You are on page 1of 9

De La Salle University - Manila

2401 Taft Ave, Malate, Manila, 1004 Metro Manila

FILDLAR N02

LaSALITAan:

#DILAWAN

Submitted by:

Co, Venizze Jennica T.

Guillermo, Mark Paulo G.

Submitted to:

Dr. Ma. Lucille Roxas

Pebrero 20, 2017

This study source was downloaded by 100000839104976 from CourseHero.com on 01-25-2022 02:04:30 GMT -06:00

https://www.coursehero.com/file/25272398/LASALITAANdocx/
Name: Guillermo M. & Co V. Faculty: Dr. Ma. Lucille Roxas
Subject: FILDLAR N02 Date: Pebrero 20, 2017

#DILAWAN
I. Introduksyon

Sa mundong ating ginagalawan, maraming tayong mga salita na kadalasan nating naririnig sa

ating pang araw-araw na pamumuhay. Mga salita na bigla bigla na lamang ay nauuso at nagbabago. Ang

mga bagay na ito ay kadalasang na ihahambing sa mga panibagong salita na isinisiwalat ng ating

makabagong henerasyon. Ang mga salitang nauuso gaya ng “selfie, beshie, momol, bromance, sabaw,

astig” at kung ano-ano pang mga mapanibagong salita ay ilan lamang sa mga bagong salita na naiambag

ng panibagong henerasyon. Dahil sa malikhaing paggamit ng mga salitang ito, napapatunayan talaga

nating mga Pilipino na buhay at mayroong ebolusyon ang ating wikang pambansa.

Noong nakaraang halalan, maraming mga panibagong salita ang nagsilitawan para suportahan

ang mga kandidatong inaasam ng ating mga kababayan, katulad ng “Ka-DDS, solid-north, Onlybinay,

DU30 at Dilawan”. Kitang kita nga naman natin kung gaano kahusay ang ating lipunan sa pag-aambag ng

mga panibagong salita. Ngunit sa mga salita na aming nabanggit ay may isang salitang bago sa ating

pandinig at pumukaw ng ating pansin at atensyon, at ito ay ang bagong salita na tinatawag nilang

“DILAWAN”. Malamang sa malamang ay narinig niyo na ang salitang ito sa kadahilanan na ito ay

kadalasan naririnig sa mga taong pinaguusapan ay ang mga bagay bagay na may kinalaman sa politika.

Ang mga iba’t ibang paggamit nito ay kadalasang naririnig sa pagpupuna ng mga nangyayari noong

administrasyong Aquino o di kaya’t sa pamumuno ng LP (Liberal Party) ng ating bansa. Tila nga

madaming tao ang gumagamit nito kaya ito ay kadalasang nakikita sa mga social networking sites gaya ng

Twitter at Facebook. Ang #Dilawan ay nagtretrending lagi tuwing may mga bagay na nangyayari sa ating

bansa na may koneksyon sa mga partidong Liberal o di kaya may mga masamang nangyayari sa ating

gobyerno. Ito rin ay laging pinaguusapan o nababanggit sa social media kapag nagsasagutan o

nagpapalitan ng mga maaanghang na salita sina President Duterte at Senator Leila De Lima.

This study source was downloaded by 100000839104976 from CourseHero.com on 01-25-2022 02:04:30 GMT -06:00
1

https://www.coursehero.com/file/25272398/LASALITAANdocx/
Name: Guillermo M. & Co V. Faculty: Dr. Ma. Lucille Roxas
Subject: FILDLAR N02 Date: Pebrero 20, 2017

Sa lasalitaan na ito ay tatalakayin namin kung ano nga ba talaga ang ibig sabihin ng salitang

“Dilawan”, kung ito ba ay tawag lang sa mga LP (Liberal Party) o may mas malalim pa itong kahulugan

hindi lang sa ating mga Pilipino kung hindi din para sa ating lipunang kinagagalawan. Ibig din naming

ipabatid sa aming mga mambabasa kung ano ang kahulugan ng salitang “Dilawan” noon at ngayon,

ipakita ang pinagmulan ng salita at ng kasaysayan nito, mga halimbawa gamit ang salitang “Dilawan” at

ang kaugnayan ng salitang ito sa buhay nating mga Lasalyano at sa buhay ng mga ordinaryong

mamamayang Pilipino.

