You are on page 1of 12

I.

INTRODUKSIYON

Isa sa dalawang anyo ng panitikan ang tuluyan. Ang panitikang tuluyan


ay kakikitaan ng payak at tuwirang paglalahad ng kaisipan sapagkat
sinumang sumusulat ng akdang nasa anyong tuluyan ay parang nakikipag-
usap lamang sa mambabasa (Aguilar, et al., 2006). Nagpapakita lamang ito
ng mga karaniwang tagpo o pangyayari sa buhay ng bawat indibidwal, ng
mag-anak, at ng lahat ng nananahan sa isang pamayanan (Pineda at
Villavicencio, 2010).
Kabilang ang talumpati sa mga panitikang nasa anyong tuluyan. Ito ay
naglalayong mag-ulat ng katotohanan at gumamit ng lohikal na
pangangatuwiran sa pamamaraang nanghihikayat, nagbibigay ng
impormasyon, nagpapaliwanag, nangangatuwiran o nanlilibang (Patron
(2002), Palazo at Panas, (2001).
Isang halimbawa ng talumpati ang Talumpati sa Kalagayan ng Bansa o
State of the Nation Address (SONA) ng mga naging Pangulo ng bansa. Bilang
isang likhang sining, maaaring suriin ang nilalaman ng isang talumpati. Sa
pamamagitan ng gawaing ito, magkakaroon ng mabisang kabatiran at
makabuluhang paghatol ang mga mambabasa at tagapakinig sa mga
kaisipang makikita at nais ipabatid sa isang talumpati.

II. MGA LAYUNIN

Binigyang-diin sa pag-aaaral ang pagsusuri sa ilang piling talumpati ng


mga naging pangulo ng bansa. Nilayon ng pag-aaral na matugunan ang
sumusunod na mga katanungan:

1. Ano ang nilalaman ng mga piling talumpati ng iba’t ibang naging


pangulo ng bansa na may kinalaman sa kanilang:

1.1. saloobin;
1.2. pagpapahalaga sa pagka-Pilipino;
1.3. pakikipag-ugnayang pangmasa;
1.4. pagkamakabansa; at
1.5. pamamahala
2. Anong mga pamamaraan ang ginamit sa mga talumpati tungo sa iba’t
ibang layunin ng paghahatid ng mensahe?
3. Anong paksa ang karaniwang binibigyang-diin sa mga talumpati?

III. ABSTRAK NG PANANALIKSIK


Ang pananaliksik na may pamagat na “Mga Piling Talumpati ng Iba’t
Ibang Pangulo ng Pilipinas: Isang Pagsusuri” ay isang andergradweyt tesis
nina Rechelle B. Almendral, Ma. Kristina Cassandra R. Evora at Abner S.
Hermoso ng Pambansang Pamantasan ng Batangas noong taong 2013.
Nilayon ng pag-aaral na mabatid ang mga nilalaman ng mga piling
Talumpati sa Kalagayan ng Bansa o State of the Nation Address (SONA) ng
mga dating pangulong sina Corazon C. Aquino, Fidel V. Ramos, Joseph E.
Estrada, Gloria M. Arroyo at Benigno Simeon C. Aquino III: ito ay ang kani-
kanilang saloobin, pagpapahalaga sa pagka-Pilipino, pakikipag-ugnayang
pangmasa, pagkamakabansa at pamamahala sa bansa.
Gayundin, nilayon ng pag-aaral na ito na malaman ang mga
pamamaraang ginamit ng mga pangulong nabanggit tungo sa iba’t ibang
layunin ng paghahatid ng mensahe at mabatid ang mga paksang karaniwang
binibigyang-diin sa talumpati ng mga pangulo.
Gumamit ang mga mananaliksik ng kwalitatibo o qualitative na
disenyong palarawan (descriptive) at pasuri (analytical) sa kanilang
pagsusuri. Sinuri ang mga talumpati gamit ang pagsusuring pangnilalaman o
content analysis at ang Teorya ng Pagbasa (Reader’s Response Theory).
Mula sa naging pagsusuri, natuklasan ang mga sumusunod:

