You are on page 1of 3

PAGSULAT NG FILIPINO SA PILING LARANGAN - AKADEMIK

Ikatlong Linggo

Replektibong Sanaysay

Ayon kay Michael Stratford, isang guro at manunulat, ay isa sa mga tiyak na uri ng sanaysay na may kinalaman sa
introspeksiyon na pagsasanay. Kinapapalooban ito ng pagbabahagi ng mga bagay na naiisip, nararamdaman, pananaw, at
damdamin hinggil sa isang paksa at kung paano ito nakalikha ng epekto sa taong sumusulat nito. Maihahalintulad ito sa
pagsulat ng journal kung saan nangangailangan ito ng pagtatala ng mga kaisipan at nararamdaman tungkol sa isang tiyak na
paksa o pangyayari. Maiuugnay rin ito sa pagsulat ng mga academic portfolio kung saan nagkakaroon ng malalim na
pagsusuri ang may-akda kung paano siya umunlad bilang tao kaugnay ng paksa o pangyayaring binibigyang-pansin sa
pagsulat. Ang replektibong sanaysay ay kadalasang nakabatay sa karanasan kaya mula sa nilalaman nito ay masasalamin ang
pagkatao ng sumulat.
Ayon naman kay Kori Morgan, guro mula sa West Virginia University at University of Akron, ang replektibong
sanaysay ay nagpapakita ng personal na paglago ng isang tao mula sa isang mahalagang karanasan o pangyayari.
Ibinabahagi nito sa mambabasa ang kalakasan at kahinaan ng sumulat batay sa mga karanasang natutuhan o nakuha.
Madalas, ibinabahagi rin ng sumulat ang kanyang mga natutuhan at kung paano ito gagamitin sa buhay sa hinaharap o kaya
naman ay kung paano pa pauunlarin ang mga kahinaan hinggil sa isang tiyak na aspekto ng buhay.
Narito ang mga halimbawa ng mga paksang maaaring gawan ng replektibong sanaysay:
1. Librong katatapos lamang basahin
2. Katatapos na proyekto hinggil sa pananaliksik
3. Pagsali sa isang pansibikong Gawain
4. Praktikum tungkol sa isang kurso
5. Paglalakbay sa isang tiyak na lugar
6. Isyu tungkol sa pagkagumon sa ipinagbabawal na gamot
7. Isyu tungkol sa mga pinag-awayang teritoryo sa West Philippine Sea
8. Paglutas sa isang mabigat na suliranin
9. Isang natatanging karanasan bilang mag-aaral

Mga Dapat Isaalang-alang sa Pagsulat ng Replektibong Sanaysay

1. Magkaroon ng isang tiyak na paksa o tesis na iikutan ng nilalaman ng sanaysay.


2. Isulat ito gamit ang unang panauhan ng panghalip. Tanggap nang gamitin ang mga panghalip na ako, ko, at akin
sapagkat ito ay kadalasang nakasalig sa personal na karanasan.
3. Tandaan na bagama’t nakabatay sa personal na karanasan, mahalagang magtaglay ito ng patunay o patotoo batay sa
iyong mga naobserbahan o katotohanang nabasa hinggil sa paksa upang higit na maging mabisa at epektibo ang
pagkakasulat nito.
4. Gumamit ng mga pormal na salita sa pagsulat nito. Tandaang ito ay kabilang sa akademikong sulatin.
5. Gumamit ng tekstong naglalahad sa pagsulat nito. Gawing malinaw at madaling maunawaan ang gagawing
pagpapaliwanag ng mga ideya o kaisipan upang maipabatid ang mensahe sa mga babasa.
6. Sundin ang tamang estruktura o mga bahagi sa pagsulat ng sanaysay: introduksiyon, katawan, at kongklusyon.
7. Gawing lohikal at organisado ang pagkakasulat ng mga talata.

GAWAIN 1

Panuto: Ibigay ang kahulugan, katangian, layunin, at gamit ng isang replektibong sanaysay sa pamamagitan ng pagpuno sa
mga thinking balloon.

Katangian Layunin Gamit


GAWAIN 2

Panuto: Sa pagkilala sa sarili ay mahalagang makagawian ang introspeksiyon o pagbubulay-bulay tungkol sa sariling
buhay. Kung susuriin mo ang iyong sarili sa kasalukuyan bilang isang mag-aaral, masasabi mo bang nahuhubog nga sa iyo
ang kasanayang dapat taglayin ng isang mag-aaral sa ika-21 siglo? Magbanggit ng mga paraan kung paanong lalo pang
mahuhubog sa mga kabataang tulad mo ang mga nasabing kasanayan.

Pagsusuri sa Sarili/Introspeksiyon:

__________________________________________________________
__________________________________________________________
__________________________________________________________
__________________________________________________________
________________

Mga Hakbang kung Paano Lalong Mahuhubog ang Sarili:

__________________________________________________________
__________________________________________________________
__________________________________________________________
__________________________________________________________
________________

GAWAIN 3

Panuto: Sumulat ng isang replektibong sanaysay batay sa napili mong paksa sa ibaba. Isaalang-alang ang pamantayan
sa pagsulat.

PAKSA
 Librong katatapos mo lamang basahin
 Katatapos na proyekto hinggil sa pananaliksik
 Pagsali sa isang pansibikong gawain
 Praktikum tungkol sa isang kurso
 Natatanging karanasan bilang mag-aaral
PAMANTAYAN PUNTOS
Naisasagawa nang mataman ang mga hakbang sa pagsulat ng replektibong 10
sanaysay
Nakasusulat ng organisado, malikhain, at kahika-hikayat na replektibong 10
sanaysay
Nakasusulat ng replektibong sanaysay batay sa maingat, wasto, at angkop na 10
paggamit ng wika
May isang tiyak na paksa ang replektibong sanaysay na nabuo 10

Kabuuang puntos 40
3

You might also like