You are on page 1of 8

PAG-USAPAN NATIN

1. Ano ang layunin ng pagsulat ng posisyong papel?


- Ang layunin ng posisyong papel ay mahikayat ang madla na ang paniniwalaan ay katanggap-
tanggap at may katotohanan. Mahalagang maipakita at mapagtibay ang argumentong
ipaglalaban gamit ang mga ebidensyang magpapatotoo sa posisyong paniniwalaan o
pinapanigan.

2. Ano ang kaugnayan ng pagsulat ng posisyong papel sa pangangatwiran?


- Mahalaga ang pagkakaroon ng Posisyong Papel sa pangangatwiran dahil ito ay
makakapagbigay ng malinaw na argumento kung nais sumalungat sa kabilang panig.
Magkakaroon ng pagkakataon ang naglahad ng posisyong papel na makumbinse ang mga
nakikinig na pag-isipan ang magkabilang katwiran. Iba’t iba ang pinaggagamitan ng posisyong
papel, sa pag-aaral, sa politiko at batas, at marami pang iba na may hind pagkakasundo sa
nararapat na hakbang.

3. Ano-ano ang dapat na isaalang-alang para sa isang mabisang pangangatwiran?


Mga dapat isaalang-alang sa isang mabisang pangangatwiran
 Alamin ang paksang ipagmamatuwid.
 Dapat maging maliwanag at tiyak ang pagmamatuwid.
 Sapat na katuwiran at katibayang makapagpapatunay.
 Dapat ay may kaugnayan sa paksa ang katibayan at katuwiran ipang makapang hikayat.
 Pairalin ang pagsaalang-alang, katarungan, at bukas na kaisipan sa pagpapahayag ng
kaalamang ilalahad.
 Tiyaking mapagkakatiwalaan ang mga ilalahad na katuwiran.

4. Bakit nasabing bukod sa paglalahad ng argumentasyon at pangangatwiran ay isa ring


agham na kinapapalooban ng mga katibayang kinalap sa pamamagitan ng pananaliksik
ang isang posisyong papel?
- Tinatawag ring agham na kinapapalooban ng mga katibayang kinalap sa pamamagitan ng
pananaliksik ang posisyong papel sapagkat ang nilalaman nito ay masusing isinaliksik at ang
bawat detalye rito ay may sapat na katibayan na galing sa mga sanggunian katulad ng
ensayklopedya, akat, pahayagan at iba pa.

5. Ilahad ang dalawang uri ng ebidensyang magagamit sa pangagatwiran ayos kay


Constantino at Zafra.
- Ayon kay Constantino at Zafra ang dalawang uri ng ebidensiyang magagamit sa
pangangatwiran ay ang Mga Katunayan (facts) at Mga Opinyon.

This study source was downloaded by 100000839104976 from CourseHero.com on 01-24-2022 21:57:38 GMT -06:00

https://www.coursehero.com/file/107934950/HVCdocx/
6. Ano-ano ang iba’t ibang sangguniang maaaring magamit sa pagkalap ng impormasyon
para sa isang posisyong papel? Ibigay ang uri ng impormasyong makukuha sa mga ito.
Sangguniang Magagamit sa Pagkalap ng Impormasyon
1) Panimulang impormasyon at pangkalahatang kaalaman tungkol sa paksa.
- Talatinginan, ensayklopedya, handbooks
2) Mga pag-aaral hinggil sa paksa o isyu.
- aklat, ulat ng pamahalaan
3) Mapagkakatiwalaang artikulo
- dyornal na pang-akademiko
4) Napapanahong isyu
- pahayagan, magasin, telebisyon
5) Estadistika
- sangay ng pamahalaan at mga organisasyon/samahan