II. Kahulugan ng salita

Sa ating henerasyon ngayon ay madaming na ngang mga bagong salita ang nagagamit ng mga

Pilipino, kabilang dito ang salitang aming napili na “DILAWAN”. Ang mga bagong salita na ito ay isa sa

halimbawa ng isang salitang balbal. Ano nga ba ang salitang balbal? Ayon sa Wikipedia (2016), ang

salitang balbal ay ang di-pamantayang paggamit ng mga salita sa isang wika ng isang partikular na grupo

ng lipunan. Tinatawag din itong salitang kanto o salitang kalye. Halina’t tukuyin na natin kung ano nga ba

ang kahulugan ng salitang ito. Ito ba ay may kahulugan na noong dating panahon pa? Gaano na ba kaiba

ang kahulugan nito ngayon? Tara at ating talakayin ang mahiwagang kahulugan ng salitang “DILAWAN”

noon at ngayon!

Ang ibig sabihin ng salitang Dilawan noon:

Malamang ay narinig niyo na ang salitang ito noong kayo ay bata pa dahil dati-dati, ang salitang

“Dilawan” ay kadalasan naririnig sa mga bagay na nadamayan ng kulay dilaw. Ayon sa Tagalog Pinoy-

dictionary (2010), ang salitang dilawan ay nagsisimbolo ng pagiging kulay dilaw ng isang bagay. Ito ay

nagpapakita sa atin ng paghawa ng kulay dilaw sa iba pang mga kulay.

Ang ibig sabihin ng salitang Dilawan ngayon:

Sigurado ay nakarinig na din kayo ng salitang “Dilawan” sa ating panahon ngayon. Ngunit alam niyo ba

ang kahulugan ng “Dilawan”? Ayon sa aming pananaliksik, ang salitang ito ay may kahulugan na

This study source was downloaded by 100000839104976 from CourseHero.com on 01-25-2022 02:04:30 GMT -06:00
2

https://www.coursehero.com/file/25272398/LASALITAANdocx/
Name: Guillermo M. & Co V. Faculty: Dr. Ma. Lucille Roxas
Subject: FILDLAR N02 Date: Pebrero 20, 2017

konektado sa isang partidong politikal na tinatawag na “Liberal Party”. Ito ay tawag sa mga taga supporta

ng partidong Liberal at mga gawain nagawa nakaraang administrasyon.

Sa ating panahon ngayon tila nga nag-iba na ang ibig sabihin ng “Dilawan” sa ating bansa, kung

dati ang kahulugan lang ng “Dilawan” ay ang paghahawa o pagdadamayan ng kulay dilaw, sa ngayon

naman ay naging ibang-iba na ang kahulugan nito dahil ang salitang ito ay naging kasanib at

naihahambing na sa pulitikal na aspeto ng ating buhay. Pero hindi lang ang pagkakaiba ng salitang

dilawan ang aming napansin kung hindi din ang pagkakaparehas ng salitang ito noon at sa ngayon. Ang

pagkakahawig ng salita na ito ay ang paggamit ng kulay dilaw, alam naman nating lahat na ang dilaw ay

naging simbolo na ng administrasyong Aquino noong kapanahunan pa ni dating Pangulong, Corazon

Aquino at ito ay nakilala na ng tuluyan hanggang sa ating panahon ngayon. Tila nga makikita pa din natin

ang pagkakahabing ng kahulugan noon sa ngayon, ito ay dahil sa pagdadamayan o paghahawa ng dilaw,

dilaw na hindi lang basta kulay kung hindi dilaw na sumisimbolo sa administrasyong Aquino.

III. Etymolohiya

Ngayong alam na natin kung ano ang kahulugan nito, pagkakahawig at pagkakaparehas ng

salitang “Dilawan” sa noon at ngayon ay marapat lang din nating malaman kung saan nagmula ang

salitang ito at kung ano ang kasaysayan sa likod ng panibagong salitang “Dilawan” ngayon. Tara na’t ating

alamin ang kwento sa likod ng salitang ito.

