You are on page 1of 30

Dalumat ng/sa

Wikang Filipino
SAWIKAAN
Sawikaan ( sá·wi·ká·án- png)
Bagong Likha [Modernong Filipino,
pangalawa lamang sa mga korpus ng
salitang-ugat na nilapian ng sa+ at +an na
nagpapahayag ng “sa pamamagitan ng”]:
pagbabanyuhay ng salita sa pamamagitan ng
wika (Miclat mula sa Narvaez, 2016)
Sawikaan – simula -2004
• Nagsimula hindi bilang isang
kumperensiyang pangwika kundi bilang
isang timpalak pangwika.
Sawikaan – simula -2004
Perfecto T. Martin- isang aktibong kasapi ng
FIT (Filipinas Institute of Translation) ang
may ideya nito bilang makabago at kakaibang
pagdiriwang ng Buwan ng Wika. (word of the
year ng ADS /American Dialect Society)
• Iminungkahi ito ni Martin sa FIT, na
hindi masamang gawin din ang
ganito sa Pilipinas -itataon sa
pinakamagandang panahon-(Buwan
ng Wikang Pambansa) na tatawaging
“SALITA NG TAON”
Sa orihinal na ideya ni P.T. Martin
Sawikaan- isang makabago at kakaibang
paraan ng pagdiriwang ng buwan ng wika
na kakawala sa tradisyunal na sayawan,
kantahan, balagtasan, sabayang pagbigkas,
talumpati at iba pa. Dahilan din upang
itakda ito tuwing Agosto ng taon.
Pambansang Alagad ng Sining-
Virgilo S. Almario (Rio Alma)
Pinangalanan itong
“Sawikaan: Salita ng Taon –
na naging opisyal na
pangalan ng timpalak.
Ang Sawikaan ay isang masinsinang talakayan
para piliin ang pinakanatatanging salitang
namayani sa diskurso ng sambayanan sa
nakalipas na taon. Samakatwid maaaring tingnan
ang Sawikaan bilang pagtatangka ng FIT na
likumin ang mga salitang naging laganap o sikat
ang gamit sa isang espisipikong taon at pag-
usapan ang gamit at pinagmulan nito (Zafra,
2005, vii).
Sa paniniwala ng FIT, ang
ganitong pamimili ng salita ng
taon ay isang malikhain at
mabisang estratehiya upang
itampok ang katangian ng Filipino
bilang wikang pambansa.
Papel ng Sawikaan sa Pagdadalumat
• Ang kumperensiyang Sawikaan: Mga Salita ng
Taon ng FIT ay itinuturing na mahalagang ambag
sa pagdadalumat-salita. Sa artikulong Tanong-
Sagot ukol sa Sawikaan:Pagpili sa Salita ng Taon
na inilathala ng KWF (2016) ay masinsing
tinalakayang pinagmulan at tinutungo ng
Sawikaan (San Juan, 2019).
• Binanggit din sa artikulo na “…ang lahat ng itinampok
sa kumperensiya ng Sawikaan ay mga Salita ng Taon
dahil naging laman ito ng diskurso ng lipunang
Filipino sa nakalipas na taon dahil sa mga
kontrobersiya at mahahalagang usapin sa politika,
teknolohiya, trapiko, kultura, sosyolohiya, kulturang
popular, at iba pa…nais ng Sawikaan na mamulat ang
madla sa mahahalagang isyu sa lipunan na
kinakailangan ng pagkilos na binubuksan ng mga
salitang natatampok sa Sawikaan.” (San Juan, 2019)
MGA SALITA NG TAON
Mga Katangian ng mga Sapitang Napili sa Sawikaan
1) Bagong imbento;
2) Bagong hiram mula katutubo o banyagang wika
3) Luma ngunit may bagong kahulugan;
4) Patay na salitang muling binuhay.
Pamantayan sa Pagpili ng Salita
ng Taon (FIT)
1) Kabuluhan ng salita sa buhay ng mga Filipino at/o
pagsalamin nito ng katotohanan o bagong pangyayari sa
lipunan;
2) Lawak at lalim ng saliksik sa salita, gayundin ang retorika o
ganda ng paliwanag, at paraan ng pagkukumbinsi sa mga
tagapakining;
3) Paraan ng presentasyon
Paliwanag:
Mga Pamantayan sa Pagpili ng Magiging Salita ng Taon
• Bago o lumang salita na pumukaw sa pambansang kamalayan o
nakaapekto nang malaki sa mga usaping pampolitika, panlipunan,