7. Ibigay ang pormat ng isang posisyong papel. Ano-ano ang dapat tandaan sa bawat
bahagi ng balangkas nito?
I. Panimula
a. Ilahad ang paksa.
b. Magbigay ng maikling paunang paliwanag tungkol sa paksa at kung bakit mahalaga
itong pag-usapan.
c. Ipakilala ang tesis ng posisyong papel o ang iyong stand o posisyon tungkol sa isyu.
Sa pagsulat ng panimula, mahalagang maunawaan na ito ay may dalawang layunin. Una,
upang ipakilala ang paksa o ang tesis at pangalawa, upang maantig ang interes ng mga babasa
nito.
II. Paglalahad ng Counter Argument o mga Argumentong Tumututol o
Kumokontra sa Iyong Tesis
a. Ilahad ang mga argumentong tutol sa iyong tesis.
b. Ilahad ang mga kinakailangang impormasyon para mapasubalian ang binanggit na
counterargument.
c. Patunayang mali o walang katotohanan ang mga counterargument na iyong inilahad.
d. Magbigay ng mga patunayan para mapagtibay ang iyong ginawang panunuligsa.
III. Paglalahad ng iyong Posisyon o Pangangatuwiran Tungkol sa Isyu
a. Ipahayag o ilahad ang unang punto ng iyong posisyon o paliwanag.
- Ilahad ang iyong matalinong pananaw tungkol sa unang punto.
- Maglahad ng mga patunay at ebidensiya na hinango sa
mapagkakatiwalaanang sanggunian.
b. Ipahayag o ilahad ang ikalawang punto ng iyong posisyon o paliwanag.
- Ilahad ang iyong matalinong pananawtungkol sa ikalawang punto.
- Maglahad ng mga patunay at ebidensiya na hinango sa mapagkakatiwalaang
sanggunian.
c. Ipahayag o ilahad ang ikatlong punto ng iyong posisyon o paliwanag.
- Ilahad ang iyong matalinong pananaw tungkol sa ikatlong punto.

This study source was downloaded by 100000839104976 from CourseHero.com on 01-24-2022 21:57:38 GMT -06:00

https://www.coursehero.com/file/107934950/HVCdocx/
-
Maglahad ng mga patunay at ebidensiya na hinango sa tatlong
mapagkakatiwalaang sanggunian.
IV. Konklusyon
a. Ilahad ang iyong argumento o tesis.
b. Magbigay ng mga plano o gawain o plan of action na makatutulong sa pagpapabuti
ng kaso o isyu.
Ang pinakamabisang at pinakasimpleng paraan ng pagwawakas ng posisyong papel ay sa
pamamagitan ng uling pagbanggit sa tesis sa ibang paraan ng paglalahad nito at ang
pagtatalakay sa mga magiging implikasyon nito.

8. Kung iyong susuriin ang halimbawang posisyong papel na binasa sa araling ito. Ano ang
iyong masasabi sa bahagi nito?
a. Panimula
- Maituturing na ang asignaturang Filipino ang nagpapakita o nagsisimbolo ng
ating pagka Pilipino. Dahil rito natututunan natin ang sarili nating wika at mga
salik nito. Sa posisyong papel na nabasa, ang asignaturang Filipino ay
ipinaglalaban upang ito ay maisalba sapagkat ito ay pinaplanuhang alisin sa
iba’t ibang kolehiyo at unibersidad.
b. Paglalahad ng Counterargument
- Mahalaga ang asignaturang Filipino dahil dito mas ibinubuklod natin ang
ating wika at bansa, makarating man tayo sa iba’t ibang panig ng mundo ang
wika natin ay mananatili at kailan man di mawawala sa ating dila dahit ito ang
basehan ng ating identidad at kung ito ay ipasisintabi lamang paano na ang
ating pinagmulan.
c. Paglalahad ng Posisyon
- Kinakailangang pagtuunan ng pansin ang isyu sapagkat ito nalang ang ating
paraan bilang mga estudyante at bilang mamamayan ng bansa. Ang
asignaturang Filipino rin ang nagsisilbing daan sa pagtuklas at inobatibong
pag-aaral hinggil sa kalinangan. Pilipino.
d. Konklusyon
- Ang posisyong papel na ito ay nagsasaad ng sariling pananaw ng
Kagawaran ng Filipinohiya ng PUP hinggil sa pagtatanggal ng asignaturang
Filipino sa mga Kolehiyo at Unibersidad sa Pilipinas na ipinatupad ng
Institusyong CHED. Ipinapakita rin dito ang kahalagahan at ang importansya
ng asignaturang Filipino para sa edukasyon ng mga mag-aaral at ang mga
posibleng epekto ng pagkawala nito sa larangan ng edukasyon. Ang layunin
nito ay ang pagbahagi nang kanilang pananaw at ang pagkumbinse sa mga
mamayan, magaaral at mga guro na ipaglaban at ipagtanggol ang pananatili
ng sarili nating wika, ang wikang Filipino.

