You are on page 1of 7

“PANANALIKSIK SA EPEKTO NG PAGGAMIT NG MGA

SALITANG BALBAL SA ARAW ARAW NA PAMUMUHAY”

Jan Mark Castillo

Jackie Jacob

Yuka Lacebal

Olive Tobias

Kathleen Cosme

Philippine Accountancy and Science School


PASS College
September 17, 2022

Miss Ester Joy Abao, LPT

2
Talaan ng Nilalaman

Pamagat ------------------------------------------------------------ 1

Talaan ng Nilalaman ------------------------------------------------------------ 2

Introduksyon ------------------------------------------------------------ 3

Suliranin ------------------------------------------------------------ 4

Paglalahad ng Suliranin --------------------------------------------------- 5

Kahalagahan ----------------------------------------------------------- 6

Depinisyon ng Terminolohiya -------------------------------------------- 7

2
Introduksyon

Malaki ang ginagampanan ng wika sa ating araw- araw na pamumuhay upang tayo ay

magka- unawaan. Wika ay itinuturing na pinakamahalagang elemento sa pakikipagkapwa-tao,

sapagkat ito ang pinakapangunahing kailangan upang maipahayag ang ating mga saloobin. Ito

ang nagiging daan upang tayo ay makapagpahayag ng ating mga damdamin, kaisipa, diwa, ideya

at mga opinion sa pamamagitan ng pasulat o pasalita. Wika rin ang dahilan upang magkaisa ang

mga tao, umunlad at makamit ang Kalayaan.

Sa pag- usad ng panahon, ang wikang ating ginagamit ay nagbabago kasabay ng pag-

unlad nating mga Pilipino. Hindi natin namamalayan na ang ibang mga salita ay ating pinapaiksi

kung saan tayo ay nakakapag imbento ng ating sariling termenolohiya upang mapadali ang

pakikipagusap natin sa ating mga kapwa. Dahil dito, umusbong ang pinakamababang antas ng

wika, ang salitang balbal.

Ang salitang balbal ay ang paggamit ng wika sa mamamayan kung saan ito ay nabuo sa

impormal na paraan. Ito ay nagisilbing “parangal sa mga dalubhasang Pilipino na may abilidad

na gawin na masaya at libangan ang wika”. Ito ay maaaering nagmula sa pangkat ng masa-

estudyante, drayber ng jeep, artista ang mga LGBT community. Ngunit ang salitang balbal ay

may kakahayang sirain ang identidad ng ating pambansang sika na siyang ginagamit sa

propesyonal na aspekto at maging sa akademikong sulatin (Quia, et. Al., 2018).

2
Suliranin

EPEKTO NG PAGGAMIT NG MGA SALITANG BALBAL


SA ARAW-ARAW NA PAMUMUHAY”

Suliranin Pamamaraan

1. Ano- ano ang mga salitang  Pagsusuri


balbal and madalas gamitin?
 Talatanungan
2. Ano ang epekto nito sa
pagsusulat ng akademikong
sulatin?

3. Ano ang dahilan kung bakit


ginagamit ang salitang
balbal sa araw- araw na
pamumuhay?

4. Ano ang epekto nito sa mga


estudyante at mga
mamamayang Pilipino?

5. Ano ano ang sitwasyon bakit


ginagamit ang salitang
balbal sa lipunan?

2
Paglalahad ng Suliranin

Paksa:

Ang pag-aaral na ito na “Epekto ng Paggamit ng mga Salitang Balbal sa Araw-araw na


Pamumuhay” ay naglalayong masagot ang mga sumusunod na katanungan:

1. Ano- ano ang mga salitang balbal and madalas gamitin?

2. Ano ang epekto nito sa pagsusulat ng akademikong sulatin?

2
3. Ano ang dahilan kung bakit ginagamit ang salitang balbal sa araw- araw na pamumuhay?

4. Ano ang epekto nito sa mga estudyante at mga mamamayang Pilipino?

5. Ano ano ang sitwasyon bakit ginagamit ang salitang balbal sa lipunan?

Kahalagahan

Ang pag-aaral na ito makatutulong sa mga sumusunod:

Mag-aaral –

Makatutulong ang pag-aaral na ito sa mga estudyante upang sila ay magkaroon ng mas

malawak na kaalaman patungkol sa salitang balbal partikular na sa paggagamit nito, mga

halimbawa at epekto ng paggamit nito sa araw araw nating pamumuhay.

Mamamayang Pilipino -

2
Ang mga mananaliksik ay buo ang paniniwala na ang pag-aaral na ito ay mayroong

malaking gampanin sa ating pagkapilipino at maging sa kung paano pa natin lalong

mapagyaman ang wikang Filipino na mag-iiwan ng mga aral na dapat isabuhay.

Propesyonal - Ang pananaliksik na ito makatutulong sa pagpapabatid ng kaalaman sa mga

propesyonal sa aspeto ng pakikipagkomunikasyon sa kapwa tao sa iba't ibang larangan na

makapagtitibay sa kanilang relasyon.

Mga mananaliksik sa hinaharap-

Ang pananaliksik na ito ay makatutulong sa mga mananaliksik sa hinaharap na may

layun pang magkaroon ng malalim na pag-aaral kaugnay sa salitang balbal. Maaaring gamitin ito

bilang isang kasangkapan upang pagkuhanan ng mga datos na may kaugnayan sa paggamit sa

salitang balbal at mga magkatulad pang pag-aaral.

Depinisyon ng Terminolohiya

 Balbal- ay ang mga salitang hindi pormal ngunit nagagamit sa pang-araw-araw na

panánalitâ. Karaniwa’y nililikhà ito sa pagbabaligtád ng mga titik, o pagiibang-anyô sa

salitang ugát.

You might also like