pang-ekonomiya, at iba pang aspekto ng pamumuhay ng Filipino sa
loob ng nakaraang isa o dalawang taon
• Mga naging salita ito na naging popular o karaniwan at makabuluhang
ginagamit ng mga mamamayan sa iba’t ibang antas ng pagtukoy at
pag-unawa sa kanilang pansarili at panlipunang karanasan.
(2004-2014) 86 na salita ang nagtampok ng salita sa pitong Sawikaan at
60 na presenter .
Ano-ano ang mga salitang maaaring mailahok bilang Salita ng Taon? Ang lahat ng salitang napipiling
nominado sa Sawikaan ay karapat-dapat na sa puwesto ng Salita ng Taon dahil taglay nito ang
alinman sa sumusunod na katangian: 1) bagong imbento; 2) bagong hiram mula sa katutubo o
banyagang wika; 3) luma ngunit may bagong kahulugan, at; 4) patáy na salitang muling binuhay.
Samakatwid, bago man o lumang salita ay posibleng manomina kung PINUKAW NITO ANG
PAMBANSANG KAMALAYAN AT KUNG ITO AY MAY MALAKING IMPAK SA
MAHAHALAGANG USAPING PAMBANSA AT IBA PANG ASPEKTO NG BÚHAY SA
LIPUNANG FILIPINO SA LOOB NG ISA O DALAWANG TAON.
Mga salita itong makabuluhang ginagamit ng mamamayan sa iba’t ibang antas ng pagtukoy at pag-
unawa sa kanilang mga pansarili at panlipunang karanasan.
Paano pinipili ang mga Salita ng Taon? May panawagan sa nominasyon. Dumaraan sa mahaba at
masusing proseso ang mga itinatampok na salita sa Sawikaan bawat taon. Isang taon bago ang
mismong kumperensiya (Setyembre 2015) ay nagpalabas na ng panawagan para sa nominasyon ang
FIT. Disyembre 2015 ang unang deadline ngunit tinatanggap pa rin ang iba pang magsusumite
hanggang sa sumunod na taon (Enero o Pebrero 2016) kung makita ng FIT na karapat-dapat pa ring
maisali ang mungkahing salita. Ngunit habang hinihintay ang nominasyon, may sariling
pagsubaybay sa mga salita ang FIT. Inililista nila ang mga salitang sa tingin nila ay namayani sa
diskurso ng mga Filipino. Sa isang pulong ng pamunuan, ihaharap ang mga salitang ito upang
pagkuruan ng mga miyembro. Pagkaraan, ilalatag naman ang mga entri na ipinasa ng mga kalahok.
Halos 90% ng nailista ng FIT ay tugma sa ipinapasa ng mga kalahok kaya tila balidasyon na rin ang
magiging resulta ng panawagan sa nominasyon sa kanilang paunang listahan ng mga salita.
Kapag opisyal nang nominado ang salita, hihilingin ang mananaliksik na magsumite ng pinal na
papel (may kompletong saliksik, citation, at sanggunian) at hanggang maaari ay matanggap ito ng
FIT isang buwan bago ang pambansang kumperensiya ng Sawikaan upang magkaroon ng sapat na
panahon ang FIT na suriin ang mga salita. Inaasahan sa kanilang papel na mailahad ang
pakahulugan sa salita, kasaysayan ng salita, silbi o gamit nito sa lipunang Filipino, at ang katwiran
kung bakit ito karapat-dapat na tanghaling salita
https://www.coursehero.com/file/52358987/tanggol-wika-
metodo-at-dalumatppt/
Salita ng Taon
Salita ng Taon
Salita ng Taon
Salita ng Taon
Salita ng Taon
Salita ng Taon
Salita ng Taon
Salita ng Taon
Salita ng Taon
Sawikaan: Salita ng Taon Edisyong Pandemya 2020
Social Distancing 2nd place
Contact Tracing 3rd place
Talasanggunian:
Narvaez, Eilene Antoinette G. (2016). SAWIKAAN:
Isang dekada ng pagpili ng salita ng taon. Maynila:
Komisyon sa Wikang Filipino, Pambansang Komisyon
para sa Kultura at mga Sining.
https://news.abs-cbn.com/focus/multimedia/slidesho
w/08/16/17/mga:salita-ng-taon

You might also like