1. Mga Nilalaman ng mga Piling Talumpati

1.1. Saloobin. Corazon C. Aquino: Nagpahayag ng pag-asa’t paniniwala na


balang araw ay mapagtatagumpayan ng bansa ang mga suliraning
nararanasan nito. Fidel V. Ramos: Ibinahagi sa taumbayan ang mga
proyektong balak niyang ilunsad at ang kaniyang mga pananaw sa
mahahalagang pangyayaring naganap sa labas ng bansa. Joseph E.
Estrada: Nagpahayag ng determinasyong makapaglingkop nang tapat sa
taumbayan. Gloria M. Arroyo: Pinasaringan ang kaniyang mga kalaban sa
politika. Benigno Simeon C. Aquino III: Nagpahayag ng pagkainis sa mga
taong walang napapansin sa mga proyektong isinagawa ng kaniyang
administrasyon.

1.2. Pagpapahalaga sa pagka-Pilipino. Corazon C. Aquino: Pinuri ang


mga positibong pag-uugaling taglay ng mga Pilipino. Fidel V. Ramos:
Hinikayat ang Kongreso na pagtibayin ang isang panukalang batas na
mangangalaga sa kultura ng mga kababayan nating Igorot na naninirahan sa
Cordillera. Joseph E. Estrada: Pinuri ang mga positibong pag-uugaling
taglay ng mga Pilipino. Gloria M. Arroyo: Inihalintulad ang pagkatao ng mga
Pilipino sa kabayanihang ipinamalas nina dating Pangulong Corazon C.
Aquino at Gat Andres Bonifacio. Benigno Simeon C. Aquino III: Sinabing
kung magtutulungan ang bawat Pilipino ay hindi malayong makamtan ng
bansa ang minimithing kaunlaran.

1.3. Pakikipag-ugnayang Pangmasa. Corazon C. Aquino: Sinabing higit


niyang ipinananalangin ang kapakanan ng taumbayan kaysa sa kaniyang
sarili. Fidel V. Ramos: Nagsalita gamit ang katutubong wika ng mga taga-
Cordillera upang madama nilang sila’y ‘di pinababayaan ng pamahalaan.
Joseph E. Estrada: Ipinabatid sa mga Muslim na naninirahan sa Mindanao
ang tulong na kaniyang ipinaabot doon. Gloria M. Arroyo: Inanyayahan ang
ilang mamamayang natulungan ng kaniyang administrasyon na magpunta sa
Kongreso at makinig sa kaniyang SONA. Benigno Simeon C. Aquino III:
Nagpalabas ng video na nagpapakita sa kalagayan ng ilang mamamayang
natulungan ng kaniyang pamunuan.

1.4. Pagkamakabansa. Corazon C. Aquino. Nagpahayag ng masidhing


mithiing makapaglingkod nang tapat sa taumbayan. Fidel V. Ramos.
Bingiyang-diin ang pagpapanatili at pagpapayaman ng demokrasyang
tinatamasa ng bansa. Joseph E. Estrada: Hinikayat ang taumbayan na
kumilos kasabay ng pamahalaan upang solusyonan ang mga suliraning
panlipunan. Gloria M. Arroyo: Nagpahayag ng masidhing mithiing
makapaglingkod nang tapat sa taumbayan. Benigno Simeon C. Aquino III:
Sinabing patuloy niyang mamahalin at paglilingkuran ang bansa sa
pamamagitan ng paglulunsad ng mga programa at proyektong makatutulong
sa bawat Pilipino.
1.5. Pamamahala. Corazon C. Aquino: Tiniyak na paglilingkuran nang tapat
ang sambayanang Pilipino hanggang sa siya’y bumaba sa tungkulin. Fidel V.
Ramos: Tiniyak na paglilingkuran nang tapat ang sambayanang Pilipino
hanggang sa siya’y bumaba sa tungkulin. Joseph E. Estrada: Hinimok ang
Kongreso na ipasa ang ilang panukalang batas na sa palagay niya ay lubha
at kailangan nang ipatupad. Gloria M. Arroyo: Tiniyak na paglilingkuran nang
tapat ang sambayanang Pilipino hanggang sa siya’y bumaba sa tungkulin.
Benigno Simeon C. Aquino III: Sinabing ginagawa lamang niya yaong mga
pagbabagong ibig mangyari ng mga Pilipino sa bansa.

