You are on page 1of 94

YUNIT I

WIKA: KASANGKAPAN SA KOMUNIKASYON

Pangkalahatang Layunin

Nakagagamit ng angkop na wika/salita sa pagpapakahulugan sa wika,


kultura at lipunan.

Tiyak na Layunin:

1. Naipaliliwanag ang iba’t ibang katuturan ng wika, katangian,


katungkulan at gamit nito.
2. Natutukoy ang ilang termino na may kaugnayan sa wika, kultura at
lipunan.
3. Naiisa-isa ang mga pananaw ng wika sa lipunan.

Introduksyon

Nabubuhay tayo sa
daigdig ng mga salita
(Fromkin at Rodman, 1983).

Ang wika ay kasangkapan ng pakikipagtalastasan. Tunay ngunit hindi


kasangkapang mekanikal at kagamitan ang isang wika. Ito’y tagapagdala ng mga
ideya. Naiimpluwensiyahan nito ang ugali ng tao, ang isip at damdamin. Ang
wika’y instrumento ng paglikha ng makabuluhan at malikhaing pag-iisip.
Samakatuwid, upang magamit sa sukdulang kagamitan ng wika, dapat itong

Fil. 1 Wika at Kultura sa Mapayapang Lipunan Pahina 1


mahawakan nang buong husay, maangkin ng ganap. Ang mahina at di ganap na
bunga ng paggamit ng naturang wika.

Matalik na magkaugnay ang wika sa karunungang pantao, at ang


karunungang pantao ay napakahalaga sa buhay ng tao. Ang pagkakaroon ng
wika’y isang katangiang ikinaiiba ng tao sa iba pang mga kinapal ng Diyos.
Mayroon siyang wikang kasangkapan sa kanyang lipunang pinamamayanihan ng
katwiran at gantihang pakinabang.
Matalik na magkaugnay ang wika at kultura. Taglay ng wika ang kultura
ng lipunang pinag-uugatan ng wikang iyon. Ang isang kultura’y naipahahayag
nang matapat at likas sa wikang kakambal ng naturang kultura. Subuking ilipat
ang isang wika sa lupaing dayo. Ihasik at palaganapin ang wikang iyon, at
makikitang kasamang sisibol at yayabong ang naturang wika ang kulturang
kakambal. Ilakip ang wikang iyon sa wikang ng mga katutubo at makikitang
malulupig ang wika at kulturang sarili ng naturang mga katutubo.
Ang wika ay hindi isang behikulo lamang sa paghahatid ng kaisipan na
masasabing katulad ng isang kotseng naghahatid ng pasahero sa nais puntahan.
Ang mga kaisipan ay nakalangkap sa wika. Sagisag ang wika; dungawan ng
kultura at lipunan ng wikang iyon. Ito ang dahilan kung bakit ang sariling wikang
panlahat ay pinili ng makabagong lipunan na tagapagpahayag ng kanilang
pambansang pagkakakilanlan at buklod pa rin ng pagkakaisang panlahi.
Pinanghahawakan natin ang pananalig. Ang sariling wikang buklod ng
pambansang pagkakaisa at pahayag ng pagkakakilanlang pambansa.
Balido pa rin ang sinabi ni Rizal. Aniya:
“…… Ang bawat bansa ay dapat may kani-kanilang sariling wikan nang ayon sa
sariling damdamin. Ano ang iyong malilikha, ang ilan sa inyong nagsasalita sa Kastila
(Ingles)? Ang patayin ang inyong diwang sarili; ipailalim ang isip sa kaisipan ng iba at sa
halip maging Malaya ay gawing mga alipin ang inyong sarili.”
“….. Inyong nalimutan na habang pinapanatili ang sariling wika,
napapangalagaan nito ang kaligtasan ng kanyang kalayaan tulad ng pagsasaisip niya sa
sariling pamamaraan ng pag-iisip. Ang wika ay kaisipan ng mamamayan”.

Fil. 1 Wika at Kultura sa Mapayapang Lipunan Pahina 2


“ ….. Paunlarin mo… ang wikang sarili, palaganapin ito, bayaang mapangalagaan
ang sariling kaisipan at sa halip na magkaroon ng lunggatiing panlalawigan lamang, dapat
magkaroon ng kaisipang nayuyungyunmgan ng iba, magpaunlad ka ng kaisipang
malalaya..”
ARALIN 1. DEPINISYON NG WIKA

Ang wika ay isang kodigo ng pakikipagtalastasang karaniwang ginagamit


ng ilang grupo ng taong kumakatawan sa isang lahi o bansa tungo sa pag-ukit
ng isang malaya at maunlad na bansa o sa pagpapatatag nito. Sa wika,
nagkakaisa ang kaisipan, damdamin at adhikain ng bawat mamamayan. Sa
pamamagitan ng wika, naitatala at naihahayag ng tao ang mga karanasan at
kasaysayan ng sinaunang panahon. Sa wika, nasasalamin ang mga pangyayari
sa lipunang kanyang ginagalawan. Naipapahayag ng tao ang kanyang malaon
nang pag-ibig o galit at pagkasuklam na nagiging daan ng paghihirap ng
kanyang loob. Ang wika ang siyang puno’t dulo ng mga pangyayaring
kinasasangkutan ng tao sa lipunang kanyang kinabibilangan. Sa pamamagitan
ng wika, nakikipag-usap at napapalapit ang tao sa kanyang kapwa, bayan at higit
sa lahat, sa ating Poong Maykapal. Bihisan mo man ng hiyas, ginto at palamuti
ang isang tao ay mistula pa ring alipin o damong ligaw kapag ito’y walang
masasabing sariling wika.

Depinisyon o Katuturan ng Wika Ayon sa Iba’t ibang Dalubhasa

Instrumento ng tao ang wika sa pagpapahayag ng kanyang sarili para


makamit ang mithiin at adhikain niya sa buhay. Sa pamamagitan ng wika ay
naipararating ng tao ang mga impormasyon na gusto niyang maibahagi sa iba.
Ang katuturan ng wika bilang representasyon ng karanasan ay nag-iiba sa
bawat tao.Ito’y umuunlad at patuloy na nagbabago.
Sa aklat nina Resuma at Semorlan (2002) makikita ang mga sumusunod
na pakahulugan ng wika.

Fil. 1 Wika at Kultura sa Mapayapang Lipunan Pahina 3


Para sa pananaw na istruktural, isang arbitraryong sistema ng mga
anyong linggwistik ang wika. Pinagsasama-sama ang mga sangkap o aytem nito
sa mga karaniwang paraan upang lumikha ng mga pangungusap. Gayon din,
salita o speech ang wika at wika ang salita, at isa lamang sekondaryong
representasyon ng wika ang pasulat na anyo nito (Fries, 1940).
Samantala, inaakala ng mga kognitivist na isang prosesong mental ang
wika. May universal na gramatika at sa mataas na abstrak na atas, may
magkakatulad na katangiang linggwistik ang lahat ng mga wika
( Chomsky, 1957 ).
Lumampas naman sa ganitong pananaw ang teoryang sosyo-linggwistik.
Ayon sa mga siyentistang panlipunan o social scientist, hindi lamang set ng mga
tuntunin ng pagbuo ng mga anyong linggwistik ang wika kundi set o kalipunan na
rin ng mga tuntunin ng paggamit ng wika (Hymes, 1972).
Caroll (1964). Ang wika ay isang sistema ng mga sagisag na binubuo at
tinatanggap ng lipunan. Ito ay resulta ng unti-unting paglilinang sa loob ng
maraming dantaon at pagbabago sa bawat henerasyon, ngunit sa isang panahon
ng kasaysayan, ito ay tinutukoy na isang set ng mga hulwaran ng gawi na pinag-
aaralan o natututunan at ginagamit sa iba’t ibang antas ng bawat kasapi ng
pangkat o komunidad.
Ayon naman kay Edgar Sturtevant, ang wika ay isang sistema ng mga
arbitraryong simbolo ng mga tunog para sa komunikasyon ng mga tao.
Tunghayan sa ibaba ang paghahati-hating ginawa sa depinisyon ng wika
na nagmula kay Sturtevant.

Kahulugan ng Wika

1. Isang sistema ( may konsistensi o may sinusunod na pattern )


2. Binubuo ng mga arbitraryong simbolo ng mga tunog ( binubuo ng mga
tinuhog na tunog na pamilyar at alam ng gumagamit )
3. Ginagamit para sa komunikasyon ng tao ( ginagamit para sa epektibong
pagpapahayag ng iniisip, nadarama, at anumang nakikita sa paligid)

(Ang Akademikong Filipino sa Komunikasyon)


( Santos, et al., 2009)
Fil. 1 Wika at Kultura sa Mapayapang Lipunan Pahina 4
Ang mga tunog at kahulugan ng mga salita ay magkakaugnay sa
arbitraryong paraan. Nangangahulugan ito na kung hindi mo pa naririnig ang
isang salita o ang mga tunog na bumubuo sa salitang ito ay hindi mo ito
mauunawaan. Kung gayon, ang wika ay isang sistema kung saan iniuugnay ang
mga tunog sa kahulugan at kung alam mo ang wika, alam mo ang sistema.
Arbitraryo ang mga simbolo sa bawat wika, Dumedepende sa tagagamit
ang tunog nito, ang anyo, ang kahulugan o semantika, ang pagbubuo o sintaksis,
at ang pagkakaugnay-ugnay ng mga salita upang maunawaan o pragmatiks.
Ang bahay sa Tagalog ay balay sa Cebuano, bayay sa Surigaonon, casa
sa Kastila, house sa Ingles, at ushi sa Hapon.
Ang pangungusap na Tumakbo ang bata sa wikang Filipino ay hindi
maaaring maging Running is the child sa wikang Ingles, bagkus ito ay The child
is running.
Ang pangungusap sa Ingles na The bananas are yellow ay hindi maaaring
Ang sagings ay dilaw sa Filipino dahil mayroong salitang mga na tumutukoy sa
maramihan ng panggalan tulad ng Ang mga saging ay dilaw.
Pansinin din na bagamat maaaring gamitin ang pangungusap na may
panandang ay, hindi naman ito ang karaniwang paraan ng pagpapahayag ng
mga pangungusap sa wikang Filipino. Ang karaniwang paraan ay Dilaw ang mga
saging kung saan nauuna ang panaguri na sinusundan ng paksa na taliwas sa
wikang Ingles.

Fil. 1 Wika at Kultura sa Mapayapang Lipunan Pahina 5


PAGSASANAY 1

Pangalan: _________________________ Iskor_______________


Taon/Kurso/Seksyon: ________________ Petsa: ______________

PANUTO: Suriin ang mga pinagdikit-dikit na mga salita sa bawat bilang sa ibaba.
Paghiwa-hiwalayin mo ang mga salita upang malinaw na maunawaan
ang ibig sabihin ng pangungusap.

1. Dulomnaguidkaron.

2. Nagsulatsangcartaangmasantingnaraga.

3. Thecatchasedtherat.

4. Angvaraytingwikaaymaaaringdayaleksosyolekoidyolek

5. Napintasngabalasang.

PANUTO: Ayusin sa tamang pagkakaugnay-ugnay ang mga salita sa


sumusunod na mga bilang.

1. Ang estudyante mahalaga sa mga kompyuter.

2. Sa Pilipinas pagdating maligayang.

3. USM ang Kabacan sa matatagpuan.

4. Ng isang araw may sa loob dalawampu’t apat na oras.

5. Marami Janet Napoles ang nagtatanong sino kung si.

Fil. 1 Wika at Kultura sa Mapayapang Lipunan Pahina 6


ARALIN 2. KATANGIAN NG WIKA

Anumang wika ay nagtataglay ng mga sumusunod na katangian.

Katangian ng Wika

1. Masistemang balangkas
2. Ang wika ay sinasalitang tunog
3. Ang wika ay pinipili at isinasaayos sa paraang arbitrary
4. Ang wika ay ginagamit sa komunikasyon
5. Ang wika ay nakabatay sa kultura
6. Ang wika ay nagbabago
7. Natatangi
(Komunikasyon sa Akademikong Filipino: Filipino 1)
( Mag-atas et al., 2008 )

Masistemang balangkas. Kapag sinasabing masistema, ang ibig


ipakahulugan nito ay may kaayusan o order. Bawat wika kung ganoon ay may
kaayusan o order ang istruktura. May dalawang masistemang balangkas ang
wika: ang balangkas ng mga tunog at ang balangkas ng mga kahulugan. Ang
wika ay may tiyak na dami ng mga tunog na pinagsasama-sama sa isang
sistematikong paraan upang makabuo ng mga makahulugang yunit ng mga
salita. Gayundin, ang mga salita ay mapagsama-sama upang makabuo ng mga
parirala at sugnay/pangungusap.
Sinasalitang Tunog. Maraming mga tunog sa paligid na makahulugan
ngunit hindi lahat ay maituturing na wika. Ilan sa mga halimbawa ay ang alarma
ng orasan, kulog sa kalangitan, wang wang ng patrol ng pulis, lagaslas ng tubig,
sagitsit ng pinipritong isda at napakarami pang iba na may kahulugan. Subalit
ang mga ito ay hindi nabubuo sa pamamagitan ng mga sangkap ng pananalita
kaya hindi matatawag na wika. Ang mga tunog ng isang wika ay nabubuo sa

Fil. 1 Wika at Kultura sa Mapayapang Lipunan Pahina 7


tulong ng iba’t ibang sangkap ng pagsasalita tulad ng dila, labi, babagtingang
tinig, ngalangala at iba pa.
Ang wika ay pinipili at isinasaayos sa paraang arbitraryo. Ang
kahulugan ng arbitraryo ay napagkasunduan. Ang bawat wika ay pinipili at
isinasaayos sa paraang pinagkasunduan ng pangkat ng mga taong gumagamit
nito. Ang mga tunog na binibigkas ay pinili at isinaayos para sa layunin ng mga
gumagamit.
Ang wika ay ginagamit sa komunikasyon. Ang wika ay kasangkapan sa
komunikasyon at katulad ng iba pang kasangkapan, kailangang patuloy itong
ginagamit. Ang isang kasangkapang hindi na ginagamit ay nawawalan ng
saysay, gayon din ang wika. Idagdag pa na kapag ang wika ay hindi na
ginagamit, ito ay unti-unting nawawala at tuluyang mamamatay.
Ang tunay na wika ay wikang sinasalita. Ang wikang pasulat ay
paglalarawan lamang ng wikang sinasalita. Gamit ito sa pagbuo ng
pangungusap.Walang pangungusap kung walang salita. Sa pagsasama-sama ng
mga salita nabubuo ang pangungusap. Ginagamit ang wika bilang instrumento
ng pagkakaintindihan, pagkakaisa at pagpapalawak ng kaalaman.
Ang wika ay nakabatay sa kultura. Paanong nagkaiba-iba ang mga wika
sa daigdig? Ang sagot, dahil sa pagkakaiba-iba ng mga kultura ng mga bansa at
mga pangkat. Ito ang paliwanag kung bakit may mga kaisipan sa isang wika ang
walang katumbas sa ibang wika sapagkat wala sa kultura ng ibang wika ang
kaisipang iyon ng isang wika. Pansinin natin ang pagkakaiba ng Ingles sa
Filipino. Ano-ano ang iba’t ibang anyo ng ice formations sa Ingles? Ano ang
katumbas ng mga iyon sa Filipino? Maaaring yelo at nyebe. Ngunit ano ang
katumbas natin sa iba pa? Wala, sapagkat hindi naman bahagi ng ating kultura
ang glacier, iceberg, frost, hailstorm at iba pa. Samantala, ano naman ang
katumbas sa Ingles ng ating palay, bigas, at kanin? Rice lamang hindi ba? Bakit
limitado ang bokabularyong Ingles sa pagtutumbas ng mga salitang kargado ng
kulturang agrikultura? Ang sagot, hindi iyon bahagi ng kanilang kultura.

Fil. 1 Wika at Kultura sa Mapayapang Lipunan Pahina 8


Ang wika ay nagbabago. Dinamiko ang wika. Hindi ito maaaring
tumangging magbago. Ang isang wikang stagnant ay maaari ring mamamatay
tulad ng hindi paggamit niyon. Paano nagbabago ang wika? Ang isang wika ay
maaaring nadaragdagan ng mga bagong bokabularyo. Bunga ng pagiging
malikhain ng tao, maaari silang nakalilikha ng mga bagong salita. Ang
pinakamahusay na halimbawa nito ay ang mga salitang balbal at pangkabataan.
Samantala, kailangan ding lapatan ng mga katawagan ang mga produkto ng
pag-unlad ng teknolohiya at syensya. Bunga nito, ang ating wika ay
nadaragdagan ng mga bagong salita na hindi umiiral noon. May mga salita ring
maaaring nawawala na sapagkat hindi na ginagamit. Samantala, may mga salita
naming nagkakaroon ng bagong kahulugan. Halimbawa, ano ang orihinal na
kahulugan ng salitang bata? Sa ngayon, ano-ano ang iba pa niyong bagong
kahulugan? Ang mga iyan ay patunay na ang wika ay nagbabago.
Natatangi. Ang bawat wika ay may kanyang sariling set ng mga tunog,
mga yunit panggramatika at kanyang sistema ng palaugnayan. Ang bawat wika
ay may katangiang pansarili na naiiba sa ibang wika. Walang dalawang wika na
magkatulad. Maaaring sabihin na may mga wikang magkakahawig dahil parte-
parehong mayroon ang mga ito ng sistema ng mga tunog, sistema ng pagbubuo
ng mga salita at sistema ng pag-uugnay ng mga pangungusap ang mga ito.
Samakatwid, walang wikang imperyor at superyor.

Fil. 1 Wika at Kultura sa Mapayapang Lipunan Pahina 9


PAGSASANAY 2

Pangalan: _____________________________ Iskor: __________


Taon/ Kurso/ Seksyon: __________________ Petsa: __________

I. Tama o Mali: Basahin at unawain ang sumusunod na pahayag. Sa


patlang sa unahan ng bilang isulat ang TAMA kung ang diwa nito ay tama.
Kung ang diwa ay mali isulat ang salitang MALI.

_______ 1. Maaaring mawala o hindi na magagamit ang isang leksikal aytem ng


wika o ang wika mismo dahil sa kawalan ng gamit o tagapagsalita
nito. Ang tawag dito ay transmisyon.
_______ 2. Ang panghihiram ng mga salita sa ibang wika ay isang mabisang
paraan ng pagpapaunlad ng talasalitaan
_______ 3. Ang wikang isinusulat ay binubuo ng mga tinuhog na tunog.
_______ 4. Maaaring may mga salitang pareho ang anyo na ginagamit sa iba’t
ibang larangan ngunit may iba’t ibang kahulugan
_______ 5. Ang katawagang salumpuwit noon ay upuan na ngayon. Ang
pahayag na ito ay nagpapakita na ang wika ay iba-iba, diversifayd at
pangkatutubo.
_______ 6. Ang wikang stagnant ay maaari ring mamatay tulad ng hindi
paggamit niyon.
_______ 7. Hindi ganap ang komunikasyon kapag hindi naunawaan ng
tumatanggap ang mensahe ng tagabigay nito.
_______ 8. Sa paglipas ng panahon, may mga salitang namamatay at mayroon
din naming nalilikha.
_______ 9. Ang wikang sinasalita ay paraan lamang ng pagtatala ng mensaheng
ibig ipahayag ng nagsasalita.

Fil. 1 Wika at Kultura sa Mapayapang Lipunan Pahina 10


_______10. “Naaalala ko noong bata pa ako, nagtayo ang kuya ko at ang
kanyang mga kaibigan ng isang combo. Ngayon, ang tawag sa
isang singing group ay band, hindi na combo. Ang combo ngayon
ay tumutukoy sa mga promo meal ng Jollibee at McDonald!”
Ang pahayag sa itaas ay nagpapakita na ang wika ay dinamiko.
_______ 11. “Buti pa ang kalendaryo may date pero ako wala.” Ang
pangungusap na ito ay nagpapakita na ang wika ay may dalang
kahulugan.
_______ 12. Ang mga akdang pampanitikan tulad ng Florante at Laura, El
Filibusterismo, Harry Potter, Romeo and Juliet ay nagpapakita na
ang wika ay luklukan ng panitikan sa kanyang artistikong gamit.
_______ 13. Ang iba’t ibang katawagan ng ice formations sa Ingles ay glacier,
icebergs, frost, hailstorm at iba pa. nyebe o yelo naman ang tanging
katumbas nito sa Filipino. Samantalang rice lang ang katumbas sa
Ingles ng palay, bigas at kanin ng mga Pilipino.
Ang pahayag sa itaas ay nagpapakita na ang wika at kultura ay
magkabuhol.
_______ 14. Ang wika ay nagsisilbing imbakan ng kaalaman ng isang bansa
_______ 15. Ang itlog (egg), nilagang itlog (boiled egg) at maalat na itlog (salted
egg) ay may katumbas sa wikang Ingles ngunit ang balot, kwek-kwek
at abnoy ay mga salitang kakaiba o hindi pamilyar sa ibang grupo.
Ang pahayag sa itaas ay nagpapakita na ang wika ay natatangi.

Fil. 1 Wika at Kultura sa Mapayapang Lipunan Pahina 11


ARALIN 3. ANG WIKA SA LIPUNAN

3.1. Pananaw sa Ugnayan ng Wika at Lipunan

Sinasabi na ang wika ay sistema ng simbolo. Simbolo ito na may mga


elemento tulad ng ponolohiya, morpolohiya, sintaktika, semantika/pragmatika, at
tuntunin gaya ng gramatika. Bunga ang mga ito sa napagkasunduang paggamit
ng lipunan sa isang wika.
Sa kabilang banda naman, nabanggit ni Wardhaugh (2006) na ang isang
lipunan ay anumang grupo ng mga tao na magkakasama para sa isang tiyak na
layunin o mga layunin. Komprehensibong konsepto ang lipunan dito ngunit
mahalaga ang komprehensibong pananaw na ito dahil sa iba’t ibang uri ng mga
lipunan na nagbibigay ng direktang impluwensya sa wika o bise bersa.
Maaaring mahulma rito ang kabuluhan ng wika sa palibot: ang wika ay
kung ano ang sinasalita ng isang partikular na lipunan. Halimbawa, ang lipunan
ng mga bayot/bakla ay may sariling wika na sila-sila lamang ang nakapagsasalita
at nakauunawa. Kinikilala nila at ng ibang grupo ang wikang ito sa tawag na
bekimon. Gumagamit naman ng sarili nilang wika ang lipunan ng mga doktor na
sila-sila lamang ang maaaring makauunawa dahil sa teknikal nitong kahulugan at
anyo.