Ang salitang “Dilawan” ay parati nating naririnig sa ating pang-araw-araw na pamumuhay sa

mundo, ngunit alam ba natin ang pinagmulan nito? Ang “Dilawan” na ating ginagamit sa ating panahon

ngayon ay nagsimula pa noong panahon ni dating Pangulong Corazon Aquino, ito ay ang ginamit niyang

kulay (dilaw) sa pangangampanya upang pataubin ang noo’y Presidente na si Ferdinand Marcos. Ayon sa

Manila Standard (2014), nagsimula ang kulay dilaw bilang pangkampanya ni Cory Aquino dahil sa

kantang “Tie a Yellow Ribbon” na naitinugtog nang pauwi na ang kanyang kabiyak na si Ninoy Aquino

galing Amerika ng biglang nabarill at nauwi ito sa kanyang kamatayan. Dahil sa trahedya na naganap ay

This study source was downloaded by 100000839104976 from CourseHero.com on 01-25-2022 02:04:30 GMT -06:00
3

https://www.coursehero.com/file/25272398/LASALITAANdocx/
Name: Guillermo M. & Co V. Faculty: Dr. Ma. Lucille Roxas
Subject: FILDLAR N02 Date: Pebrero 20, 2017

umusbong ang pagkamunghi ni Cory Aquino sa administrasyong Marcos, na sinisisi niya sa pagkamatay

ng kanyang asawa, at sa mga bagay na ginawa nito sa ating bansa kung kaya’t nabuo ang kanyang pasya

upang tumakbo bilang Pangulo ng bansang Pilipinas. Nang tumakbo si Cory bilang Pangulo ay ginamit

niya ang kulay na dilaw sa kanyang pangkampanya na nagsisimbolo ng kalayaan sa ating bayan. Ito rin ay

upang ipabatid sa mga mamamayan na siya ang pagbabago na nararapat sa bansang Pilipinas. Dito ay

nabuo na ang tinatawag na People Power Revolution, ito ay isang rebelyon upang patalsikin sa pwesto si

Pangulong Marcos na tinuturing nilang isang diktador ng panahong iyon. Ang nasabing rebelyon ay pinuri

ng iba’t ibang bansa dahil ito ay isang digmaan ngunit walang dumanak na dugo sa pangyayaring iyon.

Kinalaunan’y nagwagi si Cory Aquino bilang kauna-unahang babaeng naluklok sa pagkapangulo laban sa

diktador na si Ferdinand Marcos, at dito ay kinilala na si Cory Aquino bilang Pangulo at Ina ng Demokrasy

(Philippine History, n.d). Sa pagkawagi ni Cory Aquino ay nagsimula na ang kinikilala nating Dilawan na

administrasyon. Ang Dilawan na administrasyon ni Cory Aquino ay nagsimula noong ika-25 ng Pebrero

taong 1986 at nagtapos nuong ika-30 ng Hunyo nang taong 1992.

Makalipas ang ilang dekada’y yumao na ang pinaka-unang babaeng Pangulo ng Pilipinas. Sa

pangyayaring ito ay nag-alab muli ang kamalayan ng mga mamamayang Pilipino dahil sa ginawang

kabayanihan ng dating Pangulo at Ina ng Demokrasya. Dahil sa pangyayaring ito, na-udyok ang lalaking

anak nina Cory at Ninoy Aquino na si Benigno Aquino III o mas kilala natin bilang Noynoy Aquino na

tumakbo bilang Pangulo ng Pilipinas noong nakaraang 2010 eleksyon at sa kalaunan’y nanalo din bilang

ika-labinlimang Pangulo ng Pilipinas. Si Pangulong Noynoy Aquino o P-Noy ay kilalang kasapi at

namumuno sa partidong Liberal na di kalaunan’y naging dilaw ang kulay marahil sa kadahilanang

pakikisabay sa kulay ng demokrasyang natamo ng mga magulang ni P-Noy (Manila Standard, 2014). Sa

mga nagdaang mga taon ni P-Noy bilang Pangulo ay hindi naging madali para sa Pangulo ang kanyang

mga pinagdaanan na mga problema at isama na rin dito ang mga pagdududa ng ilang mga mamamayan

ukol sa kaniyang pamumuno bilang presidente. Pagkatapos ng anim na taon ay natapos na rin ang

