You are on page 1of 2

A.

IPALIWANAG ANG MGA SUMUSUNOD AYON SA IYONG PAG-UNAWA


(HUWAG I-COPY PASTE):
1. WIKA
Para sa akin, ang wika ay ginagamit ng maraming tao tulad ng isang bansa
na halimbawa na lamang ay wikang filipino. Ang wika ay ginagamit sa anumang
lugar upang ang bawat isa ay magkasundo o magkaintindihan. Wika rin ay siyang
parang pinakatoktok ng mga diyalekto na kung saan ito ang gagamitin kung
sakaling ikaw ay mapapadpad sa ibang sambayanan. Ang wika ay ginagamit din
upang maipahayag ang iyong gustong sabihin sa ibat ibang pamamaraan tulad ng
pagsasalita o pagsusulat. Ang wika ay malaki ang sakop, kung mapapansin nyo ay
wikang pambansa ang ginagamit ng ating mga tv at radio broadcaster pero minsan
englis.

2. DIYALEKTO

Diyalekto naman ang tawag ko sa mga katutubong wika. Halimbawa, ako ay


isang ibaloi na naninirahan sa Itogon, kaya sa itogon kolang magagamit ang
diyalektong ibaloi kase pagpupunta ako ng ibang lugar ay iba rin ang gamit nilang
diyalekto. Ang diyalekto ay ginagamit ng mga tao sa probinsya, na parang
colonialism.

3. SOSYOLEK

Sosyolek naman ang tawag ko sa isang groupo na kung saan mayroon silang
sariling wika na sila lang ang nakakaintindi. Halimbawa, mga groupo ng mga bakla
at tambay. Sosyolek ang tawag sa mga groupo din ng mga taong kalye na pagnag
usap usap sila ay akala mo ikaw ay alien na hindi maintindihan ang mga salita nila.

4. IDYOLEK

Ang idyolek naman ay tawag ko sa mga estilo ng pananalita ng isang tao.


Halimbawa, ang estilo ng pananalita ng ating presidente na ginagaya ngayon ng
karamihan. Mayroon din namang ibat ibang estilo ang bawat isa at gagayahin din
kung sakaling sikat ka or nasa impersonification activity kayo.

5. REGISTER

Register naman aking tawag sa mga paraan ng pananalita ng isang tao batay
sa kanyang trabaho at lokasyon. Halimbawa, ang isang abogado ay nasa opisina at
kumakausap ng isang client na ang gamit na pagsasalita ay pormal, pero hindi na
pormal ang pakikipag usap kung nasa bahay lang naman. Rehistro ay nakabatay sa
kung ano ang ginagawa mo o trabaho mo.

6. PIDGIN

Ito naman ang tawag ko sa mga salita na hindi sinasadyang gamitin dulot ng
pagmamadali o pakiki adjust sa isang may kapansanan. Halimbawa, ako ay nasa
palengke na nagtitinda at ayaw ko naman sumigaw ng maraming linya kaya
sasabihin ko nalang na “likayu mura suki” instead na “halikayo mga suki, mura
lang tinda ko”.

7. CREOLE

Ito naman ang tawag sa pidgin na napaunlad na at ginagamit ng maraming


tao sa lipunan. Halimbawa, sa isang lipunan ay may isang groupo na nagpakalat ng
kanilang mg pidgin hanggang na adopt din ng isang groupo at inihalo sa kanilang
pananalita hanggang sa humantong na sa pagbuo ng isang creole tulad ng
chavacano.

8. JARGON

Ito ay mga salita na ginagamit ng mga professional na batay sa kanilang


mga trabaho na nagpapakita ng pagkamalikhain. Halimbawa, ang isang abogado na
gumagamit ng mga jargon sa kanyang kaso, at ikaw na nakikinig naiintindihan
moba? Hindi kase hindi ka abogado, gayundin sa iba pang mga profession.

B. ANO ANG PAGKAKAIBA NG SIKOLOHIKAL AT PEDAGOHIKAL?


IPALIWANAG.

Sa sikolohikal, hindi na mahalaga kung ano ang paraan ng pagbigkas o


estilo ng isang tao sa wikang filipino, ang mahalaga ay ang maunawaan ito ng mga
tao. Sa pagkakaintindi ko sa modyul kahit gumamit sila ng wikang filipino,
halimbawa ibaloi-filipino o english-filipino, basta ang mahalaga ay naiintindihan
ito. Sa kabilang banda, ang pedagohikal naman ay pagpayag na magsalita ang isang
tao ng sariling wika sa isang lipunan. Halimbawa, sa klasrum, hindi lang dapat puro
tagalog ang gagamitin ng mga studyante kung di ipagmalaki din nila ang
kanikanilang pananalita.

C. BAKIT NGA BA KAILANGANG PAG-ARALAN ANG MGA VARAYTI NG


WIKA? IPALIWANAG. (HUWAG I-COPY PASTE ANG NASA MODYUL).

Sa aking pagiisip, sinabi ng utak ko na ito ay upang malaman na may ibat


ibang tawag sa mga salita na napapakinggan mo sa paligid. Gayundin na
malalaman mo na ang groupo ay isang varayti ng wika. Nakakatulong din na
malaman ang mga varayti ng wika upang kung sakaling pupunta sa ibang lugar ay
malalaman mo na ,yun pala yung tinatawag na creole at pidgin.

Sabihin nyu lang maam kung gusto nyu ng mahabang sagot dadagdagan ko yang ng
tig iisang page. hahaha

You might also like