You are on page 1of 7

Ano ang Sawikaan?

Isang masinsinang talakayan para piliin ang pinakanatatanging salitang namayani sa diskurso ng
sambayanan ng nakalipas na taon.

Ano ang mga salitang maaaring ituring na “Salita ng Taon?”

1) bagong imbento;
2) bagong hiram mula sa katutubo o banyagang wika;
3) luma ngunit may bagong kahulugan, at;
4) patay na salitang muling binuhay.

Sino ang maaaring lumahok sa “Salita ng Taon?”


Maaaring magsumite ang sinumang interesado o makawika ng salitang sa tingin niya ay karapat-
dapat na kilalaning Salita ng Taon.

Paano lalahok sa Sawikaan?

Magsumite ng isang pahinang panukala na naglalaman ng 1) etimolohiya o pinagmulan ng salita,


2) mga tiyak na gamit ng salita, at 3) mga dahilan kung bakit dapat kilalaning “Salita ng Taon”
ang inilalahok na salita.
Ipadala ang panukalang lahok sa/o bago ang 15 Disyembre 2015 sa tanggapan ng Filipinas
Institute of Translation sa Silid Blg. 2082, Bulwagang Rizal, kolehiyo ng Arte at Literatura,
Faculty Center, Unibersidad ng Pilipinas, Diliman, Lungsod Quezon o sa pamamagitan ng email:
fitsawikaan2012@gmail.com o sa filipinas.translation@gmail.com. Maaaring magpadala ng
higit sa isang lahok.
Pagpapasiyahan ng Lupong Tagapagpaganap ng Filipinas Institute of Translation, Inc. kung alin
sa mga panukalang salita ang karapat-dapat na piliin bilang mga nominado para sa Salita ng
Taon. Makatatanggap ng liham na nagpapabatid na natanggap ang lahok mula sa pamunuan ng
FIT.
Ang mga pipiliing panukalang salita ay bubuo ng isang ganap na papel na nagbibigay ng
katwiran kung bakit ang ipinanukalang salita ang dapat na itampok na Salita ng Taon.
Kailangang maisumite sa/o bago ang petsang 28 Pebrero 2016.
Magkakaroon ng presentasyon ng mga nominadong salita sa Pambansang Kumperensiyang
Sawikaan na gaganapin sa Agosto 2016.Magiging pangunahing batayan ng pagpili ng Salita ng
Taon ang 1) lawak ng saliksik, 2) bigat ng mga patunay, 3) linaw ng paglalahad at
pangangatwiran, 4) presentasyon.
Pipili ng una, ikalawa, at ikatlong “Salita ng Taon.” Magkakaroon din ng espesyal na gantimpala
para sa may pinakamahusay at pinakamalikhaing presentasyon. Lahat ay makatatanggap ng
gantimpalang salapi mula sa FIT.

SAWIKAAN 2004

Ginanap ang kauna-unahang Sawikaan noong Agosto 17, 2004. Dumalo sa talakayan ang mga
kasapi ng FIT at ng kinatawan ng Blas F. Ople Foundation, kasama ang mga miyembro ng iba
pang kasamang tagapagtaguyod na institusyon gaya ng UP Iinstitute of Creative Writing at UP
Sentro ng Wikang Filipino. Dumalo rin ang ilang opisyal ng UP, mga mag-aaral, guro, at iskolar
sa wika. Ang Pambansang Alagad ng Sining at Dekano ng Kolehiyo ng Arte at Literatura na si
Prop. Virgilio S. Almario ang nagbigay ng mensahe sa pagtitipon at siyang naglugar ng
Sawikaan sa konteksto ng pagpapaunlad ng wikang pambansa.
Hinati sa dalawang pangkat ang presentasyon ng mga salita: pito sa umaga at pito sa hapon. Isa-
isang iniharap sa kapulungan ang mga inihandang sanaysay na tumalakay sa etimolohiya o
kasaysayan ng salita, ang gamit ng salita sa iba’t ibang diskurso, at ang mga katwiran kung bakit
dapat na itanghal ito bilang salita ng taon. Dahil bahagi ng batayan sa pamimili ang
presentasyon, sari-saring malikhaing teknik ang naisip ng mga tagapagtaguyod—tulad ng
performance art, kasangkapang biswal, diyalogo—para umani ng hikayat mula sa mga
tagapakinig.