3.2 Sosyolinggwistika

Ito ay pag-aaral ng wika sa mga konteksto ng lipunan nito at ng buhay


panlipunan sa pamamagitan ng linggwistika (Coupland at Kaworkski, 1997).
Pagtatagpo ito ng wika at impluwensya ng lipunan sa isang tao. Siyentipiko na
mapag-aaralan ang wika bilang hiwalay na bagay sa gumagamit nito. Ito ang
gawain ng mga linggwista. Subalit, ang lipunan na ginagamitan ng isang wika ay
lumilikha ng epekto sa huli. (sa gumagamit nito)

Fil. 1 Wika at Kultura sa Mapayapang Lipunan Pahina 12


Sa talakay ni Wardhaugh (2006), ang sosyolinggwistika ay tungkol sa
pagsisiyasat ng mga relasyon sa pagitan ng wika at lipunan na may layuning sa
pag-unawa sa istruktura ng wika at kung paano gumagana ang mga wika sa
komunikasyon. Higit ang empasis dito sa wika bilang may direktang relasyon sa
lipunan. Ito ay tinatawag din na mikro-sosyolinggwistika.
Ang sosyolinggwistika ay malawak na larang, at maaari itong magamit
upang ilarawan ang maraming iba’t ibang paraan ng pag-aaral ng wika. Ito ba ay
tungkol sa kung paano ginagamit ng mga tao ang wika sa magkakaibang bayan
o rehiyon? Ito ba ay tungkol sa kung paano ang isang bansa ay nagpasiya kung
anong mga wika ang makikilala sa mga korte o edukasyon? Sa kaso ng
Pilipinas, ang pagkakaroon ng pulo-pulong anyo nito ay lumilikha ng iba-ibang
paraan ng paggamit ng wika. Matutunghayan ito sa paraan ng pagbigkas, sa
bokabularyong ginamit, sa istraktura, at iba pa. Bahagi ng usapin din ng
sosyolinggwistika ang pagkakaroon natin ng pambansang wika at mga opisyal
na wika¬- ang wikang Filipino at Ingles.
Sa pagitan ng mga tagapagsalita ng anumang wika, mayroong
pagkakaiba-iba sa paraan na ginagamit nila ang kanilang wika. Ito ang tinatawag
na baryasyon ng wika. Bahagi ito ng ugnayan ng wika sa lipunan kung saan ito
ginagamit. Ang mga baryasyong ito ay ipinapakita ng mga pagkakaiba sa wika
sa mga tuntunin ng tunog (ponetiko) at istraktura (gramar). Maaaring may mga
bahagyang pagkakaiba lamang sa pagitan ng mga anyo ng isang wika, gaya sa
paraan ng pagbigkas. Halimbawa, ang bigkas ng mga Mindanawon sa /e/ ay /i/
kaya ang [pera] ay nagiging [pira]. Ito ang mapapansin sa isang patalastas ng
Palawan Pawnshop Express Pera Padala na pinagbidahan ni Aling Dionisia, ang
ina ni Senador Manny Pacquiao.
Hindi lamang sa bahaging ito mapapansin ang baryasyon sa wika. Minsan
may mga pagkakaiba sa pagitan ng pagsasalita ng mga kalalakihan at
kababaihan, iba’t ibang mga klase sa lipunan, at mga pagkakaiba sa pagitan ng
mga pangkat ng edad. Samaktwid, ang sosyolinggwistika ay nakatuon sa
pagkakaiba- iba ng wika na mula sa lipunan. Ang mga baryasyon at

Fil. 1 Wika at Kultura sa Mapayapang Lipunan Pahina 13


pagkakaibang ito ay bunga ng mga panlabas na faktor o dahilan gaya ng
heyograpikal o grupong sosyal.
Tinalakay nina Santos, et al (2012) ang heyograpikal at sosyal bilang
pangunahing ugat sa pagkakaiba ng wika, Heyograpikal na pagkakaiba ng wika
ang magaganap dahil sa lugar o lokasyon ng tagagamit nito. Ito ang dahilan ng
pagkakaroon ng diyalekto o wikang subordineyt sa katulad ding wika kaya tangi
lamang ito sa isang tiyak na lugar o rehiyon. Halimbawa, ang Cebuano ay
magkakaroon ng ibang paraan ng paggamit sa mga lugar ng Iligan kaya naging
Cebuano-Iligan, Cagayan de Oro kaya naging Cebuano-Cagayan de Oro,
Surigao kaya may Cebuano-Surigaonon. Sosyal naman na salik ng baryasyon
ng wika ang tawag dahil sa posisyong sosyal o panlipunan ng bawat grupo. Ang
konstekto ng pagkakaiba ng gamit ng wika dulot ng sosyal na paktor ay
tinatawag naman na sosyolek. Halimbawa nito ang lipunan ng mga babae ay
mapapansing may sariling paraan ng pagpapahayag ng kaiba rin sa mga lalaki.
Samaktwid ito ay wikang ginagamit ng bawat partikular na grupo ng tao sa
lipunan. Maaring ang grupo ay nagkakaiba ayon sa edad, seks, uri ng trabaho,
istatus sa buhay, uri ng edukasyon, atbp.

3.3 Sosyolohiya ng Wika

Nagmula ito sa larangan ng sosyolinggwistika kaya tinatawag din na


makro-sosyolinggwistika. Nakatuon din ang araling ito sa ugnayan ng wika at
lipunan. Manipis ang distinksyon ng dalawa kaya minsan sinasabing wala itong
pagkakaiba sa isa’t isa. Proponent ng larang na ito sa ugnayan ng wika at
lipunan ay ang kilalang iskolar sa wika na si Joshua Fishman, ang kanyang
pangunahing kontribusyon dito ang pagbuo ng International Journal of the
Sociology of Language.
Ano ang pagkakaiba ng sosyolohiya ng wika sa sosyolinggwistika? Sabi ni
Fishman (1997), patuloy na gumagamit ang tao ng wika-pasalita, pasulat at
maging nakalimbag man-at patuloy rin siyang nakikipag-ugnay sa kapuwa sa

Fil. 1 Wika at Kultura sa Mapayapang Lipunan Pahina 14


pamamagitan ng mga ibinahaging mga norm ng pag-uugali. Dito nabuo ang
papel ng sosyolohiya ng wika na sumusuri sa interaksyon sa pagitan ng
nabanggit na pag-uugali ng tao: ang paggamit ng wika at ang sosyal na
samahan ng pag-uugali (social organization of behaviour). Sa madaling salita,
ang sosyolohiya ng wika ay sumasaklaw sa mga paksa na may kaugnayan sa
panlipunang samahan ng pag-uugali ng wika (social organization of language
behaviour), kabilang hindi lamang ang paggamit ng wika sa bawat isa kundi
kasama rin ang mga saloobin sa wika (language attitude) at mga pag-uugali ng
pag-uusap sa wika at sa mga gumagamit ng wika. Masasabing lipunan ang tuon
ng sosyolohiya ng wika at ang relasyon ng wika sa lipunan samantalang ang
sosyolinggwistika ay tungkol naman sa relasyon ng wika sa lipunan.
Maaaring sabihin sa bahaging ito na ang dimarkasyon ng dalawa ay
makikita sa paksang nais tingnan sa wika bilang produkto ng lipunan.
Halimbawa, kapag napapansin mo na si A ay may ibang pagbigkas ng tunog
kaysa kay B kahit pareho silang gumagamit ng wika ito ay may kaugnayan sa
sosyolinggwistika. Sa kabilang banda, kapag higit ang pagturing ni A sa wikang
Ingles bilang wika ng karunungan at si B naman ay higit na nagsusulong sa
paggamit ng wikang Filipino bilang pambansang pagkakakilanlan, ito ay nasa
larang ng sosyolohiya ng wika.

3.4 Antropolohikong Linggwistika

Bahagi ito ng larang ng linggwistika na may kinalaman sa lugar ng wika sa


mas malawak na konteksto ng lipunan at kultura nito.at ang papel nito sa
paggawa at pagpapanatili ng mga kultural na kasanayan at mga panlipunang
kaayusan.
Tinitingnan sa antropolohikal na linggwistika ang wika sa pamamagitan ng
lente ng antropolohikal na konsepto-kultura-upang makita ang kahulugan sa likod
ng paggamit, maling paggamit o hindi paggamit ng wika, ng iba’t ibang anyo nito,

Fil. 1 Wika at Kultura sa Mapayapang Lipunan Pahina 15


mga rehistro at estilo. Interpretatibong larang ito ng paghihimay-himay sa wika
upang makahanap ng kultural na pag-unawa. Katulad ng sosyolohiya ng wika, ito
ay may kaugnayan din sa sosyolinggwistika. Kung ang hanap ng larang na ito ay
makahanap ng kultural na pag-unawa sa likod ng pag-uugali sa wika, ang
sosyolinggwistika naman ay tumitingin sa wika bilang panlipunang institusyon na
nagdadala ng panlipunang interaksyon (Foley, 1997).
Sinabi ni Foley (1997) na magkaiba na larang ang antropolohikal na
linggwistika at linggwistikang antropolohiya. Higit diumano na binibigyan nang
diin sa una ang larang ng linggwistika upang maipaliwanag ang kultural na
konteksto ng wika. Sa kabilang banda, ang huli naman ay nagbibigay raw ng
higit na empasis sa larang ng antropolohiya sa pagbabasa ng wika.

3.5 Etnolinggwistika

Ayon kay Underhill (2012) pag-aaral ito sa relasyon sa pagitan ng wika at


komunidad. May konotasyon ang larang na ito kung pagbabatayan ang
kasamang salita nitong etnik/o na maaaring tumukoy sa mga marhinal na grupo-
mga Lumad, Igorot, Meranao, at iba pa. Paliwanag ni Underhill, may dalang
konotasyon ang pang-uri na etnik (sa etnolinggwistika) na iba dahil sa mga
marhinal na grupo. Habang ito naman ay maaaring mangangahulugang
karaniwang grupo gaya ng imigrant na grupo, at mayoryang grupo.
Gayunpaman, sa lente nito higit ang pagtingin sa pag-aaral ng wika sapagkat ito
ay isang larang ng linggwistika na pag-aaral ng ugnayan sa pagitan ng wika at
kultura, at ang paraan ng iba’t ibang grupo ng etniko na makikita sa mundo.
Ito ang kumbinasyon sa pagitan ng etnolohiya at linggwistika. Kinikilala rin
ito bilang kultural na linggwistika. Halimbawa, mauunawaan lamang ng mga
kapatid nating Meranao ang konsepto at pagpapakahulugan ng rido ngunit kahit
maiintindihan ito ng mga Kristiyano, hindi pa rin lubos itong maramdaman
sapagkat wala sa kanilang kultura.

Fil. 1 Wika at Kultura sa Mapayapang Lipunan Pahina 16


PAGSASANAY 3

Pangalan: _____________________________ Iskor: __________


Taon/ Kurso/ Seksyon: __________________ Petsa: __________

PANUTO: A. Isulat sa patlang ang titik C kung ang pahayag ay wasto at W


kapag mali.

____ 1. Sinabi ni Wardhaugh (2006) na ang isang lipunan ay anumang grupo ng


mga tao na magkakasama para sa isang tiyak na layunin o mga
layunin.
____ 2. Sa sosyolinggwistika higit ang empasis sa wika bilang may direktang
relasyon sa lipunan.
____ 3. Walang pagkakaiba ang wika.
____ 4. Lipunan ang tuon ng sosyolohiya ng wika at ang relasyon nito sa wika.
____ 5. Magkapareho ang larang na antropolohikal na linggwistika at
linggwistikang antropolohiya.

Panuto: B. Isulat sa patlang ang tamang sagot.

_________ 1. Isang pag-aaral tungkol sa relasyon ng wika sa komunidad.


_________ 2. Pag-aaral ito ng wika sa mga konteksto ng lipunan nito.
_________ 3. Ang emphasis nito ay ang direktang relasyon ng wika sa lipunan..
_________ 4. Ang tawag sa wika ng mga bayot o bakla.
_________ 5. Pagkakaiba ito ng gamit ng wika dulot ng sosyal na paktor.

Fil. 1 Wika at Kultura sa Mapayapang Lipunan Pahina 17


ARALIN 4. MGA ESTRUKTURA NG WIKA SA LIPUNAN

4.1. PANLIPUNANG ESTRUKTURA NG WIKA

Maraming mga posibleng relasyon sa pagitan ng wika at lipunan. Isa na


rito ang panlipunang estruktura na maaaring makaimpluwensiya o kumilala ng
linggwistikong estruktura at pag-uugali. Halimbawa rito ang ating bansang
Pilipinas na may iba-ibang wika na sinasalita dahil sa anyo nito na pulo-pulo. Ang
mga barayti ng wika na ginagamit rito ay sumasalamin sa kanilang
kinabibilangang rehiyon, sosyal at etnikong pinagmulan at maaaring kasarian rin.
Gayundin, ang Pilipinas bilang bansang sinakop ng ilang taon ay naging dahilan
rin para makabuo ng wika o makapagpaunlad ng wikang pinaghalo ng wika ng
mananakop (halimbawa Kastila) at wikang bernakular- gaya ng Chavacano sa
Lungsod ng Zamboanga. Ang mga nabuong wika rito ay wika ng lipunan na higit
na ipinapaliwanag sa mga salik na tinatalakay sa ibaba.
Ang tinatawag na communicative isolation ay ang hiwalay na pag-uusap
sa pagitan ng mga pangkat sa isang partikular na lugar o bansa. Nangingibabaw
pa rin ang rehiyonalismo. Natututo ang mga bata sa wikang kanilang sinasalita
at pinapatatag ang katangiang taglay ng kalikasan ng isang dayalektong nagamit
na.
Ang pagbabagong ito ng wikang sinasalita ng isang partikular na lugar ay
hindi nangangahulugan na kakalat na ito sa ibang lugar. Sa isang grupo ng mga
tagapagsalita na parating nag-uusap sa isat-isa ay maibabahagi nila ang
pagbabagong ito sa kanilang grupo at matutunan ito ng kanilang mga anak o iba
pang kasambahay.

Fil. 1 Wika at Kultura sa Mapayapang Lipunan Pahina 18


Kung mayroon mang mga pisikal na hadlang sa pakikipagkomunikasyon
tulad ng dagat, bundok o maaaring sa lipunan tulad ng politikal, mga angkan o
grupo ng tao at maging sa uri ng relihiyon - - - sa madaling salita hindi
maibabahagi nang madalian ang pagbabagong linggwistik sapagkat may mga
hadlang o sagabal (interference) sa komunikasyon at dahilan na rin sa kalakasan
ng pagkakaiba sa dayalekto (dialectal differences). Ang pagkakaiba ng mga
dayalekto o dialectal differences ay ang pagbabago ng wikang sinasalita ng
lipunan na umusbong sa isang relihiyon na hindi naibabahagi sa iba pang mga
rehiyon. Kasamang marinig ang pagkakaiba sa punto tuwing nagsasalita. Ang
punto o acent ay ponolohikal o ponetik na pagbabago sa paraan ng pagbigkas
ay katangian ng pagsasalita na siyang pagkakakilanlan sa taong nagsasalita ng
nasabing dayalekto.

4.2. DAYALEKTO

1. Varayti ng wikang nalilikha ng dimensyong heograpiko. Tinatawag din


itong wikain at ginagamit sa isang partikular na rehiyon, malaki man o
maliit.
2. Makikilala ang dayalekto hindi lamang sa pagkakaroon nito ng set ng mga
distinct na bokabularyo kundi maging sa punto o tono at sa istruktura ng
pangungusap.
3. Ito ay wika na katulad rin ng bernakular na palasak sa isang pook ng
kapuluan. Ito ay yaong unang wikang kinamulatan at ugat ng
komunikasyon sa tahanan at pamayanan, lalawigan. Ito rin ang wikang
unang kinagisnan, narining at namumutawi sa bibig ng mga tao, ng mga
magulang sa tahanan at sambayanan. Ito’y nagsisilbing midyum ng
komunikasyon sa isang pook na kung saan ang nasabing katutubong wika
ay nabibilang (Belvez, 2003).
4. Batay sa laki, ang wika ay mas malaki kaysa dayalekto. Ang varayti na
tinatawag na wika ay mas maraming ayem kaysa sa dayalekto. Kaya’t ang

Fil. 1 Wika at Kultura sa Mapayapang Lipunan Pahina 19


Filipino ay isang wika na bumubuo sa lahat ng diyalekto nito tulad sa
Filipino sa Metro Manila, Filipino ng Baguio o Filipino sa Metro Cebu.
5. Batay sa prestihiyo, ang wika ay may prestihiyong hindi makikita sa
dayalekto. Kung ito ay pagbabatayan, ang wikang Ingles halimbawa na
ginagamit sa pormal na pagsulat ay istandard na Ingles samantalang
dayalekto lamang iyong hindi nagagamit ng gayon, bagamat sa pananaw
ng linggwistika ay walang wikang mataas o mababa.

Halimbawa:

Maynila - Aba, ang ganda!


Batangas - Aba, ang ganda eh!
Bataan - Ka ganda ah!
Rizal - Ka ganda, hane!

Halimbawa:

Cebuano- Iligan, Cebuano-Cagayan de Oro


Cebuano- Surigao, atbp.

 Bahay – Tagalog
 Balay – Cebuano
 Bayay – Surigaonon

4.3 IDYOLEK

Ang mga Filipino na nag-uusap ay lubos na nauunawaan ang isa’t-isa.


Ngunit wala sa kanila ang nagsasalita nang magkatulad na magkatulad.
Maaaring ang dahilan sa pagkakaiba ay edad, seks, kalagayang pangkalusugan,
laki, personalidad, kakayahang emosyal, at tanging ugali. Ang bukod-tanging

Fil. 1 Wika at Kultura sa Mapayapang Lipunan Pahina 20


wika ng indibidwal ay tinatawag na idyolek. Sa ingles sinasabing may 400, 000,
000 na idyolek o bilang ng mga tagapagsalita ng Ingles. Malikhain at natatangi
ang idyolek.

Iba pang kahulugan ng idyolek

1. May pekulyaridad sa pagssalita ng isang indibidwal.


2. Ang varayti ng wika sa personal na kakanyahan ng tagapagsalita, ang
varayting ginagamit ng indibidwal.
3. Idyosintrikong katangalan na istatikal tulad ng tendensyang gumagamit ng
partikular na bokabularyo nang napakadalas.
4. Madaling magbago depende sa lenggwahe na ginagamit sa bahay.

Halimbawa:

Kung baga (Tagalog) anay (Hiligaynon)

Bale (Tagalog) gid (Hiligaynon)

Kuwan (Tagalog) bala (Hiligaynon)

Pohon (Cebuano)

Ngunit kahit pa ang mga pangkat ay may kanya-kanyang varayti ng


wikang ginagamit batay sa dimensyong heograpikal at sosyal, indibidwal pa rin
ang paggamit ng wika. Sa madaling sabi, kahit pa sosyal ang pangunahing
tungkulin ng wika, ang ito ang nagpapaiba sa isang indibidwal sa iba pang
indibidwal. Bawat isa kasi ay may kani-kaniyang paraan sa paggamit ng wika.

4.4. SOSYOLEK

Fil. 1 Wika at Kultura sa Mapayapang Lipunan Pahina 21


1. Wikang ginagamit ng bawat particular na grupo ng tao sa lipunan.
Maaaring ang grupo ay nagkakaiba ayon sa edad, seks, uri ng
trabaho, istatus sa buhay, uri ng edukasyon, atbp.
2. Makikilala ang iba’t-ibang varayti ng wika sa pagkakaroon ng
kakaibang rehistro na tangi sa pangkat na gumagamit ng wika.

Pansinin kung paanong inilalantad ng rehistro ng mga sumusnod na


pahayag ang pinagmulan ng mga ito:

a. Wiz ko feel ang mga hombre ditech, day!


b. Wow pare, ang tindi ng tama ko! Heaven!
c. Kosa, pupuga na tayo mamaya.
d. Girl, bukas na lang ayo mag lib. Mag-malling muna tayo ngayon.
e. Pare, punta muna tayo mamaya sa Mega. Me jamming dun, e.

4.5. REJISTER

1. Isang ispisipikong vokabularyo at/o balarila ng isang aktibidad o


propesyon (De Castro, et al, 2007:4).
2. Set ng mga salita o ekspresyon na nauunawaan ng mga grupong
gumagait nito na maaaring hindi nauunawaan ng mga taong hindi
kasali sa grupo o hindi familiar sa profesyon, uri ng trabaho o
organisasyong kinabibilangan (Santos at Hufana, 2008).

Ang mga sosyolek ay maaari ring may okupisyunal na rehistro. Pansinin


ang mga sumusunod na termino. Kung mariring mo ang mga ito sa isang taong
hindi mo kilala, ano ang agad mong iisiping trabaho niya?

a. Notaryo a. ace
b. Affidavit b. fault
c. Kilyente c. deuce
d. Fiskalya d. advantage

Fil. 1 Wika at Kultura sa Mapayapang Lipunan Pahina 22


4.6. JARGON AT ARGOT

Bawat pangkat ng tao sa propesyon man negosyo o sa trabaho ay may


sariling grupo o set ng mga salita ginagamit na kung tawagin ay slang at ang iba
ay teknikal. Depende ito sa estado ng taong gumagamit ng mga salitang ito. Ang
mga salitang ito minsan ay tinatawag na jargon (salitang gamit ng isang
partikular grupo ng mga taong pormal o maari rin nating tawaging bokabularyo
ito ng magkakasama sa propesyon) at argot (salitang karaniwang ginagamit ng
grupo ng taong may mababang uri ng pamumuhay). Ito’y nagsisimula lamang sa
malilit na grupo ng tao hanggang ito’y ginagamit at naintindihan ng nakarami
katulad ng slang na kalaunan ay maar nang gamitin sa pormal na usapan. Isang
halimbawa nito ay ang salitang French na tete na ang ibig sabihin ay head na
minsan ay isang slang na salita mula sa Latin na testa, na ang ibig sabihin ay
earthen pot. Pero mayroong mga salitang slang na hanggang ngayon ay
nananatili pa ring slang tulad ng ekspresyong ginagamit ni Shakespeare na beat
it na ang ibig sabihin ay scram o leave.

4.7. TABOO

May mga salita sa lipunan na tinatawag na taboo. Ito ay mga salitang


bawal gamitin o hindi maaring gamitin sa isang pormal na usapan at lipunan. ang
salitang taboo ay hiniram mula sa Tongan. isang wikang Polynesian. Kung ang
Gawain at taboo . Una, ipinagbabawal ang paggawa nito, ang kasunod ay
pinagabawal ang pag-uusap tungkol dito. Ito ang mga salitang mahirap bigkasin
ng mga edukado lalo na sa pormal na pag-uusap. Iniiwasan din itong sabihin lalo
Fil. 1 Wika at Kultura sa Mapayapang Lipunan Pahina 23
na kung may mga batang nakikinig. Sa halip hinahalinhan ito ng mga salitang
yufemismo.

Halimbawa:

Suso - dibdib
Nagtae - dumumi, nagbawas
Umihi - wiwi

4.8. YUFEMISMO

Ang pagdating ng mga salitang taboo o mga ideyang taboo ang siyang
nakapaghikayat sa pagbuo ng yufemismo. Ang yufemismo ay isang salita p
parirala na panghalili sa salitang taboo o ang ginamit upang maiwasan ang
nakatatakot o malaswa o pangit na kahulugan at di magandang pakinggan.