2. Mga Pamamaraang Ginamit sa Talumpati. Corazon C. Aquino:


Nagsimula sa pagbati at binigkas ang isang tulang isinulat ng kaniyang
asawang si Benigno Simeon “Ninoy” Aquino, Jr. Fidel V. Ramos: Nagsimula
sa pagbati, bumanggit ng mga sanggunian upang patotohanan ang ilang
paksang kaniyang ipinahayag. Joseph E. Estrada: Nagsimula sa pagbati
Nagsimula sa pagbati, bumanggit ng mga sanggunian upang patotohanan
ang ilang paksang kaniyang ipinahayag at binigkas ang SONA sa wikang
Filipino. Gloria M. Arroyo: Nagsimula sa panalangin at nagpalabas ng
maraming video. Benigno Simeon C. Aquino III: Nagsimula sa pagbati,
bumigkas ng isang kasabihan o quotation, nagpalabas ng video at ipinahayag
ang SONA sa wikang Filipino.

3. Mga Paksang Karaniwang Binigyang-diin. Ang mga nagawang


pagbabago tungo sa ikauunlad ng ekonomiya ang pinakakaraniwang paksang
ipinahayag ng mga pangulo sa kani-kanilang SONA. Marami ring mga
usaping pang-edukasyon, pang-ekonomiya, pangkalikasan, pangkalusugan,
pampolitika at panseguridad ang inilahad ng mga pangulo. Ipinahayag nila sa
mga paksang nabanggit ang ang mga suliraning nakapaloob dito at ang mga
hakbang na kanilang isinagawa upang ito ay masolusyonan.

IV. PAMAMARAAN
Ginamit sa pag-aaral ang palarawan o qualitative na disenyong
palarawan (descriptive) at pasuri (analytical) upang maipakita at maipabatid
ang mga katotohanan, nilalaman, pinapaksa at katangian ng mga piling
talumpati ng ilan sa mga naging pangulo ng bansa.
Ang sinuring talumpati sa pag-aaral ay ang sumusunod: Ikalimang
SONA ni Corazon C. Aquino (Hulyo 22, 1991), Ikaanim na SONA ni Fidel V.
Ramos (Hulyo 28, 1997), Unang SONA ni Joseph E. Estrada (Hulyo 27,
1998), Ikasiyam na SONA ni Gloria M. Arroyo (Hulyo 27, 2009) at Ikatlong
SONA ni Benigno Simeon C. Aquino III (Hulyo 23, 2012).
Minabuting piliin ng mga mananaliksik ang limang sunod-sunod na mga
pangulo ng bansa at pumili nang tig-iisa nilang SONA. Ang mga sipi ng SONA
na sinuri ay hinango sa opisyal na website o gazette ng pamahalaan. Binasa
at sinuri ng mga mananaliksik ang mga SONA ayon sa kahingian ng pag-
aaral. Upang makakalap ng sapat na impormasyon at iba pang mga datos na
makatutulong sa pag-aaral, nagsagawa ng pananaliksik ang mga
mananaliksik sa Silid-Aklatan ng Pambansang Pamantasan ng Batangas,
Silid-Aklatan ng Pamantasang Normal ng Pilipinas at sa Pambansang Aklatan
o National Library na makikita sa kabisera ng bansa. Bilang bahagi ng
makabagong paraan ng pananaliksik, nangalap din ng karagdagang
impormasyon ang mga mananaliksik sa internet.
Naging gabay sa pag-aaral ang Teorya ng Pagbasa o Reader’s
Response Theory. Ayon sa teoryang ito, ang mambabasa bilang aktibong
tagapaglikha ng kahulugan ay maaaring makapagbigay ng kaniyang opinyon
sa kaniyang binasa o nabasa (Reyes, 1992). Gumamit din ng pagsusuring
pangnilalaman o content analysis para sa sistematikong pag-aanalisa at pag-
aaral ng mga tematiko at simbolikong elemento ng talumpati upang malaman
ng mga mananaliksik ang saloobin, pagpapahalaga sa pagka-Pilipino,
pakikipag-ugnayang pangmasa, pagkamakabansa at pamamahala ng piling
naging pangulo ng bansa. Inalam din sa pag-aaral ang mga pamamaraang
ginamit ng mga pangulo sa kanilang talumpati, maging ang mga paksang
karaniwang binibigyang-diin ng kanilang talumpati.