Ang labing-apat na salita ay tinalakay ng mga iginagalang at maniningning na pangalan sa larang


ng akademya at panitikan: ukay-ukay ni Delfin Tolentino;  kinse anyos ni Teo Antonio, text ni
Sarah Raymundo; jologs nina Alwin Aguirre at Michelle Ong; otso-otso ni Rene Villanueva
(binasa ni Mark Chester Lobramonte); salbakuta ni Abdon Balde, Jr.; fashionista ni Jimmuel
Naval; datíng ni Bienvenido Lumbera; tapsilog ni Ruby G. Alcantara; tsugi ni Roland
Tolentino; tsika ni Rene Boy Facunla a.k.a. Ate Glow; dagdag-bawas ni Romulo Baquiran, Jr.
(binasa ni Celine Cristobal); terorista at terorismo ni Leuterio C. Nicolas (binasa ni Joi Barrios);
at canvass ni Randy David.

Nagkaroon ng malayang talakayan pagkatapos ng bawat pangkat ng presentasyon. Ang mga


dumalo ay nakapagtanong sa mga tagapagtaguyod ng salita, ang iba’y naghayag ng kani-
kanilang kuro-kuro kung bakit ang isang salita ang dapat tanghaling Salita ng Taon.

Pagkatapos ng labing-apat na presentasyon, bumoto ang mga dumalo gamit ang dalawang
pangunahing batayan o criteria: una, ang kabuluhan ng salita sa buhay nating mga Filipino at/o
pagsalamin nito ng katotohanan o bagong pangyayari sa ating lipunan; at ikalawa, ang paraan ng
presentasyon, at kaugnay nito, ipinasaalang-alang ang lawak at lalim ng saliksik sa salita,
gayundin ang retorika o ganda ng paliwanag, at paraan ng pagkumbinsi sa mga tagapakinig.

Ang tatlong salitang nagtamo ng pinakamataas na boto ang pumasok sa huling yugto ng labanan
(apat ang lumabas dahil sa may dalawang nagtabla). Ito ang mga salitang canvass, tsika, tsugi, at
ukay-ukay. Binigyan ng huling pagkakataon ang bawat tagapagtaguyod ng apat na salita para
kumbinsihin ang piling hurado na kinabibilangan nina Prop. Almario, Direktor ng UP Sentro ng
Wikang Filipino na si Dr. Lilia Antonio, at propesor sa wika ng UP Departamento ng Filipino at
Panitikan ng Pilipinas na si Prop. Ligaya Tiamson Rubin. Sila ang nagpasya sa pinal na ranggo
ng apat na salita.

Sa katapusan, at pagkaraan ng mahabang deliberasyon ng mga hurado, nagtabla sa ikatlong


gantimpala ang mga salitang tsugi at tsika, ikalawang gantimpala ang ukay-ukay, at itinanghal na
Salita ng Taon ang canvass.

SAWIKAAN 2004
Pagkatapos ng labing-apat na presentasyon, bumoto ang mga dumalo gamit ang dalawang
pangunahing batayan o criteria: una, ang kabuluhan ng salita sa buhay nating mga Filipino at/o
pagsalamin nito ng katotohanan o bagong pangyayari sa ating lipunan; at ikalawa, ang paraan ng
presentasyon, at kaugnay nito, ipinasaalang-alang ang lawak at lalim ng saliksik sa salita,
gayundin ang retorika o ganda ng paliwanag, at paraan ng pagkumbinsi sa mga tagapakinig.

Ang tatlong salitang nagtamo ng pinakamataas na boto ang pumasok sa huling yugto ng labanan
(apat ang lumabas dahil sa may dalawang nagtabla). Ito ang mga salitang canvass, tsika, tsugi, at
ukay-ukay. Binigyan ng huling pagkakataon ang bawat tagapagtaguyod ng apat na salita para
kumbinsihin ang piling hurado na kinabibilangan nina Prop. Almario, Direktor ng UP Sentro ng
Wikang Filipino na si Dr. Lilia Antonio, at propesor sa wika ng UP Departamento ng Filipino at
Panitikan ng Pilipinas na si Prop. Ligaya Tiamson Rubin. Sila ang nagpasya sa pinal na ranggo
ng apat na salita.

Sa katapusan, at pagkaraan ng mahabang deliberasyon ng mga hurado, nagtabla sa ikatlong


gantimpala ang mga salitang tsugi at tsika, ikalawang gantimpala ang ukay-ukay, at itinanghal na
Salita ng Taon ang canvass.