This study source was downloaded by 100000839104976 from CourseHero.com on 01-25-2022 02:04:30 GMT -06:00
4

https://www.coursehero.com/file/25272398/LASALITAANdocx/
Name: Guillermo M. & Co V. Faculty: Dr. Ma. Lucille Roxas
Subject: FILDLAR N02 Date: Pebrero 20, 2017

Dilawan ng administrasyon Aquino, ngunit tila hindi naging maganda ang pagtatapos ng kanyang termino

dahil sa mga isyu na kinakaharap ni P-Noy sa mga huling taon nito sa pwesto gaya ng sagupaan sa

Mamasapano na nagbigay ng malaking isyu sa bansa at sa Dilawan na administrasyon.

Pagkatapos ng administrasyong Aquino ay nagkaroon na nga ng mainit na halalan sa pagka-

pangulo at dalawang tao ang magkalapit sa tuktok ng listahan na iyon at iyun ay sina Rodrigo Duterte ng

PDP-Laban at Mar Roxas ng partidong Liberal. Dikit ang labanan ng dalawang kandidato sa mga survey na

naganap kaya’t ang dalawang partido na ito ay naglalabasan ng baho ng isa’t isa noong bago pa

magsimula ang eleksyon. Nang dumating na ang araw ng halalan ay makikita na malaki ang lamang ni

Duterte sa pagkapangulo laban sa LP (Liberal Party) bet na si Mar Roxas. Tila nga’y nag-wagi na ang PDP-

Laban bet na si Rodrigo Duterte.

Sa pagsisimula palang ng termino ni Presidente Duterte ay nagsimula na din ang paglabas ng

mga isyu laban sa mga “Dilawan”. Ang mga isyu na nagsilabasan ay tila nagpapakita ng mga katanungan

sa pagpapatakbo ng administrasyong Aquino at ng partido Liberal. Ang mga isyung lumabas laban sa mga

Dilawan ay ang mga miyembro ng partidong Liberal sa pamahalaan na nasasangkot sa mga kasuklam-

suklam na gawain gaya ng isyu tungkol sa dating DOJ Secretary na si Laila De Lima. Meron ding isyu na

kumakalat patungkol sa #Lenileaks na nagpapakita ng mga plano ng mga Dilawan sa pagpapataob sa

kakahalal palang na Pangulo ng Pilipinas. May mga isyu din na nagsasabi na balak raw ng Dilawan

patalsikin sa pwesto si Duterte para ang humalili sa pagka-presidente ay ang kasalukuyang Bise-

Presidente na si Leni Robredo na kaalyado ng partidong Liberal. Dahil sa mga isyu na binabato sa

partidong Liberal ay maraming tao na nga sa social media gaya ng Twitter ang nagrereact at nagpapakita

ng pagkabahala sa mga pangyayaring kinasasangkutan ng mga ito, kaya dito na muling lumabas and

salitang #Dilawan. Ito ay nagtretrending tuwing may mga balita o isyu na kinakaharap ang nagdaang

administrasyong Dilawan. Makikita rin natin dito ang halu-halong mga puna ng ating mga kababayan sa

mga paggamit ng partidong Liberal ng kapangyarihan.

This study source was downloaded by 100000839104976 from CourseHero.com on 01-25-2022 02:04:30 GMT -06:00
5

https://www.coursehero.com/file/25272398/LASALITAANdocx/
Name: Guillermo M. & Co V. Faculty: Dr. Ma. Lucille Roxas
Subject: FILDLAR N02 Date: Pebrero 20, 2017

Sa pangyayaring ito, makikita na nga natin kung paano nga ba nagsimula ang salitang “Dilawan”.

