You are on page 1of 1

Claudio R.

Tuante III BSHM3 A

Pagsasanay 2 (Indibidwal)

Panuto: Ipaliwanag sa sariling pananalita

1.Ano ang mga dapat taglayin ng mga salitang nominado sa SAWIKAAN?


Ang Filipinas Institute of Translation (FIT) at Komisyon sa Wikang Filipino (KWF) ay siyang
namimili sa Sawikaan mga salitang dapat iatmghal na salita ng taon. Ang mga salitang nominado
sa Sawikaan ay kailangang nagtataglay ng alinman sa sumusunod na katangian upang magwagi
sa lath ng salitang napasama sa taong iyon. Una, and salita ay dapat bagong imbento tulad ng
selfie. Pangalawa, bagong hiram mula sa katutubo o banyagang wika gaya ng mga salitang
kudkod at spa. Pangatlo, ito ay posubleng isang lumang salita ngunit may bagong kahulugan
tulad ng wangwang. Panghuli, maari itong isang patay na salitang muling binuhay. Anumang
bago o lumang salita ay posibleng manomina kung ito ay pumukawpambansang kamalayan at
kung ito ay may malaking ambag, gamit, o impak sa loob ng isa o dalawang taon sa buhay
Pilipino at sa kulturang Pilipino sa pangkalahatan.

2.Paano pinipili ang mga salita ng taon?


Bago ang pinal na pagpili ay magkakaroon muna ng panawagan sa nominasyon ang Filipinas
Institute of Translation. Kasunod noon ay magkakaroon ng isang pagpupulong ng pamunuan at
doon ihaharap ang mga salita upang pagkuruan ng mga miyembro. Pagkaraan, ilalatag naman
ang mga salitang ipinasa ng mga kalahok. Kapag ang salita ay ganap na o opisyal nang
nominado, magsumite ng pinal na papel ang mga mananaliksik na kasama ang kanilang
sanggunian. Ito ay magaganap isang buwan bago ang pambansang kumperensiya ng Sawikaan
upang magkaroon ng sapat na panahon ang FIT na suriin ang mga salita. Ang mga nominadong
salita ay huhusgahan batay sa mga sumusnod: Kabuluhan ng salita sa buhay nating mga Pilipino
at/o pagsalamin nito ng katotohanan o bagong pangyayari sa ating lipunan; lawak at lalim ng
saliksik sa salita, gayundin ang retorika o ganda ng paliwanag, at paraan ng pagkumbinsi sa mga
tagapakinig; at paraan ng presentasyon. Magkakaroon ng 12-14 na nominadong salita, at mula
doon ay pinipili na ng pamunuan ng FIT ang limang pinakamahusay na papel ng mga kalahok na
nagtataglay ng naunang dalawang pamantayan. Ang bawat kalahok ay binibigyan lamang ng 20
minuto upang ipaliwanag at ipagtanggol ang kahalagahan ng kanilang mungkahing salita at
siyang magdadagdag sa inisyal nang pagraranggo ang FIT batay sa preliminaryong pagsusuri ng
mga salita. Kung titingnan ay hindi na lubos itong makaaapekto sa desisyon mula sa una at
ikalawang pamantayan pero mahalaga rin ang maayos na presentasyon ayon sa FIT.

You might also like