You are on page 1of 11

2

Dahil dito, sa kabila ng munting kakayahang taglay ng mga

mananaliksik na kahit wala pang karanasan sa gawaing tulad nito, at sa

udyok na rin ng pagpapahalaga sa mga usaping pambansa, naglakas

loob ang mga mananaliksik na suriin ang ilang piling SONA ng mga

nabanggit na Pangulo ng ating bansa upang matukoy kung ano ang mga

mabisang estilo na ginamit sa kanilang pagtatalumpati.

Paglalahad ng Suliranin

Binigyang diin sa pag-aaral na ito ang pagsusuri sa mga unang

SONA o State of the Nation Addressng mga naging Pangulo at ng

kasalukuyang Pangulo ng ating bansa.

Layunin nitong matugunan ang mga sumusunod:

1. Malikom ang unang SONA nina Pangulong Estrada, Arroyo,

Aquino III at Pangulong Duterte.

2. Matukoy ang mga estilo batay sa;

2.1 Antas ng Wika

2.2 Paralanguage

2.2.1 Tinig

 Lakas at hina ng boses

 Bilis o bagal ng pagbigkas

 Timbre
3

2.3 Kinetics

2.3.1 kilos, kumpas ng kamay

2.4 Panuunan ng paningin

3. Maihambing ang pagkakatulad at pagkakaiba ng apat na mga

unang SONA.

Saklaw at Limitasyon ng Pag-aaral

Itinuon ang pag-aaral na ito sa pagsusuri ng mga unang SONA

nina Pangulong Joseph E. Estrada, Gloria M. Arroyo, Benigno Simeon C.

Aquino III, at Rodrigo R. Duterte. Ito ay ang Talumpati sa Kalagayan ng

Bansa o State of the Nation Address (SONA) na kanilang ipinahayag sa

Batasang Pambansa, Lungsod ng Quezon.

Ang mga sinuring talumpati ay ang unang SONA nina Pangulong

Joseph E. Estrada na naganap noong ika-27 ng Hulyo,1998 at ni

Pangulong Gloria M. Arroyo na binigkas noong ika-23 ng Hulyo, 2001.

Susuriin din yaong unang SONA nina Pangulong Benigno Simeon C.

Aquino III na ipinahayag noong ika-26 ng Hulyo, 2010 at ni Pangulong

Rodrigo R. Duterte na binigkas noong ika-25 ng Hulyo, 2016.

Saklaw ng pagsusuring ito ang mga estilong kanilang ginamit sa

pagtatalumpati. Kabilang dito ang antas ng wika, ang paralanguage:

tinig; lakas at hina ng boses, bilis o bagal ng pagbigkas at timbre, ang


4

kinetics; kilos at kumpas ng kamay at ang panuunan ng paningin,

dahilan kung kaya’t mabisa nilang maihatid ang mensaheng nais nilang

iparating sa mamamayang Pilipino. Sinuri din ang pagkakatulad at

pagkakaiba sa mga estilong kanilang binigyang diin upang mas

malaman ng taumbayan kung ano ang pinakasanhi ng problema ng

ating bansa.

Hindi kasama sa isasagawang pag-aaral ang iba pang talumpati ng

mga Pangulong nabanggit na kanilang ipinahayag o binigkas sa iba’t

ibang pampahalaang okasyon.

Kahalagahan ng Pag-aaral

Ang pag-aaral na ito ay hindi lamang para sa mga mananaliksik,

kundi para rin sa iba pang mga mananaliksik, sa mga mag-aaral, sa mga

guro, sa mga nanunungkulan sa pamahalaan at maging sa lahat ng

taong may malasakit at may pagkamakabansa upang mapukaw ang

kamalayang panlipunan ng mga mamamayang Pilipino tungo sa

pagbabago ng bansa.

Para sa mga kapwa mananaliksik upang malaman kung

naisakatuparan ang mga sangkatutak na pangakong binitawan ng mga

Pangulong nabanggit noong mga nagdaang halalan; mga proyektong nais

gawin ng kasalukuyang Pangulo at pagbabagong kayaniyang aksyunan

tungo sa ikauunlad ng bansang Pilipinas.