SAWIKAAN 2005

Ginanap naman ang Sawikaan 2005 noong Agosto 4-5, 2005. Dalawang araw na idinaos ang
Sawikaan sa taong ito. Ang unang araw ay tinampukan ng talakayan tungkol sa papel ng midya
sa pagpapalaganap ng modernong Filipino at tungkol sa karanasan ng ilang piling bansa sa
pagpapaunlad ng kanilang wika. Ang mga tagapagsalita sa unang paksa ay ang beteranong
komentarista sa radyo na si Dely Magpayo ng DZRH, ang news director na si Jim Libiran ng
ABC 5, at  ang editor na si Ariel Dim. Borlongan ng Balita. Tinalakay naman ni Vladimir F.
Malyshev ng Embahada ng Russian Federation ang karanasang Ruso sa wika (The Experience of
Russia in Developing a National Language) at ni Prop. Shirley Sy ng UP Asian Center ang
karanasan sa Tsina (The Experience of China in Developing a National Language).

Ginanap naman ang pamimili ng salita ng taon sa ikalawang araw. Labindalawa (12) ang
nominadong salita sa 2005: blog  ni Vladimeir Gonzales; huwéteng ni Roberto Añonuevo; e-vat
ni Leuterio Nicolas; gandára ni Winton Lou Ynion; caregiver ni James Kenneth Sindayen;  call
center ni Silvestre Jay Pascual III;  pasawáy ni Patrick Flores; networking ni Jelson Estrella
Capilos; wiretapping ni Yolado Jamendang Jr.; coño ni Sharlene Valencia;  tibák/t-back nina
April Imson at Salvador Biglaen, Jr.; at  tsunami  ni Michael Francis Andrada.

Bahagyang binago ang proseso ng pagpili sa taong ito. Sa halip na tatlo, lima ang piniling
finalist. Ang limang ito ay ang e-vat, gandára, huwéteng, pasawáy, at tibák/t-back. Sa pagtatapos,
hinirang na Salita ng Taon ang huwéteng na sinundan ng pasawáy at ng tibák/t-back. Nagkaloob
din ng espesyal na premyo para sa pinakamahusay na paraan ng presentasyon na nakamit ng
nagtaguyod ng salitang e-vat.

Nagkamit ng gantimpalang P7,500 ang Salita ng Taon;  P5,000 ang ikalawa; at P3,000 ang
ikatlo. Ang pinakamahusay na presentasyon ay may gantimpalang P1,500 at ang iba pang hindi
nagwagi ay tumanggap din ng P1,500. Kaloob ng Blas F. Ople Foundation ang mga salaping
gantimpala.

Sa huling bahagi ng programa, inilunsad ang aklat na Sawikaan 2004, Mga Salita ng Taon na
tumatalakay sa mga salitang iniharap ng taong iyon. Limbag ito ng University of the Philippines
Press.

SAWIKAAN 2006: “Lobat” ang Salita ng Taon

Matagumpay na idinaos ang Sawikaan 2006 noong 3-4 Agosto 2006 sa Pulungang Claro M.
Recto, Bulwagang Rizal, Unibersidad ng Pilipinas, Diliman, Lungsod Quezon.

Itinanghal na salita ng taon ang “lobat” sa Sawikaan 2006: Pambansang Kumperensiya sa Wika
at Pagpili ng Salita ng Taon, ang taunang kumperensiya sa wika na itinataguyod ng Filipinas
Institute of Translation, National Commission for Culture and the Arts, at ng Blas F. Ople
Foundation.

Tumuon ang Sawikaan 2006 sa development ng Filipino bilang pambansang wika at binigyang
pansin ang mga bagong salita na naging popular sa kaligirang panlipuna at pangkultura sa
nakaraang taon.

Isang artikulong isinulat ni Jelson E. Capilos, propesor sa Ateneo de Manila University, pinili ng
mga kalahok sa kumperensiya ang “lobat” na isa sa limang finalist na kinabibilangan ng “botox,”
“toxic,” “spa,” at “orocan.”  Nahirang na ikalawa ang “botox” ni Dr. Luis Gatmaitan at ikatlo
ang “toxic” ni Michael Andrada na isang instruktor sa UP.

Napili ang “lobat” bilang salita ng taon dahil sa interesante at makabuluhan nitong saliksik,
malinaw na presentasyon, at naiibang kongklusyon na ang mga Filipino sa kasalukuyan ay halos
katulad na ng cell phone—ang munting makinang simbolo ng modernidad—na nakasalalay sa
maliliit na bateryang mabilis maubusan ng enerhiya. Nalolobat ang mga Filipino dahil sa mga
kahingiang personal, sosyal, at global.

