

3. Pagbibigay ng pamaksang pangungusap. Ibibigay ng guro ang pamaksang pangungusap at


bawat estudyante ay susulat ng talatang nagsisimula sa pamaksang pangungusap.

4. Pagsulat ng buod ng komposisyon. Magbibigay ng halimbawang komposisyon ang guro at


pagkatapos na Mabasa iyon ng mga estudyante, ang mga ito ay pasusulatin ng buod ng binasang
komposisyon.
Page 16 of 24
5. Pagkuha ng paksa mula sa modelo. Magbibigay ng huwarang komposisyon ang guro. Gagawa
ang mga estudyante ng komposisyon na ang paksa ay katulad ng paksa ng modelong
komposisyon.
6. Paggawa ng balangkas. Magbibigay ng balangkas ng isang komposisyon na susulatin ang guro.
Ang balangkas ay gagamitin sa pagsulat ng komposisyon.
7. Pagsulat ayon sa mga tala ng mga pangyayari. Palalawakin ng mga mag-aaral ang mga tala
ng mga pangyayari upang makasulat ng isang komposisyon.

c. MALAYANG PAGSULAT
Kapag nasanay nang magsulat ang mga mag-aaral sa paraan ng pinatnubayang pagsulat ay
nanaisin na mismo ng mga estudyante na makasulat nang malaya.

Sa ganitong pagsulat, itinatakda ng guro sa mga estudyante ang mungkahing paksa. Malayang
sumulat sa napiling paksa ang mga estudyante at malayang gumamit ng paraang ibig nila.
Halimbawa:

Sa lahat ng tao sa mundo, sa aking paningin siya lang ang pinakamagandang


regalo na ibinigay ng Panginoon sa akin. Siya ang pinakamagandang babae na aking
nakilala. Mapupulang labi, makinis na balat at mga mahahabang pilik-mata. Bukod sa
kanyang pisikal na anyo, ako ay napabilib sa kanyang kasipagan. Ginagawa niya ang
lahat ng nakabubuti sa aming magkakapatid. Gumagawa siya ng mga bagay na
mahihirap para lang makatulong sa pamilya.

2.4. KAHALAGAHAN NG PAGSULAT


d. KAHALAGAHAN NG PAGSULAT
Inilahad ni Arrogante (2000) ang mga kahalagahan ng pagsulat:

d.1. Kahalagahang Panterapyutika


Ang taong may kahinaan sa pagsasalita ay mahilig sumulat para mailabas lamang ang nasa
kalooban may babasa man o wala. Gumagaan ang kanilang pakiramdam pagkatapos makapagsulat. Para
bang naibsan sila ng isang mabigat na dalahin.
d.2. Kahalagahang Pansosyal
Sumusulat ang mga tao dahil may namamagitang katahimikan o mga bagay na siyang
nagpapalayo sa isang relasyon ngunit likas ng tao ang magkarelasyon. Kung nasasaktan ka at hindi mo
masasabi nang tuwiran ang iyong nadarama, isulat mo lang iyon. Madali ang ugnayan sa pamamagitan ng
pagsulat. Ang isang mamamayang sosyal ay sandatang panulat ang ginagamit para maipadama ang
kanyang saloobin tungkol sa mga pangyayari sa kanyang kapaligiran.
d.3. Kahalagahang Pang-ekonomiya
Ang tao’y sumusulat dahil kailangan para siya’y mabuhay, sa madaling salita ito’y nagiging
kanyang hanapbuhay. Pang-araw-araw na gawain niya ang pagsusulat at ang paghahanap ng mga dapat
isulat, lalo na kapag may hinahabol na deadline.
d.4. Kahalagahang Pangkasaysayan
Ang panulat ay mahalaga sa pagreserba ng ating kasaysayang pambansa at ang mga naisasatitik
ay nagsisilbing dokumento para sa mga sumusunod na henerasyon.

Page 17 of 24
PAGSASANAY

Panuto: Ibuod ang mga konsepto ng kahulugan, uri ng pagsulat, at kahalagahan nito gamit ang graphic
organizer sa ibaba:

END OF TOPIC 4
TOPIC 5: PAGSULAT (KARUGTONG)
MGA LAYUNIN NG PAGKATUTO:
Sa pagtatapos ng aralin, inaasahan na ang mga mag-aaral ay:
1. Natatalakay kung ano ang pagsulat;
2. Naisa-isa ang hakbang sa pagsulat;
3. Nauunawan ang tamang pagbabantas.