5

Para samga mag-aaral upang huwag maging mangmang sa mga

nangyayari sa ating ekonomiya. Para malaman kung ano-anong

palatuntunan ang ipinatupad ng bawat pamahalaan at upang

magkaroon ng pagkataong siyasatin kung ito ay nararapat lamang para

sa bayan. Ang mga estudyante ay kailangan ding makialam sa isyung

panlipunan at tumulong upang marating ang tamang landas at

patutunguhan.

Para samga gurong nagtuturo ng Agham Panlipunan sa

Sekundarya, na makadaragdag sa kanilang mabisa at makabuluhang

pagtuturo ng kasaysayan, lipunan at pamahalaan ngating bansa.

Gayundin, para sa mga gurong nagtuturo ng Asignaturang Filipino at

Ingles, sapagkat maaari nila itong gamitin sa kanilang pagtuturo bilang

isa sa mga halimbawa ng panitikan.

Para naman sa mga kawani ng Pamahalaan na may katungkulan

sa bayan, mabisa nilang maisasakatuparan ang mga plano na nais

ipatupad ng Pangulo. Gayundin sa pagtupad sa kanilang sinumpaang

tungkulin at maging tapat sa mamamayang Pilipino.

At salahat ng mamamayang Pilipino na may pakialam sa mga

usaping Pambansa tulad ng mga pangunahing isyu na kinahaharap.

Maaaring siyasatin ang kalagayan ng bansa kung angkop ba ang mga

nagawang hakbang ng mga dating Pangulo at ang mga gagawing


6

hakbang ng kasalukuyang Pangulo upang matugunan ang

pangangailangan ng mamamayan.

Katuturan ng Termino

Upang higit na maunawaan ng mga mambabasa ang pag-aaral na

ito, narito ang mga kahulugan ng mga terminong ginamit at ang

katuturan ng mga ito:

Pagsusuri- Masusing pag-aaral, pag-iiksamen o pagsisiyasat sa

anumang ibig malaman o matuklasan (Aprieto, 1989).

Ito ay ang masusing pagsisiyasat sa mga unang Talumpati sa

Kalagayan ng Bansa o State of the Nation Address (SONA)nina

Pangulong Joseph Estrada, Gloria M. Arroyo, Benigno Simeon C. Aquino

at Rodrigo R. Duterte.

Estilo- Ito ay ang pamamaraan ng manunulat o tagapagsalita sa pagbuo

ng kaniyang akda (Mortera at Sison-Allam, 2013).

Ito ay ang pamamaraang ginamit ng mga Pangulo sa

pagpapahayag ng kanilang Talumpati ukol sa Kalagayan ng Bansa batay

sa antas ng wika, paralanguage, kinetics at panuunan ng paningin.

SONA- The State of the Nation Address (SONA) is a constitutional

obligation and yearly tradition, wherein the chief executive reports

on the status of the country, unveils the government’s agenda for


7

the coming year, and proposes to Congress certain legislative

measures. The President of the Philippines appears before Congress

upon its invitation, for which purpose a joint session is held in the

Session Hall of the House of Representatives

(http://www.officialgazette.gov.ph/past-sona-speeches/ ).

Ang Presidente ng Pilipinas ay naghahayag dito ng kanyang mga

mithiin o mungkahi sa ating mga Kongresista base sa kanyang tingin ay

ang pangkasalukuyang kalagayan ng bansa.

Pangulo- Pinakamataas na pinuno ng isang bansang Republikano

(Aprieto, 1989).

Ang mga pangulong nabanggit sa pag-aaral ay sina Pangulong

Joseph E. Estrada, Gloria M. Arroyo, Benigno Simeon C. Aquino III, at

Rodrigo R. Duterte na pinagkunan ng mga mananaliksik.

Wika- Ang wika ay isang kabuuan ng mga sagisag na panandang

binibigkas na sa pamamagitan nito ay nagkakaunawaan, nagkakaisa at

nagkakaugnay ang isang pulutong ng mga tao (Tumangan, Sr., et al.

