You are on page 1of 2

ANG WIKA AY BUHAY AT DINAMIKO

Magandang Araw!

Madalas nating naririnig ang isang kataga sa wikang Ingles na “Change is the only
constant thing in the world” o sa Filipino “Pagbabago lamang ang natatanging
permanenteng bagay dito sa mundo”.

Ganyan ang ating wika, kasabay ng patuloy na modernisasyon at globalisasyon ng


ating mundo, ay ang patuloy ding pagbabago ng ating mga salita.

Sapagkat ‘yan ang isang natatanging katangian ng ating wika, ito ay buhay at ito ay
dinamiko.

Ito ay dahil tila ba sa bawat pagdaan ng mga araw ay may mga bagong salitang
naiimbento at ginagamit ng mga tao.

O hindi naman kaya ay nabibigyan ng mga bagong kahulugan ang mga dating salita na
atin nang ginagamit.

Marahil isa sa mga malaking naka-impluensya dito ay ang pag-usbong ng mga


moderno at makabagong teknolohiya kagaya na lamang ng social media.

Doon ay talagang makikita natin ang mga iba’t ibang bagong salita na ginagamit ng
mga netizens – o netizens, isang halimbawa na ‘yon, bagong tawag sa mga taong
aktibong tumatambay o gumagamit ng social media.

Upang mas maintindihan at maunawaan, ako ay ay magbabahagi pa ng ilang


halimbawa.

Ang salitang “mare”, dati ay ginagamit lang ito ng mga mag-kumare, mga nanay.

Ngunit ngayon ay naging ekspresyon na rin ito ng karamihan kahit pa ng mga


kabataang magkakaibigan.

Minsan ay binabago rin ito at ginagawang mars o kumars. Hindi ba?


Isa pang halimbawa ay ang salitang talagang umusbong ngayong may pandemya, ang
“ayuda”.

Dati ang alam lang natin na kahulugan nito ay tulong mula sa gobyerno o pamahalaan.

Ngunit ngayon ay tila ba ginagamit na ito sa pang-araw-araw, may ayudang gulay


galing sa kapitbahay o may ayudang tsokolate galing abroad.

Oh diba, yung dating kahulugan ay nadagdagan upang mas mai-angkop sa


kasalukuyan nating kalagayan o pamumuhay.

‘Yan at marami pang ibang mga bagong salita ang ating nakikita, nababasa at naririnig
sa ating lipunan.

Alam ko at ako’y sigurado na madadagdagan pa ‘yan ng mas marami pa sa paglipas ng


panahon.

Pero, ating tandaan na hindi porke’t nagkakaroon tayo ng mga bagong salita at bagong
pagpapakahulugan sa mga salita ay kinakalimutan na natin ang mga dati o orihinal
nating mga salita.

Ito ay patunay lamang na patuloy ngang lumalawak, yumayabong at nagbabago ang


ating wika sapagkat ito ay buhay at dinamiko.

You might also like