You are on page 1of 2

KAGAMITANG PAMPAGTUTURO

CSSH-ABFIL

Republic of the Philippines


Fatima, General Santos City
KOLEHIYO NG AGHAM PANLIPUNAN AT HUMANIDADES
DEPARTAMENTO NG FILIPINO
Ikalawang Semestre - Akademikong Taon 2021-2022
PANGALAN/PANGKAT: PANGKAT MANGKUKULAM Petsa:04-21-22
Lider: Federica L. Ellaga Modyul #:04
Miyebro: Sandra Galoy
Rosalinda Giamalon
Alsimar Ibrahim
Al-hadsmil Jainal

PAMAGAT NG GAWAIN: KOLABORATIBONG GAWAIN (Paglalapat 4)

I. Panuto: Humanap ng pananaliksik hinggil sa wika. Ibigay ang mga sumusunod:


1. Isulat ang pamagat, may-akda at reperensiya ng nahanap na pananaliksik.
Pamagat:
• “ANG PAGSUSURI SA KATANGIAN NG DAVAO FILIPINO BILANG
VARAYTI NG WIKANG FILIPINO.”
May-akda:
• Eden A. Agbayani
Sanggunian:
• Eden A. Agbayani, (2016). “ANG PAGSUSURI SA KATANGIAN NG DAVAO
FILIPINO BILANG VARAYTI NG WIKANG FILIPINO”,
https://www.academia.edu/43262384/ANG_PAGSUSURI_SA_KATANGIAN
_NG_DAVAO_FILIPINO
2. Tukuyin ang uri at metodo ng pananaliksik.
• Ginamit ang disenyong kwalitatibo at pamamaraang deskriptib-analitik sa
pag-aaral na ito. Hinango ang mga datos mula sa mga nairekord na
pasalitang wika ng mga taga-Davao.
3. Halawin ang pag-aanalisa ng mga datos.
• Upang matiyak ang awtentikong paggamit ng wika, inirekord ng mananaliksik
ang aktwal na usapan ng mga taong gumagamit ng wikang Filipino sa mga
pampublikong lugar sa Lungsod ng Davao, ang mga impormal na usapan ng
mga guro at mag-aaral ng Ateneo de Davao University, ang mga pahayag ni
Mayor Rodrigo Duterte at mga pahayag ng mga Dabawenyo na nainterbyu
sa programang Kapuso Mo Jessica Soho na umere sa telebisyon noong
Mayo 15, 2016. Ang mga nairekord na usapan ay pinakinggan at ginawan
ng transkripsyon ng mananaliksik. Ginamit ang disenyong kwalitatibo at
KAGAMITANG PAMPAGTUTURO
CSSH-ABFIL

pamamaraang deskriptib-analitik sa pag-aaral na ito. Lumabas sa pagsusuri


na ang mga leksikon ng Davao Filipino ay kakikitaan ng mga pangngalan,
panghalip, pang-uri, pang-abay at pandiwa. May mga salitang nabubuo sa
pamamagitan ng paggamit ng panlaping Cebuano at salitang-ugat na Filipino.
Magkatulad din ang Davao Filipino at wikang Filipino sa estruktura ng
pangungusap.
4. Tukuyin ang paraan ng analisis at ipaliwanag.

• Makikita sa bawat talahanayan ang mga leksikal na aytem nakinapapalooban


ng pangngalan, panghalip, pang-uri, pang-abay at pandiwa. Sinuri ang
linggwistikong katangian nito sa pamamagitan ng paglalarawan saleksikal,
morpolohikal at sintaktikal na aspeto nito. Ang sosyolinggwistikong katangian
naman ay inilarawan sa pamamagitan ng konsepto ng interlanguage at sa
nagaganap na code switching o code mixing.
• Sa paggamit ng Cebuano sa pagpi-Filipino ng mga taga-Davao ay
nagpapakita ng konsepto ng interlanguage. Impluwensya ito ng unang wika
ng mga tagapagsalita. Nagaganap ang code switching at code mixing sa mga
ugnayang interpersonal at transaksyonal ng mga tagapagsalita. Ginagamit
ang wikang Ingles sa pagko-code switch sa praktikal na kadahilanan,
nakasanayanna ito, madaling maintindihan ng mga tagapakinig na may ibang
unang wika sanagsasalita at para bigyan ng empasis ang kanilang sinasabi.

You might also like