You are on page 1of 2

Toni Arstelle C.

Santiago
11 STEM 5 Fr. Roman Julia
Journal: Paano nakatutulong ang mga kaalaman sa barayti ng wika sa pang-araw-araw na buhay?
Magbigay ng ilang sitwasyon.
Salita Moy, Salita Ko Rin
Sa ating pakikipagtalastasan sa iba, mapapansin, maririnig at makikita natin na mayroon
tayong mga ibat ibang estilo sa pagsasalita. May iba sa atin na malumanay kung magsalita, mayroon
namang mabilis at kung minsay hindi na natin maintindihan. May iba rin naman na may punto kung
magsalita at kung minsay mayroon pang dagdag na kahulugan sa mga salita. Itoy marahil dahil sa
mga barayti ng wika na kinabibilangan ng bawat tao. Ang barayti ng wika ay may ibat ibang
pinagtutuunan ng pansin ngunit mayroon lamang isang layunin at yun ay ang makapagpahatid ng
mensahe at makamit ang pagkakaintindihan ng bawat isa. Hindi natin ito dapat isantabi ns lamang
sapagkat itoy tumutulong sa atin upang makamit ang pagkakaintindihan sa pakikipagkomunikasyon
natin lalo na sa ibat ibang tao sa lipunan. Katulad nga ng sinabi natin kanina, hindi naman lahat ng
alam nating mga salita ay may katulad na kahulugan sa ka ating kausap sapagkat ang ginagamit nating
barayti ng wika sa ibat ibang larangan ng ating pakikipagtalastasan ay naayon sa sitwasyon at mga
taong kausap natin. Mahalaga na malaman natin kung ano-ano ang mga ito upang madali nating
malalaman kung ano ang ating gagamitin sa pakikipag-usap sa ating kapwa.

1. Pakikipag-usap sa isang probinsyanong ng isang taga-Maynila.


Ito ay kalimitan nating nararanasan na nasa ilalim ng DAYALEK. Ang dayalek o ang
partikular na wikang ginagamit ng pangkat ng mga tao mula sa isang lugar ay nakatutulong sa
atin sapagkat ito ang nagsisilbing translator kumbaga upang mas maintindihan natin ang
sinasabi ng kausap natin sa paraan at lenggwaheng alam at pamilyar tayo pero hindi ito
nangyayari sa lahat ng oras. Sa pangaraw-araw naman natin ay nakararanas tayo nito, minsan
sa mga kausap natin ay ating mapapansin na iba ang kanilang paraan ng paggamit ng mga salita
pero parehas lang ang kanilang ipinararating sa atin. Parehas lamang ang diwang ating sabihin,
mayroon lamang tayong ginamit na paraang ating nakasanayan upang ating maipahayag ito.
Halimbawa, sa lalawigan ng Batangas ay hindi naglinis kung hindi nag-imis. Kung ikaw ay
hindi pamilyar sa mga salitang ito, hindi mo talaga siya maiintindihan pero parehas lang ang
kahulugan nito sa kahulugang alam natin sa naglinis.
2. Mga sikat na mga artistat tagapag-ulat ng mga balita sa telebisyon ay madadaling magagaya
Likas sa ating mga Pilipino na gayahin ang mga artista lalong lalo na ang kapag
mga lokal. Hindi lang natin sila hinahangaan sa kanilang mga talento kung hindi ay ginagaya pa
natin kung paano sila kumilos at magsalita. Noong sumikat ang Dubsmash ay mas lalo pang
dumami ang mga gumagaya sa mga artista. Si Kris Aquino na sikat sa kanyang maarte at conyo
na pananalita, ang Pabebe Girls, at si Noli De Castro ay iilan lamang sa mga halimbawa na
nagpakita ng mga natatanging pansariling paraan ng paggamit ng mga salita o IDYOLEK. Para sa
akin, bilang isang estudyante ay magagamit ko ito kung kailangan ng mga pag-arte sa aming
klase. Madali ko na malalaman kung sino ba ang aking dapat gayahin dahil sa kakaiba nilang
istilo sa paggamit ng wika.
3. Pakikipag-usap sa mga bakla, jejemon, at conyo
Sa paggamit ng SOSYOLEK, nalalaman natin kung ano na nga ba ang sinasabi ng
ating mga nakakasalamuha sa pangaraw-araw anumang grupo sila sa lipunan nabibilang. Bilang
mga Pilipino, madali na para sa atin na alamanin ano ang mga ito dahil naririnig naman natin ito
kahit saan at hindi na ito nawawala lalong lalo na ang lenggwahe ng mga bakla. Minsay katuwatuwa na ang mga salitang kanilang ginagamit at talagang magugulat ka na lamang at nagawa pa
nilang gamitin ang ganoong mga salita katulad ng maganda, kalimitay sinasabi nilay
Gandara Park imbis na yun na lamang ang sabihin. Ang pag-intindi sa mga ito ay hindi naman
mahirap gawin at hindi rin naman masama. Ang mahalaga ay alam natin paano ito gamitin ng
tama.
4. Pakikipag-usap sa mga kaibigan at sa mga magulang
Ang pakikipag-usap natin sa ating mga magulang ay naiiba sa pakikipag-usap
natin sa mga kaibigan. Mas nangingibabaw ang respeto natin para sa kanila kaysa sa kalagayan
ng ating loob na magsalita ng kung ano-ano na lamang. Sa REGISTER, kung saan ay ating
inaayon ang ating mga salita sa sitwasyon at kausap ay natututo tayo na maging sensitibo sa
ating mga salitang ginagamit. Hindi naman natin pwedeng tawaging bes ang ating mga nanay
dahil hindi naman ito tama, hindi ba? Kaya dapat nating iangkop ito ayon sa kung nasaan tayo at
kung sino ang ating kausap.

5. Ang paggamit ng mga salitang hustisya, batas, husgado ng mga abogado


Mahalaga lalo na sa mga propesyonal na alam nila ang kanilang mga sinasabing
salita na magkaugnay sa kanilang propesyon. Hindi naman magandang tingnan kung ang mga
itoy sinasabi ng isang doctor, hindi ba? Nararapat lamang na alam natin ito sapagkat magagamit
natin ito hindi lang sa mga araw na tayoy nagtatrabaho na kung hindi pati na rin sa pangarawaraw na pakikisalamuha sa ibang tao.

Tayoy nasaanmang sitwasyon, mahalaga pa rin na alam natin ang mga ito lalo na kung
paano at kalian siya gagamitin dahil ito ay makatutulong upang mas mapalawak pa natin ang ating
bokabularyo hindi lamang sa wikang Ingles kung hindi pati na rin sa umusbong na mga salita dahil sa
mga nagbungang mga ekstensyon ng wikang Filipino. Hindi man natin ito nakikita pero ginagamit natin
ang ibat ibang uri ng mga barayting ito sa ating pangaraw-araw na pakikipag-usap sa ating kapwa.

You might also like