You are on page 1of 3

Pagsasaliksik sa salitang Inasal

INTRODUCTION Ang mga Pilipino ay likas na masayahin at praktikal sa buhay. Marahil ay lahat na lamang nang mga bagay na mas sulit ay kanilang binibigyan prioridad. Hindi nga naman sila masisisi, sa hirap ng buhay ngayon lahat nalang na mga bagay na mas sulit ay kanilang binibili. Ang salitang inasal ang nagsilbing simbolo sa mga taong naghahanap ng bagay na abot kaya. Tatalakayin sa papel na ito ang kahalagahan ng salitang inasal sa pamumuhay ng mga tao partikular na sa Pilipinas. Ang inasal ay karapat dapat lang maging isa sa 100 salita ng taon dahil sa malaking epekto nito sa buhay ng mga Pilipino. Ang inasal ay ginagamit na ngayon ng mga ordinaryong Pilipino sa kanilang pang araw-araw na talakayan. Sa pagsasaliksik na ito, bibigyan pansin ang dalawang kahulugan ng inasal, ang tunay nitong kahulugan at ang kahulugan nito mula sa mga ordinaryong tao. Kita naman ang pagbabago sa salita ng mga Pilipino ngayon, kadalasan ay ang mga simpleng salita ay nagkakaroon ng ibang detalye dahil sa pagkakagamit ng mga salitang ito sa ibat ibang lugar o larangan na matatagpuan sa Pilipinas. Sa mga susunod na bahagi, mabusisi naming ipaliliwanag ang etimolohiya, gamit at kabuluhan ng salitang inasal sa araw-araw na buhay ng mga Pilipino.

ETIMOLOHIYA Ang inasal ay nagmula sa salitang asal na mayroong dalawang kahulugan. Ang unang kahulugan ay pagbusa, pag-ihaw, pagbanggi o paglitson. Ang isa pa nitong kahulugan ay ugali o karakter ng isang indibidwal. Ano nga ba ang Inasal? Para sa mga taga Maynila, ang salitang inasal ay hindi mabibigyan ng kahulugan dahil hindi naman ito nagagamit sa kanilang arawaraw na talakayan sa mga maninirahan nang Maynila, kung sa bagay puro Jollibee at Mcdo nalang nga ang kanilang masasabi. Sa loob nang maikling panahon, mula 2005 hanggang sa kasalukuyan ang salitang inasal na nagmula sa Iloilo ay dinala ng ibat ibang mga negosyante upang magpatayo nang kanilang sariling mga kainan na nagluluto ng mga potaheng inasal. KONTEKSTWALISASYON a. Gamit Ang inasal ay madalas ginagamit sa mga talakayan ngayon ng mga Pilipino. Mula sa kahulugan nitong asal o ugali ng tao ito ay nagkaroon nang bagong kahulugan na naging unlimited at sulit. Ang interpretasyon ng mga Pilipino sa salitang inasal ay nagmula sa sikat na kainan ang Mang Inasal. Ang kainan na ito ay nagbigay ng malaking epekto sa buhay ng Pilipino dahil sa sulit nitong pagkain. Sino nga naman ang maniniwalang ang isang malaking inasal na manok, libreng sabaw ng sinigang, at unlimited rice ay mabibili sa halagang P99 lamang. Itong bentaheng ito ay naging popular sa mga Pilipino dahil sa sulit at abot kay nitong presyo. Sino nga bang Pilipino, ang aayaw sa unlimited? Kapag narinig nga lang nga ang salitang unlimited ay dalidaling dudumugin ng mga Pilipino iyon.