V. PAGPAPALIWANAG
Batay sa pagsusuring ginawa ng mga mananaliksik sa SONA o
talumpati ng piling pangulo ng bansa, natuklasan ang mga sumusunod na
tala:

1. Mga Nilalaman ng Piling Talumpati

1.1. Saloobin

Corazon C. Aquino (pagpapahayag ng pag-asa’t paniniwalang


mapagtatagumpayan ng bansa ang mga suliraning kinakaharap;
pagpapatuloy sa mga proyektong isinagawa ng kaniyang administrasyon;
pasasalamat sa mga proyektong isinagawa ng Lehislatibo at ng taumbayan;
pamamaalam sapagkat nakatakda na siyang bumaba sa tungkulin at nais
niyang iagpatuloy ng susunod na pangulo ang kaniyang nasimulan)
Fidel V. Ramos (pagsasabi ng mga proyektong isasakatuparan ng
kaniyang pamunuan; paglalahad ng mga pansariling pananaw sa
mahahalagang pangyayaring naganap sa labas ng bansa; pagpapatuloy sa
mga proyektong inilunsad ng kaniyang administrasyon; pasasalamat sa mga
proyektong isinagawa ng Lehislatibo at ng taumbayan; pamamaalam
sapagkat nakatakda na siyang bumaba sa tungkulin at nais niyang
ipagpatuloy ng susunod na pangulo ang kaniyang nasimulan)
Joseph E. Estrada (pagpapahayag ng determinasyong
makapaglingkod nang tapat sa taumbayan; pagpapatuloy sa mga proyektong
inilunsad ng kaniyang administrasyon; pasasalamat sa mga proyektong
isinagawa ng Lehislatibo at ng taumbayan)
Gloria M. Arroyo (‘di magandang saloobin sa mga kalaban niya sa
politika kung kaya’t mga pasaring at patutsada ang ipinarinig niya sa mga ito;
pagpapatuloy sa mga proyektong inilunsad ng kaniyang administrasyon;
pasasalamat sa mga proyektong isinagawa ng Lehislatibo at ng taumbayan;
pamamaalam sapagkat nakatakda na siyang bumaba sa tungkulin at nais
niyang ipagpatuloy ng susunod na pangulo ang kaniyang nasimulan)
Benigno Simeon C. Aquino III (pagkainis sa mga taong hindi
pinahahalagahan yaong mga proyektong isinagawa ng kaniyang pamunuan;
pagpapatuloy sa mga proyektong inilunsad ng kaniyang administrasyon;
pasasalamat sa mga proyektong isinagawa ng Lehislatibo at ng taumbayan)

1.2. Pagpapahalaga sa pagka-Pilipino

Corazon C. Aquino (pagbibigay-puri sa mga positibong pag-uugaling


taglay ng mga Pilipino)
Fidel V. Ramos (panghihikayat sa Kongreso na ipasa ang isang
espisipikong panukalang batas; paglalahad ng mga pansariling pananaw sa
mahahalagang pangyayaring naganap sa labas ng bansa)
Joseph E. Estrada (pagbibigay-puri sa mga positibong pag-uugaling
taglay ng mga Pilipino)
Gloria M. Arroyo (paghahalintulad sa mga kapuri-puring katangian nina
Gat Andres Bonifacio at Pangulong Corazon Aquino sa pagkatao ng mga
Pilipino; panghihikayat sa mga Pilipino na magtulungan upang makamit ang
minimithing kaunlaran; pagbibigay-puri sa mga positibong pag-uugaling taglay
ng mga Pilipino)
Benigno Simeon C. Aquino III (panghihikayat sa mga Pilipino na
magtulungan upang makamit ang minimithing kaunlaran; pagpapahalaga sa
mga Pilipino na itinuturing niyang boss)