1997).

Isa ito sa mga susuriin sa pag-aaral na ito upang matukoy kung

epektibo ba ang pagpapahayag ng apat na pangulo sa ideyang nais

nilang tumbukin.
8

Paghahambing- Pagtingin at Pagsusuri o pagsisiyasat sa dalawa o higit

pang tao, bagay, pook atbp. upang malaman, maipakita o maipakilala

ang kanilang pagkakatulad o pagkakaiba(Aprieto, 1989).

Tinutukoy sap ag-aaral na ito ang pagkakaiba at pagkakatulad sa

mga estilong ginamit ng bawat pangulo upang malaman kung alin ang

mas epektibo para sa mga tagapanood.

Pagkakatulad- Pagkakamukha, pagkakapareho, Pagkakaparis o

pagkakagaya (Aprieto, 1989).

Sinuri sa pag-aaral na ito ang pagkakatulad ng mga estilong

kanilang ginamit upang malaman kung saan sila banda nagkakapareho.

Pagkakaiba- Pagiging hindi magkapareho. Katangian o paraang ikinaiiba

ng anuman sa isa’t isa (Aprieto, 1989).

Ang pagkakaiba ng mga estilong ginamit sa pagtatalumpati ng

apat na pangulo.

Paralanguage- Ito ay ang di-berbal na “tunog” na ating naririnig at

nagsasaad kung paano sinasabi ang isang bagay. Ang paralanguage ay

binubuo ng pitch, bolyum, bilis, at kalidad ng tinig kapag tayo ay

nagsasalita (Badayos, 2008).


9

Nakapaloob dito ang pagbibigay diin sa mga salita, bilis ng

kanilang pagbigkas, paghinto sa loob ng pangungusap, lakas ng

kanilang boses at taginting ng kanilang tinig.

Panuunan ng Paningin- Karaniwan ang panuunan ng paningin ng isang

mambibigkas ay nagsisimula sa gitna at sa gawing likuran

(https://www.scribd.com/doc/154312787/Tesis-sa-Filipino-Thesis-in-

Filipino-Pagsusuri-ng-mga-Talumpati-Analysis-of-Speeches).

Sinuri din ang panuunan ng paningin upang malaman kung ang

paggalaw ng kanilang mga mata o ang kawalan ng paningin sa kausap

ay makatulong o makasira sa isang nagsasalita.

Tinig- Kailangang angkop ito sa partikular na lugar, sitwasyon, at sa

damdamin na nais ipahiwatig ng nagsasalita. Pagbigkas – kailangang ay

maingat din ang pagbibigay ng diin (stress) sa mga salita at sa paghinto

at paghinga sa loob ng pangungusap at talata (Libunao, et al., 2008)

Sinuri ang tinig ng apat na pangulo upang matukoy kung angkop

ba sa kanilang boses ang bilis o bagal at hina o lakas na dapat isaalang-

alang sa mabuting pagpapahayag.

Timbre ng boses- Ang timbre ay isa sa mga elemento ng musika. Ito ay

tumutukoy sa uri ng tunog o tinig. Ang tinig ng mga mang-aawit ay

nahahati sa apat: dalawa para sa babae at dalawa para sa lalake. Ang

tinig ng mga babae ay tinatawag nasoprano at alto. Ang soprano ay tinig


10

na mataas at may kaliitan samantalang ang alto ay mababa at buo ang

boses. Ang dalawang uri ng tinig ng mga lalake ay ang tenor at baho.

Ang tenor ay mataas at medyo matinis. Ang baho naman ay mababa,

malaki at kung minsan ay garalgal (https://www.google.com.ph/search?

q=timbre+kahulugan&rlz=1C1GGRV_enPH757PH758&source=lnms&tbm

=isch&sa=X&ved=0ahUKEwjcjOPt3dXWAhXHfLwKHbSPD3wQ_AUICigB&

biw=1366&bih=662#imgrc=NbbuPA6bqtt-yM:).

