You are on page 1of 3

BILANG TIMPALAK

Mula ng magimula ang Sawikaan: Salita ng taon noong 2004, bawat taon ay nagtatampok ng
Labindalawang hangang labing apat na salitang naging bukambibig at namayani sa diskuro sa lipunang
Filipino. Nakaroon ng malikhaing presentayon sa madla ang mga naimbitahang tagapanayam at
dedepesahan ang kanilang lahok na salita sa isan malayang talakayan. Mula ito, pipilin an una, ikalawa,
at ikatlong antimpla batay sa bigat ng kanilang salikisik at paliwanag at mayroon in epeyal na
gantimpala para sa malikhaing presentasyon.

Ayon kay P.T. Martin, iba ang irihinal niyang idea n Salita ng Taon. Sa halip na tumangap ng ibat ibang
entri o lahok, ang gusto niya ay magkaroon n brainstorming ang isang pangkat (ang FIT) ng mga
manunulat, guro at eksperto sa wika, at iba pang may kaugnayan at malasakit sa pagpapalaganap ng
wikang Filipino. Nang iniharap niya ang sa pamunuan ng FIT, nagkapalitan ng idea ang bawat kasapi at
ayon kay Martin(interbiyu,2013), namayani ang konepto ni NA Almario na awin mas “panlabas” sa halip
na “panlloon” an aktibidad. Mula ito nagin organisador na lamang ang FIT. Mula ito ginanap ang unang
Sawikaan noong 2004.

Tila eksperto muna ang unang Sawikaan noong 2004. Pumili ang FIT ng labing apat at nag imbita ng mga
kaibigang presenter ng masusulat at magtatanggol ng lahok.
Ayon sa FIT, isa-isang iniharap sa lapulungan ang mga inihandang sanaysay ng mga kalahok na
tumalakay a etimolohiya o kasanayan ng salita, ang gamit ng salita xa ibat ibang diskurso, at ang mga
katwiran kung bakit apat na itanghal ito bilang salita ng taon. Dahil bahagi ng batayan sa pamimili ang
presentasyon, sari-saring malikhaing teknik ang naisip ng mga tagapagtaguyo tulad ng perpormance art,
Kasangkapang biswal diyalogo –para umani ng hikayat mula sa mga tagapakinig.

Pagkaraan ng 14 napresentasyon, nagkaroon ng botohan na pinangungunahan ng FIT at nalahukan ng


mga dumalosa timpalak. Nagin pagunahing pamantayan an kabuluhan ng salita sa buhay ng mga Filipino
at paraan ng preseentasyon, at kaugnay nito, Isinaalang alang an lawak ng saliksik sa salita, gayunin ang
retorika at ikatlo ang paraan ng pakumbinsi sa mga tagapakinig.

Pagkaraan ng botohan, nagkaroon ng ranking at apat ang lumabas dahil may dalawang ang “canvass,
tsugi, tsiki at ukay-ukay. Biniyan sila ng pagkakataon na kumbinsihin sila NA Almario, Direktor ng UP
Sentro ng Wikang Filipino na si DR. Lilia Antonio at propesor ng UP Departamento n Filipino at
Panitikann ng Pilipinas na si Prop. Ligaya Tiamson Rubin. Sa katapusan itinanghal na Salita ng taon ang
”canvass”.

Mula dito mapapansin na may apat na pangkat na mahahalagang tao ang kasama sa sawikaan, una ang
tagapagtaguyod ng proyekto (FIT), sunod ang presenter, ikatlo ang tagapakinig o ang nagpapasya sa
Salita ng Taon, at ikaapat ay ang iniimbintahang hurado na pinal na nagpapasya sa apat tanghaling Salita
ng Taon. Bukod dito may malinaw rin na proseso, una pamimili ng salita at patukoy ng mga kalahok,
pangalawa presentasyon ng mga salita, ikatlo, botohan, ikaapat, pagtatanggol o depensa at ikalima,
pinal na pagpasya.

Tagumpay ang nagging Sawikaan,nagpasya ang FIT na ituloy-tuloy na ito taon-taon. Nagkaroon ng tiyak
na depinisyon ang Sawikaan at nagpalabas ng mas malinaw na pamantayan at proseo an FIT. Ayon kay
R.P. Baquiran Jr.(interbyu, 2013), pangulo ng FIT, narito ang mga hakbang sa pagkalap ng lahok sa
timpalak.
1. Pa-aanunsyo ng opisyal na pasusumite at pagtatanggap ng mga entri sa itinakdang deadline:

2. Pagsusumite ng isang pahinang abstrak hinggil sa mungkahing lahok na salita na naglalaman ng


(a)etimolohiya o pinagmulan ng salita ,(b) mga tiyak na dapat gamit ng salita (c)mga katwiran
kung bakit dapat kilalaning Salita n Taon ang inilahok na salita.