Halimbawa:

Nagsiping - sa halip na nagtalik


Sumakabilang buhay - sa halip na namatay
Naglabing-labing - sa halip na nagroromansa
Nagsuccess - sa halip na nagtae

4.9. WIKA AT SEKSISMO

Ang talakayan ng kasagwaan, kalapastanganan ng mga salitang taboo at


yufemismo ay nakikita sa wikang ginagamit at mga salitang ipinakilala sa isang
wika na kakikitaan naman ng mga pahayag o pananaw at pag-uugali o
pagpapahalaga ng isang lipunan. Maaring ang isang salita ay may positibong

Fil. 1 Wika at Kultura sa Mapayapang Lipunan Pahina 24


konoptasyon samantalang maari rin itong magkaroon ng negatibong konotasyon.
Halimbawa, ang mga salitang NPA (National people’s Army) sa pananaw ng iba
ay talagang masama ang grupong ito samantalang may naniniwala ring
mabubuti sila dahl nakikipaglaban sila para sa kalayaan. Ang salitang pulis ay
tunay na nangangahulugang tagabantay sila ng katahimikan at kapayapaan
ngunit sa iba ang pulis ay nangangahulugang abusado, mamatay tao, manloloko,
atbp. Kaya sa halip na sila ang hihingan ng tulong, sila ngayon ay kinatatakutan
at pinagduduhan.
Ang katanungang nakakaapekto ba ang wika sa kultura at pananaw ng
lipunan ay nananatiling pinagtatalunan. Language cannot be exist in itself, just as
it can’t be “dirty”, but it can reflect sexist attitude just as it can reflect attitudes as
to what is or is not considered “taboo”.
Ang wika ay may malaking kinalaman sa seksismo. Noong unang
panahon at maaring hanggang ngayon, ang konsepto ng iba sa mga salitang
doctor, abogado, drayber at president at marami pang iba ay kaagad na lalaki
sila dahil sa napag-alaman na ang gawaing ito ay kadalasang ginagawa ng mga
lalaki at nakatatak na sa konsepto ng mga Pilipino na ang mga lalaki ay magaling
sa pamumuno kaysa babae.
Kapag titser, nars, atbp. ay nasa isip naman na babae ang tinutukoy dahil
kadalasan din mga babae lang ang gumagawa ng trabaho ng titser at nars. Bakit
marami sa mga trabaho na ang konsepto ng karamihan ay lalaki ang
gumagawa? Dahil sa lipunang Pilipino, ang tingin sa mga babae ay mas mahina
sila kaysa lalaki. Naniniwala ba kayo? Tingin natin kung sa kasalukuyan ba, ang
mga gawain ay panlalaki o pambabae lang.

4.10. LINGUA FRANCA, PIDGIN AT CREOLE

Komunikasyon ang isa sa mga manipestasyon sa ugnayan ng wika at


lipunan. Ang patuloy na ugnayang nabubuo ng bawat indibidwal at grupo sa
bawat komunidad sa loob ng isang lipunan ay nabubuhay dahil sa mga wikang

Fil. 1 Wika at Kultura sa Mapayapang Lipunan Pahina 25


ginagamit nila. May pakikipag-ugnayan naman ang mga taong may iba’t ibang
wika at lipunan para sa pagpapahayag ng bawat hangarin at naisin – halimbawa
sa emosyon, komersyo, at maging sa turismo. Halimbawa, ang mga turistang
bumisita sa Pilipinas, kung wala ang wikang Ingles na mag-uugnay sa isa’t isa,
walang pagkakakaunawaang mabubuo. Malambot ang wika at mabilis itong
umangkop sa pangangailangan ng mga tao upang mapagsama ang mga taong
mula sa magkakaibang grupo o wika na nagkakasama.
Ipinanganak sa kahingiang ito ang kaisipan ng lingua franca, pidgin at creole.
LINGUA FRANCA. Ang terminong ito ay kinuha mula pa sa Medyibal
Mediteranyo Lingua Franca, isang romanong diyakleto na ginamit ng mga
mandaragat at mga mangangalakal. Ito ay noong ika-11 hanggang ika-19 na
siglo.
Ang lingua franca ay tumutukoy sa isang salita o diyalekto na ginagamit ng
dalawa o higit pang mga tao na magkaiba ng pangunahing wika. Ito ay upang
makipagtalastasan sa isa't isa gamit ang wikang iyon. Sa lawak ng globalisasyon
ngayon, kailangan ng lingua franca para sa mas epektibong komunikasyon.
Paghahanap ito ng komon o wikang alam ng mga taong may iba’t ibang
sinasalitang wika para magkaunawaan.
Sa Pilipinas, may malaking papel itong ginagampanan sa komunikasyon
dahil sa multilinggwal na sitwasyong pangwika. Binanggit sa Etnologue, may 187
at 183 dito ang buhay at 4 ang itinuturing na wala o patay. Mula naman sa mga
buhay na wika, 175 ay katutubo at 8 ay hindi katutubo. Ang komplikadong
sitwasyong pangwika na ito ng ating bansa ay hindi maaaring walang wika na
magsisilbing tulay sa bawat isa. Ito ang dahilan kaya nagpahayag ng probisyon
ang ating 1987 na Konstitusyon tungkol sa pagkakaroon ng pambansang wika
na tinatawag na Filipino.
Sa kabilang banda naman, tungo sa tawag na global pangangailangan,
itinuturo at naging lingua franca na rin ng mga Pilipino ang wikang Ingles para sa
pakikipag-ugnayan sa mga dayuhan. Ang English ang kasalukuyang tinatawag
na International Language o World Language Lingua France dahil ito ang

Fil. 1 Wika at Kultura sa Mapayapang Lipunan Pahina 26


sinasalita ng pinakamaraming tao bilang ang pangalawahin para sa pakikipag-
ugnayan sa ibat' ibang panig ng daigdig.

PIDGIN. Ang pidgin ay isang bagong wika o lenggwahe na nabubuo


kapag ang dalawang taong may magkaibang wika/ lenggwahe na walang
karaniwang wika ay nagsisikap o nagtatangkang mag-usap o magkaroon ng
pansamantalang pag-uusap ngunit hindi magkaintindihan na siyang nagreresulta
sa tinatawag na makeshift language.
Ang pidgin ay walang pormal na estraktura at nasa proseso ito ng
pagkalinang at paglaganap.
Dulot ito sa pagkakaroon ng pangangailangan ng lingua franca. Bunga ito
ng dalawang lipunan na may mga wikang hindi magkakalapit o unintelligible
languages ngunit kailangan ng pakikipag-ugnayan sa isa’t isa dahil sa tiyak na
limitado o natatanging layunin – lalo na sa kalakalan. May namumuong ugnayan
sa wika sa sitwasyong ito. May wika na kinikilalang higit na makapangyarihan o
mas prestihiyoso at wikang hindi kilala. Ang isang wika ay dumadaan din sa
proseso ng pidginization.
Ayon kina Zalzman, Stanlaw, at Adachi 2012, ito ay proseso ng
gramatikal at leksikal na reduksyon dulot ng limitadong ginagampanan ng pidgin.
Bunga rin ang pidginization ng direktang ugnayan ng unintelligible na mga wika –
prestihiyong wika bilang higit na may impluwensya sa wikang walang
kapangyarihan. Ang sitwasyong ito ay lumilikha ng paghahalo ng dalawang wika
na kinikilalang bagong wika. Ang bokabularyo ng bagong wika na nalikha ay
nagmumula sa wikang mas higit ang gumagamit o wikang may prestihiyo.

Halimbawa ng Pidgin:
Filipino-Chinese (Ako benta iyo damit ganda)
English-Nigerian (“I no sabi” na ang ibig sabihin ay hindi ko maintindihan. Sa
Ingles, I don’t understand.)

Fil. 1 Wika at Kultura sa Mapayapang Lipunan Pahina 27


Ito ang sitwasyon noon ng Chavacano nang hindi pa ito naging unang
wika sa lungsod ng Zamboanga. Nalikha ito dahil sa pananakop ng mga Kastila
noong unang panahon kaya ang lexifier sa wikang ito ay wikang Espanyol.
Mayroong mga katangian ang Pidgin. Ito ang mga sumusunod:
a. Hindi unang wika ninuman. Walang taal na tagapagsalita dahil
napaunlad lamang ito mula sa dalawa o higit pang magkaibang mga wika. Ito ay
ginagamit lamang bilang bilang isang ugnay na wika para sa mga layunin ng
komunikasyon.
b. Limitado ang gamit. Ito ay biglaang posibilidad ng pangangailangan
ng wika habang ito ay kinakailangan ngunit nawawala kung ito ay hindi na
kailangan. Wala rin itong permanenteng pinaggamitan tulad ng pagiging wika sa
simbahan, sa paaralan, sa bahay at iba pa.
c. Limitado ang bokabularyo. Ang isang pidgin ay karaniwan nang mas
simple kaysa sa mga unang wika ng mga gumagamit nito kaya ang dami naman
ng leksikon nito ay nakabatay sa isa sa mga dalawang wika na may ugnay sa
isa’t isa. Ang pagiging limitado sa gamit nito sa lipunan ang isa rin sa dahilan sa
kakulangan ng bokabularyo.
CREOLE. Ang creole ay isang wika na orihinal na nagmula sa pagiging
pidgin ngunit paglaon ay nalinang at lumaganap sa isang lugar hanggang ito na
ang maging unang wika. Ito ay pinaghalo-halong salita ng mga indibidwal na
nagmula sa magkaibang lugar. Dumaraan ito sa proseso ng creolization o
ekspansyon sa halaga at gamit ng pidgin na wika. Samaktwid, ito ay isang pidgin
na nagiging unang wika ng isang komunidad ng pagsasalita o speech
community. Umuunlad ito na anyo ng pidgin kaya mayroon na itong higit na
malawak na bokabularyo, estruktura ng wika o gramatika at ginagamit bilang
wika sa lahat ng domeyn. Tulad ng pidgin, ang creole ay tinatawag ring ugnay na
wika o contact language sapagkat nabuo ito mula sa dalawa o higit pang wika
nang dalawa o higit pang lipunan.
Sa Pilipinas, ang halimbawa na dumadaan sa proseso ng creolization ay
ang wikang Chavacano ng lungsod Zamboanga. Paglipas ng mahabang

Fil. 1 Wika at Kultura sa Mapayapang Lipunan Pahina 28


panahon at maraming taon, nagmula ito sa ugnay na wika ng mga Kastilang
mananakop at wika ng lokal sa lugar ay nagkaroon ito ng komunidad ng
pagsasalita/ speech community. Napaunlad ang gramatika, lumawak ang
bokabularyo, at hindi na lamang ito wika ng mananakop bagkus naging
bernakular na wika ito ng lungsod ng Zamboanga.

Halimbawa ng Creole:
Chavacano (Tagalog at Espanyol)
Palenquero (African at Espanyol)
Annobonese (Portuguese at Espanyol)

Narito ang mga mahahalagang pagtukoy ng mga katangian ng isang


creole na wika, Sebba, 1997:
1. May katutubong tagapagsalita ito, hindi katulad ng pidgin na walang
katutubong nagsasalita. Mangyayari ito kapag sa isang lipunang nagsasalita ng
pidgin ay may ipinanganak na bata at ito ang kanyang magiging unang wika.
Kaya, ang pidgin ay magiging creole sa pamamagitan ng proseso ng
pagsasakatutubo o nativization.
2. Ang mga Creole ay laging lumalabas sa isang pidgin.
3. Ang proseso kung saan ang isang creole nagbabago at isang pidgin
nagkakaroon ng katutubong nagsasalita ay tinatawag na creolization.
4. Ang proseso ng creolization ay dumadaan sa alinmang yugto ng pag-
unlad ng isang pidgin – maaaring gradwal na creolization o biglaang creolization.
Ang gradwal na creolization ay mangyayari sa pinahaba/pinalawak na yugto ng
pidgin. Sa madaling salita, ang creolization ay nagsisimula sa yugto kung saan
ang pidgin ay lubos na nadebelop. Ito ay nailalarawan sa pamamagitan ng
pagkakaroon ng pamantayan ng paggamit ng wika. Magaganap naman ang
biglaang creolization sa proseso bago lumabas ang matatag na pidgin mula sa
maagang pag-unlad nito. Sa puntong ito, ito ay nailalarawan pa rin sa

Fil. 1 Wika at Kultura sa Mapayapang Lipunan Pahina 29


pamamagitan ng kakulangan ng matatag na lingguwistikong mga pamantayan sa
paggamit ng wika.

4.11. BILLINGWALISMO AT MULTILINGGWALISMO

Ang bilinggwalismo at multilinggwalismo ay tumutukoy sa parehong


pag-iral, pakikiharap, at interaksyon ng magkaibang mga wika. Maaaring ito ay
mangyayari sa panlipunan at indibidwal na lebel. Ito ay mula sa sitwasyong
maaaring ang isang lipunan ay binubuo ng maraming sinasalitang wika na
ginagamit naman ng iba’t ibang mga grupo ng indibidwal. Sabi nga ni Wei 2013,
maaaring ang isang tao sa isang komunidad ay magiging bilinggwal o
multilinggwal habang ang buong lipunan na kanyang kinabibilangan ay kumikilala
lamang ng isang wika para sa pampublikong gamit sa pamamagitan ng batas at
ibang anyo ng reulatoryo. Ganito ang nangyayari sa ating bansa, habang ang
bawat pulo sa Luuzon, Visayas, at Mindanao ay binubuo ng marami at iba’t ibang
mga wika isinusug naman ang pagkakaroon ng pambansang wika bilang lingua
franca – ang wikang Filipino – at wika para sa global na pakikipag-ugnayan –
ang wikang Ingles.
Ang bilinggwalismo at multilinggwalismo ay hindi lamang penomenom na
para sa isa o pangkat ng mga tao sapagkat ito ay isang panlipunang
penomenom din. Binangit ni Romaine 2013, ito ay makikita sa lahat ng uri ng tao
gaya ng mga nasa rural at maging sa mga kilalang historikal na mga tao tulad
nina Hesu Kristo at Gandhi at mga kontemporaryong indibidwal gaya nina Pope
Benedict XVI at Canadian na mang-aawit na si Celine Dion. Ano nga ba ang
bilinggwalismo at multilinggwalismo?
BILINGGWALISMO. Ang bilinggwalismo ay galing sa mga salitang “bi” na
nangangahulugang dalawa at “linggwalismo” na mula sa salitang “linggwahe”.
Dahil dito, ang kahulugan ng bilinggwalismo ay ang paggamit ng dalawang wika
nang magkasalit. Sa ilalim ng bilinggwalismo, malayang nagagamit ng isang tao
o isang lugar ang sariling wika nito at ang ibang hiram na wika na nagiging wari’y

Fil. 1 Wika at Kultura sa Mapayapang Lipunan Pahina 30


sarili na nito sa paglipas ng panahon. Maaaring umabot sa punto na hindi na
mawari ng isang tao o lugar kung alin sa dalawang wika ang naging unang wika
nito.

Halimbawa: Ang isang tao na nakakapagsalita o nakakaunawa ng wikang


Tagalog at Ingles ay isang bilinggwal na tao.
Ang bilinggwal na tao ay gumagamit ng dalawang wika:
Unang wika Pangalawang wika

Ang Panguhanahin at Pangalawang Wika

Kalimitan ay nahuhulma ang ganitong katangian tuwing kabataan kung


kailan ginagamit ang unang wika - tinatawag silang first language, native
language at/o mother tongue. Ito ay kalimitang natututunan kahit walang pormal
na edukasyon dahil dala ito ng mekanismo sa lipunang kinalakihan.
Ang pangalawang wika ay maaaring natututunan sa multilinggwal na
lipunan, sa paaralan at sa mga pormal na pagsasanay. Ang Pilipinas ay may
multilinggwalismo na lipunan dahil dalawa (kung tutuusin ay (higit pa) ang opisyal
na wika ang madalas ginagamit dito:
Filipino (Tagalog)
Visayan Language gaya ng Hiligaynon, Cebuano
Mga kaugnay na diyalekto
at ang Ingles (English)
Marami rin silang mga namanang wika mula sa mga dayuhan: Chinese,
Spanish, at Japanese. Kaya pangkaraniwang na sa mga Pinoy ang
bilinggwalismo. Ito ay tumutukoy sa taong nakapagsasalita ng dalawang wika.
Ngunit, nagkakaroon ito ng ibang pananaw ayon sa kakayahan ng indibidwal sa
paggamit ng mga wikang ito.

BILINGGWALISMO AYON SA MGA DALUBHASA

Fil. 1 Wika at Kultura sa Mapayapang Lipunan Pahina 31


Ayon kay, Bloomfield 1935, hindi lamang sapat ang makapagsalita
sapagkat ang kanyang pananaw dito ay paggamit ng dalawang wika sa tulad ng
katutubong wika. Hindi lamang tungkol sa kakayahan ng pagsasalita bagkus ito
ay tumutukoy rin sa kahusayan sa pagsasalita at paggamit nito na may
konsiderasyon sa kahusayang linggwistika.
Ipinaliwanag naman ni Trask 20017, na kahanga-hangang tagumpay na
sa kasalukuyan ang magkaroon ng abilidad sa pagsasalita ng dalawang wika lalo
na sa lipunang higit na diin ang pagsasalita ng wikang Ingles.

MULTILINGGWALISMO. Ang multilinggwalismo ay galing sa mga


salitang “multi” na nangangahulugang marami at “lingguwalismo” na mula sa
salitang “linggwahe”. Dahil dito, ang kahulugan ng multilinggwalismo ay ang
paggamit ng maraming wika (dalawa o higit pang wika). Ang paggamit ng
maraming wika ay sa kabila ng anumang lebel ng kaalaman ng isang tao sa
bawat wika. Ang pagiging multilinggwal ay hindi lamang tumutukoy sa kakayahan
ng isang tao upang magsalita ng mga wika, kundi pati sa kakayahan nitong
makaunawa ng mga ito.
Halimbawa: Ang Pilipinas ay isang multilinggwal na bansa. Ito ay may
mahigit na 150 na wika sa buong bansa.
Ito ay tumutukoy sa higit sa dalawang wikang batid ng isang indibidwal na
gamitin sa anumang uri ng komunikasyon. Tinatawag rin itong plurilinggwalismo
sapagkat ayon kay Crystal 2008, sa sosyolinggwalistko ito ay tumutukoy sa isang
indibidwal na tagapagsalitang may kakayahan sa paggamit nang higit sa dalawa
o maraming mga wika na may iba’t ibang antas ng kahusayan. Hindi lamang ito
tungkol sa paggamit ng wika o kakayahan ng isang indibidwal dahil mangyayari
rin ito sa sitwasyong pangwika sa buong bansa o lipunan. Ito ay lubos na
karanasan ng Pilipinas na binubuo ng mga pulo. Bawat pulo na may iba’t ibang
rehiyon ay mayroong sinasalitang wika. Bukod sa pambansang wikang Filipino at
opisyal na wikang Ingles, ang ilang mamamayan dito ay nakapagsalita ng
kanilang wika bilang unang wika at marunong din ng wika na lingua franca sa

Fil. 1 Wika at Kultura sa Mapayapang Lipunan Pahina 32


kanyang lipunan. Halimbawa ng sitwasyong ito ang isang Meranaw na nakatira
sa lungsod Marawi at nag-aaral sa lungsod Iligan. Unang wika na kanyang
natutunan ay Meranaw dahil sa Marawi siya ipinanganak at tiyak marunong din
siya ng wikang Filipino at Ingles dahil itinuturo ito sa paaralan. Ngunit, dahil sa
lungsod Iligan siya nag-aaral Cebuano ang lingua franca naging maalam na rin
siya sa wikang ito.
Ang pagiging at pagkakaroon ng bilinggwal at multilinggwal na kahusayan
at kakayahan ssa wika ay isang penomenom tungkol sa kahusayan sa paggamit
ng wika. Ito rin ay naglalarawan sa lipunan na kinabibilangan ng indibidwal. Sa
kaso ng Pilipinas, naging normal sa mga mamamayan dito ang magkaroon ng
kakayahan sa paggamit ng higit sa isang wika dahil sa implementasyon ng
bilinggwal na polisiya sa pagtuturo bukod pa sa unang wika na batid ng isang
mag-aaral. Sa kabilang banda naman, ang pagiging bilinggwal ng indibidwal ay
maaaring maging temporary depende sa kanyang kinabibilangang sitwasyon.
Gaya ito sa karanasan ng isang pamilyang Pilipino na nangingibang-bayan. Hindi
man makalimutan ng mga anak na lumaki sa Pilipinas ang wika na natutuhan sa
Pilipinas sapagkat higit na ginagamit ang wika ng lugar na kanilang nilipatan.

Fil. 1 Wika at Kultura sa Mapayapang Lipunan Pahina 33


PAGSASANAY 4

Pangalan: _____________________________ Iskor:__________


Taon/ Kurso/ Seksyon: __________________ Petsa: __________

PANUTO: May mga grupo ng salita na ginagamit ng partikular na grupo sa bawat bilang
sa ibaba. Isulat sa patlang ang isinasaad o hinihingi sa bawat letra bago ang
mga grupo ng salita.

A. Profesyon
_______________ 1. debit, kredit, akawnting, balance, remitans, tseke
_______________ 2. operasyon, iniksyon, istetoskop, termomiter
_______________ 3. affidavit, kontrata, notary publiko, krimen, kaso, batas
_______________ 4. tsok, tsokbord, pentel pen, klas record, test, bolpen
_______________ 5. kuryente, srkwit, transformer, kawad, kilowatt, ilaw, bombilya

B. Larangan o Sabjek
_______________ 1. nota, melody, vakalisayon, oktava, tiyempo, kanta
_______________ 2. mouse, CPU, keyboard, log in, start, software, Microsoft Word
_______________ 3. anyo ng panitikan, tula, akda, makata, tauhan, banghay, dula
_______________ 4. atom, atmospera, buhay at di-buhay na bagay, enerhiya, tubig
_______________ 5. Plas, multiplay, square rrot, numero, maynus, hatiin, ikwals

C. Tao o Gumagawa
_______________ 1. buhok, meykap, lipstick, pulbos, tina, kulot, syampu, pilik
_______________ 2. keyk, beking soda, sukatang tasa, tinapay, haluang bowl
_______________ 3. shokla, jowa, chaka, fafa, jokins, tom jones, shonganga
_______________ 4. de padyak, gulong, pasahero, manibela, rayos, pedal, sukli
______________ 5. sa pula sa puti, lo dyes, tare, kristo, pusta, salpukan, manok

Fil. 1 Wika at Kultura sa Mapayapang Lipunan Pahina 34


PAGSASANAY 5

Pangalan: _____________________________ Iskor:__________


Taon/ Kurso/ Seksyon: __________________ Petsa: __________

PANUTO. Isulat ang letrang T kung tama ang pangungusap.Kapag mali


ang sagot, salungguhitan ang salita at isulat sa patlang ang
tamang salita.

________1. Creole ang wikang napaunlad mula sa pidgin.


________2. Pidgin ang komon o wikang alam ng mga taong may iba’t ibang sinasalita.
________3. Limitado ang bokabularyo ng pidgin.
________4. Komunikasyon ang isa sa mga manipestasyon sa ugnayan ng wika at
lipunan.
________5. Ingles ang lingua franca ng mga Pilipino sa pakikipag-ugnayan sa ibang
bansa.
________6. Ang creole ay limitado ang gamit.
________7. Ang creole ay dulot ito ng pagkakaroon ng lingua franca.
________8. Ayon sa Etnologue, may 187 na wika ang Pilipinas at 181 dito ang buhay.
________9. Ayon kina Zalzman, Stanlaw at Adachi, ang pidgin ay proseso ng gramatikal
at leksikal.
________10. Ang creole ay tinatawag ring ugnay na wika o contact language.

