You are on page 1of 5

Repleksibong sanaysay

Repleksibong sanaysay
• Ang repleksibong papel o mapagmuning sanaysay
ay isang pagsasanay sa pagbubulay-bulay. Sa
pamamagitan nito, natutuklasan ang sariling pag-
pagiisip.,damdamin, o opinyun tungkol sa isang
paksa, pangyayari, o tao at kung paano
naapektuhan ng mga ito. Bukod dito, ang
pagsusulat ng repleksibong sanaysay ay isang
gawaing humahamon sa mapanuring pag iisip. Ang
sulating ito ay maaring nasa anyu ng personal na
sanaysay, lahok sa journal, diary, reaksiyong papel,
o learning log
• Hindi katulad ng ibang uri ng sanaysay, hindi gaanong
limitado ng kumbensiyon ang repleksibong sanaysay kaya
maari ang nasisiyahan ang pagsulat nito.
• Kaiba ng repleksibong sanaysay sa iba pang akademikong
sulatin dahil karaniwan ay hindi na kailangang sumangguni
sa ibang akda at manghiram ng kaisipan. Sa halip, nakabatay
ito sa pagpapahayag ng manunulat ng sarili niyang pananaw
batay sa kaniyang karanasan. Bagaman personal at
subhetibo, at kailangang panatilihin ng manunulat ang
akademikong tono ng sanaysay. Mahalaga ding organisasyon
nito.
Kahalagahan ng Repleksibong
sanaysay
Lahat ng pagsusat ay proseso ng pagkatutu. Sa pagsulat ng
sanaysay, tayo ay nagpapahayag ng damdamin, at dito ay may
natuklasan bago tungko sa sarili, sa kapuwa, at sa kapaligiran.

Ang pagsulat ng repleksibong sanaysay ay proseso rin ng


pagtuklas. Sa pamamagitan din nito, natutukoy natin ang ating
mga kalakasan at kahinaan, at nakakaisip tayo ng mga
solusyon sa mga problema kinahaharap natin.
Sa pag aaral nila Di Stefano, Gino, Pisano, at Staats
(2014), magiging mas mabisa ang pagkatutu mula sa
sariling karanasan kung lalangkapan nito ng
repleksiyon. Pinakita nila na ang repleksibong gawain
ay makapangyarihan mekanismo sa pagkatutu. Sinang
ayunan nila ang mga pahayag ng amerikano pilosopo,
sikologo, at edukador na si john dewey.

You might also like