You are on page 1of 4

KABANATA I

Ang Problema at ang Kaligiran ng Pag-aaral

Panimula

Pangulo ang tawag sa taong namumuno na inihalal ng mamamayan. Alinsunod


sa Article VII, Section 23 of the 1987 Constitution na nagsasabing, "The President shall
address the Congress at the opening of its regular session. He may also appear before
it at any other time." Nangangahulugan lamang na dapat magtalumpati ang isang
pangulo ng isang bansa sa Kongreso.

Tinatawag na SONA o State of the Nation Address ang taunang pagtatalumpati


ng pangulo ng isang bansa. “The SONA (Talumpati sa Kalagayan ng Bansa) is an
annual event in the Republic of the Philippines in which the country's President reports
to the Filipino people the status of the nation, normally during the joint opening session
of the two chambers of Congress –the Senate and the House of Representatives.” Ito
ang taunang pagpapahayag ng pangulo sa mga gawaing isinagawa na, ginagawa pa at
gagawin pa lamang.

Ayon kay David D. Angelo (wp):


Ang State of the Nation Address (SONA) ay paglalahad din ng mga
programa para sa mga susunod na taon kasama na rito ang Legislative
Agenda ng pangulo at ng Executive brance. Ang sinasabing Legislative
Agenda ay mga batas na nais pursigihin ng pangulo upang mas mapabuti
ang bayan at maisulong ang mga programa at plano ng kanyang
administrasyon.
Dagdag pa nina H. De Leon at H. De Leon Jr., “Ang SONA ay isang oportunidad
at pribilehiyo ng pangulo na makapagtalumapati sa harap ng Kongreso upang
makapagpahayag ng maraming bagay o usaping hinggil sa kalagayan ng bansa,
magtagubilin sa mga mambabatas ng mga bagay na sa palagay niya’y dapat pag-
ukulan ng pansin at aksyunan kaagad at magpahayag ng patnubay sa pambansang
patakaran o National Policy.” Sa pamamagitan ng SONA, nagkakaroon ng kalayaan
ang pangulo na maipahayag ang lahat ng bagay na may kinalaman sa kanyang
pamamalakad. Sa gawaing ito, nababatid naman ng ng buong bansa ang lahat ng

1
plano ng mga taong namumuno para sa isang bansa. Nagkakaroon ng malaking papel
ang SONA sa isang bansa.

Pangulo ng Pilipinas ang pinakamataas na pinuno ng Republika ng Pilipinas.


Pinamumunuan ng pangulo ang Tagapagpaganap na sangay ng pamahalaan, na
kinabibilangan ng Gabinete, at siya rin ang Punong Komandante o Commander-in-Chief
ng Sandatahang Lakas ng Pilipinas. Sa kasalukuyan mayroong labing-anim na naging
pangulo ang bansang Pilipinas. Nakatuon lamang ang pag-aaral na ito pagsusuring
pahambing ng unang talumpati ng dating Pangulong Benigno Aquino at kasalukuyang
Pangulo Rodrigo Duterte.

Sa pagpapahayag ng isang SONA ng pangulo marami ang dapat isaalang-alang,


isa na nga rito ang wika. Ayon kay Fortunato at Valdez (1995). “Wika ang kasangkapan
sa pagbabagong anyo ng pulitika at kapangyarihan sa isipan at puso ng tao. Hindi
kongkreto ang lakas ng wika at ito’y pangkaisipan. Sa mabisang gamit ng wika,
nakakaapekto ito at napapakilos tayo.” Samakatwid, wika ang nagiging instrumento
upang maihatid ang mensahe sa iba. Taglay ng wika ang kakayahang baguhin ang
paniniwala ng isang indibidwal at impluwensyahan ang tao sa iba’t ibang aspeto.