1.3. Pakikipag-ugnayang Pangmasa

Corazon C. Aquino (pagsasabing higit niyang ipinagdarasal ang


kapakanan ng bansa kaysa sa kaniyang sarili)
Fidel V. Ramos (paggamit ng mga katutubong wika ng mga naninirahan
sa Cordillera)
Joseph E. Estrada (pagpapaabot ng tulong sa mga kababayang
Muslim na naninirahan sa Mindanao)
Gloria M. Arroyo (pag-anyaya sa ilang mamamayang natulungan ng
kaniyang administrasyon na dumalo at makinig sa kaniyang SONA)
Benigno Simeon C. Aquino III (pagpapakita ng video na nagpapakita
ng ilang mamamayang natulungan ng kaniyang pamunuan)

1.4. Pagkamakabansa

Corazon C. Aquino (paglilingkod nang tapat sa mamamayang Pilipino)


Fidel V. Ramos (pagpapahalaga sa demokrasya ng bansa)
Joseph E. Estrada (panghihikayat sa taumbayan na kumilos kasabay
ng pamahalaan upang masolusyonan ang mga suliranin ng bansa)
Gloria M. Arroyo (paglilingkod nang tapat sa mamamayang Pilipino;
pagpapahalaga sa demokrasya ng bansa)
Benigno Simeon C. Aquino III (patuloy niyang mamahalin ang bansa
sa pamamagitan ng paglulunsad ng mga programang makatutulong sa
taumbayan)

1.5. Pamamahala

Corazon C. Aquino (paglilingkod nang tapat sa bayan hanggang sa


sumapit ang araw nang pagbaba niya sa tungkulin; pagbabalik-tanaw sa mga
nagawang proyekto ng kaniyang administrasyon; pagpasa ng mga
panukalang-batas na sa palagay niya ay lubhang kailangan)
Fidel V. Ramos (paglilingkod nang tapat sa bayan hanggang sa sumapit
ang araw nang pagbaba niya sa tungkulin; pagpasa ng mga panukalang-
batas na sa palagay niya ay lubhang kailangan)
Joseph E. Estrada (pagbabalik-tanaw sa mga nagawang proyekto ng
kaniyang administrasyon; pagpasa ng mga panukalang-batas na sa palagay
niya ay lubhang kailangan)
Gloria M. Arroyo (pagtatanggol ng kaniyang pamunuan laban sa mga
bumabatikos; paglilingkod nang tapat sa bayan hanggang sa sumapit ang
araw nang pagbaba niya sa tungkulin; pagbabalik-tanaw sa mga nagawang
proyekto ng kaniyang administrasyon; pagpasa ng mga panukalang-batas na
sa palagay niya ay lubhang kailangan)
Benigno Simeon C. Aquino III (paglilingkod nang tapat sa bayan
hanggang sa sumapit ang araw nang pagbaba niya sa tungkulin; pagbabalik-
tanaw sa mga nagawang proyekto ng kaniyang administrasyon; pagpasa ng
mga panukalang-batas na sa palagay niya ay lubhang kailangan)

2. Mga Pamamaraang Ginamit sa Talumpati Tungo sa Iba’t ibang


Layunin sa Paghahatid ng Mensahe

Corazon C. Aquino: Nagsimula sa pagbati at binigkas ang isang tulang


isinulat ng kaniyang asawang si Benigno Simeon “Ninoy” Aquino, Jr.
Fidel V. Ramos: Nagsimula sa pagbati, bumanggit ng mga sanggunian
upang patotohanan ang ilang paksang kaniyang ipinahayag at binigkas ang
SONA sa wikang Filipino.
Joseph E. Estrada: Nagsimula sa pagbati Nagsimula sa pagbati,
bumanggit ng mga sanggunian upang patotohanan ang ilang paksang
kaniyang ipinahayag at binigkas ang SONA sa wikang Filipino.
Gloria M. Arroyo: Nagsimula sa panalangin at nagpalabas ng
maraming video.
Benigno Simeon C. Aquino III: Nagsimula sa pagbati, bumigkas ng
isang kasabihan o quotation, nagpalabas ng video at ipinahayag ang SONA
sa wikang Filipino.

