You are on page 1of 3

Ang progresivismo ay isang uri ng pilosopiya.

Ipaliwanag ang pilosopiyang


progresivismo ng edukasyon at magbigay ng limang hakbang ng isang progresibong
klasrum na nakasentro sa mag-aaral. ( 5 puntos)

Anong uri ng pilosopiya ang iyong tinatahak sa edukasyon? Ano ang dapat mong
isaalang-alang? Ipaliwanag. (5 puntos)

Sa pang-araw-araw na buhay ng mga Pilipino ay mas kapansin-pansin ang


pragmatikong pananaw at tinitingnan ang direksyon ng edukasyon bilang paraan para
makapagtrabaho sa ibang bansa. At ang masakit pa nito ayon kay Quito sa kanyang
artikulo “Pilosopiya ng Edukasyon sa Diwang Filipino” (1985) “ang pinakamasamang
maaaring mangyari sa isang bansa lalo na sa Third World gaya ng Pilipinas ay ang
walang humpay na paglisan at pananatili sa ibang bansa ng kanyang mga
propesyonal.” Tukuyin ang mga dahilan ng paglisan ng mga propesyonal nating
kababayan? Magbigay ng limang dahilan at ipaliwanag (5 puntos).

Ano ang iyong opinyon sa iba’t ibang Pilosopiya? Pumili ng dalawa o higit pa upang
ipaliwanag. (5 puntos)

Sa ganang akin, mahalaga ang magkaroon ng mga pilosopiyang pang-


edukasyon na nagsisilbing gabay para sa mas maayos na proseso ng pagtuturo at
pagkatuto. Ang sumusunod ay ilan sa mga pilosopiyang aking napili. Una, ang
pilosopiyang Eksistensiyalismo na nagsasabing “ang lahat ng tao ay may kalayaan sa
pagpili; ang hindi pagpili ay isa pa ring pagpili.” Para sa akin mahalaga ang pilosopiyang
ito dahil binibigyan nito ng pagkakataon ang isang tao na magdesisyon para sa
kaniyang sarili, marapat lamang na tanggapin niyang bukal sa loob ang kahihinatnan ng
mga desisyon niyang ito. Pangalawa, ang teoryang Constructivism na nagsasabing ang
pagkatuto ay parehong kognitibo at nangangailangan ng sosyal na interaksiyon. Ibig
sabihin lamang nito, ang bawat indibidwal ay dapat may pagsusumikap na matuto sa
kaniyang sarili. Kinakailangan din ang kooperasyon o tulong mula sa ibang tao upang
mapalago o madagdagan ang mga kaalamang ito.

Para sa akin, ang pilosopiyang pang-edukasyon ay ang Constructivism. Ayon sa


teoryang ito, ang pagkatuto ay isang panghabambuhay na prosesong sosyal at
pansarili. Ayon nga sa kasabihang Ingles, “life is an endless learning.” Sa pagtahak at
pagsunod ko sa pilosopiyang ito, marapat lamang na ako ay maging bukas sa mga
pagbabago sa aking paligid. Dapat ding magkaroon ako ng bukas na isipan sa mga
bagay-bagay at sa mga pangyayari sa aking paligid. Bilang isang guro naman,
nararapat na ilayo ko ang aking sarili sa tradisyonal na paraan ng pagtuturo (mula sa
pagiging sage on the stage patungo sa pagiging facilator of learning) at magbigay ng
varied o magkakaibang gawain sa mga mag-aaral sa panahon ng pagkaklase. Dagdag
pa rito, kinakailangan din na magkaroon ako ng sapat na kaalaman sa ugali maging sa
paraan ng pagkatuto ng aking mag-aaral nang sa gayon ay mas maging produktibo ang
proseso ng pagtuturo at pagkatuto.

Ang progressivism ay teoryang naniniwala na ang bawat mag-aaral, ang mga


pagbabago at pag-unlad ay mahalaga sa pag-aaral. Binibigyang pokus ng teoryang ito
ang pangangailangan, mga interes, karanasan at kakayahan ng mag-aaral.
Sa isang progresibong klasrum ay ginagawa ang sumusunod:
1. Isinasaalang-alang ang kakayahan ng mag-aaral. 2. Binibigyang emphasis o diin ang
konsepto ng “learning by doing.” 3. Integrasyon sa kurikulum ng tematikong pagkatuto
(thematic teaching) sa iba’t ibang asignatura. 4. Ang pagkakaroon ng kolaboratibo at
kooperatibong pagkatuto (collaborative and cooperative learning) at 5. Iniiwasan ang
pagtuturong tradisyonal at itinatampok ang paggamit ng mga makabagong teknolohiya
at kaparaaanan sa pagtuturo.

Para sa akin ang limang dahilan ng mga propesyonal nating kababayan ay ang mga
sumusunod:
1. Pera (Hindi maitatangging ito ang isa sa pangunahing dahilan ng pangingibang
bayan ng ating mga propesyonal. Marahil ito ay sa kadahilanang sa ibang bansa
ay mas malaki ang nagiging sahod sa trabaho.)
2. Kakulangan sa Trabaho (Sa Pilipinas ay masasabing marami ang nagtatapos ng
kurso at nakapapasa sa board exams, ngunit maliit lamang ang bilang ng mga
trabahong iniaalok sa ating mga propesyonal na kababayan.)
3. Job Mismatch (Isa pa rin ito sa dahilan dahil hindi angkop ang napapasok o
nakukuhang trabaho ng ilan sa ating mga kababayan. May mga nakapagtapos
ng mga kurso ngunit nauuwi sa pagpasok sa call-center jobs. Kalaunan, mas
pinipili nilang mangibang bayan upang makapagtrabaho ng kursong kanilang
napagtapusan.)
4. Mas Malaking Oportunidad para sa Maginhawang Bukas (Marami sa ating mga
propesyonal ang nag-aasam na mangibang-bansa upang makipagsapalaran at
subukan ang kanilang swerte sa buhay. Dagdag pa rito, may mga karagdagang
paahod kagaya na lamang ng “overtime pay” at “incentive bonuses.”

5. Mas maayos na aspektong pang-edukasyon at pangkalusugan (Marami sa ating


mga propesyonal na kababayan ang naghahangad ng mayos na edukasyon o
kalusugan para sa kanilang kapamilya. Sa ibang bansa, maraming benepisyong
iniiaalok ang gobyerno kagaya na lamang sa aspektong pangkalusugan at pang-
edukasyon.)

You might also like