Fil. 1 Wika at Kultura sa Mapayapang Lipunan Pahina 35


ARALIN 5. GAMIT NG WIKA SA LIPUNAN

Introduksyon

Ang lipunan ay malaking pangkat ng mga tao na may karaniwang set ng


pag-uugali, ideya, saloobin at namumuhay sa tiyak na teritoryo at itinuturing ang
mga sarili bilang isang yunit.
Ang wika, pasalita man o pasulat, ang instrumentong ginagamit ng mga
tao sa loob ng lipunang ito upang makipag-ugnayan sa isa't isa.
Gumaganap ng napakahalagang papel ang wika sa buhay ng tao kaya
naging isang panlipunang penomenom ito. Isa sa pangunahing tunguhin ng wika
ay gamit sa pakikipag-ugnayan at pakikipagtalastasan sa kapwa upang
magkaunawaan sa isa’t isa. Ginagamit niya ang wika at nakikipag-usap siya sa
kapwa upang magpahayag ng marami at iba’t ibang dahilan gaya ng
pagpapahayag ng mga damdamin, pagkuha ng impormasyon, paghahanap ng
mga bagay, paghinging kapatawaran at iba pa.
Makabuluhan ang paggamit ng wika sapagkat gumaganap ito ng mga
tungkulin na pagbuo at pagpapatuloy ng relasyon sa loob ng isang lipunan. Ang
paggamit naman ng wika sa lipunan ay nangangahulugan ring kahusayan sa
pagpili ng mga salitang tumutugon sa mga pagnanais ng tao sa kanyang
pakikipagtalastasan.

Fil. 1 Wika at Kultura sa Mapayapang Lipunan Pahina 36


LIMANG TUNGKULIN NG WIKA SA LIPUNAN (GEOFFREY LEECH, 2013)

1. Nagbibigay-kaalaman. Ito ang tinitignan ng karamihan na


painakaimportante sa lahat ng tungkulin ng wika sa lipunan. Nakatuon ito sa
mensahe ng bagong impormasyon na ibinabahagi. Nakadepende ito sa
katotohanan o halaga ng kaasipan ng mensahe. Maibibigay na halimbawa rito
ang pagbabasa ng mga balita at pagkilala kung alin sa mga ito ang fake news o
totoong balita.

Halimbawa: May martial law sa Mindanao kaya marami ang namamatay


rito. May dalawang impormasyon na dala ang balitang ito gaya ng pagkakaroon
ng martial law at sa dami ng namatay. Ngunit, ituturing ito ng mga Mindanaon na
fake news kahit totoo pang may martial law dahil hindi naman tama ang
katuturan ng pahayag na may maraming namatay rito.

2. Nagpapakilala. Magagamit at ginagamit ang wika sa pagpapahayag ng


damdamin at atityud ng nagsasalita. Ang tagapagsalita o manunulat sa isang
wika ay sinisubukang ipinapahayag ang kanyang damdamin sa tungkuling ito ng
wika sa lipunan. Ito ay nagbibigay ng malinaw na imahe ng pagkatao ng
tagapagsalita o manunulat sapagkat naglalahad ito ng kanyang impresyon at ang
pagbago-bago ng mga ito. Makikita natin ito sa mga akdang pampanitikan tulad
ng tula at iba pang genre ng panitikan.

Halimbawa: Sa katunayan, ang tungkulin na ito ay pumupukaw ng tiyak na


damdamin sa mga halimbawang pahayag na: “napakasaya ko na kasama kita,
hindi ako mabubuhay kung wla ka, mahal na mahal kita.” Lahat ng mga ito ay
mga damdamin ng tao na maaaring mababago o hindi. Halimbawa rin dito ang
panunuod ng isang pelikula na pumukaw sa iyong damdamin kaya tumawa o
umiiyak ka habang nanunuod.

Fil. 1 Wika at Kultura sa Mapayapang Lipunan Pahina 37


3. Nagtuturo. Ito ay may layuning magbigay ng impluwensya sa pag-
uugali o atityud ng iba. Malinaw itong makikita sa mga pagpapahayag na nag-
uutos o nakikiusap. Ang tungkuling ito ng wika sa lipunan ay nagbibigay
emphasis sa tumatanggap ng pahayag kaysa sa nagbibigay ng mensahe.
Gayunpaman, ito ay pagpapahayag ng tungkulin ng wika na hindi gaanong
mahalaga dahil hindi ito pwersahan o may dalang kapangyarihang sundin.
Ekspresyon ito na may halong konotatibong kahulugan o pagpapahiwatig kaya
kung hindin makukuha ang ibig sabihin, hindi matutupad ang kahulugan ng
mensahe. Sa kabilang banda, ipinapahayag rin ito nang may paglalambing o di
kaya pagpapahayag na may halong pagpaparinig.
Halimbawa: Ang nanay niya ay nagsasabing ”Nauuhaw ako” ay parinig o
pahiwatig na humihingi siya ng tubig sa anak. Ito rin ang sitwasyon sa mga
magbabarkada na umuwi ngunit biglang nagyaya ang isa na kumain sa
pamamagitan ng “Nagugutom ako.” Sa pag-uutos naman, magagawa ito
pamamagitan ng pakiusap gaya ng “Pakikuha po ng aking pera sa ibabaw ng
kabinet.”
4. Estetika. Ito ay gamit ng wika para sa kapakanan ng paggamit /
paglikha ng wika o linguistic artifact mismo at wala ng iba pa. Tuon ng tungkuling
ito ang ganda ng paggamit ng wika. May pagdidiin din tungkol sa paraan ng
pagpapahayag para sa konseptwalisasyon ng kahulugan. Higit na binibigyan dito
ng pansin ang poetika ng pagpapahayag ng isang mensahe kaysa idyelohikal na
halaga nito.
Halimbawa: Maaaring mabibighani ka sa iyong manliligaw dahil sa husay
at galing niya sa pagbigkas ng mga salita sa spoken poetry kahit hindi mo
naiintindihan ang nais niyang sabihin.
5. Nag-eenganyo. Mahirap tumbasan sa wikang Filipino ang phatic na
tungkulin ng wika sa lipunan. Ito ay nagsasabi ng pagiging bukas o mapagsimula
ng komunikasyon sa kapwa kaya tinumbasan ito ng nang-eengganyo. Maaaring
ito ay verbal o di-verbal na pakikipagtalastasan na nagbibigay palatandaan ng
pagiging laging handa o bukas sa pakikipagtalastasan at pagpapanatili ng

Fil. 1 Wika at Kultura sa Mapayapang Lipunan Pahina 38


maayos na relasyon sa iyong lipunan. Sa kulturang Pilipino, ang pagtatanong
kung saan ka pupunta ay isang hudyat ng pagsisimula ng komunikasyon at anyo
na rin ng pangungumusta sa kaibigan o kakilala. Hindi ito palatandaan ng
pagiging mapang-usisa o tsismosa. Mapapansin rin ito sa isang lugar na wala
kang kakilala ngunit nakikipag-usap ka sa isang tao ng kahit ano bilang simula
ng inyong komunikasyon na hahantong naman sa pagiging magkaibigan.

PITONG TUNGKULIN NG WIKA (M.A.K. HALLIDAY)

1. Regulatoryo- ito ang tungkulin ng wikang tumutukoy sa pagkontrol ng


ugali o asal ng ibang tao. Ang pagbibigay ng direksiyon gaya ng direksyon sa
pagluluto ng ulam, direksiyon sa pagsagot sa pagsusulit, at marami pang iba.
2. Personal- ang tungkuling ito ay tumutukoy sa pagpapahayag ng
sariling opinyon o kuro-kuro sa paksang pinag-uusapan. Kasama rin dito ang
pagsusulat ng talaarawan at journal, at ang pagpapahayag ng pagpapahalaga sa
anumang anyo ng panitikan.
3. Heuristiko- tumutukoy ito sa pagkuha o paghanap ng impormasyon na
may kinalaman sa paksang pinag-aralan. Halimbawa rito ay ang pag-iinterbyu,
pakikinig sa radyo, panonood sa telebisyon, at pagbabasa ng pahayagan, blog at
aklat.
4. Instrumental- ito ang tungkulin ng wikang tumutugon sa mga
pangangailangan ng tao gaya ng pakikipag ugnayan sa iba. Ang paggawa ng
liham pangangalakal, liham sa patnugot, at pagpapakita ng mga patalastas
tungkol sa isang produkto na nagsasaad ng gamit at halaga ng produkto ay mga
halimbawa ng tungkuling ito.
5. Impormatibo- kabaliktaran ng heuristiko. Ito ay may kinalaman sa
pagbibigay ng impormasyon sa paraang pasulat at pasalita. Kung ang heuristiko
ay pagkuha o paghahanap ng impormasyon, ito naman ay may kinalaman sa
pagbibigay ng impormasyon sa paraang pasulat at pasalita. Halimbawa nito ay
pagbibigay-ulat, tesis, panayam, at pagtuturo.

Fil. 1 Wika at Kultura sa Mapayapang Lipunan Pahina 39


6. Interaksiyonal- ay nakikita sa paraan ng pakikipag-ugnayan ng tao sa
kanyang kapwa, pakikipagbiruan, pakukuwento ng malulungkot o masasayang
pangyayari, paggawa ng liham- pangkaibigan at iba pa.
7. Imahinatibo- malikhaing paraan ng pagpapahayag ng imahinasyon.

ANIM NA PARAAN NG PAGBABAHAGI NG WIKA (JACKOBSON, 2003)

1. Pagpapahayag ng damdamin- pagpapahayag ng damdamin, saloobin


at emosyon.
2. Panghihikayat- upang makahimok at makaimpluwensya sa iba sa
pamamagitan ng pag-uutos at pakiusap.
3. Pagsisimula ng pakikipag-ugnayan- upang makipag-ugnayan sa
kapwa at makapagsimula ng usapan.
4. Paggamit bilang sanggunian- ipinapakita nito ang gamit ng wikang
nagmula sa aklat at iba pang sangguniang pinagmulan ng kaalaman upang
magparating ng mensahe at impormasyon.
5. Paggamit ng kuro-kuro- lumilinaw sa mga suliranin sa pamamagitan ng
pagbibigay ng komento sa isang kodigo o batas.
6. Patalinghaga- masining na paraan ng pagpapahayag gaya ng panulaan,
prosa, sanaysay, at iba pa.

Tungkulin din ng wika ang paglalahad ng kung ano mang dapat


ipaliwanag ng isang tao sa kanyang kausap o tagapakinig. Halimbawa nito ay
pagluluto ng ibat ibang ulam o pagkain, pagpapaliwanag kung bakit nahihilig ang
karamihan sa sosyal midya, at iba pa. Ang pagsasalaysay ay nagkukwento.
Kung kailangang magsalaysay tungkol sa isang pangyayari opang malaman ng
lahat ay maaaring magkwento. Pati ang paglalarawan ng hitsura, anyo, hugis,
kulay, lasa, amoy, at iba pang deskriptibong salita ay tungkulin din ng wika.
Paglalarawan sa sarili mong bayang tinubuan, ang dating tahimik na Bulkang
Mayon, si Pangulong Duterte, atbp. Samantalang ang nanghihikayat o humihingi
Fil. 1 Wika at Kultura sa Mapayapang Lipunan Pahina 40
ng pagtiwala sa isyung gustong paniwalaan na lahat ay tungkuling
pangangatwiran ng wika. Ang mga halimbawa nito ay Ang Dengvaxia ang
Dahilan ng Pagkamatay ng mga Bata, Ang Retayrment na Edad ay Dapat 70 na
Taon, Hindi Dapat Pababayaan ang mga Bata na Gumamit ng Selfon o Tablet, at
marami pang ibang isyu.

Ang Kahalagahan ng Wikang Filipino sa Lipunang Pilipino

Ayon kina Santos, et al. (2012), ginagamit ang Filipino sa interaksyon ng


mga mamamayang Pilipino sa isa’t isa. Bilang lingua franca nagagamit ito sa
pagbabahaginan at pagpapalitan ng ideya, iniisip, saloobin at marami pang ibang
nararamdaman ng isang tao lalo pa’t ang mga Pilipino ay may iba’t iba ring
sinasalitang wika.

Mga Tungkulin ng Wikang Filipino.

1. Binibigkis ng wikang Filipino ang mga Pilipino.


Dahil ang Pilipinas ay binubuo ng isang multikultural at multilinggwal na
mga Pilipino, kasama pa ang maraming etnikong grupo, nagkakaroon ng
integrasyon o pagkakaisa sa paggamit ng iisang wikang nauunawaan ng lahat.
Saang sulok man ng Pilipinas, maging sa labas ng bansa magkita-kita ang mga
Pilipino, nagkakaisa at nagkakaunawaan sila dahil sa paggamit ng wikang
Filipino.
2. Tumutulong ito sa pagpapanatili ng kulturang Pilipino.
Wika ang behikulo, pasulat man o pasalita, upang maihatid ang kaalaman
o impormasyon tungkol sa kultura ng iba’t ibang pangkat sa Pilipinas. Isa ang
wika sa nakatutulong upang lalong mapayaman ang kulturang Pilipino. Mapalad
ang mga pangkat na naisulat at naipreserba nila ang kanilang kultura.
3. Sinasalamin ng wikang ito ang kulturang Pilipino.

Fil. 1 Wika at Kultura sa Mapayapang Lipunan Pahina 41


May mga kultural na mga salita na tanging sumasalamin lamang sa mga
Pilipino, na kapag binabanggit ang mga salitang ito, tiyak na identidad ng mga
Pilipino ang nakikita. Halimbawa nito ang: balut, bahay-kubo, sapin-sapin, tabo,
Sarao, dyipney, bakya, barong-Tagalog, atbp.

4. Inaabot nito ang isip at damdamin ng mga Pilipino.


Sa kasalukuyan, napakarami n gating OFW, at nauso na rin ang
pagbabakasyon sa labas ng bansa. Wikang Filipino lang ang pumupukaw sa
damdaming Pilipino. Ang musikang Pilipino ay nakaaantig damdamin at isip lalo
pa’t ikaw ay wala sa Pilipinas. Ang mapakinggan lamang ang nagsasalita nito na
isang puti, itim man o dilaw ay nagpapasya at nakabagbag damdamin sa isang
Pilipino. Narinig ba ninyo ang mga banyagang kumakanta ng ating mga awitin?

5. Sinisimbolo ng wikang Filipino ang pagka-Pilipino ng mga Pilipino.


Wikang Filipino ang isang mahalagang pagkakakilanlan ng kahit sino para
matawag na siya ay Pilipino.

Fil. 1 Wika at Kultura sa Mapayapang Lipunan Pahina 42


PAGSASANAY 6

Pangalan: _____________________________ Iskor:__________


Taon/ Kurso/ Seksyon: __________________ Petsa: __________

PANUTO: Kilalanin ang tungkulin ng wikang inilalarawan sa mga sumusunod


na sitwasyon. Isulat sa patlang na nakalaan ang titik ng tamang kasagutan.

a. Interaksyunal d. Instrumental f. Regulatori


c. Personal e. Imahinatibo g.
Heuristik
c. Impormatib

___________ 1. May lalaking lumapit sa iyo at tinanong kung saan matatagpuan ang
istasyon ng pulis.
___________ 2. Lumiham si Bernie sa kanyang kaibigang nasa Japan.
___________ 3. Iminungkahi ng pangulo ng samahan ang pagtatag ng bagong
proyekto.
___________ 4. Sumulat si Jane sa editor ng Inquirer upang ipahayag ang kanyang
pagkabahala sa pagkasira ng kapaligiran.
___________ 5. Hindi itinuloy ni Lito ang pagkakalat ng basura sa palengke ng Kabacan
sapagkat nabasa niya ang karatulang nakapaskil na naglalaman ng
ganito,“Bawal Magkalat ng Basura sa palibot: Ang mahuli ay
magmumulta ng halagang P500.”
___________ 6. Kinapanayam ni Noli de Castro si Pangulong Pinoy.
___________ 7. Minura ni Aling Marta ang kanyang batugang anak.
___________ 8. Nagtalumpati si Mayor Monticillo sa harap ng mga nagsipagtapos.
___________ 9. Binati ni Selya ang kanyang kaibigang nagdiwang ng kaarawan.
___________ 10.Nakiusap si Kuya Roy na huwag nang pag-usapan ang tungkol sa
nakaraan ng kanyang asawa.
___________ 11. Binalaan ng PAGASA ang mga mamamayan hinggil sa parating na
malakas na bagyo.
___________ 12. Binati ni Amphy ang kaibigan niyang si Anita ng Happy Birthday.
___________ 13. Isinulat ni Wayne sa kanyang balota ang pangalan ng mga
kandidatong inaakala niyang karapat-dapat na maging kinatawan sa
Konseho.
___________ 14. Inulat ni Aura sa klase ang kasaysayan ng dulang Tagalog.
___________ 15. Nagkasalubong ang magkaibigang Lina at Andrei sa hallway at sila’y
nagbatian ng Hi at Hello.
Fil. 1 Wika at Kultura sa Mapayapang Lipunan Pahina 43
KARAGDAGANG GAWAIN:

Makapangalap ng mga rehistro ng wika sa mga sumusunod na grupo/pangkat:

a. Baklang parlorista
b. Sabungero
c. Magsasaka
d. Online Players
e. Tindera
f. Traysikel Driver

RUBRIKS:
20 puntos - dami ng salitang nakolekta at nabigyang kahulugan
20 - presentasyon sa klase
10 - kooperasyon ng grupo

KABUUAN: 50 puntos

Fil. 1 Wika at Kultura sa Mapayapang Lipunan Pahina 44


YUNIT II
ANG KULTURANG PILIPINO

Pangkalahatang Layunin:

Nakapagbibigay halaga sa wika at kultura ng mga Pilipino tungo sa


pagkakaunawaan ng bawat angkan/lahi.

Mga Tiyak na Layunin:

1. Natatalakay ang katuturan ng kultura.


2. Naiisa-isa ang mga katangian, manipestasyon at komponent ng
kultura.
3. Naipaliliwanag ang kahalagahan ng pagkakaroon ng kamalayan
tungkol sa kulturang pinanggagalingan ng bawat isa.
4. Nakabubuo ng isang presentasyon tungkol sa isang tradisyon, gawi sa
kultura na makikita sa isang lipunan.

Introduksyon

Sa araw-araw na ginawa ng Diyos, ang tao ay gumaganap ng kanyang


tungkulin sa lipunan at kumikilos upang pamuhayan ang buhay na pinagkaloob
sa kanya. Sa kanyang pakikipamuhay sa lipunan, nariyan ang maraming hain na
putahe ng buhay upang maisulong at maitaguyod ang sariling pagkatao,
mapasaya at maalagaan ito upang magising kinabukasan at magpapatuloy ang
buhay. Isang mahalagang usapin sa konsepto ng pagkabuhay at pamumuhay ng
isang tao ay ang Kultura. Sa isang lipunan, binibigyang - katwiran ng kultura ang
maganda sa hindi, ang tama sa mali at ang mabuti sa masama. Ang Kultura
ayon kay Panopio (2007), ay “ang kabuuang konseptong sangkap sa
pamumuhay ng mga tao, ang batayan ng kilos at gawi, at ang kabuuang gawain

Fil. 1 Wika at Kultura sa Mapayapang Lipunan Pahina 45


ng tao.” Lubos na mahalaga ito sapagkat ang kawalan ng batayan ng pagkilos sa
isang lipunan ay maaaring magdulot ng kaguluhan.

Mula pagkasilang ng isang sanggol hanggang sa kanyang paglaki ay


kabilang na siya sa kultura ng lipunang kanyang kinamulatan at pinamuhayan. At
habang natutuhan ng isang bata ang kanyang katutubong wika, unti-unti rin
niyang natututunan ang kanyang kultura na siyang magagamit niya sa iba’t ibang
ugnayang sosyal. Sapagka’t ang wika at kultura ay magkaugnay, napakahalaga
ng tungkulin at nagagawa ng dalawang ito upang magkaroon ng pagsasaluhang
danas-lipunan ang mga mamamayan. Ang wika at sariling paraan ng
pakikisalamuha ng isang indibidwal ay indikasyon sa uri ng kanyang pamumuhay
at pananaw sa mundo kung saan malaki ang papel ng kultura dito na siyang
humuhubog kung paano mamuhay at makikipagtulungan ang tao sa kanyang
kapwa upang mailagay sa pedestal ang kagandahan, katalinuhan at kabutihang
loob. Ang intelektwalidad at moralidad ng tao upang makipag-ugnayan sa mundo
nang masagana at payapa.

Samantala, sa pagpasok ng elektronikong panahon, nabihisan na rin ng


makabagong kasuotan ang kultura ng lipunan. Nagkaroon na ng iba’t ibang anyo
ng daluyan na nakapagpapabago sa pananaw at pagtanggap ng tao sa mga
gawain at kalakaran ng kanyang lipunan at maging ng mundo. Mula dito’y mas
nagiging aktibo, mabilis at lumawak ang pagbabahaginan ng kultura sa pagbuo
ng isang ugnayang mapayapa sa alinmang lipunan. Ang susunod na mga bahagi
ang magpapalawig sa layunin ng sanayang-aklat na ito.

Aralin 1. ANG KULTURANG PILIPINO

KAHULUGAN NG KULTURA

“Kalinangan” ang tamang salin ng salitang “culture” sa Filipino. Ito ay


may salitang-ugat na “linang” na kung tutumbasan naman sa Ingles ay
“cultivate.” Ayon kay Timbreza (2008), kalinangan o kultura ang siyang
lumilinang at humuhubog sa pag-iisip, pag-uugali at gawain ng tao.
Fil. 1 Wika at Kultura sa Mapayapang Lipunan Pahina 46
Ang salitang kultura ay hinango mula sa wikang Latin: na cultura na may
literal na kahulugang "kultibasyon" o "paglilinang". Ang kalinangan ay isang
katagang may maraming iba't ibang magkakaugnay na mga kahulugan. Subalit,
ang salitang ito ay pinaka pangkaraniwang ginagamit sa tatlong payak na mga
diwa:

 Ang pagkakaroon ng matanging panlasa sa mga pinong sining at


araling pantao, at tinatawag ding mataas na kalinangan

 Isang binuong huwaran ng kaalaman, paniniwala, at ugali ng tao na


nakabatay sa kakayahan para sa masagisag na pag-iisip at
pagkatutuo ng pakikipagkapwa

 Isang pangkat ng pinagsasaluhang mga ugali, pagpapahalaga, mga


layunin, at mga gawain na nagbibigay ng katangian sa isang
institusyon o panimulaan, organisasyon, o pangkat.

