You are on page 1of 3

Genesis Forneas Dalumat ng/sa Filipino

BA Communication III 1 Semester, AY 2021-2022


st

SAWIKAAN 2020

1. Magtala ng 5 na mga susing salita o pahayag na nabanggit mula sa kumperensiya ukol


sa Sawikaan
Narito ang mga limang mahahalaga at makabuluhang pahayag na nabanggit
habang ginaganap ang kumperensya ukol sa Sawikaan:
1. Binanggit ni Noel Ferrer, ang Ambassador ng Salita ng Taon 2020 na nagsimula
ang Sawikaan: Salita ng Taon noong 2004 bilang isang masinsinang talakayan
para piliin ang pinakanatatanging salita na namayani sa diskurso ng sambayanan
sa nakalipas na taon.
2. Inilahad naman ni Michael M. Coroza, ang tagapangulo ng Kagawaran ng
Filipino ng Ateneo de Manila University na maraming dumadalong guro at mga
tagapagtaguyod ng wika tuwing ginaganap ang kumperensya ng Sawikaan upang
matukoy ang mga salita na naging bahagi na ng kamalayan, bokabularyo at
diskurso ng buong bansa.
3. Dagdag pa niya, ang Sawikaan 2020 ay isang malaking hamon dahil sa paglipat
nito sa virtual o online set-up pero ang kagandahan nito ay mas dumami ang mga
nanood dahil umabot ito sa siyam na libo. Higit na mas marami raw kumpara
noong mga nakaraang kumperensya.
4. Ayon naman kay Eilene Narvaez ng Filipinas Institute of Translation, Inc. o FIT,
ang layunin ng Sawikaan ay ang magbigay ng impormasyon at bawal ang fake
news kaya kinakailangan ng mahigpit na saliksik.
5. Sa huling bahagi ng kumperensya, sinabi ni Noel Ferrer na pagpapatuloy lamang
ang talakayan at pag-aaral na ito (Sawikaan 2020) sa marami pang kinakailangang
pag-aaral sa wikang Filipino partikular na sa pagpapayaman sa bokabularyo.
Isang hamon daw ito para lalo pa tayong maging mapagmatyag, mapanuri at
malikhain sa pag-aaral ng ating wika.
2. Bakit "Pandemya" ang naging salita ng taon noong 2020? Sumasang-ayon ka ba sa
naging resulta ng kumperensiya?

Ating balikan ang binanggit ni Propesor Zarina Joy Santos, ang nagnomina at
tagapagtanggol ng salitang “pandemya” na ito raw ang tila ba pinaka-ina ng lahat ng
salita na pumasok at umusbong sa nakalipas na taon. Ako ay sumasang-ayon dito
sapagkat tama nga naman, ang pandemya ang siyang nagluwal sa mga iba’t ibang isyung
naging usap-usapan sa ating lipunan. Dahil sa pandemya, nagkaroon ng quarantine,
contact tracing, social distancing, at testing. Naipasara rin ang mga paaralan at
institusyon bunsod ng pandemya kaya nagkaroon ng blended learning at mga webinar.
Dala rin ng pandemya kaya naglabasan at nagbigayan ng mga iba’t ibang klase ng ayuda.
Ang mga salik na ito ang sa tingin ko’y naging lamang ng salitang “pandemya” sa iba
pang mga salitang nainomina.

Lubos akong sumasang-ayon na ito ang napiling maging salita ng taon dahil mula
noong simula ng taong 2020 at hanggang ngayon, sa pandemya pa rin umiikot ang ating
pang-araw-araw na pamumuhay. Patuloy pa rin nating nilalabanan ang kalabang hindi
nakikita ng ating mga mata. Hindi pa natin masabi sa ngayon kung kailan ba ito tuluyang
magwawakas pero panigurado na sa mga susunod na taon ay magiging laman pa rin ito
ng mga diskurso. Ito ay dahil binago ng pandemya ang ating mga pananaw at perspektibo
sa buhay. Dahil sa pandemya, natuto tayong maging mas maingat sa mga bagay na ating
hinahawakan at mga taong ating nakakasalamuha. Dahil din sa pandemya, mas
pinapahalagahan na natin ang mga bagay, pangyayari at higit sa lahat, mga taong malapit
sa atin dahil sa takot na mawala silang bigla sa ating tabi. Alam kong hindi lamang ang
mga ‘yan dahil marami pang mga bagay ang itinuro sa atin ng kasalukuyang sitwasyon
natin.

Kaya naman nararapat lang na pandemya ang napiling salita ng taon dahil ito’y
naging bahagi na ng buhay ng bawat isa at kailanma’y hindi na natin ito maaalis pa.
Matapos man itong krisis na ito, paniguradong tanda at dala-dala pa rin natin ang mga
leksyon, aral at realisasyon na iniwan nito sa atin.
3. Ano ang kahalagahan ng pagkakaroon ng kumperensiya ng Sawikaan: Salita ng Taon?

Bilang isang mag-aaral ng Filipino, ako ay sobrang nagalak noong malaman ko ang
tungkol sa Sawikaan: Salita ng Taon. Nakakatuwang isipin na mayroon palang
kumperensya na naglalayong piliin ang mga pinakanatatanging salita na siyang naging
laman ng mga diskurso ng sambayanan. Sa aking palagay, napakahalaga na magkaroon
ng ganitong aktibidad dahil hindi lamang ito simpleng diskusyon ng mga salita bagkus,
sinasalamin din nito ang buhay ng bawat Pilipino. Ito ay dahil ang mga salitang
napapabilang dito ay hango sa mga naging karanasan ng mga tao sa iba’t ibang
pangyayaring nagaganap sa ating lipunan. Bukod diyan, ang kumperensya ring ito ay
nagsisilbing magandang plataporma at daan para sa mga tagapagtanggol at
tagapagtaguyod ng wika. Dahil dito, nagkakaroon sila ng pagkakataon na magbigay ng
mas malawak at komprehensibong impormasyon tungkol sa mga salitang ginagamit ng
sambayanan. Mainam ito upang malaman din ng mga tao ang mga nakapaloob at
nakaakibat na implikasyon o importansya ng mga salitang ito sa kanilang buhay.

Ako ay umaasa na sana’y ang kumperensyang ito ay maipagpatuloy pa sa mga


susunod na taon nang sa gayon ay patuloy pa nating mapayabong ang ating wika. Sa
yaman at siksik ba naman ng pag-iisip nating mga Pilipino, natitiyak kong marami pang
mga bagong salitang uusbong at mamamayani sa ating mga diskurso na magiging
susunod na salita ng taon.

You might also like