MGA NILALAMAN:

a. PAMANTAYAN SA MABUTING PAGSULAT


Ang Pagsulat
Ang pagsulat ay isang proseso o paraan upang maipahayag ang mga ideya sa pamamagitan ng
paggamit ng simbolo o sagisag (alpabeto) upang ilarawan ang wika. Ang pagsulat ay isa sa apat na
makrong kasanayang pangwika (pagsulat, pakikinig, pagsasalita at pagbasa).

Ang pagsulat ay ginagawa upang maipahayag o maiparating ang damdamin, saloobin o ideya
hinggil sa isang paksa o bagay sa iba’t ibang kadahilanan. Ang iba ay nagsusulat para libangin ang sarili o
upang magbahagi o magturo ng kaalaman o di kaya naman ay makumbinsi ang kapwa sa ibinibigay na
opinyon o paniniwala. Ang paggawa, pag-uulit, pagsasanay at pagpapraktis ang sadyang kailangan upang
matagumpay na maisagawa ang pagsulat.

"Kapag tumigil sa pagsulat ang isang tao, tumigil na rin siya sa pag- iisip."
Pagsasalin sa papel o sa anumang kasangkapang maaaring magamit na mapagsasalinan ng mga
nabuong salita, simbulo at ilustrasyon ng isang tao o mga tao sa layuning maipahayag ang kaniyang
kaisipan.

Page 18 of 24
1. Kapwa isang pisikal at mental
2. Isang komprehensibo
3. Kapwa interpersonal at intrapersonal
4. Isang biyaya
5. Sosyo- kognitib
6. Biswal na pakikipag- ugnayan

Katangian ng Mabuting Pagsulat


Ang pagkakaisa ng paksa ay mahalaga sa pagsulat dahil dito malalaman kung ano nga ba
gustong ipahiwatig ng may-akda. Ang “diin” ay mahalaga para malaman mo ang emosyon na
ipinapahiwatig sa sulat.
Bukod rito, ang pagiging orihinal ay isa rin sa mahalagang katangian ng isang magandang sulat
dahil ito’y nagpapakita ng pagkamalikhain ng isang tao. Isa rin sa mga katangian nito ay ang pagiging
makatotohanan.
Kahit kathang-isip lamang ang sulat ng may-akda, ang emosyon, karanasan, at mga pangyayari sa
sulat o kwento ay kailangang nakasalamin sa mga totoong bagay o pangyayari na ikaw mismo ay
nakaranas na. Kapag nagawa ito, mas nagiging emosyonal at espesyal ang sulat.
At higit sa lahat, kung ang isang sulat ay napapanahon, ito ay nagpapakita ng galing ng isang
manunulat. Ang mga napapanahon na mga sulatin ay tumatalakay sa mga mainit na isyung lipunan na
dapat malaman ng lahat ng tao.

b. MGA HAKBANG SA PAGSULAT


1. Pre-Writing
Sa hakbang na ito nagaganap ang paghahanda sa pagsulat. Dito nagaganap ang pagpili ng paksa at
ang pangangalap ng mga datos na kailangan sa pagsulat.

2. Actual Writing
Dito ang aktwal na pagsulat, nakapaloob dito ang pagsulat ng burador o draft.

3. Rewriting
Dito nagaganap ang pag-eedit at pagrerebisa ng draft batay sa wastong gamit ng grammar, bokabulari
at lohika.

c. ANG PAGBABANTAS
PAGBABANTAS
1. Tuldok (.)
a. Ginagamit sa katapusan ng pangungusap na paturol o pasalaysay at pautos o pakiusap.
hal.
Ako ay masaya.
Pakiabot po ng sukli.
Bumili ka ng tinapay.

b. Ginagamit pagkatapos ng mga tambilang at titik ng isang balangkas o talaan.


hal.
1.,

Page 19 of 24
2.…,
a., b.…

c. Ginagamit din ang tuldok sa mga dinaglat na salita.


hal.
edisyon = ed.
Pebrero = Peb.
Juan Dela Cruz = J.D.C.

2. Tandang Pananong (?)


a. Ginagamit bilang panapos sa mga pangungusap na nagtatanong.
hal.
Saan ka pupunta?
Magkano ang isang kilo?
Sino kasama mo?

b. Ginagamit ito sa loob ng panaklong bilang pagpahayag ng pag-aalinlangan.


hal.
Wala (?) siya kanina.