Noong ika-20 daantaon, umahon ang "kalinangan" bilang isang diwa na


nakapagitna o naging pangunahin sa larangan ng antropolohiya, na
nagsasangkot ng lahat ng mga kababalaghan o penomenong pantao na hindi
puro mga kinalabasan ng henetika ng tao. Katulad ito ng katagang "kultura" sa
antropolohiyang Amerikano na may dalawang kahulugan: (1) ang umunlad na
kakahayan ng tao upang uri-uriin at katawanin ang mga karanasan sa
pamamagitan ng mga sagisag, at gumalaw na may imahinasyon at malikhain; at
(2) ang namumukod-tanging mga kaparaanan ng tao na namumuhay sa iba't
ibang mga bahagi ng mundo na nag-uri at kumatawan sa kanilang mga
karanasan, at kumilos na ayon sa pagiging malikhain nila. Pagkalipas ng
Ikalawang Digmaang Pandaigdig, ang katawagan ay naging napakahalaga,
bagaman mayroong dalawang magkaibang mga kahulugan, sa ibang mga
disiplinang katulad ng araling pangkalinangan, sikolohiyang organisasyonal, ang
sosyolohiya ng kalinangan at araling pampamamahala.

Fil. 1 Wika at Kultura sa Mapayapang Lipunan Pahina 47


Ayon naman kina Alfred Kroeber at Clyde Kluckhohn sa kanilang limbag na
aklat na Culture: A Critical Review of Concepts and Definitions noong 1952.
Ang kultura o kalinangan tumutukoy sa araw-araw na pangkabuhayan ng isang
grupo. sa pangkalahatan ay tumutukoy sa aktibidad ng sangkatauhan. Sa isang
payak na kahulugan, ito ang "kaparaanan ng mga tao sa buhay", ibig sabihin ang
paraan kung paano gawin ang mga bagay-bagay. Iba't iba ang kahulugan ng
kultura na sumasalamin sa iba't ibang mga teoriya sa kaunawaan, o sukatan sa
pagpapahalaga, sa aktibidad ng sangkatauhan. Sa iba, ito ang kuro o opinyon ng
buong lipunan, na maaaring makita sa kanilang mga salita, aklat at mga sinulat,
relihiyon, musika, pananamit, pagluluto, at iba pa.

Ayon sa mga sumusunod, ito ang kahulugan ng kultura:

1. Anderson at Taylor (2007), Ang kultura ay isang komplikadong


sistema ng ugnayan na nagbibigay kahulugan sa paraan ng
pamumuhay ng isang grupong panlipunan o isang lipunan sa
kabuuan.

2. Panopio (2007), Ang kultura ay ang kabuuang konseptong sangkap


sa pamumuhay ng tao, ang batayan ng kilos at gawi, at ang kabuuang
gawain ng tao.

3. Rubrico(2009), Ang kultura ay ang pangkabuuang pananaw ng tao sa


isang lipunan sa mundo at sa kanilang kapaligiran. Ang pananaw na
ito ay hango sa tradisyon, paniniwala, uri ng pamumuhay, at iba pang
bagay na nag-uugnay na sa kanila at nagpapatibay sa bigkis na
siyang nagpapalaganap ng kanilang pangkahalatang diwa,
panananaw, kaugalian at adhikain.

4. Mooney (2011), Ang kultura ay tumutukoy sa kahulugan at


pamamaraan ng pamumuhay na nalalarawan sa isang lipunan.

Fil. 1 Wika at Kultura sa Mapayapang Lipunan Pahina 48


PAGSASANAY 7

Pangalan: _________________________ Iskor_______________


Taon/Kurso/Seksyon: ________________ Petsa: ______________

Tama o Mali: Basahin at unawain ang sumusunod na pahayag. Sa patlang sa


unahan ng bilang isulat ang TAMA kung ang diwa nito ay tama. Kung ang diwa
ay mali isulat ang salitang MALI.

_______ 1. Ang kawalan ng batayan ng pagkilos sa isang lipunan ay maaaring


magdulot ng kaguluhan.
_______ 2. Habang natututuhan ng isang bata ang kanyang katutubong wika,
unti-unti niyang natututunan ang kultura ng iba na magagamit niya sa
iba’t ibang ugnayang sosyal.
_______ 3. Ang kultura ng lipunan ay nananatili kahit pa pumasok ang
elektronikong panahon.
_______ 4. Ayon kay Panopio, ang kultura ay kabuuang konseptong sangkap sa
pamumuhay ng tao, ang batayan ng kilos at gawi at ang kabuuang
gawain ng tao.
_______ 5. Ang kultura ay isang payak na sistema.
_______ 6. Ang tradisyon ay tumutukoy sa kahulugan at pamamaraan ng
pamumuhay na naglalarawan sa isang lipunan.
_______ 7. Ang salitang ugat ng kalinangan ay linangan.
_______ 8. Ang salitang kultura ay hango sa wikang latin na cultura.
_______ 9. Sa isang lipunan, binibigyang-katwiran ang kultura ang maganda sa
hindi, ang tama sa mali at ang mabuti sa masama.
_______ 10. Ang kultura ay pagkakaroon ng matanging panlasa sa mga pinong
sining at araling pantao at tinatawag ding mataas na kalinangan.

Fil. 1 Wika at Kultura sa Mapayapang Lipunan Pahina 49


ARALIN 2. KATANGIAN, MANIPESTASYON AT MGA KOMPONENT NG
KULTURA

KATANGIAN NG KULTURA

1. Natutunan (learned). Kung paano pinalaki, pinapakain, pinaliliguan,


dinadamitan, inalagaan ay proseso kung saan natututunan ng isang
indibidwal ang kaugalian sa loob ng kanilang pamilya. Magpapatuloy ang
prosesong ito habang buhay sa pamamagitan ng pakikisalamuha ng ibang
tao sa kultura sa loob ng kanilang pamilya at kultura ng ibang tao.

Enculturation at socialization ang dalawang proeso ng


interaksyon ng tao sa lipunan. Ang enculturation ay ang pagkuha ng
kultura ng ibang pangkat/tao upang maging bahagi ng kulturang iyon.
Madalas ay mas may kagalingan pa siya sa paggamit ng wika, kaugalian,
at paniniwala at tradisyong sinusunod ng kanyang napasukang kultura.
Ang socialization naman ay ang kabuuang pagkilala mga pamantayan na
kultura. Dito ay matutukoy kung sino ang may mga tungkulin sa lipunan
tulad ng ina/ama, asawa, mag-aaral, guro, pulis, politiko at marami pang
iba.

2. Ibinabahagi (shared). Nagsisilbing tulay upang magbigkis ang mga tao


bilang kanilang pagkakakilanlan. Sa kaparaanang ito ay masasanay ang
mga tao na mamuhay ng maunlad kasama ang ibang tao kahit na hindi
sila pareho ng kulturang kanagisnan.

3. Naaadap (adapted). Ang kultura ay umaayon sa kung ano ang takbo ng


kondisyon ng kapaligiran na kinatitirhan ng tao. Halimbawa nito ay ang
mga nakatira sa bansang South Korea kung saan sila ay nakararanas ng
pag-ulan ng nyebe na nagdudulot ng snow season. Normal para sa kanila
ang ganitong klaseng panahon, samantalang kung ikukumpara ito sa
Pilipinas ay imposible itong mangyari dahil mas sanay ang mga tao rito sa
maiinit at katamtamang lamig ng panahon.

Fil. 1 Wika at Kultura sa Mapayapang Lipunan Pahina 50


4. Dinamiko (dynamic). Katulad ng wika, ang kultura ay patuloy na
nagbabago sa paglipas ng panahon at sa pag-alpas nito sa bawat
henerasyon. Nagbabago ito batay sa kung ano ang kulturang popular o
kulturang katanggap-tanggap sa lipunan tulad ng modernong istilo ng
gupit ng buhok. Naging malaki ang gampanin ng teknolohiya sa
pagbabagong ito tulad ng mas madaling paraan ng komunikasyon dulot
ng pagkalikha ng telepono at kompyuter.

MANIPESTASYON NG KULTURA

Ang kultura ay mayroon ding pamantayan na sinusunod batay sa


kahingian nito. Sa bawat araw na dumaraan, nababakas ang manipestasyon ng
kultura sa mga sumusunod:

1. Valyu. Ito ay nakatuon sa kung ano ang nararapat at katanggap-


tanggap na ugaliin. Malaki ang gampanin dito ng prestige
(kapangyarihan), istado, pagiging tapat sa pamilya, pagmamahal sa
bayan, relihiyong pinaniniwalaan at karangalan. Magkakaiba-iba ang
status symbol batay sa kulturang pinagbabasehan nito. Tulad
halimbawa ng kultura na kinagisnan ng mga Pilipino gaya ng
pagmamano sa mga nakatatanda kung saan hindi ito nakikita sa
banyagang kultura. Ang paggamit ng “po” at “opo” ay tunay na
nagpapakita ng pagiging magalang ng mga Pilipino at tanda ng
pagpapahalaga ng kanilang valyu.

2. Di-Berbal na komunikasyon. Ang paggamit ng mga bahagi ng


katawan ay maaari ring makapaghatid ng mensahe. Ang galaw at
aksyon ng isang tao ay maaaring maglarawan ng kulturang taglay nito.
Ang mga simpleng gawi tulad ng pagyuko ng ulo, pagmamano,
pakikipagkamay o paghalik ay naglalarawan ng pagkakaiba ng kultura.

Fil. 1 Wika at Kultura sa Mapayapang Lipunan Pahina 51


Ito ay maaaring matutunan kung ito ay gagawin ngunit may mga hindi
rin naman katanggap-tanggap sa kultura ng ibang pangkat.

Ang pagkakaroon ng same-sex marriage sa America ay tanggap


dahil sila ay isang demokratikong estado ngunit kung ito ay ikukumpara
sa konserbatibong bansa na malakas ang impluwensiya ng relihiyon
tulad ng Pilipinas ay malabo itong maisabatas dahil hindi pa bukas ang
bansa sa ganitong usapin at hindi ito sumasang-ayon sa kung ano ang
inuutos ng Diyos.

Ang pagkain naman ng letchong baboy sa mga katoliko kapag may


handaan ay nagiging tradisyon ng mga katoliko samantalang ito naman
ay bawal sa mga muslim dahil ito ay haram para sa kanila.

Ang mga halimbawa ay nagpapakita ng pagkakaiba-iba ng kultura


at gawing pinaniniwalaan ng iba’t-ibang pangkat. Nararapat na
maunawaan ng bawat isa ang pagkakaiba-iba nila dahil dito ay mas
mag-iigting ang kanilang samahan at mas makikilala nila ang iba pang
pangkat.

Nagpapakita ang di-verbal na komunikasyon ay sumasalamin sa


kultura at nagtatangi upang mas mabigyang punto ang kaibahan ng
kultura para mas madali itong makilala kung ihahanay na sa iba’t ibang
kultura. Katulad ng hadlang sa pagkatuto at sa paraan kung paano
bigkasin ang isang salita ay nabibigyang impluwensiya ng ating
kinagisnang wika.

KOMPONENT NG KULTURA

1. Materyal na kultura. Mga bagay na nahahawakan at nakikita na


ginagamit ng tao sa kanilang araw-araw na pamumuhay. Maaaring ito
ay mula sa pinakamaliit na bagay hanggang sa pinakamalaking bagay
na makikita sa kultura ng isang pangkat tulad ng disenyo ng bahay at

Fil. 1 Wika at Kultura sa Mapayapang Lipunan Pahina 52


establismento. Halimbawa na lamang ay ang paggamit ng tinidor at
kutsara ng mga nasa ibang pangkat, kung ikukumpara ito sa kultura ng
mga Maguindanaon, sila ay nagkakamay lamang dahil hindi kabilang
sa kanilang materyal na kultura ang tinidor at kutsara ngunit nasa
kultura ito ng iba. Ang celfon ay isa sa pinaka mahalagang naimbento
para sa kultura na mayroon tayo ngayon ngunit mayroong ibang tao na
naniniwala na ito ay walang kabuluhan. Kung kaya, ang pagkatuto at
kaalaman sa mga bagay at gamit nito sa ibang kultura ay nagbubukas
sa atin ng kamalayan upang mas mabuksan pa ang ating
pagkakakilala at ugnayan sa ibang grupo.

2. Di-materyal na Kultura. Ang mga kultura at kaugaliang hindi


nahahawakan ngunit maaaring mapansin batay sa galaw ng tao. Ito rin
ay naipapasa sa bawat henerasyon kung kaya’t ito ay hindi
namamatay. Kabilang dito ang norm, paniniwala, valyu at ang wika.

a. Norms. Ang asal, aksyon, kilos, pakikitungo o pag-uugaling


pamantayan ng isang grupo. Ito rin ay karaniwang tinatawag
bilang ideyal na istandard ng isang lipunang ginagalawan ng
isang tao sa partikular na sitwasyon. Isang konkretong
halimbawa nito ay ang pagpila ng maayos dahil may nakalagay
na “Fall in Line.” Nararapat itong sundin dahil ito ang
pamantayan at ang batas na ipinatupad.

Ang norms ang nagsasaayos sa kung ano ba dapat ang


pag-uugaling dapat na ipakita ng isang tao. Ito rin ay ang
nagdidikta ng kung ano ang mga pag-uugaling maaaring makita
sa isang tao sa isang sitwasyon. Malaki ang naiaambag ng
ideyal na norm dahil binibigyang linaw nito at paliwanag ang
pag-uugali ng iba at nagiging tulay upang mas maintindihan
kung bakit may ganito silang pag-uugali. Halimbawa ay pagbati

Fil. 1 Wika at Kultura sa Mapayapang Lipunan Pahina 53


sa guro kapag siya ay nakasalubong mo sa daan, paggamit ng
“po” sa mga mas nakatatanda.

b. Folkways. Tumutukoy sa kaugalian ng isang tao sa isang


sitwasyon kung saan ipinapakita ang magandang pamamaraan
ng isang pangkat. Ito rin ay ang pangkahalatang batayan ng
kilos ng tao sa isang grupo o isang lipunan na kanyang
kinabibilangan. Katulad na lamang ng pasusuot na maayos na
damit tuwing may pupuntahan, mainit na pagtanggap ng bisita,
atbp. Kung ang kultura ay sinasabing ang midyum na
nagbubuklod at nagbibigkis sa bawat indibidwal sa lipunang
ginagalawan, ang pag-uugali naman ay itinuturing na bahagi ng
tali na pinakamahalaga upang mapagbuklod ang bawat isa.
Mas mainam ang paggamit ng salitang folkways kaysa sa
customs para sa mga sosyolohista dahil mas binibigyang diin
nito ang pag-uugaling nararapat na ipakita at mas katanggap-
tanggap sa lipunan. Ito ay nagpapakita rin ng napakarami pang
customs na ating isinasagawa mula noong tayo ay isinilang.
Dahil sa folkways, may inaasahang pag-uugali sa atin ang
lipunan na nararapat nating ipakita. Tulad halimbawa ng kultura
na ekspektasyon sa Pilipinas, kapag ikaw ay nakapagtapos na
sa pag-aaral o nasa wastong gulang ka na, inaasahan na ikaw
ay mayroon ng trabaho at tutulong sa iyong mga magulang sa
usaping pinansyal, kung minsan ay ikaw na ang magpapa-aral
sa iyong mga kapatid.

c. Mores. Ang pinakamahalaga at pinakamataas na uri ng


kaasalan na nararapat na ilapat ng tao sa kanilang buhay.
Kinakailangang isabuhay ang mga kaasalang ito upang
mapanatili ang kaayusan at pamantayan sa loob ng pangkat.
Halimbawa na lamang nito ay ang pagbabawal ng pag-aalaga

Fil. 1 Wika at Kultura sa Mapayapang Lipunan Pahina 54


ng aso ng mga muslim, pagpapakulay ng buhok, pag-inom ng
alak. Hindi lamang nila ito sinusunod dahil sa isa mababaw na
kadahilanan lamang ngunit may kaakibat na mabigat na
kaparusahan ang kanilang matatanggap kapag nilabag nila ito.

d. Batas. Ang tuntunin na nagdidikta kung ano ang tama at ang


mali. Ang isang tuntunin ay isinasabatas ng mga taong may
sapat na kaalaman at kapangyarihan na nasa awtoridad.
Halimbawa ay ang pagmamaneho ng isang sasakyang walang
sapat na dokumento at lisensya, ang pagbebenta ng illegal na
droga ay may kaukulang parusa sa kung sino man ang lalabag
nito. Ang paggamit naman ng alkalde ng kanyang
kapangyarihan upang ideklara bilang holiday ang foundation
day ng kanilang bayan upang ipagdiwang ang araw na pagkilala
sa batas ng kanilang bayan. Sa paglipas ng panahon ay
magiging costumary na ang araw na ito bilang tanda ng
pagdiriwang ng foundation day at hindi lamang ito legal na araw
na walang pasok at trabaho kundi isa na itong tradisyunal na
holiday

e. Valyu. Ang mga magandang pag-uugali, kilos at gawain na


inaasahang maipapakita ng isang tao sa lipunang kanyang
ginagalawan. Maaari rin itong natural makapagsabi ng kung ano
ba ang kaaya-aya sa hindi, ang katanggap-tanggap sa hindi,
ang tama sa mali, ang mabuti sa masama, ang maganda sa
pangit. Halimbawa ay ang pagkatok bago pumasok sa bahay,
pagmamano sa mga nakatatanda, magbati ng “Magandang
umaga,” “Magandang Hapon,” at “Magandang gabi,”
pagpapaalam sa magulang bago umalis ng bahay, pagtulong sa
nakatatandang hirap na sa pagtawid, tamang pakikipag-usap sa
mga magulang, atbp.

Fil. 1 Wika at Kultura sa Mapayapang Lipunan Pahina 55


f. Paniniwala. Dahil sa pagkakaiba-iba ng bawat tao sa kanyang
pinanggalingang kultura, pangkat-etniko, at relihiyon, may
kanya-kanya ring pamamaraan at pag-iisip ang tao sa mga
nagaganap na bagay sa kanyang kapaligiran at mundo. Ang
paniniwala ay ang pananaw ng isang tao sa mga kaganapan at
kung paano siya makikitungo rito, sinasaklaw rin nito ay mga
pamahiin.

g. Wika. Ang pangunahing ginagamit sa komunikasyon upang


magkaroon ng pagkakaintindihan sa lipunang kinabibilangan. Ito
ay gumagamit ng tunog na lumilikha ng isang salita nagtataglay
ng kahulugan.

h. Technicways. Pagbabago sa mga bagay na nakasanayan ng


tao sa mundo pagdaan ng kasaysayan at ng panahon. Bunga
ito ng patuloy na pag-usbong ng teknolohiya. Halimbawa nito ay
ang paggamit ng kompyuter, telefo o celfon sa mas mabilis na
pagpapadala ng mensahe kumpara noong unang panahon na
idinadaan sa sulat ang pagpapadala ng mensahe na kung
minsan ay inaabot pa ng linggo o di kaya’y buwan. Nagkaroon
ng bagong bihis ang lipunan dahil sa malaking epekto ng
teknolohiya sa buhay ng bawat tao, mula sa pagluluto, pag-
aaral, panganganak, pagbibiyahe, pagpapagamot, paglalaba,
pagpapaganda sa sarili, at marami pang iba. Kumakatawan ang
technicways sa pagbabago ng kultura sa lipunan na halos
kabaliktaran ng folkways at norms.

Fil. 1 Wika at Kultura sa Mapayapang Lipunan Pahina 56


PAGSASANAY 8

Pangalan: _________________________ Iskor_______________


Taon/Kurso/Seksyon: ________________ Petsa: ______________

I. Tukuyin ang komponent ng kultura kung ito ay materyal o di-materyal.


Kapag di-materyal na kultura, uriin kung ito ay Norms, Folkways, Mores,
Batas, Valyu, Paniniwala, Wika, Technicways.

___________1. Tubaw
___________2.Muslim Holiday
___________3.Hindi paglilibing sa patay
___________4. Kankanaey
___________5.Komunikasyon sa internet
___________6. Agong
___________7. Bawal uminom ng alak
___________8. Pagiging magalang
___________9. Pagpapaaral sa nakababatang kapatid
___________10. Pamamanhikan
___________11. Sagayan
___________12. Aqiqah
___________13. Kapagayan Festival
___________14.Pagdadal’laan
___________15.Bantola

Fil. 1 Wika at Kultura sa Mapayapang Lipunan Pahina 57


ARALIN 3. KULTURA AT ANG GRUPO

Grupo- bilang ng tao na magkakapareho ng paniniwala, norms, batas na


sinusunod, kaasalan na pinapahalagahan, at mga inaasahan na mayroong
interaksyon sa bawat isa.

May tatlong mahalagang tungkulin ang kultura sa isang pangkat


1. Nagpapakita ng biyolohikal na pangangailangan ng grupo upang
mabuhay.
2. Magigiging gabay ng bawat kasapi ng pangkat ang kultura upang sila ay
matutong makisalamuha sa mga gawi ng iba at makibagay sa sitwasyon
ng kanyang kinabibilangan.
3. Nagiging midyum ang komon na kultura sa bawat kasapi ng pangkat
upang sila
ay magkaroon ng ugnayan at interaksyon nang sa gayon ay kanilang
maiiwasan ang alitan na maaaring mabuo.

3.1 PANDAIGDIGANG HULWARAN NG KULTURA (Universal Pattern of


Culture)

Sa bawat lugar ay mayroong iba't ibang kulturang masasalamin ngunit


mayroong mga kulturang komon na mapapansin sa lahat ng pangkat sa bawat
lipunan. Ang kaisahan na ito ay tinatawag bilang Universal Pattern of Culture.
Si Winsker na isang antropolohiyang Amerikano ang unang nagbigay ng
pagpapakahulugan ng Universal Pattern of Culture. Batay sa kanya, sinabi
niyang lahat ng tao sa mundo ay mayroong:
1. Wika at pananalita
2. Materyal na kultura.
a. Kinasanayang pag-uugali sa pagkain/ pamamaraa ng pagkain

Fil. 1 Wika at Kultura sa Mapayapang Lipunan Pahina 58


b. Pamamahay
c. Trasportasyon
d. Kagamitang ginagamit
e. Pananamit
f. Sandata
g. Trabaho at Industriya

3.2 ALTERNATIBO/ MGA ALTERNATIBO


May mga pamantayan at kaugalian ang itinakda ng lipunan na kailangang
sundin, ngunit sa kabilang dako nito ay may laya ang mga tao kung ito ay
kanilang gagagawin at isasabuhay, tinatawag itong alternatibo. Nabibigyang
karapatang mamili ang isang tao sa kung ano ang nais niya batay sa kung ano
ang nakapagbibigay ng ligaya sa kanya at para sa kanyang ikabubuti. Isa sa
kritikal na bahaging ito ng kultura dahil maaaring mabigyan ng maling pananaw
at husga ng mga nasa loob ng lipunang kinabibilangan. Halimbawa na lamang
ay pagbibigay laya sa isang tao upang mamili ng kanyang taong
mapapangasawa, paaralang papasukan maaaring sa pribado o sa pampubliko,
parkeng papasyalan. May lipunan na tanggap ang same-sex marriage at
mayroon ding nakikita ito bilang isang malaking kasalanan sa batas na
ipinatupad ng moralidad, lalong-lalo na sa Diyos.