Nalaman na rin natin ang mga bagay sa likod ng salitang ito at ang mga nakaraang pangyayari na

nakapalibot sa salitang ito.

IV. Gamit ng Salita

Ngayon na alam na natin ang kahulugan, pinagmulan, at kasaysayan ng salitang Dilawan ay

marapat lang din natin alamin kung anu-ano nga ba ang mga gamit at halimbawa nito. Ang salitang

dilawan ay karaniwang ginagamit ng mga Anti-Aquino para sagutin o barahin ang mga taga suporta ng

administrasyong Aquino. Kadalasang pamalit/kasunod ng #Dilawan ay ang #LeniLeaks at #YellowTards.

Ang #LeniLeaks naman ay naglalayong ilahad ang mga plano daw na aksyon ng partido Liberal para

mailuklok ang kasalukuyang bise-presidente sa pagkapangulo. Sinasabi din ng mga Pro-Duterte na

Dilawan ang mga Anti-Duterte dahil ang Pangulong Duterte ay napaka-vocal sa pagsabi na hindi siya

sangayon sa mga gawain o hakbang ng nakalipas na administrasyon. Ginagamit din ang salitang Dilawan

para sa pagbatikos sa mga kasapi ng LP (Liberal Party).

V. Mga Halimbawa
➢ @patrickim: Taga AbsCbn daw kasi, Dilawan! =)
➢ @dipoy4ob: One with you Madam! #supportleila #delima #supportdelima #dilawan
➢ @skywards2014: Ladies and gentlemen, here’s Bam to the rescue! Isang malaking MEMA!

#SaveLP #Dilawan #DeLimaLeaks


➢ @coffeejellyace9: si LENI SNAKE, TRILLANES AT DE LIMA ANG DAPAT MAG RESIGN! MGA SALOT

NA DILAWAN!
➢ @TonyStark_0017: Why do people from Liberal party when get caught doing anything suspicious

Divert the Topic blaming the marcoses #LiberalParty #Dilawan


➢ @Watdahel_Marcel: Haha, dilaw raw ako. Ni hindi ko nga ibinoto si Mar. Such simple minds,

black and white lang. Kung hindi Duterte, dilawan.


VI. Kaugnayan sa buhay ng mga Lasalyano at sa buhay ng mga mamamayang Pilipino

Talaga nga namang kamangha-mangha ang salitang “Dilawan” sa ating panahon ngayon, tila na

binibigyan ito ng bagong kahulugan at simbolo ang ating kasalukuyang kinahaharap, ngunit napapaisip

ba kayo kung ano nga ba ang kaugnayan ng salitang ito sa ating lipunan at sa ating mga Lasalyano?

This study source was downloaded by 100000839104976 from CourseHero.com on 01-25-2022 02:04:30 GMT -06:00
6

https://www.coursehero.com/file/25272398/LASALITAANdocx/
Name: Guillermo M. & Co V. Faculty: Dr. Ma. Lucille Roxas
Subject: FILDLAR N02 Date: Pebrero 20, 2017

Ang sagot diyan ay simple lang dahil ang salitang Dilawan ay ang nagbibigay sa atin ng kaalaman

sa mga bagay na nangyayari sa ating pamahalaan, dahil din sa salitang ito ay nabibigayan natin ng

mabusising pansin ang mga pangyayaring maganda at hindi maganda sa ating bansa. Kaya’t sa tulong

nang sumisikat na salitang Dilawan ay napapanatili tayo nitong responsableng mamamayan ng bansang

Pilipinas. Dahil sa tayo ay nagaaral sa isang kagalang-galang na unibersidad, kailangan na tayo ay bukas at

may kamalayan sa mga nangyayari sa loob at labas ng ating unibersidad. Dahil din sa tayo ay parte ng

isang sikat na unibersidad, tayo ang parang ginagawang batayan sa mga salitang mauuso o nauuso kaya

naman kapag isang Lasalyano ang gumamit ng isang salita gaya ng Dilawan, maaari itong gayahin ng iba

at ito ang maguudyok para sa pagsikat ng salita. Sa pagbisita ni Pangulong Duterte sa DLSU noong Enero

nang nakaraang taon, naging daan ito upang mapakinggan at maintindihan ng mga magaaral ng DLSU

ang saloobin at mga plataporma ni Digong para sa bansa. Ngunit ang pagbisita niya ay hindi

nakapagpabago ng isipan ng mga magaaral dahil sa isang ginawang survey ng isang organisasyon sa