Isang brand ng toxin ang “botox” na iniiniksiyon sa mukha ng mga kliyente para mawala ang
mga kulubot na palatandaan ng edad. Ito ang naging ikalawang salita ng taon dahil naging
popular sa mga Filipinong mahilig magpaganda at may pambayad sa mahal na lason.

Tumutukoy ang “toxic” sa mga oras kung kailan napakaraming natatanggap na tawag ang mga
nagtatrabaho sa mga call center. O puwede rin itong paglalarawan sa alinmang nakaiiritang tao,
bagay, o karanasan.

“Spa” ang kailangan ng mga taong nakaranas ng “lobat” o “toxic.” Ang “orocan,” ang brand ng
mga produktong yari sa plastik, ay nangangahulugan ng pagiging plastik o mapagpanggap.

Ang tanging entri mula sa Mindanao, “kudkod,” ay tawag sa pag-chat sa internet, lalo na ang
uring layuning makahanap ng partner sa cyberspace. Kabilang sa iba pang kandidato para sa
salita ng taon ang “chacha,” “birdflu,” “meningococcemia,” “karir,” at “payreted.”

Napili naman si Rachelle Joy Rodriguez bilang pinakamahusay na presentor para sa salitang
“karir.”
Bukod sa pagpili ng salita ng taon, ginanap din sa Sawikaan ang dalawang mahalagang panayam
—una ang kay Dr. Isagani Cruz, dating opisyal ng CHED hinggil sa hindi katanggap-tanggap na
patakaran ng administrasyong Arroyo kaugnay ng Ingles bilang midyum ng pagtuturo sa
edukasyong Filipino; ikalawa ang kay Pambansang Alagad ng Sining Virgilio S. Almario ukol sa
kalagayan ng edukasyong Filipino ngayon; at ikatlo ang kay Dr. Ana Isabel Reguillo ng Instituto
Cervantes-Manila hinggil sa sitwasayong pangwika ng Espanya.

Nasa ikatlong taon na, isinasagawa ang Sawikaan sa Unibersidad ng Pilipinas at dinaluhan ng
mga guro, lingguwista, at mga estudyante mula sa iba’t ibang panig ng bansa. Angkop na
pagdiriwang ito sa Buwan ng Wika.

SAWIKAAN 2007: “Miskol” ang salita ng taon ng 2007

            “Miskol” ang salita ng taon. Nanguna ito sa labing-isang iba pang entri sa Sawikaan
2007: Mga Salita ng Taon, isang kumperensiyang ginanap sa UP Diliman nitong Agosto 2-3,
2007. Pinili ito ng mga iskolar sa wikang Filipino, delagadong guro, at mag-aaral kasama ng
pumangalawa at pumangatlong “roro” at “friendster.”

            Nasa ikaapat na taon na ang Sawikaan. Mga nakaraang salita ng taon ang canvass (2003),
huweteng (2004), lobat (2005).

            Sinabi ng propesor ng Ateneo de Naga na si Adrian Remodo, ang sumulat ng papel sa


miskol, na ang missed call sa New York ay ibang-iba sa miskol ng mga Filipino. Ang missed call
ay simpleng di-naasikasong tawag, samantalang nakaugat sa sikolohiyang paramdam ng mga
Filipino ang miskol. Ang sandaling tunog ng pagtawag sa cell phone ay nagsasabing “Buhay pa
ako. Magparamdam ka naman.”

            Katulad ng “lobat” ng 2005, lumaganap ang miskol dahil sa pagkahumaling ng mga


Filipino sa komunikasyong cell phone. Pero inangkin na natin ang bagong teknolohiya at ginamit
ito sa ating sariling paraan. Mahalaga ang papel ng wika sa pangkulturang pandarambong na ito.
Sinasabi nating “Miskulin mo ako” para mairehistro ang bagong numero, makita ang naiwaglit
na cell phone, o ipagyabang ang bago at magandang ringtone.

Naging pangunahin din ang mga kasunod na salitang roro at friendster. Roro ang pinaikling roll
on-roll off o ang sistema ng pinagdugtong-dugtong na biyahe sa mga pulo na inaasahang
makapag-ambag sa pambansang ekonomiya. Ayon kay Kristian Cordero, ang Bikolanong
manunulat, makabuluhan ang roro dahil mahigpit na kaugnay ng kasaysayan ng ating bansang
arkipelago at ligid ng dagat. Kaugnay rin ito ng politika dahil itinatampok ng administrasyong
Arroyo bilang kampanyang pangkaunlaran. “Magpapaloko ba tayo sa bangkang roro ni Gloria?,”
tanong ni Cordero.