9. Masasabi mo bang epektibo at kapani-paniwala ang nasabing halimbawa? Magbigay ng


sariling posisyon tungkol dito.

This study source was downloaded by 100000839104976 from CourseHero.com on 01-24-2022 21:57:38 GMT -06:00

https://www.coursehero.com/file/107934950/HVCdocx/
- Masasabi kong epektibo ang nabasang posisyong papel dahil malinaw nitong ipinahiwatig
ang pwedeng mangyari at maging resulta ng pagkawala ng asignaturang Filipino sa kolehiyo at
unibersidad gaya ng mga gurong nagtuturo at ang mga estudyanteng kumukuha ng units o sa
madaling salita mawawalan ng kita o mababawasan ng kita. Mawawalan rin ng saysay ang pinag
aralan ng mga guro o ang kanilang master’s degree kapag mawawala ang asignaturang Filipino
sa mga kolehiyo at unibersidad.

SAGUTIN NATIN
A.

1.  6. 
2.  7. 
3.  8. 
4.  9. 
5.  10. 
B.
1. 6 5. 4
2. 3 6. 7
3. 5 7. 1
4. 2

This study source was downloaded by 100000839104976 from CourseHero.com on 01-24-2022 21:57:38 GMT -06:00

https://www.coursehero.com/file/107934950/HVCdocx/
C.

I. Panimula – paglalahad ng paksa, maikling II. Paglalahad ng mga Argumentong


pagpapaliwanag at kahalagahan nito. Tumututol o Kumokontra (Counterargument)
– paglalahad ng mga kailangang
impormasyon para mapasubalian o
mapatunayang mali ang mga
counterargument na inilahad.

Balangkas ng
Posisyong Papel

III. Paglalahad ng Iyong Posisyon o IV. Kongklusyon – paglalahad muli ng iyong


Pangangatwiran Tungkol sa Isyu – argumento at pagbibigay ng plano ng Gawain
paglalahad muli ng iyong mga punto o na makatutulong sa pagpapabuti ng isyu.
posisyon gamit ang mga patunay at
ebidensya na hinango sa
mapagkakatiwalaang sanggunian.

This study source was downloaded by 100000839104976 from CourseHero.com on 01-24-2022 21:57:38 GMT -06:00

https://www.coursehero.com/file/107934950/HVCdocx/
BUOIN NATIN

(Read) Pamagat ng Nabasang Posisyong Papel

Opisyal na Posisyon Papel Ukol sa Buhay Akademiko sa Gitna ng Covid-


19 Outbreak

(About) Tungkol Saan ang Posisyong Papel


Ang posisyon papel ay tungkol sa dalawang nakikitang alternatibong solusyon ni Eugene E. Solla, Konseho ng Mag-
aaral ng Kolehiyo ng Edukasyon, Unibersidad ng Pilipinas Diliman upang matugunan ang mga suliraning
kinakaharap ng kasalukuyang semestre sa gitna ng Covid-19 Outbreak.

(Point 1) Punto 1 (Point 2) Punto 2


TAPUSIN ANG SEMESTRE AT MAGSAGAWA NG PANSAMANTALANG IPATIGIL ANG SEMESTRE AT
MASS PROMOTION. Naniniwala ang Konseho na isa MANUMBALIK SA ORAS NA MAAARI NA PARA SA LAHAT.
ito sa mga maaaring alternatibo sa mga kadahilanang: Naniniwala ang konseho na ito ang pinakaepektibong
alternatibo sa mga kadahilanang:
a. Makatao ito dahil mahalagang isaalang-alang ang
a. Hindi maaaring makompromiso ang kalidad ng edukasyon
pangkabuuang kalusugan ng bawat mag-aaral, at sa sa unibersidad, at sa pagsasagawa lamang ng klase
pamamagitan ng pagtapos ng semester at pagma-mass masisiguro at mapapatnubayan ang mga mag-aaral tungo sa
promote ay maiiwasan ang karagdagang dalahin at pag- layuning ito;
aalala para sa mga estudyante pagdating sa usaping
pinansya at mental health; b. Malaking bahagi sa pag-aaral ng mga estudyante ang mga
prerequisite na mga kurso na kailangan nilang ipasa upang
b. Hindi ito magdudulot sa pagkaka-delay ng mga makatungo sila sa mga majors o sa mga susunod na kurso.
estudyante sa kanilang kinukuhang programa sa Maraming mga kurso sa unibersidad ang umaasa sa sistema
unibersidad; at ng prerequisites upang mapatnubayan ang kalidad ng
edukasyon na natatamasa ng mga mag-aaral. Sa
c. Makapagbibigay ito ng oras upang maihanda ng mga pamamagitan ng pagpapanumbalik sa mga klase masisiguro
mag-aaral at guro ang mga kahingian ng susunod na na sapat ang kaalaman at maipapasa ng mga mag-aaral ang
mga kurso nila na makakatulong sa mga kukunin pa nilang
semester (hal. pagsasaayos ng syllabus).
kurso;