Sa kasalukuyang panahon, ginagamit ang salitang inasal na mayroong ibat ibang kahulugan. Kami ay nagsurvey ng limang estudyante ng pamantasan ng Unibersidad ng Santo Tomas patungkol sa kahulugan nang inasal. Dalawa sa kanila ay nagsabing chicken inasal daw ang kahulugan ng inasal. Parang hindi nga nagisip sa pagsagot ng tanong na iyon e. Dalawa rin ang nagsabing sulit ang totoong kahulugan ng inasal, kung sabagay mapapasulit ka nga naman pag kumain ka ng inasal na manok lalo na kung kumaklalam ang iyong sikmura. At ang natitirang isa ay nagsabing unlimited ang kahulugan ng Inasal. Kung ating mapapansin silang lima ay mayroong magkakaibang kahulugan sa salitang inasal na dapat ay paraan nang pag-ihaw at hindi luto nang manok wala nga man nagsabing ugali ang kahulugan ng inasal. Ang salitang inasal ay masasabi rin nating nanganganib dahil sa mga susunod na taon, ang salitang ito ay maaaring mabago na ng tuluyan. Pano nga ba ginagamit ang salitang inasal nang mga tao ngayon. Ito ang mga halimbawa: Gamit dati: Ano ba yang inaasal niya, parang di nakapag-aral. Ang inaasal nang tao ay nagmula sa kanyang nakalakihan. Gamit ngayon: Gutom na gutom ako, gusto kong mag inasal para busog! Wala akong pera ngayon pang yellow cab, inasal nalang tayo para sulit. Ang taba mo na, puro inasal siguro kinakain mo? Iilan lamang yan sa ibat ibang paraan nang pag-gamit ng salitang inasal na patuloy pa ang paglawak. Pinapatunayan lamang ng mga halimbawang iyan na mayroong ibat ibang paraan nang paggamit ng salitang inasal ngayon.Mayaman, mahirap, matanda, bata lahat na ay nakakaalam ng salitang inasal. Tila nga jumakpot ang salitang ito sa masang Pilipino dahil hindi lubos na aakalain na ang salitang inasal na nagmula Bacolod ay papatok sa Maynila. Ang inasal ay hindi simpleng paraan ng pag-iihaw ng manok o ugali ng isang tao kundi naging isang importanteng salita na nagpabago nang buhay ng mga Pilipino.

b. Kabuluhan sa Lipunan Ang salitang inasal ay dapat mapabilang sa salita ng taon hindi lang dahil sa maraming gumagamit sa salitang ito kundi sa mga benepisyo at pagbabagong naidulot nang salitang ito sa paraan ng pamumuhay nang nakakaraming Pilipino. Isa sa maraming benepisyo nang salitang ito ay pagbibgay nang trabaho. Ang pagsikat nang salitang inasal ay nabigay pansin sa mga malalaking establisyamento na nagpatayo ng mga restawran na mayroong kainan na puro inasal. Nakatulong ang salitang inasal sa pagbibigay nang trabaho dahil sa bawat bagong restawran na itatayo, maraming mga empleyado ang nagkakaroon nang trabaho kahit contractual lamang. Mula sa mga construction workers hanggang sa mga manager, lahat sila ay makikinabang sa pagsikat ng salitang ito na dinudumog ng masang Pilipino dahil sa nakaimbak na kahulugan nitong sulit. Ang pagbibibgay ligaya sa mga Pilipino ay isang tulong rin nabigay ng salitang inasal. Dapat maging praktikal sa buhay, yan ang kadalasang payo ng mga magulang na Pilipino

ang salitang inasal ay tumatak sa isipan ng mga Pinoy dahil bata pa lamang, ang mga salitang sulit at abot kaya ay sinasabi na ng mga magulang na dapat parating pinagtutuusan ng pansin. Sa panahon ngayon, ang salitang patok ay mas nagiging patok kung mayroong kalakip itong importansya sa mga tao. Ang mga inilalahok ngayon para sa salita ng taon ay walang ka kwenta-kwenta. Kung ating iisipin, ang salitang tubig, bahay, eskwela, at iba pa, ay araw-araw na nating ginagamit. Alam na nating lahat iyon at hindi na dapat mas bigyan pansin. Ang dapat isali sa salitang ng taon ay ang mga bagong salita, na may importansya at epekto sa buhay ng tao. Conclusion Ang inasal ay mayroong maraming kahulugan. Sa paglipas ng panahon nag-iiba na ang kahulugan ng mga salita sa wikang Filipino. Kung sa bagay, nakatatak nga naman sa ating isipan ang iniwang mga ideya at pilosopiya ng mga dayuhan. Pati na ang kanilang salita ay binibigyan prioridad, kung mahahasa tayo sa pagsasalita ng Filipino marahil ay mawala na nag salita ng taon at mapalitan ng salita ng buwan dahil araw-araw ay maraming salita ang nauuso sa mga Pilipino. Kung mas mamahalin lang natin ang pagsasalita ng Filipino, marahil ay maligtas ang identidad ng mga Pilipino na nanganganib nang mawala.. Inasal, yan ang bago ngayon, siguro ay halos lahat ng mga Pinoy ay pamilyar na sa salitang ito. Hindi lamang nito nakuha ang pag-iisip ng mga pinoy na panay sulit at unlimited ang hinahanap, nagsisilbi rin itong simbolo ng uri ng buhay na gusto ng mga Pilipino.

http://en.wikipedia.org/wiki/Mang_Inasal http://fil.wikipilipinas.org/index.php?title=Inasal http://breadnbuttertv.wordpress.com/2011/03/04/what-inasal/

You might also like