3. Tandang Padamdam o Eksklamasyon (!)


a. Ginagamit sa mga pangungusap, salita o ekspresyong nagsasaad ng damdamin.
hal.
Hoy! May magnanakaw!
Huwag mong kunin iyan!

4. Kuwit (,)
a. Ginagamit sa pagitan ng petsa.
hal.
Hunyo 1, 2015
Pebrero 14, 2017

b. Ginagamit sa pagitan ng pangalan ng kalye, bayan/lungsod, at probinsiya/lalawigan.


hal.
Jojo St., Malolos City, Bulacan
Sitio Inuman, Baranggay Inarawan, Antipolo, Rizal
Pinagkaisahan, Quezon City, Metro Manila

c. Ginagamit sa bating panimula at pangwakas ng liham.


hal.
Mahal kong kapatid,
Sumasainyo,
Nagmamahal,

Page 20 of 24
d. Ginagamit sa mga salita, parirala, o mga sugnay na magkakasunod-sunod.
hal.
bolpen, aklat, lapis, papel

e. Ginagamit sa pagitan ng tuwirang sabi at pagkatapos ng ngalang panawag.


hal.
―Mahal kita,‖ sabi niya sa akin.

f. Ginagamit sa pagitan ng ―iyo‖ at pangalan, tulad din sa pagitan ng pangngalan o panghalip at


ng kasunod nito.
hal.
Para sa iyo, Lina.
Alfred, tanghali na.
Ikaw, manggagawa, ay kahanga-hanga.

5. Tutuldok (:)
a. Ginagamit sa bating panimula ng liham pangangalakal.
hal.
Ginang:
General Manager:

b. Ginagamit sa pagsulat ng oras.


hal.
6:30 n.u.

c. Ginagamit sa pagtatala ng iniisa-isang bagay.


hal.
paborito kong ulam: sinangag, pritong itlog, longganisa, talong, talaba

d. Ginagamit sa pagpapakilala ng tuwirang sipi.


hal.
Sabi nga ni G. Rizal: Ang di magmahal sa sariling wika ay mahigit sa hayop at malansang
isda.

6. Tuldukuwit (;)
a. Ginagamit sa pagitan ng dalawang sugnay na hindi pinag-uugnay ng pangatnig.
hal.
Tahimik si Leah; maingay naman si Jane.
Palaimpok si Nora; bulagsak naman si Imee.

7. Panaklong ()
a. Ginagamit bilang pangkulong sa mga pinamimiliang salita.
hal.
Mga prutas (mansanas, mangga, ubas, pakwan, saging).

Page 21 of 24
b. Ginagamit upang kulungin ang bahaging nagpapaliwanag sa isang salita ngunit maaaring
kaltasin.
hal.
Si Tino (kanan) at Pedro (kaliwa)

c. Ginagamit upang kulungin ang mga titik o tambilang ng mga bagay na binabanggit nang
magkasunud-sunod:
hal.
(1) Luzon… (2) Visayas… (a) Iloilo… (b) Guimaras…

8. Braket [ ]
a. Ginagamit kapag may binago sa isang tuwirang sipi at ipinaloloob ito sa braket o di kaya’y ang
kapaliwanagan ng salita.
hal.
Ayon kay Rizal: Ang di [marunong ] magmahal sa sariling wika...

9. Kudlit („)
a. Ginagamit sa pag-ugnay ng dalawang salita.
hal.
bata at matanda = bata‟t matanda

10. Panipi (“”)


a. Ginagamit sa direktang pagkopya ng isang salita, parirala, pangungusap, o talatang di-lalampas
sa apat na linya.
hal.
Ayon sa Koran at Bibliya: ―Siya ang Diyos, ang nag-iisa.‖

b. Ginagamit ito sa diyalogo at pamagat ng aklat, kuwento, pelikula, maging sa mga banyagang
salita.
hal.
―Hindi lahat ng gwapo ay lalaki‖, banat ni Rommel Tuico.
Matatagpuan ang ―Zuma‖ sa mga komiks.
Ang sining na iyan ay tinatawag na ―paper art‖.

11. Tulduk-tuldok (…)


a. Ginagamit sa pagsisipi kung saan ay may tinanggal na mga salita na maaaring sa simula, gitna
o hulihan. Ginagamit ito sa pagsasalitang paputul-putol na hindi na nangangailangan ng
mahabang pagpapahayag o mga salitang di na ipinagpatuloy.
hal.
...sina Leonardo, Michelangelo, Donatello, at Raphael na mga...