3. Delibirasyon ng pamunuan ng FIT para sa mapiling nominado mula sa natanggap na abstarak.

4. Pagpapalabas ng anunsyo sa napiling nominado na inaasaha ang itampok sa idaraos na


Sawikaan:

5. Pagpapabatid sa mga napiling kalahok sa mung kahing lahok na pamamagitan ng isang opisyal
na lihim.

6. Pasusulat sa isan ganap na papel hinggil sa mungkahing lahok na salita na may kompleton
saliksik at gamit.

7. Pagbabasa ng Lupon ng Editor na itinalaga ng FIT na susuri sa kawastuhan n saliksik at husay ng


rebisyon hanggang pumasa sa pamantayan ng FIT.

8. Rebisyon ng papel batay sa rekomenasyon Lupon ng Editor na itinalaga ng FIT, at pagsumite


nito sa petsang itinakda ng FIT bago ang mismong araw ng timpalak. (Ang hindi magrebisa ay
maarin tangalin ng FIT mula sa mga nominado)

9. Presentasyon ng mga lahok sa kumperensyang Sawikaan.

Napakaraming salita ang posibleng mailahok, ayon sa FIT, maaaring ituring na Salita ng Taon ang bago o
lumang salita na pumukaw sa pambansang kamalayan o nakaapekto nang malaki sa mga usaping
pampolitika,panlipunan,pang-ekonimiya at iba pang aspekto ng pamumuhay ng Filipino sa loob ng
nakaraang isa o dalawang taon. Sa madaling salita, maaaring kilalaning Salita ng Ton ang anumang salita
na:
1. Bagong imbento
2. Bagon hiram mula sa katutubo o banyagang wika
3. Luma ngunit may bagong kahulugan
4. Patay na salitang mulin binuhay

Sa pamimili ng Salita ng Taon, pangunanahing batayan ang sumusunod:


1. Kabuluhan ng salita sa buhay ng mga Filipino at/o pagsalamin nito ng katotohanan o bagong
pangyayari sa lipunan.
2. Lawak at lalim salisik sa salita, gayundin ang retirika o ganda ng paliwanag at paraan ng
pagkumbinsi sa mga tagapakinig
3. Paraan ng presentasyon.

Sa kasalukuyan 86 salita ang natampok sa pitong Saawikaan:2004,2005,2006,2007,2012,2014 at


kabuuan 60 presenter. Karamihan ay guro at sosyolohiya at mga mag-aaral galing Ateneo De Manila,
UST, De La Salle.
Mula sa listahan mapapansing may masugi na mga kalahok na tinatawag na “suki” na sumali nang higit
isang beses.(5) John Enrico Torralba, (4) Jelson Estrella Capilos, Michael Francis Andrada, at iba pa.

Kung may suki mayron naman na “nangangarir” sila yung humahakot ng gantimpala bilang
pinakamahusay na presenter at lagging may bagong gimik sa presentasyon, nagdadala ng props at
kompleto sa costume, handang sumayaw o kumanta, at mag ala politikong mangampanya para sa boto.
Inaabangan si Rachelle Joy Rodreguez nakadalawang ulit syang nanalo sa kanyang lahok na “karir” at
“makeover”. Sumunud si Jelson Estrella noong 2010 “tarpo”. Si leuticio Nicolas noong 2005 “e-vat” at Joi
Barrios sa entri “terorista at terorismo”. At huli ay sina Jose Javier Reyes at Noel Ferrer sa “selfie”.

Samantala maituturing “hall of famer” o “waging-wagi” sina R. Tolentino at J.E Capillos dahil sa bawat
pagsali ay nakatangap ng pangunahing gantimpala. Noong 2005 nagwagi si J.E Capillos “lobat” at 2010
naman si R. Tolentino sa “jejemon” pareho rin silang nakatangap ng ikatlong gantimpala sa “tarpo”2010
At “tsugi” 2004. Sa huling dalawang taon na ginanap noong 2012 at 2014 lamang sumali si D. San Juan
pero nagpapakita rin na palaban at siya ang pinakahuling wagin-wagi dahil nakatagangap siya ng unang
gantimpala noong “wang-wang” at pagbalik nya noong 2014 sa ikalawang pwesto na “endo”

Isang timpalak ang Sawikaan, ang mga nagwawagi sa bawat kategorya ay nakakatangap ng gantimpalang
salapi at sertipiko ngunit walang tiyak na halaga dahil depende ito sa nakukuhang sponsor mula sa FIT.
Mula noong 2004, masugi na tagatangkilik ng proyekto ang National Comission for Culture and the
Arts(NCCA). Sa unang dalawang taon ng FIT, tagasuporta rin ang Blas F Ople Foundation Inc.
Pinakabagong tagatangkilik ang Komisyon sa Wikang Filipino(KWF). Ayon sa FIT, sa mga pagkakataong
walang makuhang supurta mula sa labas, hindi sila titigil sa pagdaraos nito haggang patuloy ang pag
unlad ng wika.

You might also like