3. Mga Paksang Karaniwang Binigyang-diin

Corazon C. Aquino (mga pinsalang idinulot ng mga bagyo, 1991 Luzon


Earthquake at pagsabog ng Bulkang Pinatubo; pagbaba ng unemployment
rate at pagtatatag ng mga proyektong pang-industriya; pagpapaunlad ng
serbisyong pangkalusugan, pabahay at serbisyong pang-edukasyon;
pangangalaga sa likas na yaman at pagpapaunlad ng mga repormang pang-
agraryo; pagpapahalaga sa pakikilahok o pagboto sa halalan)
Fidel V. Ramos (pagtaas ng GNP, per capita income, mga produktong
iniluluwas at bilang ng mga mamamayang may hanapbuhay; pagpapanatili ng
kaayusan at kapayapaan ng Pilipinas at mga karatig-bansa; pagsugpo sa
krimen, korapsiyon at illegal na droga; pagpapataas sa kalidad ng edukasyon;
pangangalaga sa kalikasan; pagtalakay sa pole-vaulting strategy)

Joseph E. Estrada (pagbaba ng bahagdan ng aning palay at mais;


kakulangan ng sapat at maayos na hanapbuhay; limitadong pondo para sa
ikauunlad ng edukasyon; pagkaubos ng kaban ng bayan dahil sa korapsiyon;
pagpapababa sa interest at pagpapabilis sa daloy ng pananalapi at negosyo;
pagpapatupad ng total log ban; pagkakaloob ng scholarship sa mga piling
mag-aaral; pagsugpo sa krimen at ilegal droga)

Gloria M. Arroyo (katatagan ng ekonomiya sa kabila ng resesyong


nagaganap sa ibang bansa; pagpapataas sa kalidad ng edukasyon;
pagpapahalaga sa kabayanihang ipinamalas ng mga OFW; pagkakaloob ng
trabaho sa mga Pilipino; paghahanda sa anumang natural disaster na
maaaring mangyari; pagpapairal ng kaayusan at kapayapaan sa bansa)

Benigno Simeon C. Aquino III (pagpapaunlad ng ekonomiya;


pagkakaloob ng pondo para sa mga pambansang kolehiyo at Pamantasan;
pagkakaloob ng mga trabaho sa mga Pilipino; pagpapaunlad ng
imprastraktura at agrikultura; paglakas ng turismo at pagpapalawak ng suplay
ng koryente sa bansa; pagsugpo sa krimen at pagpapalakas sa hukbong
sandatahan; paghahanda sa anumang natural disaster na maaaring
mangyari)

VI. KONGKLUSYON

Batay sa kinalabasan ng pag-aaral, inilahad ng mananaliksik ang


sumusunod na mga kongklusyon:
1. Lumabas sa isinagawang pag-aaral na nagtataglay ng iba’t ibang
saloobin, pagpapahalaga sa pagka-Pilipino, pakikipag-ugnayang pangmasa,
pagkamakabansa at pamamahala ang mga piling SONA ng mga naging
pangulo ng bansa.
2. Gumamit ng iba’t ibang pamamaraan sa paghahatid ng mensahe ang
mga pangulo sa kanilang pagtatalumpati. Silang lahat ay nagsilbi o naging
huwaran ng isang mahusay na mananalumpati.
3. Ang mga paksang kadalasang binigyang-diin sa SONA ng mga
pangulo ay ang mga usapin o isyung may kinalaman sa ekonomiya,
edukasyon, kalikasan, kalusugan, politika at seguridad.

VII. MGA SANGGUNIAN

a. Mga Aklat

Aguilar, Reynaldo L., et al. (2006) Panitikan ng Pilipinas (Rehiyunal na


Pagdulog). Lungsod ng Makati: Grandwater Publications.

Arrogante, Jose A. (2003) Retorika sa Mabisang Pagpapahayag.


Lungsod ng Mandaluyong: National Book Store.

Igoy, Judy Imelda L. at Apolinario S. Saymo (2004) Effective Speech


Communication in Various Situation. Meycauayan, Bulacan: Trinitas
Publishing, Inc.

Padilla, Mely M., et al. (2003) Speech for Effective Communication.


Meycauayan, Bulacan: Trinitas Publishing, Inc.

b. Diksiyonaryo

Almario, Virgilio S. (2010) U.P. Diksiyonariyong Filipino. Ikalawang


Edisyon. Lungsod ng Quezon: University of the Philippines Press at Anvil
Publishing House.

You might also like