3.3 ANG MGA PAGTINGIN NG IBANG TAO SA SARILING KULTURA AT


KULTURA NG IBA

Maaaring maipakita ng isang tao ang kanyang pagpapahalaga sa sariling


kulturang kanyang tinataglay at sa kultura ng kanyang kapwa. Maaari niyang
uriin ito sa mga sumusunod:
1. Noble Savage- Ang isang indibidwal ay buong pusong tanggap kung ano
at sino siya. Buong pagmamalaki niyang ipinapakilala ang kanyang
kinagisnang kultura at pangkat-ethniko na kinabibilangan. Tulad ng isang

Fil. 1 Wika at Kultura sa Mapayapang Lipunan Pahina 59


Maguindanaon na tanggap at hindi ikinakahiya ang kanyang kulturang
pinanggalingan.
2. Ethnocentrism- ito ay tungkol sa kaisipan ng isang tao na nagsasabing
ang kanyang kultura ay higit na nakalalamang sa kultura ng iba. Maaari rin
na paniniwala na ang kanyang kultura ang tama at ang kultura naman ng
iba ay mali.
3. Cultural Relativism. Ang kaisipan ng tao kung saan nakatatak sa
kanyang isipan na walang isang kultura ang nakahihigit sa lahat. Lahat nito ay
pantay-pantay sa kanyang pananaw. Madali itong matuloy dahil nagpapakita ito
ng tanda ng pag-unawa sa kultura ng iba at nagpapakita siya ng respeto rito.
Halimbawa na lamang ay ang isang taong Muslim ay hindi kumakain ng karneng
baboy ay maiintindihan ito ng iba sa kadahilanang siya ay isang Muslim at ito ay
mahigpit na ipinagbabawal sa kanilang paniniwala.
4. Xenocentrism- Nakikita ng isang tao na ang mga tao, bagay, pagkain,
lugar, pamumuhay at produkto ng mga banyaga ay mas nakahihigit at maganda
kung ito ay ikukumpara sa kung anong kulturang mayroon siya. Mas
pinapahalagahan at tinatangkilik ang imported na bagay kaysa sa lokal.

3.4 KULTURA NA KATANGIAN NG IBANG MGA TAO

1. Polychronic. Sa ibang mga kultura, ginagawa ng tao ang mga bagay o di


kaya'y gawain nang sabay-sabay. Katulad halimbawa ng nag-aaral habang
ginagamit ang selfon, paglalaba habang may sinasaing.
2. Monochronic. Ginagawa ng mga tao ng isa-isa ang bawat gawain na
nakatakdang kanilang tatapusin. Lubos silang naniniwala na ang bawat gawain
ay may kaukulang oras na dapat ilaan. Halimbawa, hindi muna sila magsasaing
habang hindi pa natatapos ang kanilang labada, hindi muna siya gagamit ng
selfon habang hindi pa tapos ang kanyang pag-aaral.

Fil. 1 Wika at Kultura sa Mapayapang Lipunan Pahina 60


3.5 KATANGIANG KOMUNIKATIBO AYON KINA HOFSTEDE AT TRIANDS

May mga pananaw ang mga dalubhasa sa kung ano ang katangiang
komunikatibo ng isang tao, ayon sa paniniwala ni Hofstede (1984), nauuri sa
dalawa ang katangiang komunikatibo- Ang individualist at collectivist.
1. Individualist. Ang nasa kaisipan ng tao ay mas mahalaga na masabi niya
ang kanyang gustong sabihin kumpara sa kung ano ang maaaring maramdaman
ng ibang tao. Walang preno ito kung magsalita at walang pakialam sa kung ano
ang damdamin ng ibang tao.
2. Collectivist. Mas binibigyang pansin ng nagsasalita ang kapakanan at
damdamin ng iba bago siya magsasalita. Maingat na iniisip at pinipili ng
nagsasalita ang mga salitang kanyang gagamitin nang sa gayon ay hindi siya
makasakit ng ibang tao. May mga bahagi rin na hindi na lang sasabihin ng
tagapagsalita ang kanyang nais sabihin, huwag lamang makasakit.

Batay naman kay Triands (1990), hinati niya sa dalawa ang katangiang
komunikatibo bilang Allocentric at Ideocentric.

1. Allocentric. Sa kaisipang ito, ang nakaukit sa kaisipan ng isang tao ay


mahalaga ang ibang tao para sa kanya. Mahalagang magkaroon ng kasama o di
kaya'y makakausap bilang ang pananaw na ito'y naniniwala na "No man is an
island".
2. Ideocentric. Ito ay ang kasalungat naman ng naunang pananaw. Dito
inilatag na kaya ng isang tao mamuhay mag-isa at may pananaw rin na ang
kanyang sarili lamang ang mahalaga .

Fil. 1 Wika at Kultura sa Mapayapang Lipunan Pahina 61


PAGSASANAY 9

Pangalan: _________________________ Iskor_______________


Taon/Kurso/Seksyon: ________________ Petsa: ______________

PANUTO: Sa ibaba ay nakalista ang mga posibleng sagot para sa mga


pangungusap na may bilang. Isulat ang tamang sagot sa patlang na
nakalaan sa unahan ng bawat bilang na angkop sa inihahayag ng
pangungusap.

Cultural Relativism Noble Savage Polychronic


Ideocentric Collectivist Monochronic
Individualist Allocentric
Ethnocentrism Xenocentrism

______________1.Sa pananaw na ito naniniwalang “No Man is an Island”,


mahalaga ang pagkakaroon ng kasama o makakausap.
______________2. Mas binibigyang pansin ng nagsasalita ang kapakanan at
damdamin ng iba bago siya magsasalita.
______________3. Dito inilatag na kaya ng isang tao na mamuhay mag-isa at
may pananaw rin na ang kanyang sarili lamang ang
mahalaga .
______________4. Walang preno ito kung magsalita at walang pakialam sa
kung ano ang damdamin ng ibang tao.
______________5. Lubos silang naniniwala na ang bawat gawain ay may
kaukulang oras na dapat ilaan.
______________6. Ginagawa ng tao ang mga bagay o di kaya'y gawain nang
sabay-sabay.
______________7. Ang kaisipan ng tao kung saan nakatatak sa kanyang isipan
na walang isang kultura ang nakahihigit sa lahat.

Fil. 1 Wika at Kultura sa Mapayapang Lipunan Pahina 62


______________8. Mas pinahahalagahan at tinatangkilik ang imported na bagay
kaysa sa lokal.
______________9. Ito ay tungkol sa kaisipan ng isang tao na nagsasabing ang
kanyang kultura ay higit na nakalalamang sa kultura ng iba.
_____________10. Buong pagmamalaki niyang ipinapakilala ang kanyang
kinagisnang kultura at pangkat-ethniko na kinabibilangan.

Fil. 1 Wika at Kultura sa Mapayapang Lipunan Pahina 63


KARAGDAGANG GAWAIN

Makipanayam sa mga sumusunod:

 Guro
 Security Guard
 Janitor
 Mag-aaral

Gabay na tanong sa Pakikipanayam:

1. Paano mo sinisimulan ang iyong araw? Paano mo ito ginagawa?


2. Malaya mo bang nasasabi ang iyong opinyon tungkol sa mga bagay-
bagay sa kapwa? Paano mo sinasabi?
3. Ano ang tingin mo sa kultura ng ibang grupo/pangkat?

*Maaaring magdagdag ng iba pang katanungan

Rubriks:

20 puntos Kasapatan ng mga datos


20 puntos Paglalahad ng mga datos na nakalap
10 puntos Nabuong Konklusyon

Kabuuang Puntos - 50 puntos

Fil. 1 Wika at Kultura sa Mapayapang Lipunan Pahina 64


YUNIT III ANG LIPUNANG PILIPINO

Pangkalahatang Layunin: Nakapagmamasid at nakagagawa ng pakikipanayam


sa iba’t ibang grupo/pangkat

1. Natutukoy ang kultura ng mga taong nakatira sa pamayanang rural at


urban.

INTRODUKSYON

Ang mga tao ay nabubuhay sa daigdig at kung paano sila nakikipag-


ugnayan sa isa’t isa. Kumikilos ang tao ayon sa pinagkakasunduang hangarin sa
buhay para sa ikabubuti ng lahat sa lipunang kinabibilangan. Nabubuhay tayo sa
lipunang ating ginagalawan at sama-samang naninirahan sa isang organisadong
komunidad na may isang batas, tradisyon at pagpapahalaga. Binubuo ito ng iba’t
ibang institusyon, ugnayan at kultura na nagpapalawak sa ating karunungan
tungkol sa daigdig at mga ugnayang pakikipagkapwa-tao.

ARALIN1. ANG PAMAHALAN- MGA PAMAYANANG RURAL

Ang mga taong naninirahan sa mga pamayanan noong pang kamula-


mulaang panahon, nagbabahaginan ng karaniwang buhay lipunan at nagsisikap
para sa kapakanang panlahat. Karaniwan nating tinuturol ang pamayanan bilang
isang pook kung saan tayo naninirahan, nagbabahaginan ng magkakatulad na
mga pamantayan, nagtatrabaho at naglalaro. Ang pamayanan sa maluwag na
pagpapakahulugan, ay maaaring tumurol sa ilang subkultura, tulad ng
pamayanan ng mga madre, mga pari, o mga iskolar, ngunit hindi ito ang
karaniwang kahulugan ng konsepto. May iba’t ibang depinisyon ang ilang

Fil. 1 Wika at Kultura sa Mapayapang Lipunan Pahina 65


mahahalagang elemento, tulad ng isang populasyong itinatag sa isang pook o
teritoryo, ang mga miyembro nito ay nakikibahagi sa karaniwang mga bigkis o tali
ng pagkakaugnay, at ang mga indibidwal na yunit nito ay nabubuhay sa isang
pamayanan ay isang pook kung saan ang mga tao ay may interaksyong sosyal
at may isa o higit pang mga tali o bigkis ng pagkakaugnay (Hillery, 1955:119,
Gordon, 1978:311). Kaya’t ang isang pamayanan ay maaaring isang nayon,
isang bayan, isang lungsod o kahit na isang bansa.
Tulad ng iba pang organisasyong sosyal, ang pamayanan ay may isang
istrukturang panlipunan na may iba’t ibang mga istatus at mga bahaging
ginagampanan na nagkakaugnay sa isa’t isa. Ang mga miyembro ay may
gantihang kilos at nagpapalitan ng mga ideya, magkakasama sa karaniwang
mga serbisyo, mga paaralan, mga palengke, mga klinika o mga ospital,
simbahan, transportasyon, mga sentro ng pamilihan. Bawat bahaging
ginagampanan ay iniakma para sa pagsasagawa ng isang tanging tungkulin o
gawain. Ang mga miyembro ay nagsasagawa ng kani-kanilang mga bahaging
ginagampanan sa pagsisikap na makamit ang kanilang mga layunin na lumilikha
ng damdamin ng pagkakabuklod o damdaming maka-pamayanan. Ang mga
pamayanan ay nagkakaiba sa maraming mga bagay- sa laki at densidad ng
populasyon, hanapbuhay, kasanayan at mga tungkulin.

Pinag-aralan ng mga sosyologo ang pamayanan upang maunawaan ang


impluwensya ng kultura dito, ang buhay panlipunan at nagaganap na
interaksyong panlipunan, at ang organisasyong panlipunan at ang mga
isinasagawang bahaging ginagampanan sa lipunan. Pinag-aralan ng mga
antropologo ang mga pamayanan- ang kanilang kultura o mga estilo ng
pamumuhay sa isang holistikong pamamaraan. Sa ilang panahon, ang pokus ng
kanilang pansin ay nakatuon sa sinauna at lipunang sakahan. Nitong mga
dakong huli, may malaking pagbabago sa kanilang mga interes. Nagsagawa sila
ng mga pananaliksik sa mga lungsod, bagaman maliit na bahagi lamang ng
lungsod, tulad ng mga slum o pook ng mga iskwater ang pinag-aralan upang
magamit nila ang pamamaraang nakikisaling pagmamasid (participant
Fil. 1 Wika at Kultura sa Mapayapang Lipunan Pahina 66
observation). Gayon din, ang mga ekologo ay interesado sa pag-aaral ng
pamayanan bilang mga populasyong tao na umaakma sa mga kalagayan ng
kapaligiran. Pinag-aralan nila ang mga proseso ng istruktura ng pamayanan,
mga uri ng pamayanang lumilitaw sa iba’t ibang kapaligiran, at ang
pagkakasunod-sunod ng pagbabago sa pagpapaunlad ng pamayanan. Hindi
lamang ang di-kumikilos na organisasyong pang-espasyo distribusyon ng mga
tao sa pamayanan ang pinag-aralan, kundi gayon din ang mga nagaganap na
mga prosesong may gantihang kilos. Bilang halimbawa, ang paggamit ng lupa ay
kinapapalooban ng mga relasyong ekolohikal, tulad ng sa kooperasyong
ekolohikal, tulad ng mga taong nakikipagtalastasan sa isa’t isa. Ang paggamit ng
lupa ay kinapapalooban ng mga tradisyon at mga kahalagahan ng tao (Hardest,
1977:153-154).

1.1ANG PAMAYANANG RURAL- PAMAYANANG URBAN

Ang pamayanan ay maaaring uriin sa iba’t ibang paraan ngunit ang


paraang higit na kinagawian ay uriin ang mga ito bilang rural at urban. Ang
klasipikasyon ay hindi gaanong nakasisiya sapagkat may ilang pamayanang ang
mga katangian ay hindi umaakma sa mga ideyal na uri. Sa kawalan ng higit na
mabuting klasipikasyon, ang diktomiyang rural-urban ay patuloy na ginagamit.
Kung minsan ay maaaring gamitin ang depinisyon ng senso, nguni’t ito ay
limitado sa mga panukat na kwantitatibo. Ang iminungkahi ay ilagay ang mga
pamayanang rural-urban sa isang kontinuom kung saan ang mga pagkakaiba ay
may mga relatibong antas sa isang lawak sa pagitan ng dalawang dulong polar
na rural at urban (Bertrand, 1958:24). Sa ilang mga lipunan tulad ng Estados-
Unidos, ang kaibahan ng mga pamayanang rural at urban ay nagiging Malabo
dahil sa pag-unlad ng suburbiya o karatig at lumalaganap na urbanisasyon ng
buhay rural. Ang maunlad na transportasyon at komunikasyon, lalo na ang
impluwensya ng midyang pangmasa ay pumapawi sa pagkakaiba ng mga
pamayanang rural at urban. Natutulad sa dikotomiyang rural-urban ay ang
Gemeinschaft-Gesellschaft ni Toennies (Loomis, 1940:225; 247 ff). Ang

Fil. 1 Wika at Kultura sa Mapayapang Lipunan Pahina 67


Gemeinschaft ay buhay pamayanang may katangian ng pagiging pribado, lubos
na pagkakakilala, at eksklusibong pamumuhay at makapamilya. May malakas na
damdamin ng kamag-anakan ang umiiral na makikita sa kanilang pang-araw-
araw na mga Gawain. Ang likas na pagkilos, pagtutulungan sa isa’t isa, at ang
pakikibahagi sa kaligayahan gayon din sa kalungkutan, ay naglalarawan sa
ugnayan. May mataas na antas na pagsunod sa mga kaugalian, mga batas, mga
ideyang moral at iba pang mga inaasahang ng grupo. Ang pagkakaisa ay batay
sa pagkakatulad ng mga layunin, mga katangian, at mga karanasan na tinawag
ni Durkheim bilang: “mekanikal na pagkakabuklod.”

Sa kabilang dako, ang Gesellschaft ay ang buhay publiko o ang daigdig


mismo. Ang buhay pamayanan ay inilalarawan ng pagiging impersonal, pormal,
rasyunal, tulad sa komersyo, at mga relasyong kontraktwal. Ang mga asosasyon
o samahang boluntaryo at may layunin ay umiiral. Bagaman ang pamilya at mga
pangunang ugnayan ay umiiral, ang karamihang ng mga bigkis panlipunan ay
kontraktwal at batay sa rasyunal na pagsasakatuparan ng sariling interes. May
paghahati ng gawain, batay sa ispesyalisasyon, at pagkakaasahan ng mga
tungkulin. Bagaman ang mga myembro ay nakikipamuhay, sila ay malaya sa
isa’t isa. Ang nakamit na pagkakaisa, tinaguriang “organikong pagkakabuklod” ay
batay sa mga pagkakaiba ng mga layunin at ispesyalisasyon na humahantong sa
mutwal na pag-aasahan ng mga myembro.

1.2 LIPUNAN AT KULTURANG RURAL

Ang mga pamayanang rural ay hindi lahat ay magkakatulad, ngunit may


mga katangiang magkakatulad sa kanila. Ang mga pamayanang rural ay
karaniwang may maliit na populasyon at higit na malawak na pook heograpikal
kaysa mga pamayanang lungsod; dahil dito, ang densidad ng populasyon ay
mababa. Ang pagsasaka, pangingisda, gawain-kamay, at pagmimina ang mga
karamihang hanapbuhay.

Fil. 1 Wika at Kultura sa Mapayapang Lipunan Pahina 68


Ang ilang mga residente ay tinatawag na mga sakador (peasants) ng ilang
antropologo. Ang mga magsasakang ito ay mga mamamayang rural na lumilikha
ng sariling pagkain para sa kanilang ikabubuhay ngunit ang mga labis na
pagkaing inaani ay ipinagbibili ng nila sa mga naininirahan sa mga bayan at
lungsod na hindi lumilikha ng sariling pagkain. Sila ang pinagkukunan ng lakas
ng paggawa at paninda para sa mga may-ari ng lupa at mga opisyal ng estado.
Ang kalagayang sakador ay inuugnay sa komersyalisasyon. Ang mga sakador ay
naiiba sa mga magsasaka ng mga industriyaladong lipunan na umaasa sa mga
pamilihan pang ipagpalit ang kanilang mga pananim sa lahat halos ng mga
paninda at serbisyong kailangan nila (Ember at Ember, 1977:256,436-437).
Tinurol nina Kroeber at Kluckhohn 1948:284) ang mga sakador bilang bahaging
kultura, na nangangahulugang sila ay isang bahagi ng isang malaking
populasyon sa loob ng isang sentrong lungsod. Ang mutwal na pag-aasahan ay
umiiral sa pagitan ng mga mamamayang rural at lungsod. Ang sakador ay hindi
lamang mga manananim sa pook rural kundi maaari ring mga mangingisda,
artisan at mga manggagawang nakikibahagi sa iisang pamamaraan ng buhay o
oryentasyong kultural tulad ng manananim.

Sa loob ng pamayanan ay may iba’t ibang mga grupo ng pamilya, mga


organisasyong rural at mga institusyong panlipunan na masasalamin sa isang
buhay komunal. Ang pamilya ay gumaganap na isang dominanteng papel at ang
mga tungkuling pampamilya, pangkabuhayan, panrelihiyon, pampulitika, at
panlipunan ay naghahalo-halo sa isa. Mayroong pagbabahaginan at ugnayang
resiprokal sa kanila. Ang mga tao sa ganitong kalagayan ay pumapasok sa mga
umiiral na istatus at gumaganap ng isang dominanteng papel ay nangyayari sa
loob ng konteksto ng mga itinalagang pamantayan at mga kahalagahan
(Sandres, 1977:3-5).

Ang mga interaksyong ng pangunang grupo ay nangingibabaw. Ang mga


ugnayan ng personal at matalik, at ang pananaw sa buhay ng isang residenteng
rural ay karaniwang hindi malawak at lokalisado, o probinsyal. Kung ihahalintulad

Fil. 1 Wika at Kultura sa Mapayapang Lipunan Pahina 69


sa taga lungsod, siya ay higit na konserbatibo at tradisyunal sa maraming mga
bagay. Sa kabila ng lumalawak na pakikipag-ugnayan sa labas ng pamilya, ang
pamilya ay patuloy na nangibabaw sa buhay ng myembro. Ang pagsasaka at iba
pang mga hanapbuhay ay karaniwang gawain ng buong pamilya.

Ang mamamayang rural ay may malapit na komunyon at matatag na


ugnayan sa lupa at iba pang mga pwersa ng kalikasan kaysa kanyang katumbas
na mamamayang lungsod. Ang kanyang pagkabuhay ay tuwirang nagmumula sa
kanyang ugnayan sa kalikasan ang pangyayari ay kailangang kanyang harapin,
dahil dito siya ay nakalinang ng sarili ng elemento ng kawalang katiyakan tungkol
sa kanyang gawain. Ang kanyang mga pananim ay maaaring mawasak ng mga
bagyo o mga insekto. Ang aspetong ito ng kanyang kapaligiran ay nagbubunsod
sa kanya upang higit na maging relihiyoso at mapaniwalain bilang bunga ng
kanyang pagsisikap na umakma sa mga pwersang dulot ng mga kapangyarihang
supernatural na hindi niya kayang mapigilan (Bertrand, 1958:27).

May maliit na bilang ng klaseng panlipunan at bahagyang mobilidad na


panlipunan sa mga pook rural kaysa mga lungsod. Ang istatus ng isang tao ay
karaniwang itinakda at tinatawag niya ang kanyang kalagayang pangkabuhayan
na itinakda ng tadhana, itinuro ni Lynch (1975:181) na sa loob ng mahigit na apat
na daang taon, dalawang magkaibang uri ng mga tao ang matagal na
magkasamang nanahan sa mga pamayanang rural ng pilipinas na karaniwang
tinatawag na malaking tao at maliit na tao (dakulang tao at sadit na tao sa Bikol).
Ang mataas na klase ay may magandang kabuhayan ngunit nangangailangan ng
tulong na manwal ng mababang klase. Ang mababang klase ay nagbibigay ng
lakas ng paggawa at mga kasanayanang tradisyunal. Depende sa kanilang
gawain, ang mataas na klase ay inaaasahang magpapautang ng salapi sa
panahon ng kagipitan, mamagitan sa pakikipag-ayos sa mga opisyal at
tanggapan ng pabor sa mababang klase at higit na nagpapatindi sa kanilang
superyoridad sa mababang klase.

Fil. 1 Wika at Kultura sa Mapayapang Lipunan Pahina 70


Ang mga nagpapahayag na kultural sa pook rural ay payak sa anyo na
makikita sa mga kwentong bayan, katutubong sayaw, at iba pang uri ng
pagpapahayag. Ang mga gawaing panlinbangan at kultural ay limitado at kulang
sa mga amenidad ng makabagong pamumuhay. Ang karaniwang libangan ng
mga lalaki sa pook rural ay pag-inom ng tuba o San Miguel beer, pagsasabong,
sipa, o sumasali rin sa inuman. Ang mga babae, bata at matanda, ay nagbabasa
ng mga magasin at pahayagan sa bernakular, tulad ng Liwayway,
nakikipagkwentuhan o tsismisan, nananahi, o nagbuburda, naglalaro ng bingo at
tsekers. Ang mga pinagmumulan ng impormasyon sa pamayanan ay ang mga
kapitbahay, mga pahayagan, radyo, o mga myembro ng konseho ng barangay.
Sa mangilan-ngilang pook, ay may maliit na sinehan.

Sa kabuuan, maaaring sabihin na may pagkakatulad na kultura at


pagkakatulad na salalayang etniko at kultural sa pamayanan rural na
humahantong sa integrasyon ng mga myembro, o sa pagkakaisang mekanikal.

