You are on page 1of 2

FM-AA-CIA-15 Rev.

0 10-July-2020

Study Guide in Fil 3- Dalumat sa Filipino Module No. 1

STUDY GUIDE FOR MODULE NO. 1

DALUMAT-SALITA: MGA SALITA NG TAON/SAWIKAAN, AMBAGAN, MGA


SUSING SALITA ATBP.
MODULE OVERVIEW

Module Outline:
Ang matatalakay sa module na ito ay patungkol sa kahulugan ng dalumat at mga tanong-
sagot sa Sawikaan: Pagpili ng salita ng taon.

LEARNING CONTENTS

Ano ang Dalumat?


Ang dalumat ay ang pagbibigay ng mas malaim na pag-iisip at interpretasyon sa salita.

Halimbawa:

LOOB
• LOOBAN - SULOK NA POOK
• NANLOLOOB - MAGNANAKAW
• DALAWANG LOOB - ALINLANGAN
• SAMA NG LOOB - HINANAKIT
• LAMANG LOOB - BITUKA AT ATAY
• MASASAMANG LOOB - MANDURUGAS
• LAKAS NG LOOB - KATAPANGAN
• MAHINA ANG LOOB - NATATAKOT
• PAGBABALIK LOOB - PAGSISISI
• KAPALAGAYANG LOOB - KABARKADA
• BUO ANG LOOB - MATATAG
Sawikaan: Pagpili ng salita ng taon
 Filipinas Institute of Translation,Inc. (FIT)
 Ang sawikaaan ay nagsimula noong 2004 at sinundaan ito nung taong
2005,2006,2007,2010,2012,2014,2016, at 2018
 Mula taong 2012, ginaganap na ang sawikaan kada dalawang taon.
Ilang mga tanong-sagot patungkol sa Sawikaan:
1. Ano- ano ang mga salitang maaaring mailahok bilang salita ng taon?

KATANGIAN:
a. Bagong imbento
b. Bagong hiram mula sa katutubo o banyagang wika
c. Luma ngunit may bagong kahulugan
d. Patay na salitang muling nabuhay

SAMAKATWID, LUMA O BAGO MAN ANG SALITA AY POSIBLENG MANOMINA KUNG,


PINUKAW NITO ANG PAMBANSANG KAMALAYAN AT KUNG ITO AY MAY MALAKING
IMPAK SA MAHAHALAGANG USAPING PAMBANSA AT IBA PANG ASPEKTO NG
BUHAY SA LIPUNANG FILIPINO SA LOOB NG ISA O DALAWANG TAON.
2. Paano pinipili ang salita ng Taon?
1. Nagpapalabas na ng panawagan para sa nominasyon ng Filipinas Institute of Translation,

PANGASINAN STATE UNIVERSITY 1


FM-AA-CIA-15 Rev. 0 10-July-2020

Study Guide in Fil 3- Dalumat sa Filipino Module No. 1

Inc. (FIT) isang taon bago ang kumperensya.


2. Inililista rin ng FIT ang mga salita na sa tingin nila ay namayani sa diskurso ng mga Filipino.
3. Kapag opisyal nang nominado ang salita, hihilingin na sa mga mananaliksik na magsumite
ng pinal na papel (may kompletong saliksik, citation, at sanggunian) hanggang maaari ay
matanggap ito ng FIT isang buwan bago ang kumperensya ng sawikaan upang magkaroon
ang FIT ng sapat na panahon na suriin ang mga salita.
4. Inaasahan rin sa kanilang papel na mailahad ang pakahulugan sa salita, kasaysayan ng
salita, silbi o gamit nito sa lipunang Filipino, at katwiran kung bakit ito karapat-dapat na
tanghaling
salita ng taon.
3. Anong klaseng papel ang inaasahan ng FIT sa mga kalahok?
 Isang komprehensibong saliksik.
 Malaki ang pagpapahalaga ng FIT sa husay ng pagsulat at presentasyon ng papel.
 Binibigyan ang bawat kalahok ng tagapayong tutulong upang lalong paghusayin ang papel
bago iharap sa komprehensya.
 Ayon sa Fit, kung sa tingin nila ay hindi nagbibigay ng patunay ang kanilang mga inilahad sa
halaga ng salita, maaari nilang tanggalin ang kalahok at palitan ng iba.
 Nililista ang papel hindi lamang sa estilo kundi sa nilalaman.
4. Ano ang pamantayan sa pagpili ng salita ng taon?
Pamantayan:
 Kabuluhan ng salita sa buhay nating mga Pilipino at/o pagsasalamin nito ng
katotohanan o bagong pangyayari sa ating lipunan.
 Lawak at lalim ng saliksik sa salita, gayundin ang retorika o ganda ng paliwanag, at
paraan ng pagkumbinsi sa mga tagapakinig; at
 Paraan ng presentasyon.
5. Ano ang mga nangibabaw na mga salita sa nakaraang mga sawikaan?

Ang mga salitang nagwagi sa pagpili ng taon:

1. Canvass - 2004
2. Huweteng - 2005
3. Lobat - 2006
4. Miskol - 2007
5. Jejemon - 2010
6. Wangwang - 2012
7. Selfie - 2014
8. Fotobam - 2016
9. Tokhang - 2018

LEARNING ACTIVITY 1.1

Gawain:

REFERENCES

http://kwf.gov.ph/tanong-sagot-ukol-sa-sawikaan-pagpili-sa-salita-ng-taon/
https://kritikasatabitabi.wordpress.com/2009/12/06/pagdadalumat-salita-tungo-sa-
pagteteoryang-filipino/

PANGASINAN STATE UNIVERSITY 2

You might also like