DLSU, nakasaad dito na nakararami pa rin ang sumusuporta at balak iboto para sa pagkapangulo ang

yumaong senador na si Senator Miriam Defensor-Santiago na nakakuha ng 47%. Pumapangalawa lamang

si Digong sa nasabing survey na may 31%. Ang Liberal Party bet naman na si Mar Roxas ay nakakuha

lamang ng 6% na naglagay sa kanya sa ika-limang pwesto. Para naman sa pagkabise-presidente ay

nanguna si PDP-Laban bet Alan Peter Cayatano na nakakuha ng 35%. Pumapangalawa lamang si Liberal

Party bet Leni Robredo na mayroong 28%. Para sa pagkasenado, 3 sa 12 na senado ang galing sa PDP-

Laban. Sila ay sina Gordon na may 18%, Gatchalian na may 11%, at Colmenares na may 7%. Sa Liberal

Party bets naman ay 4 sa 12 na senador at sila ay sina Hontiveros na nakakuha ng 14%, De Lima na may

14% rin, Recto na may 6%, at Drilon na may 5%. Ang nasabing survey ay base sa opinion ng 1,000 na

respondents na lahat ay estudyante ng DLSU and sumagot.

Ang kaugnayan naman ng salitang Dilawan sa mga ordinaryong mamamayan ay ang

pagsasangkot nila sa mga isyu ng bansa. Nagpapahiwatig ito na may pakialam at may kanya kanyang

This study source was downloaded by 100000839104976 from CourseHero.com on 01-25-2022 02:04:30 GMT -06:00
7

https://www.coursehero.com/file/25272398/LASALITAANdocx/
Name: Guillermo M. & Co V. Faculty: Dr. Ma. Lucille Roxas
Subject: FILDLAR N02 Date: Pebrero 20, 2017

opinion ang mga mamamayan. Ang mga kabataan ngayon ay nakikisali na rin sa mga usaping ganito at

dinadala nila ang kanilang mga opinion sa social media kaya nagtretrending ang mga salitang kagaya ng

Dilawan. Sila ang nagiging daan upang mas lalong magamit at mapakinabangan ang salitang ito ngunit

ang problema naman sa mga kabataan ay ang pagabuso ng kanilang kalayaan sa paghahayag ng sariling

opinion at minsan kung may di pagkakaunawaan o di pagkakaintindihan ay nauuwi sa awayan at

bangayan sa social media. May mga mabuti at masamang epekto ang mga bagay na ito pero kung iisipin

natin ay nakakabilib nga talaga ito dahil kahit ang isang bagong salita na tulad ng Dilawan ay kaya nating

baguhin at kaya nating ipalaganap ang pagbabago sa mundong ito. Dahil ang mga salitang bago na

nagagawa ng henerasyon natin ngayon ay nagsisilbi nang instrumento sa pagbabago na ating bansa.

VII. Sanggunian
● https://tl.wikipedia.org/wiki/Balbal
● http://tagalog.pinoydictionary.com/search/
● http://manilastandard.net/opinion/columns/power-point-by-elizabeth-
angsioco/152715/politics-of-the-color-yellow.html
● http://www.philippine-history.org/edsa-people-power-revolution.htm
● https://twitter.com/search?q=%23dilawan&src=typd
● https://www.facebook.com/plaridel.dlsu/photos/a.126160527419926.8696.120845801
284732/1014933068542663/?type=3&theater

This study source was downloaded by 100000839104976 from CourseHero.com on 01-25-2022 02:04:30 GMT -06:00
8

https://www.coursehero.com/file/25272398/LASALITAANdocx/
Powered by TCPDF (www.tcpdf.org)

You might also like