c. Mawawalan ng pagkakataon aralin nang masinsinan ng


mga mag-aaral, lalo na ang mga graduating, ang kaalaman na
makukuha nila sa mga kursong kinukuha nila ngayon.
Halimbawa, apektado rito ang mga mag-aaral ng Kolehiyo ng
Edukasyon na kumukuha ng kanilang practicum sa UP
Integrated School (UPIS) o sa mga Special Education Centers
sa bansa, kung saan nakaangkla sa pagtatrabaho sa paaralan
ang makukuha nilang karanasan na susi sa kanilang magiging
tagumpay bilang mga susunod na guro ng bayan. Dagdag pa
rito ang mga mag-aaral na kumukuha ng mga kurso sa
edukasyon na kinakailangan para sa Licensure Examination
for Teachers o LET;

d. May mga mag-aaral ng unibersidad na kumukuha ng mga


kurso na kinakailangan ng on-the-field na karanasan gaya ng
practicum, fieldworks (parehas sa undergraduate at sa mga
graduate students), workshop courses, at laboratory courses.
Ilan dito ay ang College of Engineering, College of Social
Work and Community Development, College of Science,
College of Home Economics, at maging ang College of
Education. Hindi lamang maaaring iasa sa mga self-studying
material ang paghasa sa mga kakayahang ito na maisasanay
lamang nila sa laboratoryo, komunidad, o paaralan,
This study source was downloaded by 100000839104976 from CourseHero.com on 01-24-2022 21:57:38 GMT -06:00

https://www.coursehero.com/file/107934950/HVCdocx/
(Point 2 continuation) Punto 2 pagpapatuloy
e. Sa kabila ng mga kahaharapin ng mga mag-aaral na pagbabago at pag-a-adjust sa pagtatapos ng krisis, idinidiin ng Konseho ang papel
ng unibersidad at ang mga instistusyon nito upang makatulong sa mga mag-aaral na nangangailangan ng tulong sa kanilang pagbangong-
muli at pagbabalik sa paaralan. Mayroon dapat mekanismo at pamamaraan ang ating unibersidad upang masiguro ang mabuting lagay ng
mga mag-aaral;

f. Ang alternatibong ito ay makatao, ngayon sa hinaharap; pag-usog ng deadlines sa mga kahingian ng kurso ng mga mag-aaral sa unang
trimester, o ang pag-iiba sa porma ng kahingian na mas madali ngunit natutumbok pa rin ang pagkatuto at kakayahan ng mag-aaral sa
naturang kurso;

g. Bigyang-tulong ang mga graduating undergraduate students at graduate students sa kanilang research, thesis, o mga pinal na kahingian
ng kanilang kurso;

h. Bigyan ng pagkakataon ang guro at klase na makapag-rebiso ng kanilang syllabus upang matuon ang mga layunin, daloy ng paksa, at
paraan ng paggagrado na naaayon sa kakayahan ng mga mag-aaral;

i. Pagbibigay ng nararapat na eskpektasyon sa mga mag-aaral na kagagaling lamang sa isang pandaigdigang krisis, at pagbigay-diin sa
tulong at kalinga na maibibigay ng guro sa mga mag-aaral.

(Summary) Buod ng Binasang Posisyong Papel


Naniniwala ang Konseho na ang dalawang nasabing alternatibo ay may kani-kaniyang kalakasan at kahinaan.
Bagamat parehong katanggap-tanggap ang parehong opsyon, nakikita ng Konseho na mas makatao kung
tutuusin, ngayon hanggang sa hinahanarap, ang pansamatalang pagtigil ng semester at pagbalik kung
kailan maaari na. Sa tahaking ito ay parehong natutugunan ang pangangailangan ng mga Iskolar ng Bayan na
unahin ang kanilang pangkabuuang kalusugan sa gitna ng krisis at patuloy na pagtalima sa esensiya ng husay at
dangal.