            Isa pang penomenong lumaganap sa mga Filipino nitong mga nakaraang taon ang
Friendster, ang personal site sa cyberspace na nag-uugnay sa mga magkakaibigan at potensiyal
na kaibigan. Orihinal na programang panghanap ng kasintahan, inangkin ito ng mahigit sa 5
milyong Filipino bilang pamalit sa aktuwal na pagkikita at pagsakop sa hadlang ng layo at
panahon. Sabi ni Boom Enriquez ng Ateneo de Manila, ang Friendster at iba pang cyperspace
interlink ay lumilikha ng “third space” para sa mga pagod na yuppies at iba pa. Maitatanghal sa
third space ang tunay o inimbentong identidad para malimutan ang pang-araw-araw at bulgar na
realidad.

            Kabilang sa iba pang salitang naging makabuluhan sa Filipino sa nakaraang mga taon ang
sutukil (pinaikling sugba-tula-kilaw), videoke, make over, telenobela, extra judicial killing, party
list, abrodista, oragon, at safety.

            Naging kapaki-pakinabang din ang talakayan sa Filipino bilang wikang pandaigdig nina
Prop. Florentino Hornedo ng Ateneo de Manila University at Ruth Elynia  Mabanglo ng
University of hawaii. Gayun din naman ang panayam hinggil sa development ng wikang
Mehikano at Pranses nina Ambasador Erendira Araceli Paz Campos at First Secretary Georges-
Gaston Feydeau. Maraming natutuhan ang mga delegado sa mga talakaya at inaasahang
magagamit nila ito sa pagtataguyod sa Filipino bilang wikang pambansa.

            Ang mga papel na binasa noong nakaraang taon, kabilang ang nagwaging lobat, ay
isinaaklat na bilang Sawikaan 2006 (Roberto T. Añonuevo and Galileo Zafra, editors. Quezon
City: University of the Philippines Press, 2007) at inilunsad ito sa kumperensiya. Dinaluhan ito
ng Pambansang Alagad ng Sining sa Panitikan Virgilio S. Almario, UP Diliman Chancellor
Sergio S. Cao at ilustrador/pintor na si Pandi Aviado. Binuksan din nila ang eksibit ng mga
ilustrasyong ginamit sa libro na itinanghal naman sa katabing galeriya.

            Itinatampok ng Sawikaan 2007 ang pangunahing papel ng wika kung paano tinitingnan at
iniuunawa ng Filipino ang kasalukuyan niyang daigdig. Pinatunayan ito ng listahan ng mga
salitang tinalakay sa kumperensiya. Itinaguyod ng National Commission for Culture and the Arts
(NCCA) at Blas Ople Foundation ang Sawikaan 2007, sa pangangasiwa ng Filipinas Institute of
Translation (FIT). Naging tagapagtaguyod din ang U.P. President’s Office, U.P. Diliman
Chancellor’s Office, at U.P. College of Arts and Letters. Para sa higit pang impormasyon,
bisitahin ang www.sawikaan.net.

AMBAGAN

Ang proyektong Ambagan ay kumikilala sa probisyong pangwika na ito sa Konstitusyon. Nagpapanukala


ito ng isang estratehiya sa pagpapayaman ng wikang Filipino—ang paghalaw mula sa kaban ng
bokabularyo ng iba’t ibang wika sa Filipinas upang ilahok sa korpus ng wikang pambansa.

Isang magandang halimbawa nito ang salitang pay-yo (may varyant na payaw at payew) ng mga taga-
Cordillera. Sa mahabang panahon, karaniwang mababása sa mga teksbuk sa araling panlipunan ang
taguring rice terraces o hagdan-hagdang palayan para tukuyin ang ehemplong ito ng katutubong
teknolohiyang pang-agrikultura. Nito na lamang naging popular ang paggamit ng salitang pay-yo dahil na
rin sa pagtatampok sa konsepto ng wikang Filipino bilang wikang patuloy na nililinang batay sa iba’t
ibang wika sa Filipinas.
Ang mga salitang tulad ng pay-yo ay hindi lamang mahalaga dahil sa pagbibigay sa atin nito ng
pantumbas sa mga konseptong karaniwang ipinahahayag natin sa wikang banyaga. Higit na
makabuluhang itampok ito upang tuluyan at ganap na makilala natin ang ating mga kapatid sa iba’t
ibang panig ng bansa at makilala natin ang ating sarili bilang mga Filipino.

You might also like