Nasa wika ang mga konsepto o kaisipan na bumubuo sa lawak ng


gawaing pulitikal kaya naman ginagamit ito para magkaroon ng political
control.
- Constantino
Taglay ng wika ang kakayahang baguhin ang paniniwala ng isang indibidwal. Sa
pakikipag-ugnayan gamit ang wika, maraming bagay ang maaring magbago. Sa
pamamagitan ng wika naiimpluwensyahan ang isang tao. Nababago nito ang kanyang
pagkatao. Wika ang ginagamit sa komunikasyon ng mga tao sa isang lipunan. Hindi
magiging matagumpay ang alinmang klase ng transaksyon kung hindi
nagkakaintindihan at kung hindi gagamit ng iisa at sariling wika. Tulad na lamang ng
wikang gagamitin sa isang SONA o talumpati. Hindi makukuha ng tao ang puntong nais
ibigay ng Pangulo kung hindi maunawaan ang wikang kanyang gagamitin.

Dahil dito, sa kabila ng munting kakayahang taglay ng mananaliksik na kahit


wala pang karanasan sa gawaing tulad nito, naglakas loob ang mananaliksik na suriin

2
ang unang talumpati ng mga Pangulo upang lubos na maunawaan at mapahalagahan
ang mga aspetong dapat taglay nito.

Paglalahad ng Suliranin

Naglalayon ang pag-aaral na ito na masuri ang ilang piling talumpati ng dating
Pangulo at kasalukuyang Pangulo ng ating bansa.

Sa kabuuan, nagnanais na masagot nito ang mga sumusunod na katanungan:

1. Ano ang talambuhay ng mga naging Pangulo ng Pilipinas mula


-2010-2017?
2. Ano ang wikang ginamit ng bawat Pangulo sa paghahatid ng
kanilang talumpati?
3. Ano ang pagkakatulad at pagkakaiba ng antas ng wika na ginamit
ng mga Pangulo?

Kahalagahan ng Pag-aaral

Naniniwala ang mananaliksik na makatutulong nang malaki ang pag-aaral na ito


sa mga guro, nanunungkulan sa pamahalaan, maging sa mga mag-aaral at sa mga
taong may malasakit sa mga usaping pambansa.

Para sa mga mag-aaral

Mahalaga ang pananaliksik na ito sa mga mag-aaral upang mas mapalalim ang
kanilang pang-unawa sa talumpati ng pangulo o SONA maging sa wikang gamitin.

Para sa mga Guro

Malaking tulong din ang pananaliksik na ito sa mga guro sapagkat maaari nilang
gamitin ang sinuring talumpati na magagamit sa pagtuturo ng wika na gagamitin sa
usaping pulitikal.

3
Para sa mga mamamayan

Sa lahat ng mga mamamayan lalo’t higit sa mga taong may pakialam sa usaping
pambansa tulad ng isyung pang-edukasyon, pang-ekonomiya, pangkalikasan,
pampolitika, kanilang mapag-iisipan ang kabisaan ng wikang ginamit sa talumpati.

Para sa susunod na mananaliksik

Sa mga susunod na mananaliksik na may paksang kaugnayan sa mga talumpati


o SONA ng mga Pangulo, maaaring maging batayan nila ito upang mas mapabuti ang
kanilang gagawing pananaliksik.

Saklaw, Lawak at Delimitasyon ng Pag-aaral

Nakatuon lamang ang pag-aaral na ito sa pagsusuri ng mga unang talumpati ng


dating Pangulong Benigno Aquino III (2010 -2016) at ang kasalukuyang Pangulo
Rodrigo Duterte.

Depinisyon ng mga Termino

Minarapat ng mga mananaliksik na bigyang kahulugan ang mga katagang


ginamit upang lubusan itong maunawaan ng mga mambabasa.

Pangulo ng Pilipinas - Siya ang namumuno sa sangay na ehekutibong sa ating


pamahalaan na inihahalal ng taumbayan at maaari lamang manungkulan ng isang
termino sa loob ng anim na taon (Oliveros, et al.,2007).

Sona (State of the Nation Address) - Isang talumpating ibinibigay taun-taon ng


Pangulo ng Pilipinas. Kinabibilangan ito ng mga pag-uulat hinggil sa estado ng bansa.

Talumpati - Ang sining ng maayos na paghahanay ng mahahalagang kaisipan at


mabisang paraan ng paghahatid ng mga ito samga tagapakinig sa pamamagitan ng
pagbigkas sa ibabaw ng entablado (Tanawan, et al., 2004). Sa pag-aaral na ito, ang
anyo ng panitikan ang pinag-aralan ng mga mananaliksik.

You might also like