Malinaw sa Konseho na nasa gitna ng isang esktraordinaryong sitwasyon na nangangailangan ng mga komplikado
at komprehensibong pagpaplano na nakabatay sa siyentipiko at masusing pagsusuri. Alinman sa dalawa ang
maging hakbangin, naniniwala ang Konseho na sa parehong opsyon ay rekisito ang kolaborasyon o bayanihan ng
mga hanay ng mag-aaral, guro, administrasyon, at lalong lalo na, ng gobyerno

This study source was downloaded by 100000839104976 from CourseHero.com on 01-24-2022 21:57:38 GMT -06:00

https://www.coursehero.com/file/107934950/HVCdocx/
MAGAGAWA NATIN

Paggamit ng tablet Ang aking paninidigan…


o iba pang gadget Ako ay sumasang-ayon sa paggamit ng tablet, telepono o iba pang gadgets sa
sa pag-aaral sa paaralan dahil sa pagdaan ng panahon palawak na ng palawak ang mga makabagong
halip na aklat sa teknolohiya tulad naming mga nasa edad dese-syete at dese-otso pataas ay masasabi namin
na ito ay talagang makakatulong sa pang-agham.
paaralan
Ang teknolohiya gaya ng mga gadgets ay may positibo at negatibong epekto sa
sosyalidad, masasabi namin na ito ay mas marami paring naidudulot na mas maganda kesa
sa negatibo dahil pagdating ng pakikipag komunikasyon masasabi na ang teknolohiya na
selpon o telepono at iba pa ay paraan upang mapabiis at mapadali ang ugnayan, sumusunod
naman dito ay ang pagkuha ng impormasyon para sa pang-agham. Kung saan pwede itong
maging kapalit sa kakulangan ng libro para sa mga mag-aaral at isa rin ang teknolohiya kung
bakit mas napapabilis ang pagkatuto ng mga kabataan.

Ang aking paninindigan…


Pagdaragdag ng
dalawang taon sa Sang-ayon sa pagdaragdag ng dalawang taon sa basic education sa K to 12
Basic Education (K program senior high school dahil ito ay makatutulong upang mas madagdagan ang
to 12 Program kaalaman ng mga istudyante at mas maging handa sa college life. At ito rin ay
makatutulong sa mga magulang na wala ng kakayahang mapag-aral pa ng kanilang mga
Senior HS)
anak sa kolehiyo dahil sa pagtatapos ng mga istudyante sa SHS, pwede na silang
makakuha ng trabaho at makatulong sa kanilang mga magulang.

Ang aking paninindigan…


Malayang paggamit
ng Internet at social Mahalaga sa mga mag-aaral ang internet at social media dahil dito napapadali
media sa pag-aaral ang kanilang gawain sa tulong ng internet at social media. Dahil din dito napapadali ang
at pagpapahayag pagpapahayag ng mensahe kung ano ang nais nilang sabihin kahit nasa malayong lugar
at dito nalalaman ng bawat mag-aaral ang nangyayari sa kapaligiran at nagiging handa
sila sa bawat oras o ano mang sitwasiyon na nangyayari ngunit kailangan lamang
limitahan ang paggamit nito dahil nakakasama din ito sa pisikal na kalusugan.

Kailangan kong magkaroon ng paninindihan dahil…

Sa pamamagitan nito makakapaglahad ako ng aking katibayan tungkol sa aking pinaglalaban. Kung hindi tayo
magkakaroon ng paninindigan hindi natin maipapaliwanag ng maayos ang punto at maaring hindi mahikayat ang iba na
maniwala sa ating mga sinasabi. Kung hindi natin paninindigan ang ating punto magiging magulo ang takbo ng ating
pinaglalaban at hindi magiging kapani-paniwala.

This study source was downloaded by 100000839104976 from CourseHero.com on 01-24-2022 21:57:38 GMT -06:00

https://www.coursehero.com/file/107934950/HVCdocx/
Powered by TCPDF (www.tcpdf.org)

You might also like