Tinukoy ang timbre ng boses ng apat na pangulo upang malaman

kung ano ang uri ng kanilang boses na nahahati sa apat: soprano at alto

sa babae, tenor at baho naman sa lalaki.

Pagbigkas- Paraan ng pagpapalabas sa tunog ng titik, pantig o salita

kasama na ang kalinawan o katatasan(Aprieto, 1989).

Tinukoy sa pag-aaral na ito ang maayos, maganda at tamang

pagbigkas, kung ang kanilang paghinto sa iba’t ibang bahagi ng mga

pahayag ng isang bumibigkas ay nakapagpapadagdag sa kalinawan ng

kanilang sinabi.

Antas ng Wika

Pormal- Ito ay mga salitang istandard dahil ito ay kinikilala,

tinatanggap, ginagamit ng karamihang nakapag-aral sa wika. Ito ay ang

wikang ginagamit ng mga seryoso at komplikadong paksa kung saan

kinakailangan ng maselan na lenggwahe (Villaruel, 2012).


11

Tinukoy sa pag-aaral na ito kung gumamit ba ng mga pormal na

salita ang mga pangulo sa kanilang talumpati.

Pambansa- Mga salitang ginagamit sa mga aklat at babasahing

sumisirkula sa buong kapuluan at lahat ng paaralan. Ito rin ang wikang

ginagamit ng pamahalaan at itinuturo sa paaralan (Villaruel, 2012).

Tinukoy sa pag-aaral na ito ang paggamit ng mga pambansang

salita kung saan ito ay mas naiintindihan at ginagamit ng karamihan.

Pampanitikan- Mga salitang matatayog, malalim, mabigat, makulay at

sadyang mataas ang uri.Ito ang mga salitang ginagamit ng mga

manunulat at mga dalubwika (Villaruel, 2012).

Tinukoy sa pag-aaral na ito ang paggamit ng mga pangulo ng

maretorikang salita sa kanilang talumpati.

Impormal- Ang gamit ng wika ay kaswal at laging nasa himig ng

pakikipag-usap lamang at karaniwan ay palasak na ginagamit sa pang-

araw-araw (Villaruel, 2012).

Tinukoy sa pag-aaral na ito ang paggamit ng mga impormal na

salita kung saan ito ay madalas na ginagamit sa pang-araw-araw.

Lalawiganin- Ito ay ang mga salitang kilala at saklaw lamang ng pook na

pinaggagamitan nito, hindi ginagamit sa labas ng kinamulatang

lalawigan, liban kung sila-sila ay magkatagpo-tagpo sa labas dahil sa


12

nakagisnan, natural na siyang nagiging bukambibig kaagad. Ito ang

tatak ng mga makarehiyonal na kaugalian ng tao (Villaruel, 2012).

Tinukoy sa pag-aaral na ito ang paggamit ng mga pangulo ng

salitang panlalawigan kung saan ito ay ginagamit sa partikular na lugar.

Kolokyal- Ito ay mga pang-araw-araw na salita. Repinado at makinis

kaysa sa salitang balbal. Ito ay pagpapaikli ng isa, dalawa, o higit pang

titik sa salita (Villaruel, 2012).

Tinukoy sa pag-aaral na ito ang paggamit ng mga kolokyal na

salita kung saan ito ay pag-shortcut ng mga salita at karaniwang

ginagamit sa tahanan.

Balbal- Katumbas nito sa Ingles ay “slang”. Sa mga grupo-grupo

nagsimula o nagpakalat ng mga ganitong uri ng salita. Inimbento ang

ganitong mga salita upang maging “code” at hindi maintindihan ng iba

ang kanilang pinag-uusapan. Kilala rin ang mga ito bilang mga salitang

kanto, salitang lansangan, salitang estudyante o “teen-age lingo,” “gay

lingo” mula sa lipunan ng mga homosexual (Villaruel, 2012).

Tinukoy sa pag-aaral na ito ang paggamit ng mga pangulo ng

salitang pabalbal kung saan ito ay mga salitang pang-kanto.

You might also like