You are on page 1of 2

DALUMATFIL: MODYUL 1

PANGALAN: Fernandez, Ralph M.


KURSO AT SEKSYON: BSED - ENGLISH 1B
PETSA: NOVEMBER 29, 2022

LAPAT - UNAWA

MGA TANONG:

1. Sa tingin mo maituturing bang malaking ambag ang FIT sa pag-aaral ng


wika, kasaysayan, at kultura ng mga proyekto nito bilang mahalagang
sanggunian at batayang dagdag sa bokabolaryo ng bayan? Pangatwiranan.

Ang FIT ay may malaking ambag sa pag-aaral ng wika sapagkat ito ay mas pinapadali ang
mga salita upang madali natin maunawaan ang bawat salita, tulad nalamang ng mga
malalalim na salita na minsan ay napakahirap intindihin at dahil sa FIT mas
napapaunawa nito agad o mas mabilis nitong naibibigay ang kahulugan ng isang malalim
na salita. Maraming mga salita ang mahirap unawain lalo na’t kung hindi palagian ang
pag gamit neto, ang pag sasalin at nag reresulta ng mabilisang pagintindi sa mga bagay
bagay. Ito ay nag dudulot ng mabuti sa ating kasaysayan at kultura, hindi natin
maitatangi na napakaraming salita na mahirap unawain lalo na’t kung ito ay naka salin sa
wikang ingles ngunit dahil sa FIT mas pinadali nya ang buhay ng bawat isa upang
maunawaan ng mabilis ang isang salita. 

2. Sa mga nagdaang panahon, maraming isyu o paksa ang maaari nating


paghanguan bilang batayan ng ating saliksik, magbigay ng isang panukalang
salita na magandang talakayin at hirangin bilang “ Salita ng Taon”. Maglahad
ng mga kaugnay na datos sa pagpapatibay ng iyong argumento/ pananaw /
panindigan.

Ang salita na maaaring maging salita ng taon hindi lamang taon kundi maging sa
matagal na panahon ay ang salitang”COVID” o “PANDEMYA”, sa kabila ng
napakaraming buhay ang nabawi dahil sa sakit na hindi natin nakikita o kayang
pigilin ito ay naging tinik sa puso ng nakakarami. Maraming tao ang naapektuhan sa
biglaang pag pasok ng pandemya sa ating mundo, taon ng 2020 ito nalamang ang
naging laman ng balita at naging bukang bibig mg sabla, dahil sa dulot nitong
kasakitan kaya’t maraming tao ang nabahala. Maraming negosyante ang nag
saraduhan, mga empleyadong nawalan ng trabaho at mga estudyanteng nahinto
pansalamantala sa pag papa-unlad ng kanilang karunungan. Ngunit hindi lamang
kasakitan ang naidulot nito sapagkat naging daan ito upang lalo nating mabigyan mg
pag papahalaga ang bawat isa sa ating buhay at maging kontento sa kung anong
ibinigay sa atin ng diyos; ito rin ang naging tulay upang lalo natin pag tibayin ang
pananampalataya natin sa puong maykapal. Nag simula ito ng taon ng 2020 na
hanggang sa kasalukuyan ay atin paring pinagdadaanan, nawa’y maging maingat ang
bawat isa sapagkat hindi pa tapos ang laban na ating kinakaharap. 

Suriin ang modelo sa ibaba at bigyan ng paliwanag kung paano ang sirkulasyon
mula sa maliit/ mababang antas ay nakaiimpluwensya sa mataas na antas ayon
sa konsepto ng CDA.

Kung ating susuriin ang Micro ang salitang madalas na ginagamit ng tao sapagkat ito
ay ang hinirang na salita ng taon. Pumapangalawa ang salitang Mesco, ito ay ang
isang paraan upang tayo ay makapagsalin ng mga salita, ang madalas gamitin ay ang
diksyonaryo. Ito ay may malaki ambag sa ating lipunan sapagkat pinapadali nito ang
mga bagay bagay. At ang huli ay ang  Macro ito ay napaka halaga sapagkat
nangangailangan ito ng pag-apruba ng bawat isa sa bawat konsepto na iyong
tatalakayin. 

You might also like