You are on page 1of 4

Isang Pagsusuri sa Korpus Ukol sa Pagbabago ng Wikang Filipino (1923-2013)

Maria Kristina Gallego

Bagamat isang malaking katotohanan na dumaraan sa pagbabago ang anumang

wika, naniniwala ang ilan na imposibleng mahuli ang mga pagbabagong ito sa isang

punto ng panahon. Hindi tuwirang maituturo ang mismong taong nagdala ng pagbabago

sa wika sa kadahilanang kinakailangan ng matagalang panahon upang makita ang

konkretong operasyon ng mga partikular na pagbabagong sinusubaybayan. Sa kabilang

banda, ang pagdating ni William Labov at ng kanyang variationist na pagtingin sa wika

ang nagpakita sa posibilidad na maobserbahan ang ganitong mga pagbabagong

pangwika na umiiral sa isang punto ng panahon, partikular na sa aspeto ng ponolohiya

(Bright, 1998)

Tinitingnan ang wika bilang isang mahalagang pagmamay-ari ng tao. Madalas ay

kaakibat ng ganitong pagtingin ang partikular na sentimentalidad, kung saan

pinapaboran ang sinaunang anyo ng wika dahil sa pagiging “puro” nito, at inaayawan

naman ang kontemporaryong anyo nito na itinuturing na “pagkabulok” sa nauna nitong

purong estado.

Wikang Filipino sa Makabagong Panahon (2014)

Mrs. Anita Boral

Ang wikang Filipino sa makabagong panahon ay patuloy na umuunlad ay

nagbabago. Gumagamit na din tayo ng iba’t ibang paraan upang mas mapaikli ang

pagbigkas o paggamit ng ating wika. Ilang halimbawa ng pagpapalawak ng bokabularyo


ay ang paggamit ng akronim o ang paggamit ng mga letra na nagrerepresenta sa isang

salita o tumatayo bilang kapalit ng salita.Sumunod na halimbawa ay ang pag palit ng

mga arkayk sa salita, sa pamamagitan nito pinapalitan ng mga makabagong salita ang

mga salitang ginagamit noong unang panahon upang mas mapadaling gamitin at mas

magandang bigkasin at pakinggan. At ang pinakuso sa panahon ngayon ay ang

paggamit ng mga balbal na salita, ito ang pinakamababang antas ng wika na

karaniwang ginagamit ng mga kabataan at mga bakla.

Ang mga mag-aaral sa urban ay gumagamit ng iba’t ibang pagpapalawak ng

bokabularyo na nakakaapekto din sa kanilang pamumuhay maging sa lipunan at

ekonomiya.

Salita ng Matatanda (2015)

http://salitangmatatanda.blogspot.com/

Sa Gabay na ito,Gusto naming paunlarin ang kanilang kaalamanan sa mga

salitang kakaiba satin. Lalo na sa ulad nating kabataan,Na kinalimutan,binalewala ang

mga salitang malalim ng mga matatanda.Kailangan natin ito pagyamanin upang tayong

magkaroon nang higit na kaalaman tungkol dito.

Nais naming pagyamanin natin ang kanilang malalim na saita at ating

pahalagahan at pakinggan ang kahalagahan ng mga ito.

Sa panahon ngayon madami ng naglalabasang bagong mga salita at unti unti ng

nakakalimutan ang salita ng mga matatanda.  Kung tutuusin ang mga salita ng mga

matatanda ay orihinal na salitang pilipino hindi katulad ng mga bagong naglalabasan


ngayon. Tinanong ko ang aking lolo kung ano ang pagkakaiba ng mga salita na

ginagamit noon sa mga salit na ginagamit ngayon, at ang kanyang sinabi ay talagang

napakalaking pagbabago ng mga ito sa kadahilangan nahahaluhan na ng ibang

lenguahe ang ating mga salita.

Ang Epekto ng mga Salitang Balbal (2014-2015)

Loricar Pinon

Ang mga salitang balbal ay itinuturing na personal na pakikipagkomunikasyon sa

lahat ng antas o uri ng pamumuhay sa isang lipunan. Ang paggamit ng mga salitang ito

ay isang mabisang paraan ng mga magulang upang makasabay o makasunod sa

pakikipag-ugnayan sa kanilang mga anak. 

Napag-alaman sa pagsasaliksik na ito na ang epekto ng salitang balbal ay

“Sumasang-ayon o Nakaaapekto” sa kaalaman, kasanayan at saloobin ng

mga matatanda.

Ang salita ay lubhang makapangyarihan kung kaya’t maraming tao partikular na

ang mga kabataan na madaling maimpluwensiyahan gumamit ng salitang balbal

sapagkat ito ay napapanahon o tinatawag na “in” kung kaya’t hindi nila namamalayan

na nagagamit nila ang mga salitang ito sa isang pormal na sulatin.

You might also like