You are on page 1of 21

Lakbay

Sanaysay
"Hindi lang dapat makapagdulot ang
lakbay-sanaysay ng impormasyon
kundi ng matinding pagnanais na
maglakbay."
Patti Marxsen
'The Art of Travel Essay'
"Maituturing na tagumpay ito kung
makapag-iiwan sa mambabasa ng sariwa at
malinaw na ala-ala ng isang lugar bagama't
hindi pa nila ito napupuntahan."

Patti Marxsen
'The Art of Travel Essay'
Ang lakbay-sanaysay o 'travel essay' ay isang
mabisang estratehiya sa pag-aaral.
Nasasaksihan ang mga bagay-bagay tulad ng;
• Hitsura ng lugar
• Kaugalian
• Kultura
• Pakikisalamuha
Nakatutulong din ang lakbay-sanaysay upang
magkaroon ng epektibong edukasyon para sa
pagbabago ng perspektibo ng isang tao.
Mungkahing Gabay sa Pagsulat
ng

Lakbay
Sanaysay
1. Bago magtungo sa lugar na balak
mong puntahan ay dapat magsaliksik o
magbasa tungkol sa kasaysyan nito. Pag-
aralan ang kanilang kultura, tradisyon at
relihiyon. Bigyang-pansin din ang
sistemang political at ekonomikal ng
lugar. pag-aralan din ang lenggwahe na
ginagamit sa lugar na iyon.
2. Buksan ang isisp at damdamin
sa paglalakbay, lawakan ang
naaabot ng paningin, talasan ang
isip, palakasin ang internal at
external na pandama at pang-
amoy, sensitibong lasahan ang
pagkain.
3. Magdala ng talaan at ilista ang
mahahalagang datos na dapat
isulat.
4. Kung susulat na ng lakbay-
sanaysay, huwag gumamit ng mga
kathang isip na ideya. Isulat ang
katotohanan sapagkat higit na
madali itong bigyang-paliwanag
gamit ang malikhaing elemento.
5. Gamiting ang unang panauhang
punto de vista at isaalang-alang
ang organisasyon ng sanaysay sa
pagsulat. Magkaroon ng kritikal na
pananaw sa pagsulat sa
pamamagitan ng malinaw na pag-
unawa sa mga ideyang isusulat.
6. Tiyakin na mapupukaw ang
kawilihan ng mambabasa sa
susulating lakbay-sanaysay.
Mga mahahalagang dapat isali sa
pagsulat ng

Lakbay
Sanaysay
1. Expresyon ng damdamin sa pagpunta sa lugar.
2. Karanasan sa kanilang kultura.
3. Kariktan ng Lugar.
4. Magandang bagay na ikinikilos ng tao sa pagharap sa
kanilang mga manlalakbay.
5. Mga mahuhusay na gawi.
6. Kalagayang pagsulong ng lugar.
7. Kalagayan mo bilang manlalakbay.
8. Kaligtasan at kapayapaan.
9. Pagkakapantay-pantay at paggalang.
10. Paraan at kakayahan sa
pakikipagtalastasan.
Nakapaglakbay ka na ba sa iba't
ibang rehiyon?
Tignan nga natin ang mga iyong
nalakbay na at kung naaalala mo pa
ang mga ito...
Tandaan
Nagbibigay daan ang lakbay-sanaysay
ng kakayahan sa paghahayag ng mga
magagandang bagay na napagmasdan
upang makatulong sa iba pang
manlalakbay.
Tandaan
Nakapagbibigay din ito ng ideya sa
kapwa kultura, pagkatao at kabuhayan
ng ibang lugar.
Tandaan
Masanay sa paghahabi ng datos upang
maging masining sa pagbubuo ng
sanaysay batay sa mga kaganapan sa
paglalakbay.
Salamat
Sa pakikinig!

You might also like