Sa pagkakabuo ng mga pamayanan sa Pilipinas ay naimpluwensyahan ng


politika. Sa kasalukuyan, ang bansa ay nahahati sa labindalawang rehiyon at
Pambansang Rehiyong Kapital na bumubuo sa Metro Manila. Sa loob ng mga
rehiyon ang mga lalawigan at ang mga lungsod na may tsarter. Ang mga
munisipyo naman ay nahahati sa mga poblacion o sentro ng bayan at mga
barangay (ang dating baryo).

Ayon sa data ng senso noong 1987, may 73 lalawigan, 10 lungsod na


may mataas na urbanisasyon, 47 kasamang lungsod, 1524 munisipyo at 41, 619
barangay. Sa bahagdan, ang populasyong lungsod ay bumubuo humigit
kumulang sa 37.31 bahagdan, samantalang ang populasyong rural ay bumubuo
sa 62.69 bahagdan. Mula dito, mapapansin na ang Pilipinas ay nangingibabaw
na rural, o tulad ng pagkakalarawan ni Gelia Castillo ay isang lupain ng mga
baryo. Ang mga baryong ito ay itinuturing na galugod ng bansa.

Fil. 1 Wika at Kultura sa Mapayapang Lipunan Pahina 71


Ang ating karaniwang larawan ng mga baryo ay binubuo ng tahimik na
mga tanawin ng mga burol at kaparangan, pakiwal-kiwal na mga sapa, samyo ng
sampaguita, lawiswis ng kawayan, mga puno ng niyog, katiwasayan at
monotoniya, at payak, mahiyain at tahimik na taga-nayon. Ngunit ang ganyang
larawan ay hindi lubos na totoo. Ang mga pagbabagong panlipunan ay
kasalukuyang nagaganap, at ang buhay sa baryo ay hindi na lubusang tahimik
sa kasalukuyan.

Ang lundo ng pansin ng kasalukuyang administrasyon ay sa


pagpapaunlad ng mga pamayanang rural. Gayon man, may namamayaning
kawalan ng katiwasayan sa ilang pamayanang rural. Mayroon nang patuloy na
paglaganap ng New People’s Army (NPA) magmula pa sa panunungkulan ni
Pangulong Marcos. Sa mga pook na pinamumugaran ng mga NPA tulad ng mga
lalawigan ng Bicol, Bataan, at Quezon, at mga sektor ng Mindanao na may
punduhang lakas ng MNLF, ang mga pagsalakay ay isinagawa sa mga walang
labang mga kanayunan.

1.3 Ang Pamilyang Rural

Ang pamilyang nukleyar, na binubuo ng ama, ina at mga anak, at ang


pamilyang bilateral; at pinalawak, na kasama ang mga kamag-anak konsanginal
ng ama at ina, ay siyang bumubuo ng mga pagunahing yunit ng pamayanan. Sa
katunayan, maaaring masabi na ang karaniwang pamayanang Pilipino ay
maituturing na isa lamang ekstensyon ng pamilya. Ang ugnayan ng
pagkakamag-anak ay mailalarawan ng tradisyunal na mga obligasyon at mga
inaasahang resiprokal sa magkabilang panig. Ang impluwensya ng pagkakamag-
anak na nakasentro sa pamilya ay may malawak na bisa. Ang ilang tulong sa
pamilya ay ipinapaabot sa mga kamag-anak na linyal at kolateral. Ayon kay
Castillo (1979:117) ang pinalawak na pamilya o pamilyang may ekstensyon ay
nagsisilbi hindi lamang bilang batayan ng interaksyon sosyal sa lebel ng mga
nayon kundi isa ring panseguro o maaasahang panlipunan para sa myembro ng
pamilya. Ilan sa mga palitan ng tulong ay: tulong sa gawaing bukid at gawaing
Fil. 1 Wika at Kultura sa Mapayapang Lipunan Pahina 72
bahay, paggastos sa edukasyon ng mga anak, pagbibigay ng bigas at iba pang
pagkain, mga pautang na salapi, at tulong sa panahon ng pagkakasakit ng
pamilya. May mga pamantayang gumagabay sa ganitong mga ugnayan at ang
pagtulong ay may batayang resiprokal. May mga pamigil at kaparusahang
panlipunan na ipinapataw sa isang parasitiko o lubhang palaasa na nagdudulot
sa kanya ng buhay na hindi matiwasay.

Ang ilang mga grupo, tulad ng mga Sagada Igorot ng Cordillera, ay


nagtatanim ng mga pananim pang-agdong buhay tulad ng patatas, taro, bins,
mais, at kalabasa, nang wala sa panahon, ngunit ang mga ito ay ipinamimigay
lamang. Gayon man, sila ay nagtatanim ng mga pananim na maaaring ipagbili
tulad ng kape at mga halamang gulay. Ang pinakamatagumpay na mga
negosyante ay naisasagawa ito sa pagpapanatili ng katamtamang obligasyon
tulad ng pagsasagawa ng mga pista at sakripisyong ritwal sa ilang okasyon,
kapanganakan ng mga anak, mga kasal, at mga paglilibing bilang isang paraan
ng pamamahagi ng labis na kinikita. Sa pagsasanib ng pagkakamag-anak at
mga taling pamayanan, ito ay isang ring paraan ng pagkuha ng lakas-paggawa
hanggang sa sukdulang abahin ang mga manggagawa sa mababang pasahod
(Jefremovas sa Chen, 1988:283-288).

Ang mga pagbabago ay nagaganap sa mga pook rural ngunit ang ilan sa
mga kaugaliang tradisyunal tungkol sa kasal ay nananatili. Ang pagkakaroon ng
tsaperon ay isinasagawa pa rin sa dahilang malinis na kapurihan ng mga babae
ay may mataas pa ring pagpapahalaga, bagaman ang mga karanasang sekswal
bago makasal ay kinukunsinti sa mga lalaki. Ang pamanhikan, o ang pormal na
paghingi sa babae sa kasal at ang pagkakaroon ng isang konseho at kasunduan
ng dalawang pamilya ay isinasagawa bago ganapin ang kasal. Sa iilang mga
pook, sa mga mababang uri sa lipunan, nariyan ang paninilbihan o ilang uri ng
pagsisilbi sa pamilya ang babaing ikakasal. Sa mga mataas na uri ang bigay-
kaya o halaga ng babaing ikakasal ay kinaugalian. Ang bigay-kaya ay isang uri
ng regalo o salapi o anumang bagay na ibinibigay ng lalaking ikakasal o ng

Fil. 1 Wika at Kultura sa Mapayapang Lipunan Pahina 73


kanyang mga magulang sa babaing ikakasal. Pagkatapos ng kasal, may ilang
pamimilit na ginagawa ang mga magulang upang mapanatili ang kasal.

Ang mga impirikal na pag-aaral sa pamilya (Mendez at Jocano, 1974;


Licuanan at Gonzales, 1975), Lynch at Hollnsteiner, 1975), Gonzales at
Licuanan, 1976; Mendez, Jocano, Rolda, Matela, 1984) ay nagpapakita sa
sinasanay ng mga magulang ang kanilang mga anak sa mga gawaing angkop sa
kanilang kasarian sa proseso ng sosyalisasyon. Ang mga anak ay sinasanay na
maging masunurin, magalangin, at mabait. Ang mga batang lalaki ay tumutulong
sa kanilang ama sa gawain sa bukid, kumolekta ng pagkain ng baboy,
mangahoy, alagaan ang hardin at mga hayop. Sa kabilang dako, ang mga
batang babae ay sinasanay na tumulong sa kanilang ina sa pagluluto, paglalaba,
at pag-aalaga sa mga nakababatang kapatid. Ang mga bahaging ginagampanan
ng mga babae ay nakapaligid sa pamamahala sa bahay at buhay pamilya. Ang
mga babae ang nagsasagawa ng pag-aalaga ng bata at pagtingin sa
pangangailangan ng mag-anak. Siya ay ingat-yaman o tesorera ng pamilya at
kailangang pagkasyahin niya sa salapi upang matugunan ang pangangailangan
ng pamilya. Tinutupad niya ang gawaing- bahay at inaaasahan siya na maging
mabuting maybahay at ina gayon din bilang isang mabuting tagapamahala ng
mga Gawain sa pamilya. Ang bahaging ginagampanan ng lalaki ay nakapaligid
sa buhay pamilya at hanapbuhay. Siya ang puno ng pamilya at kumakatawan sa
kapangyarihan. Inaasahan siya na maging mabuting tagabigay ng kabuhayan at
isang huwaran sa kanyang mga anak.

1.4 ANG PANGKABUHAYANG RURAL

Sa kasaysayan, ang Pilipinas ay nangingibabaw na lipunang pansakahan,


bagaman may pagbaba na sa bahagdan ng mga aktibo sa pagsasaka,
pangingisda at paggubat mula sa 53.8% noong 1976 sa 51.4% noong 1980.
Karamihan sa mga magsasaka ay may karaniwang buwanang kita ng humigit-

Fil. 1 Wika at Kultura sa Mapayapang Lipunan Pahina 74


kumulang sa 1,700 (U$85 noong 1980, na mababa pa sa linya ng kahirapan at
hindi sapat na makatugon sa mga pangunang pangangailangan ng pamilya. Ang
isinabatas na minimum na pasahod sa isang araw noong 1985 para sa mga
patanimang pansakahan ay 46.67 at para sa mga hindi pataniman, 35.67. Ang
agrikultura at nauugnay na mga industriya ay nagbibigay ng maraming mga
pagkakataong pangkabuhayan at bumubuo sa 70% ng kalahatang
pagkaempleyo sa pook rural.

Ang komunikasyon, at mga serbisyong personal at panlipunan kasama na


ang pagtitindang tingi at maramihan, ay bumubuo ng may 15% ng kalahatang
taunang empleo. Ang pangatlong pinakamalaking employer ng mga
mamamayang rural ay ang mga pabrika (mga 8%). Higit na nakararami ang mga
lalaki sa lahat ng mga industriya maliban sa propesyunal, teknikal, at nauugnay
na gawain, at pagtitinda at mga serbisyo (MOLE, 1982).

Isang tipolohiya ng mga magsasakang Pilipino noong mga 1980 ang


ginawa nina Ledesma at Kornista (1981:11-15). Ang mga magsasaka ay:

1. Ang mga subsistensyang may-aring nagtatanim na matatagpuan sa mga


mataas na lupa o mga pook na inuulan. Ang magsasaka ay may sariling
bukid na pampamilya, umaani ng sapat para sa sariling pangangailangan,
at nakatali sa tradisyunal na pagsasaka.
2. Ang kasama na humahati sa ani. Siya ay nagtatrabaho sa ilalim ng isang
may-ari ng maliit na lupain o may-ari ng maliit na lupain o maaring isa
siyang manggagawang walang lupa na inalkila ng iba pang maliit na mga
magsasaka sa mga pana-panahon ng pananim.
3. Ang kahating magsasaka o umuupa sa lupa sa loob ng isang hasyenda.
Nagtatrabaho siya sa malawak na lupaing taniman ng palay, niyog, tubo,
at mga katulad nito. Ang lupain ay maaaring hiwa-hiwalay para sa
layuning pagsakahan ng maraming maliit na mga magsasaka. Ang mga
ugnayan at inaasahan ng patron-kilyente sa pagitan ng may-ari ng lupa at
ng magsasaka ay umiiral.
Fil. 1 Wika at Kultura sa Mapayapang Lipunan Pahina 75
4. Ang manggagawang agrikultural sa hasyenda, permanente man o
pansamantala, tulad ng mga dumaan at sacadas sa mga pook ng asukal
sa Negros at Panay. Ang mga hasyenda ay may malaking puhunan sa
ilang mga bahagi ng produksyon at napapaloob sa isang sistemang agro-
industriya tulad sa mga industriya ng asukal at niyog. Ang mga
hasyendang ito ay may pamamaraang tradisyunal sa pagsasaka na
nagbubunga ng mababang produksyon at mataas na halaga ng murang
lakas pagawa.
5. Ang magagawang agrikultura, regular o kaswal, sa loob ng isang
pataniman na may malaking puhunan at may orentasyong eksport o
pagluluwas ng paninda sa ibang bansa. Ang mga korporasyong
transnasyunal na nagbibigay ng mga pangangailangan sa puhunan at
pagluluwas ng produkto ang napapaloob sa ganitong mga pataniman
pangkabuhayan na maaaring magtanim ng mga pananim na
pagkakakitaan tulad ng pinya at saging.
6. Ang myembro ng isang bukid na panggrupo o isang proyektong
konsolidasyon ng lupa kung saan ang mga gawain ng grupo sa
produksyon, pautang, at pagluluwas ng produkto ay binibigyang pansin.
Napapaloob dito ang komunal na pag-aari ng lupa.
7. Ang maliliit na magsasakang may ugnayan sa isang kooperatiba o isang
korporasyon. Ito ay matatagpuan sa magkakalapit na klaster ng mga
bukid, mga kooperatibong may uring moshav, at mga katulad na ugnayan.
8. Ang indibidwal na maliliit na mga magsasakang tumatanggap ng ilang
suporta sa pamahalaan tulad ng utang sa Masagana, serbisyo sa
irigasyon o patubig, mga lansangan mula sa bukid patungong pamilihan,
at iba pa. Ang mga benepisyaryo ng repormang agraryo sa mga lupang
taniman ng palay at mais ay may mga target na grupo ng ganitong
integradong programa.

Fil. 1 Wika at Kultura sa Mapayapang Lipunan Pahina 76


PAGSASANAY 10

Pangalan: _________________________ Iskor_______________


Taon/Kurso/Seksyon: ________________ Petsa: ______________

A. PANUTO: Isulat sa patlang ang wastong sagot na hinihingi sa pahayag.

_______________ 1. Isang pook kung saan ang mga tao ay may interaksyong
sosyal at mga bahaging ginagampanan na nagkakaugnay sa isa’t isa.

_______________ 2. Sila ang nagsasagawa ng kani-kanilang mga bahaging


ginagampanan sa pagsisikap na makamit ang kanilang layunin.

_______________ 3. Pinag-aaralan nila ang pamayanan upang maunawaan ang


impluwensya ng kultura, buhay panlipunan at nagaganap na interaksyong
panlipunan.

_______________ 4. Pinag-aaralan naman nila ang mga pamayanan-ang


kanilang kultura o mga estilo ng pamumuhay sa isang holistikong pamamaraan.

_______________ 5. Interesado rin sila sa pag-aaral ng pamayanan bilang mga


populasyong tao na umaakma sa mga kalagayan ng kapaligiran.

_______________ 6. Ito ang buhay pamayanang may katangian ng pagiging


pribado, lubos na pagkakakilala at eksklusibong pamumuhay at makapamilya.

_______________ 7. Ang buhay pamayanang inilalarawan ng pagiging


impersonal, pormal, rasyunal tulad sa komersyo at mga relasyong kontraktwal.

_______________ 8. Ang pamayanang karaniwang may maliit na populasyon at


higit na malawak na pook heyograpikal.

_______________ 9. Tawag sa ilang mga residente ng ilang antropologo.

_______________ 10. Ayon sa kanya, may dalawang magkaibang uri ng mga


tao ang matagal na magkasamang nanahan sa mga pamayanang rural ng
Pilipinas na karaniwang tinatawag na malaking tao at maliit na tao.

Fil. 1 Wika at Kultura sa Mapayapang Lipunan Pahina 77


_______________ 11. Ang pamilyang may _____ ay nagsisilbing panseguro o
maaasahang panlipunan para sa miyembro ng pamilya.

_______________ 12. Isang uri ng regalo o salapi o anumang bagay na


ibinibigay ng lalaking ikakasal o ng mga magulang sa babaing ikakasal.

_______________ 13. Minimum na pasahod sa isang araw noong 1985 para sa


mga patanimang pansakahan.

_______________ 14. Ang pangatlong pinakamalaking employer ng mga


mamamayang rural.

_______________ 15. Siya ang tesorera ng pamilya at isang mabuting


tagapamahala ng mga gawain sa tahanan.

B. Pumili ng isang paksa sa ibaba na nais talakayin.

1. Ano ang pamayanan? Bakit interesado sap ag-aaral ng pamayanan ang mga
sosyologo at antropologo? Ipaliwanag.

2. Paghambingin ang pamayanang rural sa pamayanang urban; Gemeinschaft


sa Gesselschaft.

3. Ano-anong mga programa ang isinasagawa ng pamahalaan at mga pribadong


sector upang magkaroon ng pagbabago sa pook rural at maiangat ang
pangkabuhayan ng mga mamamayan nito?

Fil. 1 Wika at Kultura sa Mapayapang Lipunan Pahina 78


ARALIN 2. MGA PAMAYANANG URBAN

Mga Pangunahing Konsepto

Kailan ang isang pamayanan ay inilalarawan bilang urban? Kailan ito


tinatawag na isang lungsod? Kung minsan ang mga terminong lungsod at urban
ay ginagamit sa makapalitan: tila walang malinaw at tiyak na pagkakaiba sa mga
ito mula sa pananaw ng karaniwang mamamayan.ngunit mayroon,tulad ng
makikita natin. Upang mabigyan ng tatak ang isang pamayanan bilang urban at
rural, gagamitin natin ang depinisyon ng sensus na bilang ng mga tao o ang
kalahatang populasyon na naninirahan sa isang pook na may tanging laki.
Bagaman ang mga pook urban at rural ay maaaring may ilang mga katangiang
magkatulad, may ilang mga huwaran ng pagkilos o mga aspekto ng buhay na
katangi-tangi sa mga pook urban. Sa mga lipunang umuunlad, ang distinksyong
rural-urban ay maliwanag na makikita. Gayon man, sa mga bansang maunlad ng
Kanluran, ang mga pagkakaibang rural—urban ay mabilis na naglalaho.

Sa panitikan ng agham panlipunan, ang urban ay ginagamit upang tukuyin


ang isang kalidad ng buhay na karaniwang matatagpuan sa mga lungsod
(Hawley, 1971:8). Ang lungsod ay isang pook na binibigyang katangian ng ilang
kalidad ng buhay. Ilang mga sosyologong urban ang nagsasabi na ito ay isang
pook ng mga espesyalista. Isang katotohanan tungkol sa mga lungsod, ito ay isa
lamang bagong linang, kung isaalang-alang na ang tao ay narito na sa daigdig
sa loob ng nakakaraang milyon o higit pang mga taon. Ang urban ay tumutukoy
sa isang proseso na isang espesyal na uri ng mga ugnayang nalikha bagama’t
hindi limitadong esklusibong umiiral sa mga lungsod (Press at Smith, 1980:-11).
Sa katunayan, ang urban ay kapwa isang proseso at isang pook, sa dahilang
ang mga prosesong urban ay hindi magaganap kung walang mga pagkukunan,
populasyon, at batayang pangkabuhayan (Hawley, 1971:8)

Ang mga terminong ginagamit sa pagtalakay ng pamayanang urban ay


urbanismo at urbanisasyon. Inilalarawan ni Wirth (1938:46-63) ang urbanismo na

Fil. 1 Wika at Kultura sa Mapayapang Lipunan Pahina 79


isang paraan ng buhay na matatagpuan sa mga lungsod na may malaki,
makapal, at heterohenong populasyon. Ang urbanisasyon ay tumutukoy sa
proseso ng pagiging urban patungo sa pagiging lungsod, pagbabago mula sa
pagsasaka sa ibang Gawaing karamihan sa mga lungsod- at ang kaakbay na
pagbabago sa mga huwaran ng pagkilos.

Sa Pilipinas ang mga pamayanang urban ay ipinakahulugan sa mga


sumusunod (Kawanihan ng Sensus at Estadistika, 1970):

1. Mga lungsod at munisipyong may isang densidad ng populasyon na


humigit-kumulang sa 1000 katao sa bawat kilometro kwadrado.
2. Mga poblasyon o sentral na distrito ng mga munisipyo at lungsod na
may isang densidad ng populasyon na humigit-kumulang sa 500 katao
sa bawat kilometro kwadrado.
3. Mga pblasyon o sentral a distrito (hindi kasamasa bilang 1 at 2),
Anuman ang laki ng populasyon na nagtataglay ng mga sumusunod:
a) Huwaran ng lansangan, tulad ng pagtatagpuan ng mga lansangan
na maaaring nasa parallel o oryentasyong kanang anggulo.
b) Mga anim na establisimyento (komersyal, pabrika, panlibangan at/o
serbisyong personal) at
c) Mga tatlo sa mga sumusunod:
1) Isang bulwagang pambayan, simbahan, o kapilya na may mga
serbisyong panrelihiyon kahit minsan man lamang sa loob ng
isang buwan;
2) Isang plasang pampulitiko, parke, o libingan
3) Isang pook pamilihan o gusali kung saan ang mga gawaing
pang-negosyo ay isinasagawa kahit minsan man lamang sa
isang lingo; at
4) Isang gusaling pampubliko tulad ng isang paaralan, isang
ospital, klinika at sentrong pangkalusugan, o silid-aklatan.

Fil. 1 Wika at Kultura sa Mapayapang Lipunan Pahina 80


4. Mga baryo na mayroong humigit-kumulang sa 1,000 mamamayan na
nakaaabot sa mga kriteryang binanggit sa bilang 3 at kung saan ang
mga hanapbuhay ng mga mamamayan ay hindi pagsasaka o hindi
pangingisda.

Ang Pinagmulan at Pag-unlad ng mga Lungsod

Ang mga pagtatanya ay naglalagay sa paglitaw ng mga lungsod noong mga


anim na libong taon na nakalilipas o mga 3,000-4,000 B.C.,sumusunod sa
Rebolusyong Neolitiko o panahong bagong Bato. Ang mga unang lungsod ay
natagpuan sa baybayin ng mga ilog na may kalapit na kapatagan tulad ng Ilog
Niel sa Ehipto,ang Ilog Tigris-Euphrates sa Mesopotamia,ang Ilog Indus sa mga
Pamayanang aurban

India at ang Ilog Dilaw sa Tsina. Lahat ng mga naunang lungsod sa baybayin
ng mga ilog na may kalapit na kapatagan kung saan nalinang ang teknolohiyang
Neolitiko ay nagparami sa ani ng mga magsasaka ng higit sa kanilang
pangangailangan at nagbigay sa kanila ng matatag na pondo ng
mapagkukunang pagkain at ilang labis na ani upang ipagbili sa mga ibang taong
hindi gumagawa ng sariling pagkain. May apat na pangunahing salik ang
nagbigay- hugis sa pagkalinang ng mga lungsod (Hauser at Schnore,1966;8-9)
Gist at Fava,(1964;4-18):

1. Populasyon. Isang katamtamang bilang ng mga tao ang


kinakailangan upang mapanatili ang grupong pamumuhay,ngunit isang
malaking grupong urban ang kinakailangan upang lubos na magamit
ang likas na kapaligiran sa pamamagitan ng aplikasyon ng teknolohiya

2. Kapaligiran. Ito ay tumutukoy sa klima, topograpya, mga likas na


kayamanan at ang antas na maaaring makasuporta ang mga salik na
Fil. 1 Wika at Kultura sa Mapayapang Lipunan Pahina 81
ito sa populasyon. Ang kapaligiran ay dapat na makapagbigay ng mga
hilaw na materyales. Kung ito ay hindi maaari, ang teknolohiya ay
maaaring gamitin upang mapabilis ang produksyon.

