You are on page 1of 2

FILIPINO 3

Ryan Michael A. Agcaoili II-ALM Nobyembre 8, 2016

Salita
Pungalangala

Sa kasalukyang panahon natin ngayon maraming salita ang naiimbento at nauuso,

marahil ay makukulay at malawak ang imahinsayon nating mga Pilipino pagdating sa ating wika.

Ang mga salitang ito para sa karamihan ay nagbibigay aliw at nakatutulong na mapadali ang

pakikipag komunikasyon sa isa’t isa. Dahil sabi nga ang wika ay buhay at dynamiko.

Para sa akin ang salitang ito ay hango sa mga taong umiiwas sa paggamit ng maseselang

salita tulad ng “gago”, “putang ina” at iba pang pagmumura. Sa panahon natin ngayon ay

mahirap iwasan ang hindi magmura dahil pati ang mga bata sa kapaligiran ay marunong na rin

gumamit ng mga ganitong klaseng salita na dapat ay hindi nila dapat nariring at nagagamit.

Nakakalungkot man isipin ay mahirap ng ibahin o baguhin ang mga taong nahasang gumagamit

ng maseselang salita. Sa kabilang banda gayunpaman may iilang mamayang Pilipino ay

nagbabago at umiiwas sa paggamit ng mga maseselang salita. Mayroon kasing mga tao na ayaw

na ayaw makarining na nagmumura kaya’t gumawa sila ng salita na parang mura pero hindi

naman pala, dito naangkop ang salitang “Pungalangala” bilang alternatibo sa salitang “p.i” ganun

pa rin ang depinisyon o gustong ipahiwatig ng salitang ito ngunit mas pinababaw. Halimbawa

nito kung gagamitin sa pangugusap; “Bagsak nanaman ako! Pungalangala naman to!” o kaya

“Pungalangala ka, lagot sa akin”.

Sa patuloy na pag-unlad ng teknolohiya ay mas napapabuti ang pakikipag-komunikasyon

sa isa’t isa. At tayong mga tao na mahilig makisabay sa uso ay pinakikinabangan na natin ang
mga imbensyong nililikha para sa atin tulad ng laptop, smartphones at tablet. Dahil dito mas

nagiging aktibo ang mga tao sa pakikipag-usap sa isa’t isa sa pamamagitan ng chat o text,

humahanap o gumamawa ng mga alternatibong salita na mas angkop para sa kanilang usapin o

kaya’t pinapaikli ang mga salita dahil tinatamad mag-type.

You might also like