12. Gitling (-)


a. Ginagamit sa mga salitang inuulit
a.1. ganap
hal.
gabi-gabi
Page 22 of 24
a.2. parsiyal
hal.
kabi-kabila

b. Ginagamit sa mga tambalang salita.


hal.
asal-bata, panakip-butas

c. Ginagamit sa mga salitang magkasalungat.


hal.
urong-sulong, labas-pasok, humigit-kumulang

d. Ginagamit sa pagitan ng mga unlaping nagtatapos sa katinig at salitang-ugat na nagsisimula sa


patinig.
hal.
magsing-irog, mag-aaral, tag-ulan

e. Ginagamit sa mga pangngalang pantangi na inuunlapian.


hal.
magpa-Xerox, maka-Rizal

f. Ginagamit sa pagitan ng panlaping ―ika-― at tambilang o bilang.


hal.
ika-20 ng Nobyembre

g. Ginagamit sa mga praksiyong isinusulat nang pasalita.


hal.
tatlong-kapito (3/7)
isa’t dalawang-katlo (1 2/3)

h. Ginagamit sa pagsasama sa apelyido ng babae sa pagkadalaga at ng kanyang asawa.


hal.
Judy Ann Santos-Agoncillo

i. Ginagamit sa paghahati ng salita sa dulo ng linya.


hal.

Magagawa mo ito sa pama-


magitan ng ….

13. Gatlang (—) – ito ay mas mahaba sa gitling o binubuo ng dalawang gitling (--),

a. Ginagamit ito upang magpakita ng pag-uulit-ulit sa isang usapan o panghalili sa panaklong.

Page 23 of 24
hal.
Napakaganda ng iniwang alaala sa iyo ni Bert—isang batang kamukhang-
kamukha niya—bago siya pumanaw.

b. Ginagamit ito kapag may dagliang pagbabago sa diwa ng isang pangungusap.


hal.
Mahirap maghanapbuhay—higit namang mahirap ang walang
pagkakakitaan.

14. Asteriko (*)


a. Ginagamit ito kapag may tinanggal na mga titik, salita, parirala, o pangungusap sa isang sipi.
Ginagamit ito sa halip na buuin ang ilang salitang bulgar na di dapat ilimbag.
hal.
Minura ka niya, anak ng p*** raw.

b. Ginagamit ito bilang pagpapakita ng karagdagang impormasyong nakatalababa.

hal.
Sa araw* na idineklara ni Marcos ang martial law...
*Setyembre 21, 1972

GAWAIN
Panuto: Sagutin ang mga katanungan.
1. Ano ang ibig sabihin ng pagbabantas?
2. Bakit kailangang matutunan ang tamang pagbabantas?
3. Ano ang kahalagahan ng kaalaman sa pagbabantas sa isang mag-aaral sa kolehiyo?
4. Ano ang ibig sabihin ng pagsulat?
5. Bakit tayo nagsusulat?
6. Ano ang maitutulong sa pagsulat sa tao?
7. Paano natin maipapahayag ang ating nararamdaman sa pamamagitan ng pagsulat?
8. Sa iyong palagay, ano ang dahilan ng mga awtor ng blogs at komiks para magsulat?

END OF FINAL MODULE


SANGGUNIAN:
 https://philnews.ph/2020/10/02/katangian-ng-pagsulat-kahulugan-at-halimbawa-nito/
 https://www.coursehero.com/file/47766019/HAKBANG-O-PROSESO-PARAAN-AT-BAHAGI-
PAGSULATpptx/
 https://www.slideshare.net/shekainalea/pagbasa-78825454
 https://www.coursehero.com/file/p1l52s2/MGA-URI-O-ESTILO-NG-PAGBASA-1-SKIMMING-
Masaklaw-na-pagbasa-Mabilisang-paraan-ng/
 Tumangan, A. et. al (2014). Komunikasyon sa Akademikong Filipino.Grandbooks Publishing Inc.
 Retrieved fromhttps://www.scribd.com/doc/252108428/Kahulugan-ng-Pagsasalita-docx.
 Retrieved fromhttps https://www.slideshare.net/avigailgabaleomaximo/sining-ng-pagkukwento.
 Retrieved fromhttps https://www.slideshare.net/zichara/ang-paghahanda-sa-Pagkukuwento.

Page 24 of 24

You might also like