3.Teknolohiya. Ito ay tumutukoy sa mga kagamitan mga


imbensyon, mga pamamaraan at karunungan ng tao kung saan ang
mga mapagkukunan ng isang tiyak na kapaligiran ay nalilinang. Isang
mataas na antas ng teknolohiya ay kinakailangan upang
masuportahan ang isang tiyak na populasyon.

4. Organisasyong panlipunan. Ito ay tumutukoy sa isang maayos


na mga ugnayang panlipunan ng mga tao o mga grupo, na binobuo ng
isang sistema ng mga pamantayan at mga kahalagahan. isang
sistema ng status at bahaging ginagampanan, isang sistema ng mga
istatus at bahaging ginagampanan, isang sistema ng mga
pagpaparusa, at isang sistema ng pagraranggo. Ito ay nagdudulot ng
mabisang distribusyon ng mga labis na produkto at nagbibigay ng
direksyon sa mga layunin at gawain ng mga tao. Noong mga
sinaunang panahon, mga relihiyon at mga organisasyong politikal ang
humahawak ng malakas na kapangyarihan sentral upang pangunahan
ang pagbuo at distribusyon ng mga labis na produkto.
Ang pagtatagisan ng mga salik na ito- populasyon, kapaligiran,
teknolohiya at organisasyong sosyal- ang siyang nagdulot ng
pagkabuo at paglago ng mga lungsod.

Sa panahong bago pa dumating ang industriyalisasyon, ang populasyon ng


mga lungsod ay maliit. Ang Roma, na may pagtantya ng populasyon sa 250,000
hangang 1,000,000 ay ang pinakamalaking lungsod sa sinaunang daigdig
Kanluranin hanggang sa pagtaas ng Constantinople at London. Ang mga unang
lungsod na ito ay karaniwang mga sentrong pampulitika, panrelihiyon at

Fil. 1 Wika at Kultura sa Mapayapang Lipunan Pahina 82


pangkabuhayan. Mula sa ikalima hanggang sa ikasampumg dantaon, ang mga
lungsod ay humina at ang kalakalan ay bumagal pababa. Noon lamang
ikalabing-isang dantaon na ang mga lungsod ay muling sumigla sa mga gawaing
pangkalakalan. Ang sentro ng mga gawain ay sa mga baybayin ng dagat
Mediterranean. Ang kalakalan gayon din ay nagpasigla sa paglago ng mga
lungsod sa baybaying Hilaga-Kanluran ng Europa at sa Dagat Baltic. Isang klase
ng mga negosyante ang naging makapangyarihan at naglagak ng pundasyon sa
muling paglitaw ng mga lungsod sa europa (Gist at Fava, 1964:23-25).
Ang gitnang ikalabingwalo at ikalabinsiyam na dantaon ay kinakitaan ng
paggamit ng lakas ng singaw bilang isang pagkukunan ng enerhiya, ang paglitaw
ng mga industriyang may makina, at ang paglitaw ng mga lungsod na industriyal.
Ito ay nagsimula sa Ingglatera at pagkatapos ay lumalaganap sa Pransya,
Belhika, Alemanya,at sa Estados Unidos. Sa tindi ng epekto ng Rebolosyung
Industriyal, mga pagbabagong may malayong nararating ang naganap sa
kalagayang panlipunan. Ang propesyon at ang hanapbuhay pangkamay ay
naging magkaiba at ang mga grupong byurukratiko ay lumitaw dahil sa
pangangailangan ng mga tauhang may mga gawaing espesyalisado. Ang
paghina ng sistemang pyudal at ang paglitaw ng mga bagong anyo ng pulitika at
ang mga ideya ay nagpasigla rin sa paglago ng lungsod sa Europa. Ang pag-
unlad ng urban sa Kanluran ay sumulong hindi lamang bilang isang tugon sa
industriyalisasyon kundi bilang isang bunga ng pagbabagong-anyo sa
istrukturang panlipunan.
Habang sumusulong ang industriyalisasyon, ang mga lungsod ay lumago,
nguni’t ang pag-unlad ng malalaking lungsod ay isang penomema ng
urbanisasyon ng ikadalawampung dantaon sa panahong ito. Noong 1950 ang
proporsyon ng papulasyong urban ay bumubuo lamang ng 25% ng kabuuang
populasyon ng daigdig.
Ang mabilis na paglago ng mga lungsod ay lumikha ng iba’t ibang uri ng
kawalan ng balanse at sa ilang mga pagkakataon ay humantong sa baliktad na
galaw ng kalakalan at industriya mula sa mga pook urban. Ang populasyong

Fil. 1 Wika at Kultura sa Mapayapang Lipunan Pahina 83


urban sa daigdig ay naging doble mula noong 1950 at tila muling magiging doble
bago magtapos ang dantaon, kaya’t sa taong 2,000, ang populasyong urban ay
bubuo sa humigit –kumulang sa 50% ng kalahating populasyon ng daigdig
(Salas,1981).

2.1 Lipunan at Kulturang Urban

Maraming teorya at pananaliksik ang isinagawa sa lipunan at kulturang


urban. Ito ay pinangunahan ng University of Chicago School noong mga 1920 at
1930, na ang prominenteng sosyologong urban ay sina Robert E. Park, E. W.
Burgess, R.O. McKenzie, at Louis Wirth. Inilarawan nila ang lungsod bilang isang
likas na sistemang ekolohikal na binubuo ng ”mga likas na pook” o mga bahagi
ng pook, tulad ng mga “slum”, mga kapitbahayang etniko at panirahan, mga
paggitnang distrito ng komersyo at sonang industriyal na may interaksyong
dinamiko. Ang lungsod, dahil dito, ay may mga implikasyon sa mga kahalagahan
at pagkilos. Si Louis Wirth (1938:1-24) ay nagtuon ng pansin sa konsepto ng
urbanismo, na isang paraan ng buhay na bunga ng laki, densidad,at pagkakaiba-
iba ng populasyon. Inilarawan niya ang paraan ng buhay urban bilang pagpapalit
ng pangalawa sa mga relasyong primarya, ang panghihina ng mga tali ng
kamag-anakan, ang bumababang kahalagahan ng pamilya, ang paglalaho ng
kapitbahayan at ang pagbalewala sa mga basihang tradisyunal ng
pagkakabuklod sa lipunan. Ang mga pagkikita nagiging impersonal, segmental,
paibabaw, panandalian, kung di man ay panlalamang. Ang uri ng buhay
pamayanan ay Gesellschaft kung saan ang mga ugnayan ay pormal, parang
bisnis at kontraktwal. Ang mga grupo at asosasyong may espesyal n interes, na
maaring panrelihiyon, pangkabuhayan, pampulitika, pang –edukasyon,
pangkultura, o panlibangan sa kalikasan ay nabuo. Di mabilang na hanapbuhay
at bokasyon ang lumitaw bilang resulta ng isang mataas na antas ng
espesyalisasyon. Ang mga tao ay may ganting tugunan sa isang limitado at
espesyslisadong mga layunin bilang guro-mag-aaral, doktor-pasyente, abogado-

Fil. 1 Wika at Kultura sa Mapayapang Lipunan Pahina 84


kliyente,o tagatinda-mamimili. Ang mga batas ay impersonal, at ang mga ito ay
ipinatutupad ng mga alagad ng batas, mga hukuman, at iba pang mga
ahensyang regulatorya.

2.2 Ang Pamilyang Urban

Ang mga pagbabagong panlipunan na kaugnay ng urbanisasyon at


industriyalisasyon ay makikita sa pamilya. Sa ilang lawak, ang industriyalisasyon
at urbanisasyon ay nakaaapekto sa istruktura at mga tungkulin ng pamilya. Ang
industriyalisasyon ay nagdulot ng higit na mobilidad heograpikal tulad ng
mapapansin sa Estados Unidos, Canada, at mga bansa sa Europa. Ang mga
pamilyang urban samakatwid ay lantad sa kapwa mga pwersang mapanira at
mapagbuo. Ang pag-aagpang ay dapat isagawa at humihingi ng mga
modipikasyon sa mga huwaran ng pagkilos sa pamilya. Ilan sa mga ugnayan ng
myembro ng pamilya. Ilan sa malalaking pagbabago, tulad ng pagkahiwalay ng
pook ng trabaho mula sa tirahan, paghahanap ng mga gawaing panlibangan na
malayo sa tahanan, mga liberal na batas sa diborsyo, ang pagkuha ng mga
tradisyunal na tungkulin ng pamilya ng mga organisasyong nasa labas ng
pamilya, at ang paghina na awtoritaryanismo sa pamilya ay nagpapahiwalay sa
mga myembro ng pamilya sa isa’t isa. Ito ay maaaring magdulot ng paghina ng
taling binibigkis sa pamilya at maaaring magwasak sa organisasyon ng pamilya.
Sa kabilang dako, nariyan din ang maliwanag na bahagi ng larawan ang mga
pwersang nagbubuo. Sa Estados Unidos, bilang halimbawa, ang ideyalisasyon
ng pagsasamahang mag-asawa at magulang-anak ay maaaring lalong
nagpatibay sa pagkakabuklod ng pamilya. Ito ang mga sitwasyong ang mga
myembro ng pamilyang urban ay namamasyal sa ibang pook at sama-samang
nagsasagawa ng mga gawain tulad ng pagpipiknik o pagtutulungan sa mga
tungkuling pantahanan. Sa ganitong paraan, ang mga myembro ng pamilya ay
nagiging malapit sa isa’t isa. Maaaring mapansin na ang pakikiagpang ay

Fil. 1 Wika at Kultura sa Mapayapang Lipunan Pahina 85


ginagawa ng mga indibidwal na pamilya. Ang ilan ay nagiging matagumpay
samantalang ang iba naman ay hindi (Gist at Fava,1964:381-382).

2.3 Ekonomiya o kabuhayang Urban

Sa mga pook urban, ang mga hanapbuhay ay hindi pagsasaka at hindi


pangingisda. Ang pag-iral ng mga industriyang pabrika at ang distribusyong ng
mga salik ng produksyon ay kumakatawan sa malaking proporsyon ng pwersa
ng paggawa ng pamayanan. Ang iba pang mga industriya ay yaong nauugnay sa
negosyo ng malalaking bilihan o pagtitingi ng paninda; distribusyon ng
elektrisidad, gaas, at tubig, konstruksyon, transportasyon, pag-iimbak at
komunikasyong mga serbisyo sa pananalapi, seguro, pagbibili ng lupa, at iba
pang negosyo; at mga serbisyong personal, panlipunan, at pampamayanan. May
paglawak ng mga gawaing propesyunal at agham at teknolohiya ay naging higit
na maunlad kaysa mga pook rural. Ang otomasyon at kompyuterisasyon ay
pumasok na sa mga industriya, na nangangailangan ng bagong espeyalisasyon
kaalinsabay ng bagong karunungan, mga kasanayan at mga saloobin. Isang
bagong etika ng paggawa na may katangian ng kasipagan, pag-iimpok,
pagkamatipid at pagkamalikhain ang lumitaw. Ang kilos ng mga mamimili ay
nagbago dahil sa paggawa ng mga pabrika ng mga produktong may
katamtamang halaga na kayang abutin ng masa. Iba’t ibang uri ng mga bangko,
pagpapautang, at pasilidad sa pananalapi ang naitatag. Ang mga
establisimyento sa negosyo ay higit na naging byurukratiko. Ang karaniwang
tindahang sari-sari ay napalitan ngayon ng mga groserya, supermarket,
delicatessen, mga sentro ng fast foods, at mga restoran. Ang pangangalakal,
kapwa domestiko at pang-ibang bansa, ay naiangat at napalawak. Ang paggawa
ay higit na naging organisado sa pagbubuo ng mga unyon at mga kooperatiba.
Ang mga iskema sa seguridad panlipunan ay ibinibigay sa mga nagreretirong
myembro at yaong mga magkakasakit o mapapahamak habang sila ay
nagtatrabaho.
Fil. 1 Wika at Kultura sa Mapayapang Lipunan Pahina 86
2.4 Relihiyon o Pananampalatayang Urban

Tulad ng ibang institusyong panlipunan, ang simbahan ay hindi


nakatatakas sa dagsa ng industriyalisasyon at modernisasyon. Tulad ng pamilya,
ang mga tungkulin ng simbahan ay humina. Ang Kanluran ay kinakitaan ng
paglitaw ng sekularismo, antiklerikalismo, materyalismo, at paghina ng
supernaturalismo. May nagaganap na pagbabagong direksyon mula sa
tradisyunal na anyo ng mga gawi at paniniwalang panrelihiyon patungo sa higit
na manipetasyong intelektuwal ng relihiyon na dulot ng mga pag-unlad sa agham
at edukasyon. At ang relihiyong urban ay higit na nagiging pormal, byurukratiko,
at herarkikal.

Ang relihiyon ay nakagawa ng mga pakikibagay sa mga nagbabagong


kalagayan ng makabagong daigdig. Ang mga ito ay pinaniniwalaan ng maraming
iskolar bilang isang pakikibagay sa isang mahaba, at patuloy na paghina ng
impluwensya ng simbahan. Napansin ang mga pagbabago sa mga pamantayan
at kahalagang panrelihiyon, sa liturhiya, at sa mga gawing tradisyunal. Ang
paniniwala sa supernatural ay unti-unting naglalaho sa mga gawaing
panrelihiyon, at ang mga kahalagahang moral ay binabago. Ang mga
nakababatang mananampalataya ngayon ay humihingi ng higit pang mga
pagbabago. Sa mga Katoliko ng Amerika, ang teolohiya ng liberasyon ay
lumilitaw.

Ang kasigasigang panrelihiyon ay maaaring humina ngunit ang mga


kilusang panrelihiyon ay nagtangkang pag-ibayuhin ang interes panrelihiyon.
Bagaman ang relihiyon sa makabagong daigdig ay nawalan ng pag-aangking
makaimpluwensya sa malaking bahagi ng buhay panlipunan ng mga tao, marami
ang naghahanap ng mga katugunan sa kanilang mga pangangailang panlipunan,
pangkabuhayan, at pampulitika sa relihiyon. Sa dahilang ang relihiyon ay isang
uri ng pagtugon sa mga suliranin at kawalan ng katiyakan sa buhay ng tao, isang
malaking bilang ng mga tao ang bumaling sa relihiyon sa mga panahon ng krisis.
Tulad ng sinabi ni Chinoy (1967:356), ang relihiyon ay maaaring nagbibigay ng
Fil. 1 Wika at Kultura sa Mapayapang Lipunan Pahina 87
kahulugan sa mga karanasang panlipunan sa pagtatakda ng mga kahalagahang
moral sa mga pagdurusa ng tao sa paghahandog ng isang teolohikal na patunay
sa pananalig ng tao. Sa mga paniniwalang myembro ng suportang
pandamdamin, at nagbibigay ng pagdamay sa pamamagitan ng pagpapalubag
ng kalooban sa kawalang katiyakan, mga kasawian, at ang mga suliranin. Sa
mga taong ito, ang relihiyon ay nagbibigay ng katiwasayan at pagpapalubag ng
kalooban, kahulugan sa kanilang buhay, at pagbibigay ng tiwala at pag-asa sa
isang higit na magandang buhay sa kinabukasan.

Karamihan sa mga residenteng urban sa Pilipinas ay mga Katolikong


Romano. Gayon man, ang pluralismong panrelihiyon ay umiiral. Ang mga
denominasyon at sektang Protestante, Muslim, at Buddhista ay may aktibo rin.
Ang mga simbahan ay matatagpuang malapit sa pook panirahan o sa gitna ng
mga distritong sentro ng kalakal. Sa ilang mga pamilihan o “shopping malls”, ang
misa ay ginaganap kung Sabado at Linggo at pistang pangolin ng simbahan. Sa
mgapanirahang suburbya, isang simbahan o kapilya na may nagtatayugang
makabagong gusali ay nakatayo. Sa poblasyon ang simbahan ay nakatayo sa
gitnang posisyon sa plasa at bumubuo ng isang panuunang punto sa buhay ng
mga tao. Ang mga simbahan ay punong-puno pa rin kung Linggo at mga pistang
pangilin, bagaman ang proporsyon ng mga nagsisimba sa mga hindi nagsisimba
ay hindi pa natitiyak. Ang mga ritwal at seremonya ng simbahan na nakasentro
sa pasko, mga pista, at kwaresma ay humahatak ng pansin. Ang mga tao ay
dumadalo sa mga nobena, seminar, at mga gawaing pagbuhay sa relihiyon. Ang
mga pniniwalang rutwalistiko at mistikal gayon din ang mga gawaing katutubo ay
nagaganap pa rin. Sa isang panig, ang pagdalo sa nasabing mga ritwal at
seremonya ay nagpapalakas sa kamalayan ng pagkakabuklod sa mga myembro
nito.

Fil. 1 Wika at Kultura sa Mapayapang Lipunan Pahina 88


PAGSASANAY 10

Pangalan: _________________________ Iskor_______________


Taon/Kurso/Seksyon: ________________ Petsa: ______________

A. PANUTO: Tama o Mali: Basahin at unawain ang sumusunod na pahayag. Sa


patlang sa unahan ng bilang isulat ang letrang A kung ang diwa nito ay tama.
Kung ang diwa ay mali isulat ang letrang D

_____ 1. Ang pook urban at rural ay may mga katangiang magkakatulad.

_____ 2. Sa mga bansang maunlad ng Kanluran, ang mga pagkakaibang rural-


urban ay mabilis na naglalaho.

_____ 3. Ang rural ay ginagamit upang tukuyin ang isang kalidad ng buhay na
karaniwang matatagpuan sa mga lungsod.

_____ 4. Ang urban ay kapwa isang proseso at isang pook.

_____ 5. Ang prosesong urban ay hindi magaganap kung walang mga


pagkukunan, populasyon at batayang pangkabuhayan.

_____ 6. Ayon sa Kawanihan ng Sensus at Estadistika, (1970), ang pamayanang


urban ay nagtataglay ng huwaran ng lansangan, tulad ng pagtatagpuan
ng mga lansangan na maaaring nasa parallel o oryentasyong kanang
anggulo.

_____ 7. Ang populasyon ay nararapat na may malaking bilang ng tao upang


mapanatili ang grupong pamumuhay.

_____ 8. Ang panahon ay tumutukoy sa klima, topograpiya, mga likas na


kayamanan.

Fil. 1 Wika at Kultura sa Mapayapang Lipunan Pahina 89


_____ 9. Ang organisasyong panlipunan ay binubuo ng maraming sistema ng
mga pamantayan at mga kahalagahan, bahaging ginagampanan at
pagpaparusa.

_____ 10. Inilarawan ni Louis Wirth (1938;1-24) ang paraan ng buhay urban
bilang pagpapalit ng pangalawa sa mga relasyong primarya tulad ng
panghihina ng mga tali ng kamag-anakan, ang bumababang
kahalagahan ng pamilya at iba pa.

B. PANUTO: Ilarawan ang Lipunan at Kulturang Urban. Isulat ang sagot sa


kahong nakalaan.

LIPUNAN AT KULTURANG PALIWANAG


URBAN

Ang Pamilyang Urban

Ekonomiya o Kabuhayang
Urban

Relihiyon o Pananampalataya

Fil. 1 Wika at Kultura sa Mapayapang Lipunan Pahina 90


KAHINGIAN NG KURSO

Magsagawa ng deskriptibong pananaliksik hinggil sa iba’t ibang pangkat ng tao


sa rural at urban at iulat ito sa klase.

Mga Datos na Kakalapin:

1. Materyal na Kultura

Kasuotan at mga palamuti sa katawan

Kasangkapan (Pangkabuhayan, Ritwal, Sa loob ng tahanan)

Transportasyon

2. Di-materyal na Kultura

Wika
Norms
Folkways
Mores
Batas
Valyu
Paniniwala (panliligaw, pagpapakasal, panganganak, binyag, libing)
Technicways

Fil. 1 Wika at Kultura sa Mapayapang Lipunan Pahina 91


Rubriks:
Kasapatan ng Datos-40
Presentasyon-40
Kakayahan sa Pagsagot sa mga tanong-20
Kabuuang Puntos-100

Pormat:
Pamagat
Kaligiran
Layunin
Kaugnay na Pag-aaral at Literatura
Konseptwal na Balangkas
Metodolohiya
Disenyo
Instrumento
Lokal
Paraan ng Pangangalap ng Datos
Presentasyon
Buod,Konklusyon at Rekomendasyon

Fil. 1 Wika at Kultura sa Mapayapang Lipunan Pahina 92


Listahan ng Sanggunian

Mga Aklat

Bernales, Rolando A. et al. 2007. Komunikasyon sa Makabagong Panahon.


Valenzuela City: Mutya Publishing House Inc.

Dayag, Alma M. at Mary Grace G. del Rosario. 2016. Pinagyamang Pluma


Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino. Quezon City:
Phoenix Publishing House, Inc.
Du, Nelia O., Winnie o. Aquino at Fritz May A. Reyes. Komunikasyon sa
Akademikong Filipino (Batayan at Sanayang Aklat sa Filipino 111).Kabacan,
Cotabato:University of Southern Mindanao.
Hufana, Nerissa L. Wika at Kultura at Lipunang Pilipino.Iligan City: Departamento ng
Filipino at Ibang mga Wika.Kolehiyo ng mga Sining at Agham Panlipunan.MSU-
Iligan Institute of Technology.
Hufana, Nerissa L., Marie Joy D. Banawa, German V. Gervacio, Chem R. Pantorilla,
Airen C. Sajulga at Reynaldo B. Tiosen.2018. Wika at Kultura sa Mapayapang
Lipunan. Malabon City: Mutya Publishing House, Inc.
Mag-atas, Rosario U. et al. 2008. Komunikasyon sa Akademikong Filipino. Sta Cruz
Manila: Booklore Publishing Corporation

Panopio, Isabel S. at Realidad Santico-Rolda. 1992. Sosyolohiya at Antropolohiya


Isang Panimula. Quezon City: Ken Incorporated.
Santos, Angelina L. et al. 2009. Ang Akademikong Filipino sa Komunikasyon.
Malabon City: Mutya Publishing House Inc.

Tanawan, Dolores S. et al. 2004. Sining ng Mabisang Komunikasyon. Meycauyan


Bulacan: Trinitas Publishing Inc.

Fil. 1 Wika at Kultura sa Mapayapang Lipunan Pahina 93


Mula sa Internet

https://int.search.myway.com/search/GGmain.jhtml?p2=%5EBNF
%5Exdm003%5ES33560%5Eph&ptb=A96AAB2B-2776-4926-88AD-
42C9939A988E&n=78587098&cn=PH&ln=en&si=EAIaIQobChMI1pWugrbz4gIVWnZgCh1XjAkXEA
AYASAAEgKyV_D_BwE&tpr=hpsb&trs=wtt&brwsid=82862c45-6a0b-4b88-b0f4-
c6d1f9694ebe&searchfor=anong+ibig+ipakahulugan+ng+lipunan&st=tab

Fil. 1 Wika at Kultura sa Mapayapang Lipunan Pahina 94

You might also like